Sunday, July 28, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 21



A/N: Weeeehhh! Gusto ko lang bumati, Hahaha!

Hello to beshie Ellaine! Ang heroine ng story na 'to. Eto na, girl! XD

And to her friends! Kay kua uhm na gustong sapakin si Drenz, haha! Thank you sa inyo! Malalaman ninyo na kung sinong mananalo sa pustahan ninyo. Treat ninyo ko, ah? Hahaha!

Kawai kay NICOLE, LEI, KAREN at sa friend niyang si NORLIZA (am i ryt or left? XD)

And sa mga anon and silent reader na nagbabasa nito!

THANK YOU SO MUCH! I REALLY LOVE YOU guys! ^___^

And to CASSY, friend of Elle. Ito na sis! (sa mga susunod na chapters)

CHAPTER 21
[ ELLAINE’s POV ]


“Ano ba talagang nangyari kay Lolo Ferdinand?” paulit-ulit kong tanong kay Clay. Nakasakay ako sa kotse niya habang nagda-drive siya.


Yun ang dahilan kaya niya ko pinuntahan at kinaladkad, not literally, paalis ng airport. Siya na daw ang bahala na magpa-book uli ng flight ko kinabukasan. Kailangan lang daw akong makita ng lolo ni Jaylord.


“Tumaas ang presyon niya.”


“Bakit nga?”


“Pagdating na lang natin ng mansion, Ellaine.”


Wala kong lakas makipagtalo kaya tumahimik na lang ako. Lihim akong nagdasal. Wala naman sanang masamang nangyari kay Lolo Ferdinand. Wala naman sana.


Pinikit ko ang mga mata ko. Pinilit kong hindi makatulog sa taxi kanina habang papunta ng airport kahit antok na antok ako. Pero ngayon...


Tuluyan na kong nakatulog.


Nagising na lang ako ng may tumatapik sa braso ko. Iminulat ko ang mga mata ko. Nakangiting si Clay ang nakita ko. Kumunot ang noo ko. “Nasa’n ba ko? Bakit nandito ko?” wala sa sariling tanong ko.


“Nandito na tayo sa mansion.” sagot niya.


Oo nga pala. Lumabas na siya ng kotse. Lumabas na din ako. Habang humahakbang ako papasok ng mansion, bumibigat ang mga paa ko. Kailan ba ko huling pumunta dito? Madami rin kaming alaala dito ni Jaylord. Napahawak ako sa dibdib ko. Kailan ba mawawala ang sakit?


I sighed. Itinutok ko na lang ang mga mata ko sa dinadaanan ko at hindi na nag-abalang ilibot ang tingin ko. Dahil kapag—


“Aray!” daing ko. Hinimas ko ang noo kong nauntog sa likod ni Clay.


“Sorry.”


“Okay lang. Kasalanan ko naman.”


“Nandito na tayo.” Nasa harap kami ng...


“Library? Bakit dito?” Ang alam ko, kapag may mahalagang pag-uusapan ang pamilya Nevarez, dito sa library sila nag-uusap. Anong mahalagang bagay na ‘yon ang pag-uusapan ngayon at bakit kailangan akong makausap ni Lolo Ferdinand?


Kumatok si Clay bago buksan ang pintuan. Nauna siyang pumasok. Sumunod ako. Napalingon ang mga tao samin. Si Lolo Ferdinand na nakaupo sa sofa katabi si Lola Corazon. At si Tito William na nasa kabilang sofa. Sina Khalil at Clay na nakasandal sa tabi ng bookshelves na nginitian ako. At si...


Kumunot ang noo ko. Si Megan? Anong ginagawa niya dito? Saka may katabi din siya sa sofa. Pero hindi ko makita dahil nakaharang si Tito William. Hindi ko alam pero bakit parang kumabog ang dibdib ko.


At hindi ko rin alam kung bakit nandito silang lahat. Pero aalamin ko pa din ang kalagayan ni Lolo Ferdinand.


“Kailangan ninyo daw po kong makausap, lolo? Tumaas daw po ang presyon ninyo ang sabi ni Clay. Ano pong nangyari? Okay lang po ba kayo?”


“Pupunta ka daw ng Korea ngayon, iha?”


Napayuko ako. “Sorry po kung hindi ko pinaalam sa inyo. Okay lang po ba kayo?” ulit kong tanong.


“Tumaas lang ang presyon ko dahil—”


“Magku-kwentuhan na lang ba tayo dito?” singit ng isang tinig.


