CHAPTER
22
[ ELLAINE’s POV ]
Kinagabihan.
Nandito
kami uli sa library. Lahat ng mga taong nandito kanina, nandito uli. Except kay
Jaylord. Nasa kwarto siya at natutulog. At kating-kati na ang mga paa ko na
puntahan siya. Ni hindi na nga ko mapakali sa kinauupuan ko.
“Ellaine.”
Napalingon
ako sa katabi kong si Chad.
“Relax, okay.”
Tumango
ako. Kahit hindi ko kayang mag-relax ng mga oras na ‘to.
Tumikhim
si Lolo Ferdinand. Bago siya nagsimulang magsalita. “Una sa lahat, lahat ng mapag-uusapan
natin, walang makakalabas sa kwartong ‘to. Tayong nandito lang sa kwartong ‘to
at ang mga tumingin kay Jaylord ang nakaka-alam na buhay pa siya. At wala
munang dapat na makaalam pa.” Pinatong niya ang mga braso niya sa
mesa. “My
grandson is suffering from amnesia. Temporary longterm memory loss.”
“A-ano pong nangyari
sa kaniya?” tanong ko.
“The doctor found a scar
on his head. Maaaring tumama sa kung saan ang ulo niya na naging dahilan para
mawala ang alaala niya. Yun din ang dahilan kung bakit hindi siya nakabalik
agad satin. Nang tanungin siya ng doctor kung anong natatandaan niya ng
magkamalay siya at anong mga nangyari sa kaniya nitong nakaraang dalawang
buwan.” He sighed. “Wala siyang sinabi.”
“Po?”
“Wala siyang sinabi
dahil wala raw siyang tiwala sa kahit na sino.”
Wala
siyang tiwala sa kahit na sino? Ako! Paano ako? He could trust me. Alam kong
pagkakatiwalaan niya ko.
“Except kay Megan.”
Parang
bombang sumabog ang ulo ko sa sinabi ni Lolo Ferdinand. Tiningnan ko si Megan.
And I saw how her lips curved as if sinasabi niyang, ‘ano ka ngayon?’
Naramdaman
ko ang pagtapik ni Khalil sa balikat ko. Alam ko ang ibig sabihin no’n, ‘relax
ka lang, Ellaine.’
Huminga
ako ng malalim. Binalik ko ang tingin kay Lolo Ferdinand. “Bakit po kay Megan?” Tiningnan
niya ang daddy ni Jaylord.
“Si Megan ang nakakita
sa kaniya sa kalsada at agad niya kong tinawagan.” sagot ni Tito William. Siya? Pero bakit? No! Hindi ko dapat tanungin kung bakit
siya pa. Ang mahalaga, buhay si Jaylord. Yun ang dapat kong ipasok sa isip ko. “Nakita ninyo
naman ang itsura niya kanina, he looked helpless. He looked...” He cleared his troat. “Parang ang daming pinagdaanan ng anak ko.”
Kinagat
ko ang labi ko. Saka ko nilingon si Megan. “Did he told you kung anong nangyari sa kaniya?”
“No.”
Kumunot
ang noo ko. “Akala
ko ba sa’yo lang siya may t-tiwala?” Ni ayaw lumabas no’n sa bibig
ko.
“Yes. Sakin lang
siya may tiwala dahil ako ang taong nakakita sa kaniya.”
may diing sabi niya. Kinuyom ko ang kamao ko. “Kung nakita mo lang Ellaine ang itsura
niya kaninang umaga. When I told him I know him, his face lighten up. Na parang
nabuhayan siya ng loob. But just for a bit. He told me na pagkakatiwalaan niya
ko but it doesn’t mean na sasabihin niya ang nangyari sa kaniya. Kaya sumama
siya sakin dito sa mansion.”
