Saturday, July 13, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 18



CHAPTER 18

[ ELLAINE’s POV ]


Ngayon na ang alis ko papuntang Korea. Nandito na ako sa airport. Hindi ako nagpahatid kina mama, pati kina Khalil. Mas gusto kong mag-isa. Dahil simula sa  araw na ‘to, mag-isa na lang ako. Ilang minuto na lang ang hihintayin ko para tuluyang makaalis.


Makaalis. I sighed. Tama ba ‘tong gagawin ko? Ang umalis sa bansang ‘to? Pero... Hinawakan ko ang necklace ko. Jaylord...


“She is Ellaine, my girlfriend. She’s the first and will be the last. Because someday, she will be my wife.”


Kinagat ko ang labi ko ng sumagi sa alaala ko ang sinabi niyang ‘yon noon.


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko para hindi na matuloy ang pagbagsak ng luha ko. Ayokong umiyak dito. Kailangan kong magpakatatag. Pipilitin kong kayanin. Kahit mahirap. Pipilitin ko.


Hindi ko alam kung kailan ako aaktong normal. Hindi ko alam kung kailan ako hindi iiyak sa tuwing maaalala ko siya. Hindi ko alam kung kailan aalis ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Hindi ko alam kung kailan ako tuluyang makakapag-paalam sa kaniya. I can’t let him go. Hindi pa ngayon. Hindi ko alam kung kailan.


I opened my eyes when I heard the voice from the airport’s speaker. I sighed. Kinuha ko ang bag ko, tumayo at sumabay sa mga tao.


Bawat paghakbang ng mga paa ko, parang ang bigat. Parang...


“Ellaine!”


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Ang boses na ‘yon, bakit ba naririnig ko? Bakit ba—


“Ellaine! Stop!”


Natigilan ako. Napadilat. At napahinto sa paghakbang. Tama ba ang narinig ko? Sunod-sunod akong umiling. No. Naghahalucinate lang ako. Gusto ko lang marinig ang boses niya kaya naririnig ko siya. Miss na miss ko na siya kaya naririnig ko ang boses niya.


Kinuyom ko ang kamao ko at humakbang uli ng...


“Ellaine Manansala! I said stop!”


Huminto uli ako. Pero hindi ko magawang lumingon sa likuran ko. Hindi ko magawang lumingon dahil ayokong umasa at malamang nababaliw na talaga ko dahil sa naririnig ko.


Hanggang sa maramdaman kong may humawak sa braso ko. Napatingin ako sa kamay na humawak sakin. Parang slow-mo na dahan-dahan akong iharap ng taong ‘yon.


At dahil sa kamay niya na nakahawak sa braso ko ako nakatingin, umabot sa paningin ko ang suot niya. Nakasuot siya ng pantalon na may butas sa tuhod. Sa white t-shirt niyang madumi. Hanggang sa tumaas ang tingin ko sa mukha niya.


I felt my body stiffened when I finally saw his face. Lalo nang magsalita siya.


“Elle.”


Natutop ko ang bibig ko. Para akong nakakita ng multo. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Basta naramdaman ko na lang ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.


“J-jay..l-lord?” bulol kong tanong.


Hindi siya nagsalita. Niyakap niya lang ako.


“J-aylord?”


“Yes, it’s me.” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sakin.


Hindi na ko nakapagsalita dahil napahagulgol na lang ako. Hindi ako makapaniwala. He’s alive. He’s hugging me.


“Jaylord...” umiiyak kong sabi. “B-buhay ka...”


Naramdaman ko ang paghaplos niya sa ulo niya. “Shh... I’m sorry kung natagalan ako. I’m sorry, Elle.”


Sunod-sunod akong umiling. “Hind ako...” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil para kong batang umiiyak. Kumapit ako sa kaniya ng mahigpit na parang ayoko na siyang pakawalan. “Jaylord...”
 

“I’m sorry If I had to leave you.”


Ang daming tanong sa isip ko. Pero hindi na ko makapag-isip ng matino. All I wanted was to hug him. Tighter. Na parang nagpapatunay na buhay talaga siya. Buhay si Jaylord. At yakap ko siya.


“And I’m sorry If I couldn’t stay any longer.”


Kumunot ang noo ko ng maramdaman ko ang paglayo niya sakin. Hanggang sa maramdaman kong hindi ko na siya yakap, hindi na niya ko yakap. Paano nangyari ‘yon? Yakap ko lang siya ng mahigpit.


