Saturday, June 29, 2013

KontraBIDA : Chapter 8



CHAPTER 8

( Marky Corpuz’s POV )


Nakakairita talaga ‘tong babaeng ‘to! Kung gaano ka-inosente ang mukha, kabaligtaran naman ng ugali.


“Saklo—”


Hindi ko na pinatapos ang sigaw ni Janiyah.


Dahil…


Dahil…


Dahil…


Ehem!


Tinakpan ko lang ang bibig niya.


Akala ninyo hinalikan ko siya ‘no?


Baka hindi na ako makalabas ng buhay sa kwarto niya kapag ginawa ko ‘yon.


“Ano sisigaw ka pa ba?”


Pinaghalong takot at inis ang nakita ko sa mukha niya. Pilyo akong ngumiti. “Alam mo ba ang gagawin ko sa’yo ngayon?”


Nanlaki ang mga mata niya. Halos mamutla na nga ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko tuloy mapigilang matawa ng malakas. Lumuwag na ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Itinulak niya ko ng malakas.


“Bastos! Isusumbong kita kay daddy!”


“Edi magsumbong ka. Samahan pa kita, eh.”


“Bwisit ka! Mamatay ka na!”


“Matagal pa.” Tinalikuran ko na siya nang mapangisi ako. Maasar nga uli. Hinarap ko uli siya. “Sumigaw ka ulit, gagawin ko kung ano ang iniisip mo.”


Nanlaki ang mga mata niya. Kinuha niya ang isang unan at ibinato sakin na agad ko namang nailagan.


“Better luck next time.” Lumabas na ko ng kwarto niya.


“Aaaahhhh!”


Napailing ako. “Ang kulit talaga.”


“Yung saklay ko!”


Sumigaw ka lang hanggang mapaos ka.


“Yaya!”


Tinakpan ko ang magkabilang tenga ko. Nasa baba na ko ng makita ko ang saklay niya. Kinuha ko ‘yon ng mag-ring ang phone ko.


“What happened?” tanong ng nasa kabilang linya.


“Nagwala po.”


“Makukuha mo din ang loob niyan. Bantayan mo siyang maigi.”


Sana nga. “Sige po.”


“Salamat.”


Umakyat uli ako ng kwarto ni Janiyah. Kumatok ako.


“Ano?!” pasigaw na tanong niya.


Napailing na lang ako. “Yung saklay niyo po, Madam.”


“Ikaw na unggoy ka!”


“Your welcome, iwan ko na lang dito sa pinto.”


“Akin na ‘yan!”


“Kunin mo.”


“Aaaahhhh!”


Tumalikod na ako at napailing. “Tama ba ‘tong pinasok ko?” Napabuntong-hiningang humakbang na ko pababa.


= = =


( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )


Nakita ko si Warren na mag-isang naglalakad sa hallway. “Warren!” Nilingon niya ko.


“Janiyah.”


Lumapit ako sa kaniya.


“How was your foot?”


“Okay na. Pwede na kong hindi magsaklay.”


“About last Friday, sorry hah. Kung hindi kita natulungan.”


Humalukipkip ako. “Hmp!”


“Hinimatay kasi si Janine. Saka may tumulong na sa’yo.”


Sinundot ko ang gilid niya. “Selos ka naman.”


“Ano—” Kumunot ang noo ni Warren.


Hindi sakin. Kundi sa tinitingnan niya. Sinundan ko ang tinitingnan niya.


Ang epal!


“Janine!” Magkasalubong ang mga kilay ni Warren. At bakit parang galit siya? Mabilis siyang lumapit kay Janine at hinila palayo ang babaeng ‘yon.


At ako?


Eto.


Naiwan sa ere.


Grrr!


Janine!


Ang sarap mong ibalibag!


Panira ka ng moment namin!


“Sabi ko naman sa’yo, eh. He likes that girl very much.”


Napalingon ako sa epal na ‘yon.


Si monkey!


Nakahalukipkip siya habang nakatingin kina Warren at Janine.


“Sinusundan mo ba ‘ko?”


“I’m studying here, that’s why I’m here. At bakit naman kita susundan? Ano ako? Stalker mo?”


“Oo.”


“Woah! Ang lakas ng fighting spirit mo, ah. To the highest level.”


“Yes. To the highest level talaga. Tagos hanggang buwan.”


“Diyan ka na nga. Ayokong makipag-usap sa mga bigo.” Tinalikuran niya ko.


“Anong bigo?”


Humarap siya sakin. “Bigo ka. Kay Warren. Open your eyes, Janiyah. Dapat siguro pati third eye mo, buksan, eh. Para makita mo talaga ang katotohanan. He doesn’t like you. Dahil kasama niya ngayon ang taong mahal niya.”