Tumahimik
na ko. Ni hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa lahat ng pwedeng pagkatiwalaan ni
Jaylord, bakit si Megan pa? Pero kailangan ko pa bang itanong ‘yon? Hindi ba
dapat akong magpasalamat na buhay siya? Hindi ko na dapat isipin kung kay Megan
siya may tiwala dahil gagawin ko ang lahat para pagkatiwalaan niya ko kahit
wala siyang maalala na kahit na ano.
“Someone tried to
kill him. That’s what he told me.” dagdag ni Megan. May
gustong pumatay kay Jaylord, pero sino? So, maliban samin, may nakakaalam na
buhay pa siya? Hindi kaya yun ang taong mastermind ng nangyaring pagsabog sa
warehouse? “Yung
mga sugat na nakita ninyo sa kaniya kanina, kagabi lang ‘yon. Not just last
night, but it started two weeks ago.”
“And that’s the very
reason kung bakit walang dapat na makaalam na alam nating buhay siya at nandito
siya sa mansion.” Lolo Ferdinand said.
“Kaninong bangkay po
yung nakita si warehouse?” Kaninong bangkay yung iniyakan
ko?
“Hindi pa namin alam,
iha. ‘Yan ang dapat naming alamin.”
“Kami na po ang
bahala dyan, Lolo Ferdinand.” Khalil
said.
“Salamat mga, iho.”
“Lolo, ang sabi
ninyo temporary lang ang amnesia ni Jaylord, hanggang kailan?”
tanong ko.
“In weeks or months. Two
months na simula ng maaksidente siya. Ang sabi ng doctor, unti-unting babalik
ang alaala niya kung mae-expose siya sa mga bagay na may kinalaman sa kaniya.
At ikaw ‘yon, Ellaine. Mga bata pa lang kayo, magkasama na kayo ng apo ako.
Marami kayong alaala. Ikaw ang makakatulong sa kaniya.”
“Pero lolo, nakita
ninyo naman po ang reaksyon niya kanina ng makita niya si Ellaine.”
protesta ni Megan.
Tiningnan
ko siya. Hindi maipinta ang mukha niya.
“Megan. I’ll decide on
this matter, okay.” seryosong sabi ni Lolo Ferdinand.
Napayuko
na lang si Megan. At tumahimik.
“Ang sabi ni Jaylord
sa doctor, nitong nakalipas na dalawang buwan sumasakit ang ulo niya pero
ngayon lang daw sumakit ang ulo niya ng gano’n na parang binibiyak. Maaaring si
Ellaine ang nasa isip niya bago mabagok ang ulo niya at mawalan siya ng alaala.
Kaya nang makita niya si Ellaine ay gano’n na lang ang reaksyon niya.”
Tito William said.
“At ang sabi ng doctor,
normal lang na reaksyon ang nangyari sa kaniya kanina. Maaaring may naalala
siya pero hindi gano’n kalinaw. But that was a good start, right? Ayaw ko mang
pabilisin na bumalik ang alaala niya, pero kailangan. Si Jaylord lang ang
makakapagsabi kung sino ang nagtatangka sa buhay niya. As soon as possible,
kailangan ng bumalik ng alaala niya.” dagdag ni Lolo
Ferdinand.
Sumandal
siya sa kinauupuan niya. “Yun lang sa ngayon. Maaari na kayong magpahinga. Ellaine,
maiwan ka.”
Tinapik
ako nila Chad bago sila umalis. Si Megan naman, tiningnan ako ng pailalim bago
tumalikod. Tito William patted my head and Lola Corazon kissed my forehead as
they leave.
“Ellaine.”
“Po?”
“Bakit hindi mo sinabing
aalis ka papuntang Korea?”
Napayuko
ako. “Sorry
po. Its just that... Hindi ko po alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano
ko tatanggapin ang mga nangyari. Hindi ko alam kung sa’n ako magsisimula. Sobrang
hirap. Pero...” Tiningnan ko siya. “Pero buhay siya, lolo. Buhay si Jaylord.