Nang tuluyan kong naidilat ang mga mata ko, wala na siya sa harap ko. At wala na rin ako sa airport. Nandito ako sa harap ng nasusunog na warehouse. Sunod-sunod akong umiling nang marinig ko ang boses niya. Ang pag-sigaw niya.


“Jaylord!” sigaw ko.


“Ellaine!”


Napasalampak ako ng upo sa kalsada habang nakatingin sa nasusunog na warehouse. “Jaylord!”


Napabalikwas ako ng bangon. Wala ako sa airport. Wala ako sa warehouse. Nandito ako sa kwarto ko.


Napahawak ako sa necklace ko. “Jaylord...”


It was just a dream. Hindi siya bumalik. Niyakap ko ang tuhod ko. Parang nararamdaman ko pa rin ang init ng yakap niya. Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.


“Jaylord...bakit...? Bakit nawala ka kaagad...? Bakit hinayaan mong magising ako...? Sana man lang, pinatagal mo pa... Miss na miss na talaga kita... Gustong-gusto na kitang makita... Kahit man lang sana sa panaginip ko, maramdaman kita... Maramdaman kong buhay ka... Ang daya-daya mo talaga...”


Hinawakan ko ang ulo ko ng maramdaman ko ang pagsakit no’n. Lagi na lang ganito tuwing iiyak ako pagkagising ko. Tuwing naiisip ko si Jaylord.


Tahimik lang akong umiyak.


Hanggang sa mapagod ako.


Hanggang sa antukin ako.


Hanggang sa...


“Stop right there!” Narinig kong sigaw mula sa labas ng bahay.


Pinunasan ko ang pisngi ko. Tumayo ako at lumapit sa bintana ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko sa nakita ko.


= = =


[ KHALIL’s POV ]


Malapit na ko sa bahay ni Ellaine ng mapansin ko ang isang lalaki sa tapat ng gate nila. Bumaba agad ako ng kotse matapos kong iparada ‘yon. Bahagyang nakatalikod ang lalaki sa gawi ko kaya hindi ko makita ang mukha niya.


“Hey.”


Dahan-dahan siyang lumingon sakin.


Naningkit ang mga mata ko ng tuluyan ko siyang makilala. “Drenz.”


“Ikaw pala.” Nilingon niya ang bahay. “Mukhang walang tao sa loob. Sige.” Humakbang na siya palapit ng kotse niya.


“Sandali.”


Napahinto siya. At lumingon sakin. “Bakit?”


Humalukipkip ako. “Alam mo bang ang hirap mong hanapin?”


Kumunot ang noo niya. Pero hindi siya nagsalita.


“Nakatakas ka nung pumunta ka dito. Pero hindi na ngayon. Now tell me, bakit bigla kang nawala sa NPC?” deretso kong tanong.


He grinned. “Namiss mo ba ko?” Hinimas niya ang baba niya. “Sa pagkakatanda ko, hindi naman tayo close, right? Pinagseselosan ninyo pa nga ko ni Chad dahil lagi kong kasama si Charie. Kamusta na nga pala kayo ni Charie? Sinong nanalo sa inyo ni Chad? Oh! May boyfriend na nga pala siya.”


Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya dahil wala kong panahong makipag-biruan sa kaniya. “Bakit bigla ka na lang nag-resign the day after Jaylord died?” ulit kong tanong.


Mukhang napansin niya na seryoso ako kaya nawala na ang ngiti niya. “Ano namang kinalaman sa’yo ng pagre-resign ko?”


“Hindi sakin kundi kay Jaylord.”


Nakita kong umilap ang mga mata niya. “Hindi ko alam ang patutungahan ng pag-uusap na ‘to o kung may patutunguhan nga ba ‘to. I’d better get going.” Humakbang na siya.


“Stop right there.”


Nagpatuloy lang siya sa paghakbang.


“Stop right there!” sigaw ko.


Huminto siya pero hindi siya lumingon. “Iniisip mo bang may kinalaman ako sa pagkamatay niya?”


“Are you guilty?” balik-tanong ko.


“Ganyan na ba kayo kadesperado ng mga kaibigan mo na pati akong walang kamuwang-muwang sa pagkamatay niya, pinag-iisipan ninyo ng hindi maganda?” balik-tanong rin niya ng hindi pa rin lumilingon.


