Sunday, July 28, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 24



CHAPTER 24

[ JAYLORD’s POV ]


Continuation of flashback...


Palubog na ang araw ng lumabas ako ng kwarto. At ito ang unang beses. Hindi ko alam kung nasa’n sila Mang Ted. Nasa verandah na ko ng marinig kong maingay sa gilid ng bahay. Nando’n siguro sila.


Umupo ako sa mahabang kahoy na upuan.


Malaki ang bahay. Pero ang nakatawag ng pansin ko ay ang paligid ko. Puro puno ang nakikita ko. Ni wala akong makitang bahay na malapit. Kumunot ang noo ko. Nasa gubat ba ko? Bundok? Sa’ng lupalop ba ko napunta?


“Kuya Jaylord!”


Napalingon ako sa gilid ko. Palapit sakin si Jaja. At tumatakbo siya habang nakataas ang dalawang kamay sa ere na parang dadambahin niya ko. Itinaas ko ang kanang kamay ko para pigilan siya. “Hey!”


Huminto siya sa harap ko at hindi itinuloy ang pagdamba sakin. Itinuro ko naman ang kaliwang braso kong may sling.


Tinakpan niya ang bibig niya at humagikhik. “Ay! Sorry po! Nakalimutan ko.”


Tumango na lang ako at umayos ng pagkakaupo. Tumabi naman siya sakin.


“Kuya?”


Nilingon ko siya.


“Ang sabi ni papa, Jaylord daw po ang pangalan mo? Totoo po?”


Tumango ako. Sana nga. Totoo. At hindi lang basta panaginip ang napanaginipan ko.


“Kuya Jaylord, sino po si Elle? Narinig ko pong sinabi ‘yon ni papa kay mama kanina. Hindi ko po ‘yon sinasadya, ah. Narinig ko lang po ‘yon ng dumaan ako sa kusina kanina.”


Hindi ako sumagot. Dahil wala naman akong isasagot sa tanong niya.


“Siguro po girlfriend ninyo siya kasi napanaginipan ninyo siya.”


Napailing ako habang nakatingin kay Jaja. Hindi ba siya napapagod sa pakikipag-usap sakin? Hindi ba siya napapagod na wala siyang nakukuhang sasagot sakin? Ganyan ba talaga ang mga bata? Kakausapin ka ng kakausapin kahit hindi ka umiimik o ganito lang talaga si Jaja?


“Ilang taon ka na ba?” hindi nakatiis na tanong ko sa kaniya.


Umaliwalas ang mukha niya. “Seven po!” excited niyang sagot.


Seven pa lang pero parang matanda na kung mag-isip. Ako kaya? Ilang taon na kaya ako?


“Sa tingin mo, ilang taon na kaya ako?”


“Ewan ko po, Kuya Jaylord. Hmm...” Hinawakan niya pa ang baba niya na tila nag-iisip.


Bakit ko pa ba siya tinatanong? Anong malay ng batang ‘to kung ilang taon na ko?


“Jaja! Nandito ka lang pala. Bigla ka na lang nawala.”


“Kausap ko si Kuya Jaylord, eh.”


Hindi ko na kailangang lingunin ang nasa likuran ko dahil umupo rin siya sa tabi ko. “Hello, Jaylord!” nakangiting bati ni Cassy sakin.


“Anong Jaylord, ate? Ba’t walang kuya? Ba’t kanina may kuya? Dapat may kuya!”


“Tinawag ko lang siyang kuya kanina kasi hindi ko alam ang pangalan niya. Ngayong alam ko na, Jaylord na ang itatawag ko sa kaniya.” Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong tiningnan ako ni Cassy. “Besides, mukha naman siyang nasa early twenties lang. Eighteen naman ako. Kaya okay lang na walang kuya. Okay lang ba, Jaylord?”


Tumayo ako. “Bahala ka.”


“Crush mo siguro siya, ate noh?”


