Saturday, July 13, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 19



CHAPTER 19

[ ELLAINE’s POV ]


“Hmm...” Iminulat ko ang mga mata ko. Ilang segundo akong nakatitig sa kisame ng maalala ko ang nangyari kanina. Ang mga narinig ko. “Si Drenz.” Napabalikwas ako ng bangon at lumabas agad ng kwarto ko.


Naabutan ko si mama na papunta ng kusina. “Ma.”


Napalingon siya sakin. “Ellaine, gising ka na pala. May bisita ka. Si Khalil. Nasa verandah siya. Kararating lang niya.” Humakbang na siya papasok ng kusina.


Kumunot ang noo ko. Bakit gano’n? Hinimatay ako kanina diba? Bakit parang walang alam si mama? Hindi ba dapat sinabi na sa kaniya ni Khalil? “Ma, kailan pa po kayo dumating?”


Lumingon siya saglit sakin. “Kanina pa ko dito.” sagot niya bago tuluyang pumasok ng kusina.


Kumunot ang noo ko. Kanina pa si mama? Kararating lang ni Khalil? Paano nangyari ‘yon? Wala si mama ng magising ako kanina at makita ko si Khalil at Drenz na...


I bit my lower lip. And held my necklace.


Mabilis akong humakbang papunta ng verandah. Naabutan ko si Khalil na nakaupo patalikod sa gawi ko habang umiinom ng juice.


“Khalil.”


Napalingon siya sakin. At ngumiti. “Aalis na sana ko kung hindi ka pa magigising. Tanghali na, ah.”


Kumunot ang noo ko. Bakit ganyan ang reaksyon niya na parang walang nangyari kanina? Umupo ako sa katapat niyang upuan. “Khalil.” Huminga ako ng malalim. “Yung mga narinig ko kanina.”


“Huh? Anong narinig?” nakakunot-noong tanong niya.


Bakit parang wala siyang alam sa sinasabi ko? “Y-yung pag-uusap ninyo ni D-drenz. I h-heard it. Na nando’n siya sa w-warehouse. N-na...” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hindi matanggap ng utak ko ang mga narinig ko kanina.


Mas lalong kumunot ang noo niya. “Wait. Anong pag-uusap namin ni Drenz?”


I sighed. “Khalil naman. Wag mo nang ipaulit sakin ang mga narinig ko kanina. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Na ang kaibigan kong si Drenz may alam sa...” Nangilid ang luha ko. Yumuko ako. Sunod-sunod akong umiling. “Hindi pwede...”


“Ellaine.”


Napatingin ako sa kaniya.


“I’m sorry pero hindi ko alam yung tinutukoy mo. Kararating ko lang at ang mama mo ang naabutan ko dito. Not Drenz.”


“Pero...” Narinig ko talaga. Hindi ko lang narinig, nakita ko pa. Paanong mangyayaring walang alam si Khalil? Pero kung titingnan ko siya ngayon, parang wala siyang alam sa mga sinasabi ko.


“Hindi kaya nanaginip ka lang?”


“Nanaginip?” ulit ko. Naalala ko ang panaginip ko na nasa airport ako at biglang dumating si Jaylord. Hindi kaya parte lang din ng panaginip ko yung kaninang nakita ko sa labas gate? “Siguro.” pagsang-ayon ko na lang. Dahil mas gusto kong maniwalang panaginip lang din ‘yon.


“At paano mangyayari ‘yon kung wala dito sa bansa si Drenz? Malamang, nanaginip ka lang kanina. Wag mo nang masyadong isipin ‘yon, okay.”


Tama siya. Si Charie ang nagsabi sakin no’n dahil ‘yon daw ang sinabi ni Drenz sa kaniya. Panaginip lang ang lahat nang nangyari kanina. Nakahinga ako ng maluwag.


“Tama ka, Khalil.” Matipid akong ngumiti. “Ano nga palang ginagawa mo dito? Wala ka bang pasok?”


“Nag-half day ako. May inasikaso lang.”


Saglit na katahimikan ang dumaan.


“Ayaw mo ba talagang magpahatid bukas?” tanong niya. Bukas na kasi ang alis ko papuntang Korea. One week nang nakaalis pabalik ng States sina Pearl at Emjhay.


Umiling ako. “Kaya ko na.”


Hindi na siya nagsalita. Tumingin lang siya sa hawak niyang baso. Nakakapanibago. Parang dati, hindi siya maubusan ng kwento. Maging sina Chad gano’n din. Hindi man halata, pero marami na ding nagbago simula ng mawala si Jaylord.


