Saturday, July 13, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 20



CHAPTER 20

[ ELLAINE’s POV ]


“Ready ka na ba?” tanong sakin ni mama. “Nasa labas na yung taxi.”


Tumango ako. Ngayon na ang alis ko papuntang Korea. Inilibot ko ang tingin sa kwarto ko bago hilahin ang maleta ko palabas ng kwarto.


“Ayaw mo ba talagang ihatid kita?” tanong ni mama ng makalabas na kami ng bahay.


“Hindi na, ‘Ma. Kaya ko na.”


Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Mag-iingat ka do’n. Wag na wag kang magpapagutom. Tatawag ka sakin, okay?”


“Opo.” Niyakap ko siya ng mahigpit. “Mag-iingat po kayo dito, ‘Ma.”


“Ikaw din. Magpakatatag ka, okay?”


Kinagat ko ang labi ko ng maaalala ko si Jaylord. “O-opo.”


Sumakay na ko ng taxi at kumaway sa mama ko habang paalis ang sinasakyan ko. Ngayon lang kami maghihiwalay ng ganito ni mama. Hindi ko alam kung gaano katagal. Hindi ko masasabi. Hindi ko rin alam kung tama ang desisyon ko. Pero sa isip ko, kailangan kong gawin ‘to.


Tumingin ako sa labas ng bintana. “Manong pwede pong pakiliko sa kaliwa? May gusto lang po akong daanan.”


“Ano ‘yon, Miss?”


I sighed. Ang hina naman kasi ng boses ko. Parang wala kong lakas magsalita. Lagi na lang akong ganito. “Pakiliko po sa kaliwa, may dadaanan lang po ako.” Medyo malakas na sabi ko.


“Sige, Miss.” Niliko niya sa kaliwa. Isang minuto ang dumaan ng...


“Manong, pakihinto lang po saglit sa bakanteng lote.”


He stopped the taxi.


Nandito kami sa tapat ng hide-out namin ni Jaylord. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Sa punong mangga. At parang nakikita ko si Jaylord na nakaupo do’n at kumakaway sakin.


Is this really a goodbye, Jaylord? Parang hindi ko kaya.


Namalayan ko na lang na sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Pinunasan ko agad ang pisngi ko at isinuot ang shades ko. “Manong, alis na po tayo.” Isinandal ko ang ulo ko sa bintana at ipinikit ang mga mata ko.


Hinawakan ko ang necklace ko. Jaylord...


= = =


[ Anonymous’ POV ]


Nakatingin ako sa labas ng bintana ng kotse ko. Walang emosyon ang mukha ko habang pinagmamasdan ang mga sasakyang nasasalubong namin. Hanggang sa huminto ang sinasakyan ko.


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. “I told you not to go this way!” inis na sabi ko sa driver ko.


“Sorry po, Miss—”


“Jeez! Don’t talk! Wala ring magagawa ang sorry mo. Nakakainis!” gigil na sabi ko. “I hate traffic! I really hate it!”


Hate.


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyari two months ago. Almost two months na pala simula no’n. Simula ng mawala siya. Hindi dapat ako makonsensya sa nangyari. But I couldn’t help it.


No. Hindi dapat. It’s not my fault. Kasalanan ng babaeng ‘yon! Gusto ko lang na hindi matuloy ang kasal nila, hindi ang...


I sighed.


Nasa’n ka ba kasi, Seth? Bakit hindi ka na nagpakita sakin?


Gigil na tinutok ko ang mga mata ko sa labas ng bintana. Sa mga taong nag-aantay sa gilid ng kalsada. Kumunot ang noo ko. Kasabay ng pag-usad ng sinasakyan ko. “Stop the car!”


“Po?”


“I said stop the car!” sigaw ko.


Hininto naman ng driver ang kotse. Lumabas agad ako. Mabilis kong nilapitan ang taong nakita kong nakatayo kanina sa gilid ng kalsada, na ngayon ay naglalakad na.  

“Hey you!” sigaw ko.


Napalingon ang mga tao sa babae. Pati ang taong sinusundan ko.


= = =


[ CHAD’s POV ]


Tiningnan ko ang cellphone ko ng mag-ring ‘yon. May message akong natanggap. Mula kay Ellaine.


‘Nandito na ko sa airport. Thank you sa inyong tatlo. Thank you kahapon. Thank you for everything. Mag-iingat kayong tatlo. Walang away, okay?’


Nilingon ko sina Clay at Khalil. Hawak din nila ang mga cellphones nila. “Nagtext din sa inyo?” tanong ko sa kanila.


“Oo.” sagot ni Khalil na nasa kaliwa ko. Inilapag na niya ang phone niya.


“Wala daw away sabi niya.” I said.


“What do you mean by that?” tanong ni Clay na nasa kanan ko.


Nagtanong pa talaga siya. “Paalala lang po.” sabi ko, sabay pasimpleng sumipol at nagsimula uling kumain. Nandito kaming tatlo sa cafeteria at kumakain ng lunch. “Gusto ninyong puntahan siya sa airport? Maaga pa naman, eh. Mamaya pa ang flight niya.”


“Wag na.” Khalil said.