“Anong crush ka dyan? Ang bata-bata mo pa, may crush-crush ka nang nalalaman. Isusumbong kita kina mama.”


“Isusumbong din kita, ate. May crush ka na.”


“Inspirasyon lang ‘yon. At dalaga na ko noh.”


I sighed. Kung hindi ko pa sila pipigilan, sasakit lang ang ulo ko sa pag-uusap nila. “Baka hinahanap na kayo ng papa ninyo. Ang mabuti pa, iwanan ninyo na lang ako dito.”


“Okay lang, Jaylord. Nag-iihaw sila sa likod ni mama. Carry na nila ‘yon. Mag-kwentuhan na muna tayo.”


“Ano namang pagku-kwentuhan natin kung wala naman akong maalala?” Nang-aasar ba siya?


“Masungit ka din noh?”


Napalingon ako kay Cassy sa sinabi niya. Hindi naman siya mukhang inis sa paraan ng pagsagot ko. Nakangiti pa nga.


“Ngayon ka lang lumabas ng kwarto mo?” tanong pa niya.


“Hindi ba halata?”


“Masungit ka nga. Para kang si Carl. Masungit din ang isang ‘yon. parehas kayo.”


Hindi kami parehas. Dahil ako, wala akong maalala na kahit na ano maliban sa panaginip na ‘yon.


“Si Carl na naman, ate? Tuwing uuwi ka dito, lagi na lang si Carl ang naririnig ko sa’yo.”


“Bata ka pa, Jaja, kaya hindi mo ko maiintindihan.”


“Hindi naman porke’t bata, wala na kong maintindihan. Ako, naiintindihan kong walang maalala si Kuya Jaylord kasi tumama ang ulo niya. Kaya kakausapin ko siya at ku-kwentuhan para bumalik ang alaala niya.”


“Hindi gano’n kadali ‘yon, Jaja.”


“Tama ang ate mo.” singit ko. “Hindi gano’n kadali ‘yon. Kaya pwede bang iwan ninyo na ko? Sumasakit ang ulo ko sa inyo.”


Wala na kong narinig na sagot mula sa dalawa. Napahawak ako sa noo ko. Hindi dapat ako nagsusungit ng ganito, pero hindi ko maiwasan.


“Jaja. Cassy.”


Boses ‘yon ni Mang Ted mula sa likuran.


“Puntahan ninyo muna ang mama ninyo. Iwan ninyo muna kami ni Jaylord.”


Naramdaman ko na lang na umalis ang magkapatid. Ni hindi sila nagpaalam sakin katulad kaninang umaga. Nagalit kaya sila sakin? Nainis? Hay, ewan! Bakit ko ba kailangang isipin at alamin ‘yon kung ang laki ng problema ko ngayon?


Naramdaman kong tumabi sakin si Mang Ted. “Pasensya ka na sa mga anak ko. Saydang makukulit lang talaga sila.” Mukhang narinig niya ang usapan namin kanina.


“No. I should be the one to say sorry.”


“Sa tingin ko, hindi ka lang simpleng tao. Fluent ka magsalita ng English.”


“I don’t know. Wala akong maalala.” I sighed. “Sorry kanina kung nasungitan ko ang mga anak ninyo. Ang hirap lang ng sitwasyon ko.”


“Naiintindihan kita. Buti ka pa nga may naaalala ka kahit lang sa panaginip. Ibig lang sabihin no’n, may pag-asa pag bumalik ang mga alaala mo.”


Sa sinabi niya ay napalingon ako sa kaniya. Pero hindi na ako nag-abalang magtanong kung bakit parang may ibang meaning ang sinabi niya.


Tumingin ako sa araw na natatakpan na ng mga puno at pawala na. “Mang Ted—“


“Tito Ted na lang, Jaylord.” Napalingon ako sa kaniya. “Tawagin mo na lang akong Tito Ted. Parang ang tanda na ng dating ng Mang Ted, eh.” sabay kamot niya sa ulo.