“Magiging okay ka din, Ellaine.” maya-maya ay sabi niya ng hindi lumilingon sakin. Hindi ako nagsalita. “Magiging okay din tayong lahat. Darating ang oras na mawawala din ang sakit ng pagkawala niya.”


“Khalil.”


Pinaikot niya ang basong hawak niya. “Ang sabi ng kaibigan ko, manhid daw ako dahil hinahayaan ko ang isang taong magpakalunod sa sakit ng pagkawala ng mahalagang tao sa buhay niya. Akala lang ng kaibigan ko ‘yon. Hindi naman ako manhid, eh.”


Kinagat ko ang labi ko. At hindi na nagsalita.


“Mapapagod lang kasi ang taong ‘yon kung pipigilan niyang ilabas ang nararamdaman niya, emotionally and physically. Katulad ngayon, kung anu-anong napapanaginipan niya. Masokista nga siguro ako. Pero ang isa sa mga natutunan ko sa buhay na hinding-hindi ko makakalimutan,”


Huminga siya ng malalim. “That when you’re in pain, don’t fight it because you’ll just get exhausted. Just what Shakespeare said, ‘feel the pain, till it hurts no more.’” Nilingon niya ko. “Hanggang sa dumating ang araw na tuwing maaalala mo siya, wala ka ng mararamdamang sakit.”


Tama siya. Hanggang sa dumating ang araw na ‘yon.


“Hayyy...” Nag-inat siya. At ngumiti. “Gusto mo bang mamasyal? Anywhere you want to go. Paalis ka na bukas, eh. Sa totoo lang, pasunod na dito si Chad.”


“Si Chad lang?” Pilit kong pinasigla ang boses ko.


“Yung isa din.”


Kumunot ang noo ko. Yung isa? Bakit hindi niya binanggit ang pangalan ni Clay? “Bakit parang—”


“Sige na. Magbihis ka na.”


Nagtataka man ay napatayo na rin ako. Sumandal naman siya sa upuan niya. At kumuha ng cookie sa plato.


I sighed. This guy. Hindi lang siya. Maging sina Chad at Clay. Hindi nila ko pinababayaan. They’re like my brothers. At masaya akong naging parte sila ng buhay ko. Na kahit sa’ng lupalop ako ng mundo, hindi sila mawawala sa isip ko.


“Khalil.” tawag ko sa kaniya.


“Hmm?”


“Thank you.” Iyon lang at pumasok na ko ng bahay.


= = =


[ KHALIL’s POV ]


Napasunod ako ng tingin kay Ellaine hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. I sighed. Naalala ko ang pag-uusap namin ng mama niya kanina.


“Ano bang nangyari kay Ellaine, Khalil?” tanong ng mama ni Ellaine. Nasa sala kaming dalawa matapos kong dalhin si Ellaine sa kwarto niya.

“May narinig po siyang hindi niya pwedeng marinig kaya hinimatay siya.”

“Anong narinig niya?”

I sighed. “I’m sorry, Tita Julia. Pero mas mabuti na pong hindi ninyo muna malaman sa ngayon.”

“Is it about Jaylord?”

“Yes, Tita.”

Tumango-tango siya. “Si Drenz, bakit na lang siyang umalis kanina?”

Hindi ako makasagot. Hindi niya pwedeng malaman ang mga pinag-usapan namin ni Drenz kanina.

“Okay. Naiintindihan ko. Mas mabuti na ngang wala kong malaman dahil baka mahirapan akong magsinungaling sa anak ko.”

Nakahinga ako ng maluwag. “Salamat, Tita.”

“Bukas na ang alis ni Ellaine kaya ayokong gumulo pa ang isip niya. Pero paano pag nagkamalay na siya? Tiyak na magtatanong ang anak ko.”

“We need to lie, Tita. Kung magtanong po siya sa inyo kung kararating lang ninyo, pwede po bang sabihin ninyong kanina pa kayo at kararating ko lang dito? We need to act as if we didn’t know anything. Ako na lang po ang bahalang magdahilan sa kaniya kapag nagtanong siya ng tungkol sa nangyari kanina. I’m sorry, Tita, but we need to this.”


Kinagat ko ang cookie na hawak ko.


When I saw Ellaine’s expression nang tanungin niya ko ng tungkol kay Drenz, alam kong hindi niya matanggap. Hindi pa siya totally na nakapag-move on sa nangyari kay Jaylord. Ayoko nang dumagdag pa sa iniisip niya ang tungkol kay Drenz.


