CHAPTER
23
[ JAYLORD’s POV ]
Nakaupo
ako sa kama at may taong nakayakap sakin. A woman to be exact.
“Can we stay like this way for a while?”
Narinig
kong sabi ng babae. Sinilip ko ang mukha niya. Pero malabo ang dating ng mukha
niya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at niyakap siya ng mahigpit.
“Ikaw, Jaylord?
Hindi ka ba nagsasawa sakin? Biruin mo, twenty three...”
Napadilat ako ng marinig ko uli
ang boses na ‘yon. Wala na ako sa kwarto at sa kamang kinauupuan ko kanina.
Ibang kwarto na ngayon ang nakikita ko. At hindi na ako nakaupo. Nakahiga na ko
habang may taong nakaunan sa braso ko. That woman again.
“Kaka-twenty three
ko lang pala three months ago. Yun nga, biruin mo, twenty two years of your
life ako ang nakasama mo. Hindi ka ba nagsasawa sa mga kakulitan ko, pakikialam
ko, at katigasan ng ulo ko?”
Tiningnan ko siya. Malabo pa rin
ang dating ng mukha niya. “Ikaw, Elle? Hindi ka rin
ba nagsasawa sakin? Twenty two years of your life ako ang nakasama mo. Hindi ka
ba nagsasawa sa mga panenermon ko, kasungitan ko, at pagbabantay ko sa’yo?”
She pouted. “Binalik mo lang yung tanong ko, eh.” Tinapik niya
ang pisngi ko. “Sagutin mo na.”
Napangiti ako. “Matulog na tayo.”
“Hindi nga ako
makatulog. Ang kulit naman nito.”
Pumikit na ko. “Matutulog na ko.”
“I miss you, too,
Jaylord.”
I opened my eyes when I heard that
voice. Wala na ako sa kwarto. Nandito ako sa tabi ng dagat habang nakayakap
sakin ang babaeng ‘yon. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya.
“Elle.”
“Hmm?”
“Naalala mo yung
tanong mo sakin two weeks ago?”
Tiningala niya ko. Hindi ko pa rin
makita ang mukha niya. “Yes. Sasagutin mo na?”
Saglit kong ipinikit ang mga mata
ko. Nasa isang kwarto ako pero nasa harap ko pa rin ang babaeng ‘yon. Nakasuot
siya ng wedding gown.
“Why do I have this
sudden feeling na hindi kita makikita bukas?”
Ikinulong ko ang mukha niya sa
kamay ko. “We will see each other tomorrow, okay.
That’s a promise. Kung hindi man tayo magkita bukas, may susunod pa namang
bukas.”
“Jaylord...”
I
opened my eyes. I sighed. Napanaginipan ko na naman ‘yon. Lagi ko na lang
napapanaginipan ang mga eksenang ‘yon simula ng mawalan ako ng alaala.
Ang
babaeng ‘yon sa panaginip ko. Sino siya? Hindi ko man makita ang mukha niya sa
panaginip ko, ramdam kong mahalaga siya sakin. Yun ang nararamdaman ko tuwing
napapanaginipan ko siya.
”Sino ka ba, Elle? Sino ka ba
talaga?”
Naramdaman
ko ang pagkirot ng ulo ko. Sa tuwing napapanaginipan ko ‘yon at pilit kong
inaalala kung sino si Elle sa buhay ko, sumasakit lang ang ulo ko dahil wala
akong maalala.
Ano
nga ba talagang nangyari sakin two months bago pa ako mawalan ng alaala?
- F L A S
H B A C K –
Two months ago...
Nagising
ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nasa isang kwarto ako. Dahan-dahan akong
lumingon sa gilid ko ng maramdaman kong may nakatingin sakin. Isang batang
babae ang nakita ko.
“Mama! Papa! Gising
na po siya!” sigaw ng bata sabay takbo palabas ng
kwarto.
Akmang
babangon ako ng kumirot ang kaliwang balikat ko. Napahawak din ako sa ulo ko ng
kumirot ‘yon, may benda akong nakapa.
Nasa’n
na ba ko? At saka—
“Gising na po siya,
papa!”