Until now, hindi pa rin ako makapaniwalang buhay siya...” Nangilid
ang luha ko.
“Naiintindihan kita,
iha. Maski ako.”
Natahimik
kami ng ilang saglit.
“Alam mo na ba ang
gagawin mo ngayong nalaman mong buhay siya?” tanong ni lolo.
=
= =
[ CLAY’s POV ]
Dumeretso
agad kami nila Chad sa isa sa mga guest room na katabi lang ng kwarto ni
Ellaine matapos kaming idismiss ni Lolo Ferdinand. Hindi pa kami nakakapag-usap
ng maayos simula kanina. Simula kanina ng makatanggap ako ang tawag mula sa
daddy ni Jaylord.
Umupo
si Chad sa gilid ng kama. Umupo naman sa gilid ng table si Khalil. Prente naman
akong sumandal sa dingding ng kwarto.
Ilang
minuto kaming tahimik at nagpapakiramdaman ng...
“So, hindi—”
“Bakit hindi—”
“Sorry kung hindi—”
Sabay-sabay
kaming nagsalita.
Sabay-sabay
din kaming natahimik.
Sabay-sabay
na tumikhim.
Sabay-sabay
na napailing.
Sabay-sabay
na napangiti.
“Buhay siya.”
Once
again, we said that in chorus. Natawa na lang kaming tatlo. Ang tawang parang napakatagal na naming hindi ginagawa. Ang tawang huling nagawa namin nung
kasama namin si Jaylord. Ang tawang nagagawa namin ulit ngayon dahil...
Dahil
buhay si Jaylord.
Buhay
ang kaibigan namin.
“Bati na kayo?”
biglang singit ni Chad sa pagitan ng tawanan namin.
Nagkatinginan
kami ni Khalil dahil sa tanong niya. Civil lang kaming mag-usap simula ng
magkasagutan kami sa labas ng bahay ni Ellaine. Alam kong madalas talaga kaming
magkasalungat sa mga desisyon namin pero hindi pa umabot sa gano’n na halos
parang hindi kami magkakilala pag nag-uusap.
Iba
talaga ang epekto samin ng pagkamatay ni Jaylord.
“Sorry, ‘tol.”
chorus naming sabi. Napailing na lang kami.
“Tama na nga ‘yang
chorus na sagot natin. Para na tayong B1, B2 plus B3 nito.”
Chad said. “Ako
muna.” Tumikhim siya. “So, hindi totoong nanalo ka sa lotto?” tanong
niya sakin.
Umiling
ako. “Hindi.
Pero para naman akong nanalo sa lotto sa nalaman ko.”
Napangiti
sila.
“Sinong nagsabi
sa’yo?” Chad asked.
“Tumawag si Tito
William ng palabas na ko ng cafeteria.”
“Bakit hindi mo agad
sinabi samin?” Khalil asked. “Para tuloy kaming mga tangang nakatingin
kay Jaylord kanina ng makita namin siya. Para kaming nakakita ng multo.”
“Sorry kung hindi ko
agad sinabi kahit gustong-gusto ko. Binilinan kasi ako ni Tito na walang
pwedeng makaalam. Hindi naman pwedeng i-broadcast ko sa cafeteria kanina.
Besides, kailangan kong maabutan si Ellaine bago siya makaalis ng bansa kaya
sinabi ko na lang na pumunta agad kayo dito sa mansion.”
“Akala tuloy namin,
nalaman nila Lolo Ferdinand ang ginawa natin kagabi.”
Khalil said.
“Speaking of. Hindi
pa natin nalalaman ang resulta ng DNA ng bangkay na hinukay natin kagabi.”
Chad said in a low voice.
Hinukay
kasi namin ang bangkay ng nasa puntod ni Jaylord. Iyon ang sinabi samin ni Chad
ng araw na unang dalawin ni Ellaine ang puntod ni Jaylord. Nagdadalawang-isip
kasi siya kung si Jaylord nga ang bangkay na nakuha sa warehouse.