“I’m sorry, Ellaine. Kapag maayos ka na, malalaman mo rin ang lahat.” bulong ko sa hangin. “Sa ngayon, kami na muna ang bahala. Kami na muna ang bahalang umalam sa katotohanan.”


Nawala ang cookie na hawak ko ng may kumuha no’n sa kamay ko. Napalingon ako sa likuran ko. I saw Chad eating it while smiling. Umupo siya sa katabi kong upuan.


“Anong binubulong mo kanina?” tanong niya.


Nagkibit-balikat ako. “Wala lang.”


“Itext na lang daw natin si Clay. Susunod na lang daw siya sa lugar na pupuntahin natin.”


“Wala kong load.”


“Okay.” natatawang sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama. Tumikhim siya. “Si Ellaine, nasa’n na?” tanong niya. Sabay kuha ng cookie sa plato at sinubo ng buo.


“Nagbibihis pa.” Lumapit ako sa kaniya ng bahagya. “I saw Drenz. Nandito siya kanina.”


Sumeryoso ang mukha niya. “Hindi ba’t nasa ibang bansa siya?”


“Malay natin kung umuwi na siya.”


“Nasa’n siya?”


“Nakatakas.”


“What?! Again?! Ano ka ba naman, Khalil? Nung una nakatakas sa’yo, tapos ngayon—“ Tinakpan ko ang bibig niya.


“Ang ingay mo.” bulong ko. “Do’n tayo sa labas ng bahay. Sa labas nitong bahay.” Tumayo ako at sumunod naman siya. Nagpaalam kami kay Tita Julia na may kukunin lang kami sa kotse.


Sinabi ko kay Chad ang pinag-usapan namin ni Drenz kanina. Hindi maipinta ang mukha niya pagkatapos kong mag-kwento.


“Hindi daw siya ang pumatay kay Jaylord pero nando’n siya. At tatlo silang nando’n. Kilala natin ang isa.” sabi ni Chad. Humalukipkip siya. “Kilalang-kilala natin.”


Nagkatinginan kami. “Si Seth.” sabay naming sabi.


“Kailangan na natin siyang mahanap.” He said while gritting his teeth.


“At kailangan din nating mahanap uli si Drenz.”


“Itutuloy pa ba natin ang plano mamayang gabi?”


“Nagbago ba ang isip mo? Hindi ba’t ikaw ang nag-suggest na gawin natin ‘to?”


“Khalil, pare, ikaw na mismo ang nakarinig sa mga sinabi ni Drenz kanina. Kung dati, nagdadalawang isip pa ko kung siya nga ‘yong bangkay na nakita sa warehouse. Pero ngayon...” Napamura na lang siya at inis na sinuntok ang ibabaw ng kotse niya.


I sighed. Parang nawalan na rin ako ng pag-asa. “Naka-plano na ‘to, Chad. Kailangan na nating ituloy. Ayokong asahan ang mga narinig ko kanina.”


“Fine.” Tiningnan niya ko. “Ang sabi mo, narinig ni Ellaine?”


“Nagawan ko na ng paraan. I told her na panaginip lang ‘yon. Umaktong parang walang nangyari si Tita Julia kanina. At mukhang naniwala naman siya. Ikaw nang bahalang magsabi kay Clay.”


“Hindi pa rin ba kayo mag-uusap?”


Humakbang na ko ng papasok ng gate. “Nag-uusap kami.”


Sumunod siya sakin. “Nag-uusap na parang hindi kayo magkakilala. Pag-uusap ba  ang tawag ‘don? Yung pride ninyo kasing dalawa, pakibaba.”


“Wag mo na lang kaming pansinin.” Hindi ko talaga matanggap ang sinabi ni Clay na manhid ako ng araw na ‘yon until now. Hindi ako manhid when it comes with girls. Lalo na kay Ellaine. Para ko na siyang kapatid. It’s just that, magkakaiba lang kami ng way ng pagtulong kay Ellaine. At lagi kaming salungat ni Clay.


“Wag pansinin? Eh, halata nga kayong dalawa. Umayos kayo sa harapan ni Ellaine mamaya.”


“Maayos ako. Si Clay ang pagsabihan mo.”


“Yeah, right. Nasa’n na ba ang dating Khalil at Clay? Mukhang nawawala na.”


“Nandito lang si Khalil. Mukhang si Chad ang nawawala.


“Pati sense of humor mo, nawala.”


“You, too.”


Tama naman ako.


Parang may nawala.


Parang may nagbago.


Hindi.


May nawala talaga.


May nagbago talaga.

= = = 





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^