Napaangat ang tingin ko. Tumayo ang balahibo ko. Ang boses na ‘yon! Kaninong boses ‘yon? Bakit naririnig ko ‘yon? Ako lang ba ang nakarinig o pati sila?


Hindi ko na kailangang alamin dahil...


Tumayo ang katabi ni Megan.


Nanlaki ang mata ko. Natutop ko ang bibig ko. Ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Naghahalucinate lang ba ko? Tuluyan na ba kong nabaliw? Ramdam ko ang panginginig ng kamay kong nasa bibig ko. At parang nanghihina din ang mga tuhod ko.


He was standing a few feet away from me. Mas mahaba ang buhok niya kesa dati. Tumubo na din ang bigote niya. Pumayat din siya. Medyo madumi ang puting t-shirt na suot niya. Butas ang kupas niyang pantalon sa bandang tuhod. May mga sugat din siya.


At never ko siyang maipagkakamali sa ibang tao. Buong buhay ko siyang nakasama kaya hindi pwedeng hindi ko siya makilala.


“J-jaylord...” Nag-init ang sulok ng mga mata ko.


Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin. At kung panaginip na naman ito, ayoko munang magising. Pipilitin kong hindi magising para lang hindi siya mawala sa paningin ko. Sobrang miss na miss ko na talaga siya. Yung tipong parang sasabog ang puso ko ngayon habang nakatingin sa kaniya.


“C-clay, nakikita ninyo ba siya?” mahinang tanong ko.


“Yes, Ellaine. He’s alive.”


“I’m not dreaming, right?”


“You’re not.”


Iyon lang ang kailangan kong malaman. Tinakbo ko na ang pagitan namin ni Jaylord. At niyakap siya. “Buhay ka, Jaylord. Buhay ka...” Tuluyan na kong napaiyak ng maramdaman ko ang init ng katawan niya. Yakap ko siya. Yakap ko si Jaylord. Hindi ako nananaginip. Totoong buhay siya.


Ang kalahati ng pagkatao kong namatay, parang muling nabuhay. Ang puso kong nakalimutan na ata ang tamang pagtibok, muling umayos. Sobra pa nga. Dahil ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Ni hindi na ko makapag-isip ng matino. Dahil ng mga oras na ‘to, all I wanted was to hug him.


“Miss.” Humiwalay siya sakin.


Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakatingin sa kaniya. “Jaylord...buhay ka...” Iyon lang ang mga salitang lumalabas sa bibig ko habang umiiyak ako. Niyakap ko uli siya ng ilayo niya na naman ako.


“Miss.”


“Jaylord...” Bakit gano’n? Bakit Miss ang tawag niya sakin? Nilingon ko sina Clay. Umiling lang sila. Ano bang nangyayari dito?


“Sino ka ba?”


Ibinalik ko ang tingin kay Jaylord sa narinig kong tanong niya. “J-jaylord...”


“Sino ka ba?” ulit niyang tanong habang nakakunot-noong nakatingin sakin.


“S-si Ellaine ako.”


Pagkasabi ko no’n ay mas lalong kumunot ang noo niya. Maya-maya ay napahawak siya sa ulo niya.


“S-si Ellaine ako, J-aylord. Bakit hindi mo ko kilala?” tanong ko habang umiiyak. “B-bakit hindi mo ako kilala?”


“Ellaine, tama na ‘yan!” Inilayo ni Megan sakin si Jaylord.


“Bitiwan mo siya!” Tiningnan ko si Jaylord na nakaupo na at hawak ang ulo niya. “Jaylord... si Ellaine ako. Si Ellaine ako.”


“Tama na...” daing niya.


Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko sa nakikita ko. Nilapitan ko siya at hinawakan ang braso niya. “Si Ellaine ako, Jaylord...”


“Take your hands off him, Ellaine.”


Napatingin ako kay Megan. “What?”


“Bitiwan mo siya. Hindi mo ba narinig? Hindi ka niya kilala.”


“No! Kilala niya ko!”


“Clay, ano ba! Ilayo ninyo si Ellaine kay Jaylord.” utos ni Megan.


“No!” Tiningnan ko si Jaylord. “Jaylord... kilala mo ko... hindi pwedeng hindi mo ko kilala... mga bata pa lang tayo magkasama na tayo...” Pinunasan ko ang mga luha ko. “Si Ellaine ako...”I tugged his arm forcefully. “Si Ellaine ako...”


“Aaaahhhhh!” malakas niyang sigaw habang nakahawak siya sa ulo niya.


“Jaylord!” Napalapit sina Tito William sa kaniya. Pati sina Khalil.