“Sige ba.” Clay said.


At nagkasabay pa silang sumagot na dalawa. Hindi lang sabay, kontra na naman ang sagot nila.


“Okay. Pero alin do’n ang gagawin natin?” natatawang tanong ko.


“Shut up, Chad.” chorus nilang sabi.


“Nasa menopausal stage ba kayong dalawa? Ang sungit ninyo.”


“Ewan ko sa’yo. At ewan ko sa inyo. Basta ako, pupunta ng airport.” inis na sabi ni Clay. Tinutok niya ang atensyon niya sa dyaryong hawak niya. Sinilip ko ang tinitingnan niya.


“Diba tumataya ka sa lotto?” Mahilig kasi siyang tumaya sa lotto. Hindi naman nananalo.


Tiningnan lang niya ko.


“Tumama ka ba ngayon? Tingnan nga natin.” pangungulit ko habang hinihila ang dyaryong hawak niya.


“Wag ka nga. Kapag ‘to napunit, pupunitin ko ang mukha mo. At hindi ko pa tinitingnan. Mamalasin ako kapag kasabay kitang tumingin. Tapos na kong kumain.” Tumayo na si Clay bitbit ang dyaryo niya. At iniwan na kami.


Napakamot ako ng ulo at nilingon si Khalil. “Pustahan tayo, ‘tol. Hindi pa rin siya tatama sa lotto.” I said.


“Same here.”


“Anong pusta mo?”


“Isang buwang sweldo ko.”


“Ako din.”


“Whoah!”


Sabay kaming napalingon sa likuran namin ng marinig namin ang sigaw na ‘yon. Nakita namin si Clay na tumatalon na parang ewan.


“Hey, Clay? Don’t tell me, tumama ka sa lotto?” tanong ko sa kaniya.


“Oo! Oo! Oo!” tuwang-tuwang sagot niya. Mabilis siyang tumalikod ng humarap uli siya. “Pinapatawag pala kayo ni Mr. President sa mansion! Ngayon na!” Saka parang baliw na tumakbo habang sumisigaw. “Yes!” sigaw pa niya.


“Tumama talaga siya?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Khalil.


“Narinig mo naman diba?”


“Paano ‘yan? Diba may LQ kayong dalawa? Baka hindi ka niya balatuhan.”


“Tigilan mo ko.” Tumayo na si Khalil at lumabas ng cafeteria. Natatawang sumunod ako. “Bakit kaya tayo pinapapunta ng mansion?” tanong niya.


“Baka tungkol sa kaso.”


“Hindi kaya nalaman nila ang ginawa natin kagabi?” tanong niya.


Saglit akong natigilan. “Hindi pwedeng malaman nila ‘yon. Maayos nating na-trabaho ‘yon.”


“Sabit tayong tatlo pag nagkataon. At baka sa kangkungan na tayo pulutin pagkatapos nito.”


Wag naman sana nilang malaman. Kung hindi, baka hindi lang kami sa kangkungan pulutin nito.


= = =


[ ELLAINE’s POV ]


Nandito na ako sa airport. Nakaupo at hinihintay ang oras ng flight ko. Para makaalis sa bansang ‘to.


Makaalis. I sighed. Tama ba ‘tong gagawin ko? Ang umalis sa bansang ‘to? Pero... Hinawakan ko ang necklace ko. Jaylord...


“She is Ellaine, my girlfriend. She’s the first and will be the last. Because someday, she will be my wife.”


Kinagat ko ang labi ko ng sumagi sa alaala ko ang sinabi niyang ‘yon noon.


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko para hindi na matuloy ang pagbagsak ng luha ko. Ayokong umiyak dito. Kailangan kong magpakatatag. Pipilitin kong kayanin. Kahit mahirap. Pipilitin ko.


Hindi ko alam kung kailan ako aaktong normal. Hindi ko alam kung kailan ako hindi iiyak sa tuwing maaalala ko siya. Hindi ko alam kung kailan aalis ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko alam kung kailan ako tuluyang makakapag-paalam sa kaniya. I can’t let him go. Hindi pa ngayon. Hindi ko alam kung kailan.


I opened my eyes when I heard the voice from the airport’s speaker. I sighed. Kinuha ko ang bag ko, tumayo at sumabay sa mga tao.


Bawat paghakbang ng mga paa ko, parang ang bigat. Parang...


Napahinto ako. At saglit na natigilan.


Déjà vu.


Ganitong-ganito din ang naramdaman ko. Ganitong-ganito din ang naisip ko. Ganitong-ganito ang nasa panaginip ko. Ganitong-ganito din. Ibig bang sabihin no’n—


“Ellaine!”


Napalingon ako sa likuran ko. And I saw him standing a few feet away from me.


“Clay.”


Tama. Si Clay ang nakita ko. Hindi ang inaasahan kong si Jaylord.


At tama nga sila. Kabaligtaran ng mangyayari sa real world ang napapanaginipan mo. Dahil ang katotohanang pwede pang bumalik si Jaylord ay mangyayari na lang sa panaginip ko.

= = =

1 comment:

  1. hindi kaya si clay....... no. gusto ko lang si jaylord ms. author.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^