“Oo, Jaja. Wag kang
maingay.”
Napalingon
ako pinanggalingan ng mga boses na ‘yon. Isang babaeng nasa mid-forties at
lalaking nasa late forties ang nakita ko kasama ang batang babae kanina.
“Mabuti’t gising ka
na.”
nakangiting sabi ng lalaki. “Tatlong araw ka nang natutulog.”
Tatlong
araw? “Nasa’n
ako?” tanong ko.
“Nakita kita sa tabi
ng ilog habang namamangka ako. May tama ng bala ang kaliwang balikat mo. May
sugat din ang ulo mo ng makita kita. May mga gasgas at sugat ka sa mukha at
katawan mo. Dinala kita dito sa bahay ko. Pasensya ka na, malayo ang ospital
dito. Pero wag kang mag-alala, doctor ang asawa ko kaya nagamot ka ng mabuti.”
“Anong nangyari
sa’yo?” tanong ng babae.
Kumunot
ang noo ko. Ano nga bang nangyari sakin? Bakit wala akong maalala?
“Kuya, ano pong pangalan
mo?”
tanong ng batang babae na lumapit sa kinahihigaan ko.
Mas
lalong kumunot ang noo ko. Pilit kong hinagilap sa isip ko ang pangalan ko. Pero
bakit wala akong matandaan? Wala akong matandaan na kahit na ano!
Sunod-sunod
akong umiling. “H-hindi
ko alam.” Nilingon ko ang mag-asawa. “Sino ba ko?” Kumirot ang ulo
ko. “B-bakit
wala akong maalala?”
Nagkatinginan
silang dalawa.
“Hindi mo po alam
ang pangalan mo, kuya?” tanong
ng batang babae.
Mas
lalong kumirot ang ulo ko sa tanong niya.
= = =
A few days later.
Nagising
ako mula sa isang panaginip. May kasama akong isang babae sa panaginip ko. Pero
hindi ko makita ang mukha niya. Sino ang babaeng ‘yon? Sino si Elle? Sino siya
sa buhay ko?
Napahawak
ako sa ulo ko ng kumirot ‘yon sa pagpipilit na maalala kung sino ang babaeng
‘yon. She even called me—
“Tulog pa ata siya,
Jaja.”
“Edi gisingin po
natin.”
“Sige. Pero ikaw ang
lagot kina mama. Deal ‘yan, okay? Labas ako dyan.”
“Ang daya naman.
Pero sisilipin ko muna kung gising na siya.”
Mga
boses ‘yon na naririnig ko mula sa labas ng kwarto ko. Paglingon ko sa pintuan,
bahagya nang nakabukas ‘yon at nakasilip si Jaja.
“Gising na siya,
ate!” malakas na sabi niya na sinabayan niya ng pasok at
lumapit sakin. “Hello,
kuyang cute!”
Bumangon
ako at umupo.
“Hello, kuyang gwapo!”
nakangiting bati ng babaeng kasama niya.
“I’m Cassy! Sister ako ni Jaja.”
Ngayon
ko lang siya nakita. Si Jaja, ang batang babaeng makulit, lang ang alam kong
anak nila Mang Ted at Aling Carol –ang mag-asawang tumulong sakin- na laging
pumapasok dito sa kwartong tinutuluyan ko at nagku-kwento ng kung anu-ano.
“Malayo kasi ang
university na pinapasukan ko kaya naka-dorm ako. Tuwing weekend lang ako umuuwi
dito.” paliwanag niya na parang nabasa niya ang iniisip
ko.
Nakatingin
lang ako sa kanila. Hindi ako sumagot. Ano namang isasagot ko? Ni hindi ko nga
kilala ang sarili ko. And it frustrated the hell out of me!
“Pipi ba siya?”
mahinang tanong ni Cassy kay Jaja.
“Hindi, ate. Ganyan
lang po talaga siya. Tuwing kinakausap ko siya, oo at hindi lang ang sagot
niya. Pero minsan, hindi siya sumasagot, eh.”
“Nakukulitan siguro
sa’yo. Bawasan mo kasi ang kakulitan mo. Ang bata-bata mo pa, feeling mo
matanda ka na.”