“Don’t worry, hindi lang naman ikaw ang pinagsu-suspetsahan namin.”


“Dapat ko bang ikatuwa ‘yon?” Tumawa siya ng pagak. “Then thank you.” Humakbang na siya. At binuksan ang pintuan ng kotse niya.


Hindi na ko nakatiis. Mabilis akong lumapit sa kaniya. At bago pa siya makapasok sa loob ng kotse ay tinulak ko na pasarado ang pintuan.


“Hey! Ano ba talagang problema mo?” nakakunot-noong tanong niya.


“May kinalaman ka ba sa pagkamatay ng kaibigan ko?”


“Kung sabihin kong mero’n, anong gagawin mo?”


Hinawakan ko ang kwelyo niya ng polo shirt niya at isinadlak siya sa kotse niya. “Anong gagawin ko?” I gritted my teeth. “Baka mas masahol pa sa nangyari kay Jaylord ang gawin ko sa’yo.” madiing sabi ko.


He grinned. “Sorry to disappoint you, pero wala akong kinalaman sa pagkamatay ng kaibigan mo.”


“Hindi ka ba talaga magsasabi ng totoo?” nanggigigil kong tanong.


“Ano namang sasabihin ko? At bakit ba ako ang pinag-iinitan mo?”


“Walang tiwala sa’yo si Jaylord.”


“Tamang dahilan na ba ‘yon para pagbintangan mo ko?”


“Because I know who you are, Drenz Sanchez. Pina-back ground check ka namin. Gusto mo bang isa-isahin ko ang mga nalaman ko tungkol sa’yo?”


Umilap ang mga mata niya. Umiwas siya ng tingin. Tumaas ang sulok ng labi ko.


“Magsasalita ka ba o hindi?”


Matagal bago siya sumagot. And I saw how his face tightened ng tingnan niya ko. “Wala kong kinalaman sa pagkamatay niya. Wala.” madiing sabi niya. Tinanggal niya ang kamay ko sa kwelyo niya.


“Mero’n man o wala. Alam kong may alam ka.”


“Kung mero’n man, bakit ko naman sasabihin sa’yo?”


Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at huminga ng malalim. “Just for Ellaine, Drenz. Magsabi ka ng nalalaman mo. Maawa ka naman sa kaniya.”


Nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha niya bago siya sumagot. “Nando’n ako sa warehouse ng araw na ‘yon.”


Kinuyom ko ang kamao ko. “Ikaw nga ang pumatay sa kaniya?”


“No. May ibang tao maliban saming dalawa.”


“Sino?”


Hindi siya sumagot.


“Sino?” sigaw ko. Kwinelyuhan ko siya. “Sino, Drenz? Sino ang pumatay sa kaniya?”


“Kilala ninyo siya. Kilalang-kilala ninyo siya.”


“Sino sabi?” nanggigigil kong tanong.


Hindi siya sumagot. Dahil napatingin siya sa bandang likuran ko. Nilingon ko ang tinitingnan niya. Para lang magulat. Binitiwan ko ang kwelyo ni Drenz.


“Ellaine.” Kanina pa ba siya dyan? Narinig ba niya ang mga pinag-usapan namin ni Drenz? Pero base sa reaksyon ng mukha niya habang nakatingin samin, mukhang narinig niya.


Hawak niya ang bibig niya habang umiiling siya. “N-nando’n ka sa w-warehouse? P-pero b-bakit? K-kasabwat ka ng...” Sunod-sunod siyang umiling. “W-wala kong maintindihan.” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya.


“Ellaine, magpapaliwanag ako.” Drenz said in a low tone.


“Don’t.” pigil ko kay Drenz ng akmang lalapitan niya si Ellaine. “Wag kang lalapit sa kaniya.”


Nakita kong napahawak si Ellaine sa ulo niya. At parang matutumba. “A-ang gulo...” mahinang sabi niya.


Mabilis akong nakalapit sa kaniya bago pa siya tuluyang matumba. “Ellaine!” Tuluyan na siyang nawalan ng malay. “Shit!” Mabilis ko siyang binuhat at pinasok sa gate.


“Khalil, anong nangyari kay Ellaine?”


Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko ang mama ni Ellaine na nakasunod sakin. “Tita.” Paano ko ba ipapaliwanag ‘to?


“Nakita ko si Drenz sa labas pero umalis agad.”


Shit! Natakasan na naman niya ko!

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^