Tuesday, July 2, 2013

Witchcraft and Wizardry II Chapter 1: Part 3-5






Witchcraft and Wizardry II
Chapter One: Part 3-5





BUMANGON sina Laurence at Jin ng maramdaman nilang umandar na yung tren. Lumapit sila sa kabilang upuan para makita nila yung view na dadaanan namin. Ilang minuto lang puro bukid na yung nakita namin. Enjoy na enjoy sila sa panonood ng view sa labas habang ako naman nawala na sa mood. Iniisip ko rin kasi yung sinabi sakin ni Mari. Ano naman kasing connect nun sa pagka-muhi ko kay Bridget? Hay! Ayaw ko na nga isipin pa yung bagay na yun. Pinapasakit ko lang ulo ko eh.

Astig!”napalingon ako kay Jin ng marinig ko syang nag-salita. Lahat sila nakatingin sa baba maliban kay Jian na halatang takot na takot dahil nakasiksik lang sya sa gilid, naka-duko sa mga tuhod nya. “Ano ka ba? Pano mo makikita yung mga dadaanan nating kung naka-ganyan ka? Halika ka nga!”hinatak sya ni Jin palapit. “Hindi ka naman siguro tayo mahuhulog sa bangin dahil gawa sa magic 'tong railway.”

Bigla namang nawala yung inis ko dahil sa nakikita ko. Binabaybay na kasi namin yung kaninang mahabang tulay na nakita ko sa Royal Academy Airport. Ang galing lang kasi, yung tulay pala na 'to eh railway. Tapos nakalutang lang sya sa ere. Sa ibaba makikita mo yung bangin. Sa pababang railway kami dumaan. Tapos umikot yung tren sa bundok. May nadaanan kaming falls.

Dun sa falls may parang mga alitaptap na lumilipad. Nagulat na lang kami nung biglang may lumapit na maliit na fairy sa bintana namin. Tapos lumipad din sya papunta dun sa parang mga alitaptap. Mga fairy pala yun. Ang ganda, kasi parang kumikinang yung falls dahil sa kanila.

Naglat ulit kami nung may mga serena na nag-tatalunan na parang dolphines, yung iba nakaupo sa malalaking bato, kumakaway sila samin. Ang gaganda nila, kumikintab yung mga balat nila, puro kulot na mahahaba yung buhok nila. Pare-pareho ding maliliit yung mga mukha nila, tapos may nakalagay na parang koronang bulaklak sa uluhan nila.

Hangganga sa pumasok kami sa isang tunnel. Madilim sa paligid pero sa loob ng tren maliwanag dahil kusang bumukas yung ilaw. Ilang segundo kaming nasa tunnel, hanggang sa lumiwanag ulit. Bukid na ulit yung nakita namin, tapos unti unti na naming nakikita yung maliit na community na nakita ko nung nasa eroplano kami. Hanggang sa huminto na yung tren. Narinig naming may tumatawag samin sa labas ng kwarto, mukhang si Ruhan na yun. Nag-silabasan na kami, sinulyapan ko sina Kei at Jeremy. Ang sasaya! Lalo na si Kei na kala mo wala nang bukas kung tumawa. Hindi na nila kasama si Bridget pag labas nila ng kwarto. Siguro lumipat si Bridget bago pa kami makarating dito.

Mga Royalties, tayo na po. Nag-hihintay na ang inyong sundo sa labas.”sabi ni Ruhan. Katabi nya si Morris.

Byahe nanaman? Kelan ba matatapos 'tong byahe natin?”reklamo ni Jin habang nakasunod samin pababa ng tren. Lumang building ng train station ang bumulaga samin habang nag-lalakad kami papasok bitbit yung mga gamit namin. This time hindi na namin kasama si Morris.

Tulad sa kabilang station, marami ding mga tao dito. May mga nag-hihintay ng trip nila. May mga palabas at papasok. May mga masayang nag tatawanan at meron namang mag-isa lang. Hindi mo malaman kung sino sa kanila ang Magus o kaya naman Praecantrix.

Pag-labas namin sa lumang building may limang karwahe na sumalubong samin. “Haring Kei at Goddess Jay sa unang karwahe po kayo sumakay.”nung sabihin ni Ruhan yun parang biglang nanumbalik yung inis ko kay Kei. Wala ako sa mood na makasama sya tapos ipag-tatabi pa kaming dalawa ngayon!

Hindi ba pwedeng sa iba na lang ako?”tanong ko pero sumagot si Kei.

