Sunday, July 28, 2013

Writers of LOVE, Writers in LOVE - Allison Story Preview




Allison’s Story Preview


Focus! Allison! Focus! Kanina pa ako distracted sa hindi ko malamang dahilan. Bothered. I don’t know why!!

PING!

Jiro: Hey!

Me: Hey too!
Jiro: Problema?
Me: Huh?
Jiro: Kanina ko pa kasi sinend sayo yang message na yan ngayon ka lang nagreply.
Me: Busy lang ako. Pasensya na.
Jiro : Not a good liar sweetie.
Napapikit ako ng tawagin na naman niya akong sweetie. Nakakainis! Hanggang ngayon naapektuhan padin ako sa pagtawag niya sa akin ng ganyan.
Me : “sighs”
Jiro : Your fiancé?
Me: ……….
Jiro : So siya nga?  Bakit kasi hindi mo sya bigyan ng chance? Malay mo naman? Saka diba pumayag ka naman na pakasalan siya?
Me:  Pareho nating alam na arrange marriage lang naman to. At sa totoo lang mas gusto kong magbasa at magsulat kaysa pakasalan ang isang yun.
Jiro: Pero the fact na pumayag ka ibig sabihin lang non ready ka sa mga consequences ng desisyon mo. Wag mo siyang pahirapann, Alli.
Allison : FINE!

Pagkatype ko non. Naglog-out ako kaagad.
 Hindi ako iiyak. Hindi. Nakakainis sya ang manhid manhid niya talaga.  Kung alam niya lang siya  lang naman ang dahilan kung bakit ako pumayag sa fixed marriage nayun!

September, 20**
Minsan lang kung umuwi ako sa bahay namin ewan ko ba pakiramdam ko kasi masyado ng masikip yung lugar nayun para sa amin ni Ate. Kaya sa dorm nalang ng DDH ako nag-iistay. Uuwi lang ako kung kukuha ako ng gamit o pinauwi talaga ako ni Papa.

Katulad ngayon uuwi ako kasi pinatawag ako ni Papa. Sa totoo lang ayoko talagang umuwi dahil may nararamdaman akong hindi maganda. At tama nga ang hinala ko. May hindi nga magandang mangyayari…

Ipinakilala sa akin ang lalaking papakasalan ko daw! Aba syempre natural sa reaction ko na mabigla at sumigaw at bago pa man  sila makapagsalita agad akong pumasok sa kwarto ko at nilock yon. Tinatawag ako ni  Mama at Papa pero wala akong pakialam,  Gusto kong umiyak ng mga oras na iyon pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko hanggang sa nakatulog na ako. Kinaumagahan maaga akong umalis at hindi na nagpaaalam kina Mama ayoko muna silang makaharap gusto kong mag-isip para sa sarili ko.  DUmiretso ako sa Dorm namin doon nagkulong at ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa pagsusulat. How I wish hind imaging tragic ang ending nito. Habang busy ako sa pagsusulat nakita kong nag OL  si Jiro.

Si  Jiro Ramos  nakilala ko sa Cyber wolrd. Hindi ko pa siya nakita sa personal pero nakita ko na siya sa picture. Ewan ko ba hindi  ako madaling magtiwala sa sa ibang tao lalo na ung sa mga Social net lang pero iba kasi ang dating sa akin ni Jiro.

Akala ko pag chinat ko siya ng oras na iyon gagaan ang pakiramdam ko pero mali ako. Dahil ibinalita lang naman niya sa akin na tinanggap nan g girlfriend niya ang proposal niya at malapit na silang ikasal.

Ang saklap ng buhay ko, ikakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal.
At ikakasal naman ang lalaking mahal ko sa babaeng mahal niya. 





1 comment:

  1. HLa npOst b uNg coMmenT q,,, uLitiN q n LnG,,, muKhaNg drAma ang LuV stOry ni aLLison,,, maSakLap eHh,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^