Napatayo ako. “Jaylord...” Napaatras ako ng hakbang. Napahawak ako sa bibig ko. Mas lalo akong napaiyak sa nakikita ko. Wala kong maintindihan sa mga nangyayari. Walang pumapasok sa isip ko.


“Clay! Ilayo ninyo si Ellaine!” narinig kong utos ni Megan. Hanggang sa maramdaman kong may humawak sa braso ko. Si Clay ‘yon. “She’s emotionally unstable, ilayo ninyo siya kay Jaylord.”


Tiningnan ko si Megan. “What? I’m not emotionally unstable!”


“Sa pinapakita mo ngayon, oo.”


“Dalhin ninyo muna sa isa sa mga guestroom si Ellaine.” utos ni Tito William habang hawak sa braso si Jaylord.


“Pero, Tito... Si Jaylord...”


“Kami ng bahala dito.” Ngumiti si Tito na parang sinasabing magiging okay din ang lahat.


“Iha, sige na.”


“Lolo Ferdinand...”


“Everything will gonna be okay.” He patted my head. Then he approached Khalil. “Ready na ba ang sasakyan, Khalil?”


Hindi ko alam kung paano ko naihakbang ang mga paa ko palabas ng library. Ni hindi ko na makita si Jaylord dahil nakaharang sila sa kaniya. Hanggang sa tuluyang makalabas kami ni Clay. Hindi ko rin alam kung paano kami nakarating sa kwartong kinatatayuan ko.


“Clay...” Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Buhay si Jaylord, pero hindi niya ko kilala. Si Jaylord ba talaga ‘yon? Si Jaylord ‘yon! Alam ko!


“Gather yourself, Ellaine. Huminga ka muna. Baka himatayin ka na naman.”


“Pero...”


“Ellaine. Makinig ka sakin. Huminga ka muna ng malalim.”


Huminga ako ng malalim. Umupo ako sa kama. Pinayapa ko muna ang sarili ko bago nagsalita. Pinunasan ko ang mga luha ko. “A-ano ba talagang nangyayari?”


“Sa tingin namin, may amnesia siya.”


“May amnesia siya? Pero paano?” Ngayon ko lang naisip. Ngayon lang pumasok sa isip ko. Bakit siya namatay? Sa sobrang tutok ko sa pagkawala niya, hindi ko natanong ang nangyari sa likod ng kamatayan niya. Na hindi naman pala siya namatay.


“Clay, anong ginagawa niya sa warehouse na ‘yon? Kung hindi siya yung bangkay na nakita? Sino ‘yon? Bakit nasa kaniya yung kwintas ni Jaylord? May gusto bang pumatay sa kaniya? At bakit nandito si Megan?” Napahawak ako sa ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.


“Hindi ko rin alam dahil ng tinawagan ako ni Tito William, sinabi lang niyang kasama ni Megan si Jaylord. Pagkatapos no’n, umalis na ko para puntahan ka sa airport. Pagdating nila, malalaman din natin. Dadalhin siya ngayon sa hospital para tingnan.”


“Sasama ko!”


“Wag na, Ellaine. Nakita mo naman ang reaksyon niya kanina diba?”


“Pero...” Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang yakapin.


“Ang mahalaga, buhay si Jaylord, Ellaine.”


Tama siya. Ang mahalaga. Buhay si Jaylord. At nabuhay din ang puso ko sa katotohanang ‘yon. Lahat ng sakit na nakaipon sa puso ko sa pag-aakalang patay na siya. Parang bulang nawala. Parang tinangay ng hangin sa ilang saglit na yakap ko siya kanina. Ang puso ko, parang sasabog sa sobrang saya.


Namalayan ko na lang na tumatawa ko habang umiiyak.


“Ellaine, anong nangyayari?”


Nang tingnan ko si Clay, yung mukha niya. Iniisip siguro niyang natuluyan na ko ng bait. Umiling ako. “W-wala.” Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko habang nakangiti ako. “I’m just happy, Clay. Buhay kasi siya, eh. Hindi niya tayo iniwan.”


Hindi niya ko iniwan.

= = =

4 comments:

  1. ang ganda nitong story. two thumbs up. mas happy ako dahil mas mahaba pa itong book 2.

    ReplyDelete
  2. ang ganda talaga nitong story. two thumbs up ako sa author. mas happy ako dahil mas mahaba pa itong book 2.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wow! *bow* Thank you ng marami at nagustuhan mo! :)))

      Napahaba nga eh, hehe! Pero oks lang basta kayo lalo na sa heroine nito. XD

      Delete
    2. Hahahahhaha!!! :P Touuh naman ako beshie

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^