Madali
lang para samin na alamin kung ka-match nga ni Jaylord ang bangkay dahil may
nakuhang ilang hibla ng buhok si Chad sa condo niya. Kinuha niya ‘yon matapos
ilibing ang bangkay. Oo. Matagal na niyang balak, hindi lang niya masabi.
Maraming
nangyari at nagdadalawang-isip din siya kung sasabihin ba niya samin ang balak
niya. Besides, hindi pwedeng malaman nila Lolo Ferdinand ang balak namin. Paano
kung si Jaylord nga ang bangkay? Siguradong mananagot kami. Dahil parang
nilapastangan namin ang nananahimik na katawan ni Jaylord.
Pero
hindi na namin kailangang alamin kung si Jaylord nga ang bangkay. Hindi na
kailangan.
“Kailangan pa ba
nating alamin ‘yon?” Khalil asked.
“Yes. For
confirmation.” I answered. “Remember what Drenz said to you Khalil?
Aside from him and Jaylord, may isa pa silang kasama na kilalang-kilala natin
na siyang pumatay kay Jaylord. Pero mukhang nagkamali si Drenz sa pag-aakalang
napatay nga ng lalaking ‘yon si Jaylord. It was the other way around. Ang
lalaking ‘yon ang namatay at hindi si Jaylord.” Humalukipkip ako. “And we knew
who the guy was.”
“Hindi pa natin
nakikita si Seth simula ng mangyari ‘yon.” Chad said.
“Dahil may dahilan
kung bakit hindi natin siya makita-kita.” Khalil added.
Nagkatinginan
kami.
“Seth's already dead.”
we said in chorus.
=
= =
[ ELLAINE’s POV ]
Nakatayo
ako sa tapat ng kwarto ni Jaylord. Magkatapat lang kami ng kwartong dalawa.
Itataas ko na sana ang kamay ko para buksan ang pintuan ng...
“Ellaine.”
Napalingon
ako sa kanan ko. Nakita ko si Clay na nakasungaw ang ulo sa kwartong nasa tabi
ng kwarto ko. Maya-maya ay sumungaw din ang ulo nina Chad at Khalil sa
nakabukas na pintuan.
“Tapos na kayong
mag-usap ni Lolo Ferdinand?”
Khalil
asked.
Tumango
ako. “Oo.”
“Nga pala. Dahil
walang pwedeng makaalam na buhay pa si Jaylord maliban satin. Nagawan ko na ng
paraan kung bakit hindi ka natuloy sa Korea. I told Tita Julia na nagbago ang
isip mo at nasa resthouse ka ngayon kung sa’n nag-propose si Jaylord. Pwede mo
siyang tawagan pero wala kang pwedeng sabihin tungkol kay Jaylord.”
Clay said.
“Naiintindihan ko.
Thank you.” Ngayon ko lang naisip ang bagay na
‘yon dahil sa nangyari kanina.
“Late na. Hindi ka
pa ba matutulog?” Chad asked.
Napatingin
ako sa kwartong nasa harap ko. Umatras ako ng hakbang at nilingon sina Chad. “Ano kasi...”
Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong makita si Jaylord. Gustong-gusto. Umiwas na
lang ako ng tingin sa kanila.
“Go, Ellaine.”
Chad said.
Napalingon
uli ako sa kanila. “Huh?”
“Pumasok ka na.”
nakangiting sabi ni Chad.
“Walang pipigil
sa’yo.” Khalil said.
“We know how much
you miss him.” Clay added.
Nangilid
ang gilid ng mga mata ko. “Sobrang miss na miss ko na siya.” hindi ko napigilang
sabihin.
Ngumiti
sila.
“Wag ka lang
magpupuyat, okay?” Khalil said.
Parang
alam niyang magdamag kong tititigan si Jaylord. Na totoo naman talaga.