“Mana lang po kaya
ako sa’yo.”
“Ang dami mong alam,
Jaja.” Tiningnan ulit ako ni
Cassy. “Anong
name mo?”
Hindi
na ko nakatiis na hindi sumagot. “Hindi ba nila nabanggit sa’yo na wala akong maalala na
kahit na ano maski pangalan ko?” masungit kong tanong.
Natigilan
siya sa reaksyon ko. Maging ako. Umiwas ako ng tingin at napabuntong-hininga. Bakit
ba kasi kailangan pa niyang itanong ang pangalan ko?
“Sorry, kuya. Alam
ko namang wala kang maalala, nagtanong pa ko. Baka kasi may naalala ka na. Wala
pa ba?”
Pagtingin
ko sa kaniya, nakangiti na siya.
“Wala pa nga, ate.
Ang kulit mo naman.” singit ni Jaja. “Kuya, alam mo po bang nag-iisip kami ni
ate ng pwede naming itawag sa’yo?” Sumampa siya sa kama ko. “Jayson.”
“Yak! Baduy naman!
Wag ‘yon!” kontra ni Cassy kay Jaja. “Carl na lang. Pangalan ng crush ko.”
“Ayoko no’n, ate.
Nabubulol ako.”
Nagpalipat-lipat
ang tingin ko sa magkapatid habang nagtatalo sila sa itatawag nila sakin.
Napatingala na lang ako sa kisame at hinintay na matapos sila sa pagtatalo
nila. Pero mukhang nang magsabog ng kakulitan, kaingayan at kadaldalan sa
mundo, isa ang dalawang ‘to sa mga sumalo.
Habang
pinapakinggan ko silang dalawa, biglang kumirot ang ulo ko. Hindi ko alam kung
dahil sa kaingayan nila o ano. Bigla na lang kasing pumasok sa isip ko ang
babaeng ‘yon sa panaginip ko.
“Jaja. Cassy.”
Napalingon
ako sa pintuan. Nando’n si Mang Ted.
“Papa! Nag-iisip
kami ng pangalan ni kuya!” Jaja said.
“Pero wag dito,
Jaja.” Mang Ted said smiling. “Nagpapahinga ang bisita natin. Lumabas
muna kayo, okay?”
“Pero papa...”
sabay
na reklamo ng dalawa.
Kasabay
no’n ay sumulpot ang asawa niya. “Jaja. Cassy. Hindi ba’t sinabi kong wag kayong papasok
dito?” seryoso ang mukhang sabi ni Carol. “Nagpapahinga siya. Sumunod kayong dalawa
sakin.” sabay alis niya.
“Anong nangyari kay
mama? Bakit ang seryoso niya?”
“Ewan ko po, ate.”
Bumaba sa kama si Jaja. “Ba-bye, kuya. Balik na lang po kami ni ate, ah.”
sabay hila sa kamay ni Cassy na kumaway din sakin bago lumabas.
Napahawak
na lang ako sa ulo ko habang nakasunod ang tingin sa kanilang dalawa.
“Pasensya ka na sa
mga anak ko.”
“It’s okay.”
Hinimas ko ang ulo kong may benda.
“Okay ka lang?
Masakit ba ang ulo mo? May naalala ka na?” sunod-sunod na
tanong ni Mang Ted sakin.
I
sighed. Alaala nga ba ang tawag sa napanaginipan ko? Oo. At dapat ko ‘yong
ikatuwa. “Nanaginip
ako. Isang babae. Hindi ko makita ang mukha niya.” Pilit kong
inalala pero sumasakit lang ang ulo ko. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko.
“Wag mong pilitin
kung hindi mo kaya.”
“Pero gusto ko nang
bumalik ang alaala ko.” Lahat-lahat. Gusto kong maalala
kung sino ang babaeng ‘yon sa panaginip ko. At kung bakit pakiramdam ko,
mahalaga siya sa buhay ko. Sino siya?
“Tinawag ko siyang
Elle.” I opened my eyes. “Tinawag niya kong...” Tumingin
ako sa bintana.
“Anong tinawag niya
sa’yo, hijo?”
“Jaylord...”
=
= =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^