Tumango na lang ako.


“Ano ‘yong sasabihin mo?”


“Wala ‘yon.” Itatanong ko sana kung bakit wala akong matanaw na bahay na malapit.


Tumango-tango siya. “Alam mo bang ang gaan ng loob ko sa’yo? Hindi ko alam pero unang kita ko pa lang sa’yo sa tabi ng ilog, ang gaan na agad ng loob ko sa’yo.”


“Hindi po ninyo ako kilala. Maski sarili ko, hindi ko kilala. Hindi ko alam kung ano at sino ako bago ako mawalan ng alaala.”


“Naiintindihan kita. Pero may tiwala ako sa’yo.”


Tumahimik na lang ako.


“Nagtataka ka siguro kung bakit wala kang makitang bahay sa paligid natin. Twenty minutes pa bago ka makakita ng bahay mula dito. Pag-aari ni Carol ang lupang ‘to. Matagal na kaming—”


“Ted!”


Sabay kaming napalingon ni Mang Ted sa likuran namin. Ang asawa niya.


“Hindi mo na kailangang i-kwento sa kaniya ang bagay na ‘yon.”


“Carol.”


“Tara na. Kakain na tayo. Isama mo na din siya.” Iyon lang at umalis na siya na hindi man lang tinapunan ng tingin.


Kumunot ang noo ko. Hindi ako gusto ng asawa ni Tito Ted. Ramdam ko ‘yon.



“Pasensya ka na sa asawa ko. Hindi naman masungit ‘yon. Pagod lang siguro sa mga pasyente niya.”


Na-kwento na niya saking veterinarian ang asawa niya.


“It’s okay.”


Naiintindihan ko ang asawa niya. Wala siyang tiwala sakin. Sino nga bang magtitiwala sa taong may tama ng baril at nawalan pa ng alaala? Malay ba nila kung masama akong tao.


Masama nga ba kong tao?


=  =  =


Two weeks later.


Naglalakad-lakad ako sa labas ng bahay ng maramdaman kong may sumusunod sakin. Lumingon ako sa likuran ko. Wala akong nakita. Nagpatuloy uli ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa isang puno. Punong mangga. Umupo ako sa ilalim ng lilim no’n at sumandal sa puno.


Ewan ko ba. Pakiramdam ko, malaki ang naging parte ng puno ng mangga sa buhay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko.


Nakarinig ako ng kaluskos mula sa likuran ko. “Jaja.” Nakarinig ako ng hagikhik hanggang sa maramdaman kong may tumabi sakin.


“Ang daya mo naman, kuya. Bakit alam mong ako ‘to?”


Dahil lagi na lang siyang nakasunod sakin. Para ko siyang buntot. Ang sabi nga ni Tito Ted, pagpasensyahan ko na daw. Wala daw kasing makalaro si Jaja kaya excited na may ibang tao sa bahay nila. At ako daw ang una. At ‘yon ang nakakapagtaka.


“Kuya, gusto mo?”


I opened my eyes. Nilingon ko siya. May hawak siyang chocolate. Kumunot ang noo ko. “Chocolate?” Bakit parang malaking bagay sakin ang chocolate, katulad ng punong mangga? Anong mero’n sa dalawang ‘yon?


“Opo. Chocolate.” Ngumiti siya. Lumabas tuloy ang mga ngipin niyang nabahidan ng chocolate.


Hindi ko mapigilang mapangiti. Tinakpan ko pa ang bibig ko para pigilan ang tawa ko.


“Kuya, tumatawa ka po? Anong nakakatawa?”


I cleared my throat. “Wala.”


“Ano nga po ‘yon?”


Ginulo ko ang buhok niya. “Wala nga.”


Tiningnan lang niya ko na parang nag-iisip ng malalim habang pinapapak ang chocolate na hawak niya. “Kuya, dito ka na po ba titira?”