“Tomorrow will be a
long day for us.” Chad said.
Tama
siya. Lalo na sakin. Dahil kailangan kong tulungan si Jaylord para ibalik ang
alaala niya. Alam kong hindi magiging madali lalo na’t Megan is around. At lalo
na kung wala siyang tiwala sa mga taong nasa paligid niya. Pero ako ‘to. I’m
his Ellaine.
Kahit
hindi ako maalala ng isip niya, alam kong makikilala ako ng puso niya.
“Goodnight,
Ellaine.” Clay said as they closed the door. Magkasama
silang tatlo sa kwarto. Sa dami ng kwarto sa mansion, mas gusto nilang
magkakasama.
Huminga
ako ng malalim bago dahan-dahang buksan ang kwarto ni Jaylord. Nakita ko agad
siyang nakahiga sa kama niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Ayaw kong
gumawa ng ingay dahil baka bigla na lang siyang magising. Na ayokong mangyari
dahil baka mangyari na naman ang nangyari sa kaniya kanina.
God
knows how much I miss him.
God
knows how much I wanted to hug him.
God
knows how much I wanted to caress his face.
Pero
kuntento na kong ngayong gabi na pagmasdan lang ang mukha niya habang nakaupo
sa upuang nasa tabi ng kama niya.
May
ilang sugat at gasgas siya sa mukha niya. Maging sa braso niya.
Hindi
na ko nakatiis. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya. Gusto kong higpitan
pero sinikap kong pigilan ang sarili ko. How I miss this. Him holding my hand.
But for now, it’s me holding his.
“Jaylord...”
I whispered. Nangilid ang luha ko hanggang sa pumatak ‘yon. Kinagat ko ang labi
ko para pigilin ang pag-iyak ko. Hindi ako pwedeng umiyak ngayon.
Pinagmasdan
ko ang mukha niya. “Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala.” bulong
ko. “Buhay
ka talaga. Nakikita kita. Nararamdaman kita. Nahahawakan kita.”
Hindi
ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na ’to. Yung feeling na alam
mong hindi mo na makikita pa kahit kailan ang taong mahal mo dahil nasa langit
na siya, tapos malalaman mong buhay siya at nasa harap mo siya. Parang mas
gusto mo na lang siyang pagmasdan buong araw para makasigurong hindi siya
mawawala sa paningin mo.
Yung
feeling na sobrang bigat ng pakiramdam mo dahil sa pagkamatay niya, tapos bigla
mo na lang siyang makikita. Bigla na lang nawalang parang bula ang lahat ng
sakit na nararamdaman mo dahil sa pag-aakalang iniwan ka na niya at hindi na mo
na siya makakasama pa.
Para
kang nabuhay uli.
Yun
ang nararamdaman ko.
Simula
ng araw na malaman kong patay na siya, buhay nga ako, gumagalaw, pero para
namang wala ang kaluluwa ko sa katawan ko. Tumitibok nga ang puso ko, pero
parang hindi ko naman nararamdaman ‘yon.
And
seeing him now and knowing that he’s alive, it felt like I was born again. Nararamdaman
ko na uli ang malakas na pagtibok ng puso ko.
Naalala
ko ang tanong sakin ni Lolo Ferdinand kanina.
“Alam mo na ba ang
gagawin mo ngayong nalaman mong buhay siya?”
“Ibabalik ko ang
alaala mo, Jaylord.” bulong ko.
Hindi
dahil sa gusto kong maalala niya agad ako. Gusto ko nang bumalik ang alaala
niya dahil katulad nila Lolo, gusto ko na ding malaman kung sino ang
nagtatangka sa buhay niya. At siya lang ang tanging nakakaalam no’n.
Hindi
na ko papayag na may masamang mangyari uli sa kaniya at wala man lang akong
nagawa.
Hindi
na ko papayag na mawala uli siya. Sa amin. Sa akin.
Hindi
na ko papayag.
=
= =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^