“That’s not true!”


“Yeah, right. Kausapin mong sarili mo.” Tinalikuran niya uli ako.


“Bwisit ka!”


Kumaway pa ng nakakaloko ang unggoy na ‘yon. Nakakainis! Siya lang ang taong nagagawa sakin ang ganito. Ang taong tinatalikuran ako. Ang kapal ng mukha niya!


= = =


( Janine de Vera’s POV )


Naglalakad ako sa hallway nang mapahinto ako. Nakita ko si Warren. Kasama niya si Janiyah. Tatalikod na sana ako nang makita ako ni Warren.


“Janine!”


Mabilis siyang humakbang palapit sakin at iniwan si Janiyah na masama ang tingin sakin. Alam kong iniisip niyang inaagaw ko ang atensyon ni Warren sa kaniya. Hindi ‘yon totoo. Kung pwede lang na umiwas ako kay Warren, ginawa ko na. Pero hindi pwede.


“Hindi ba sinabi ko sa’yong wag ka munang papasok?” magkasalubong ang kilay na tanong ni Warren nang makalapit siya sakin. Hinawakan agad niya ang kamay ko at inakay ako palayo.


“Okay na ko. Buong weekend akong nagpahinga dahil sa utos mo.”


Hindi siya nagsalita kaya tahimik na lang akong sumunod sa kaniya.


Parehas man kami ng course na dalawa, magkaiba naman kami ng year. Mas maaga ang klase niya kesa sakin at binilinan niya akong wag munang papasok.


Pero hindi pwede. Marami akong mamimissed na lessons ngayong araw. Kailangan kong galingan para worth it naman ang lahat ng paghihirap ko.


Huminto si Warren nang wala nang masyadong estudyante sa paligid namin. Binawi ko ang kamay kong hawak niya.


“Are you sure you’re okay?” tanong niya. Hindi na galit ang boses niya.


“Oo.”


Mukhang hindi pa siya kuntento dahil sinalat pa niya ang noo ko. Pati ang magkabilang pisngi ko at leeg ko. Hahawakan pa sana niya ang mata ko nang mapaatras ako.


“Anong ginagawa mo?” nagtatakang tanong ko.


“I just wanna make sure that you’re really okay.”


Nginitian ko siya. “Okay na talaga ko.”


“Okay.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Ihahatid na kita sa klase mo.”


“Pero...”


“Tapos na ang klase ko kaya ihahatid na kita.”


Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya habang nakatingin sa magkahawak naming mga kamay.


= = =


( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )


“Is your foot okay na, girl?” pangalawang tanong na ni Trixie ‘yon sakin. Nandito kami ngayon sa pool area sa school namin.


“Malamang. One week na simula ng mangyari ‘yon, ‘no. Kaya gagawin na natin ang Plan C. Now.”


“Are you sure?”


“Alam mo kung natatakot ka, wag mo na lang akong tulungan.”


“Natatakot ako for you. Pa’no kung malunod ka talaga?”


“I know how to swim.”



#Plan C

1. Nandito ako sa pool. Lumalangoy.

2. Tatawagin ni Trixie si Warren.

3. Kapag alam kong malapit na sila. Magkukunwari akong nalulunod.

4. Ililigtas ako ni Warren.

5. Ima-Mouth-to-mouth rescucitation niya ako.

6. First kiss ko ang love of my lovelife kong si Warren. Ayiih!



“Tinext ko na si Warren. Nasa canteen daw siya.” Malapit lang ang pool area sa canteen kaya madaling makakapunta si Warren dito.


“Okay. You take care, girl, ah.”


“Oo na. Ang drama mo.” Inilipag ko ang bag ko sa gilid. Hinubad ko ang damit ko. May swimsuit ako na pang-loob. Yung swimsuit na para sa swimming classes namin dito sa school. Nagdive na ako sa pool. ”Sige, puntahan mo na ang Warren ko.”


“Okay. Gotta go. Take care, hah.”


Hindi na ko sumagot dahil sumisid na ko pailaliim. Nakailang langoy na ko pabalik-balik ng maramdaman kong tila…


Shit!


Pinupulikat ako!


Nasa malalim na bahagi pa naman ako.


“Saklolo!” Nagkakakawag ako. “Sak—lolo! Tulungan—niyo ko!”


Nakakainom na ko ng tubig. Nakadinig ako ng yabag papalapit. Hindi ko na kaya. Lumubog na ko sa tubig.


Warren… Dumilim na ang paningin ko.

= = =

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^