Natigilan ako sa sinabi niya. Dito na nga ba ako titira? Hindi pwede ang bagay na ‘yon. Kahit wala akong maalala, nararamdaman kong may naghihintay sakin.


Si Elle.


Lagi ko pa ring napapanaginipan ‘yon. Ang mga eksenang ‘yon na kasama ko siya. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin makita ang mukha niya.


Kung sino man siya sa buhay ko, nararamdaman kong hinihintay niya ko. Kaya dapat lang na bumalik na ang alaala ko sa lalong madaling panahon.


“Kuya Jaylord?”


I sighed. May kailangan akong balikan, Jaja.”


“Sino po?”


Hindi ko na nasagot ang tanong niya dahil nakarinig ako ng isa pang matining na boses. Isa pang makulit. Napalingon kami ni Jaja sa taong ‘yon.


“Jaja! Kuya Jaylord!”


“Ate Cassy! Namiss kita! Pasalubong ko po?”


Ginulo ni Cassy ang buhok ni Jaja. “Pasalubong ko lang ata ang namiss mo, eh.” Nag-indian seat siya sa harap namin. “Hello, Kuya Jaylord. Namiss mo ba ang ka-cutan ko?” Weekend ngayon kaya nandito siya. At tinatawag na niya akong kuya dahil nasita siya ng mama niya.


“Hindi kita namiss.” Sabay pikit ng mga mata ko.


“Hmp! Sungit!”


“Hindi siya masungit, ate.”


“Masungit siya, Jaja. Para siyang si Carl. And speaking of Carl, alam mo ba, Kuya Jaylord nginitian niya ko kanina!” tuwang-tuwang sabi niya.


Lagi siyang ganyan. Nakwento na nga niya sakin kung paano niya nakilala ang Carl na tinutukoy niyang crush niya. Para siyang si Jaja. Kahit tango at maikling sagot lang ang reaksyon ko, parang wala lang sa kaniya.


“Ano namang mero’n sa ngiti niya, ate?”


“Bata ka pa, Jaja, kaya hindi mo ako maiintindihan. Wala ka pa kasing crush.”


“Maiintindihan ko po.”


Tumayo ako at pinagpag ang short ko. Halos mga damit ni Tito Ted ang suot ko.


“Sa’n ka pupunta, Kuya Jaylord?” tanong ni Jaja.


“Iinom.” sagot ko. Umalis na ako. “At dyan lang kayo.” dagdag ko ng maramdaman kong susunod sila sakin. “Babalik ako.” Pero magkukulong lang talaga ako sa kwarto ko.


Papasok na ko ng bahay ng may marinig akong mga boses.


“Hanggang kailan siya dito, Ted? Three weeks na siyang nandito.”


“Hinaan mo ang boses mo, Carol. Marinig ka niya.”


“Wala siya dito. Nasa labas siya. Inuulit ko, hanggang kailan siya dito, Ted?”


Napahinto ako sa pagpasok.


“Carol, pinag-usapan na natin ‘to diba? May amnesia siya. Wala siyang pupuntahan.”


Kumunot ang noo ko. Ako ba ang pinag-uusapan nila?


“Alam ko ‘yon. Pero masyado na siyang napapalapit kina Jaja. Hindi natin siya kilala, Ted. Nang makuha natin siya, may tama siya ng bala. Paano kung masama siyang tao? Mapapahamak tayo.”


“Hindi siya masamang tao, Carol. Nararamdaman ko ‘yon.”


“Pakiramdam mo lang ‘yon, Ted. Hindi sa lahat ng oras kailangan nating sundin ang nararamdaman natin. Minsan, ikakapahamak lang natin ‘yon. At ayokong mapahamak tayo.”


“Aside from what happened with the policemen, napahamak ba kayo ni Cassy ng dahil sakin, Carol?”


“You’re different, Ted.”


“I’m not different from Jaylord. Parehas lang kami.”

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^