Hindi na pwede! Yun na yung sinabi ni Ruhan eh! Kaya makinig ka na lang!”hinawakan nya ko sa magkabilang likod ng balikat ko tapos tinulak nya na ko papuntang karwahe. Hinawi ko na lang yung mga kamay nya tapos pumasok ako sa loob na naka-musangot yung mukha.

Pag-pasok ni Kei sa loob tumabi sya sakin. Buti pa sya kanina pa maganda mood nya. Ako kanina pa nabi-bwisit! Tapos kasama ko pa sya ngayon! Badtrip!

Hay~ ang saya naman ng ganito.”sabi ni Kei, nag-unat sya tapos pinatong nya yung mga braso nya sa sandalan ng upuan. Pero lumipat ako sa kabilang upuan tapos sa bintana ko tinuon yung paningin ko. “Anong problema mo?”narinig kong tanong ni Kei pero di ko sya tinitingnan. “Jay! Hoy!”di parin ako tumitingin. “Jaydee Ryan Maundrell!”deadma parin ako. “Goddess Jay!”kahit anong pangalan pa itawag nya di ko sya papansinin! Bahala sya! “Arte!”sa huli sumuko din sya. Napalingon lang ako nung bigla syang humiga sa upuan, tsaka pumikit. Pinatong nya yung isang paa nya tapos humalukipkip sya. “Makatulog na nga lang. Iisipin ko na lang na walang Jay sa paligid ko!”nginiwian ko lang sya nung sabihin nya yun tapos lumingon ulit ako sa bintana.

Ilang saglit lang umandar na yung karwhe. May mga dinaanan kaming mga bahay bahay. Mga stores, isang palengke, tapos bahay bahay ulit. Dumaan kami ng bukid, tumawid kami sa isang sementadong tulay na may ilog sa ilalim. Sa dulo ng tulay na yun may mahaba at napakataas na wall. Meron syang malaki at mataas na gate na kusang bumukas nung dumating kami.

May walong kawal nakasuot ng tulad sa mga kawal sa Palace nila Prince William at Prince Harry. Yung dito nga lang kulay gold. May mga hawak silang espada tapos sumaludo sila samin nung dumaan kami. Dumaan kami sa isang malawak na garden, sa mga nakahilerang mataas na posteng bato. Yung tulad sa poste ng bato sa Greece. Sa pinaka-dulo nan dun yung napakalaking palasyo sa hindi ko alam kung ilang feet ba yun.

Huminto kami sa tapat ng mahabang wall na merong lobby sa gitna. Bumaba ako na hindi ko sinasabihan si Kei na nan dito na kami. Siguro naman nag-kukunyari lang syang tulog. Ang bilis lang ng byahe namin. Imposibleng makatulog sya agad. Pag baba ko pababa na rin sa mga karwahe yung iba. Mag-kakasama pala sina Laurence, Jin, Mari tsaka Jian. As usual mag-isa lang si Jeremy. Yung babaita at yung lalaki nyang kapatid at yung Prinsesa ng Magh Maell nakababa na rin. Lahat kami nasa baba na maliban kay Kei. Bahala sya sa buhay nya.

Nilibot ko paningin ko sa paligid. Sa mahabang wall na yun may apat na flag na nakasabit sa taas nun. Open yung lobby, malawak sya tapos nangi-ngintab yung sahig dahil gawa sya sa marble. May red carpet yung hagdan tapos may mga kawal na nakatayo sa bawat mag-kabilaang palapag ng hagdan. All in all six sila kasi tatlong baitang lang naman yung hagdan.

Hoy! Jay! Nasan si Kei?”biglang tanong sakin ni Laurence ng mapansin nilang wala pa sya. At sya na lang din pala ang hinihintay para pumasok na kami sa loob. Napa-buntong hininga na lang ako sa inis. Tapos bumalik ulit ako sa loob ng karwahe para tawagin si King Keiigo Tezuka!

Paimportante talaga 'tong lalaki na 'to eh! Sa lahat ng bagay na lang gusto sya ang napanasin! Nakaka-urat talaga! Kelan ka ba mag-babago Keiigo!”bulong ko sa sarili ko pero sinadya kong lakasan onti para marinig ng mokong na 'to. “Gumising ka na nga! Ikaw na lang hinihintay namin!”pero di talaga nagalaw si Kei. Sa inis ko, hinatak ko yung paa nyang nakapatong sa upuan. Nagulat sya at napaangat yung ulo nya. Dun ko lang nalaman na nakatulog pala talaga sya. Kasi namumula yung mga mata nya. Tapos halatang naalimpungatan sya. “Na---nan dito na tayo.”nauutal kong sabi.

Bigla naman ako nakaramdam ng awa kay Kei. Pano kasi, imbes na matulog sa kwarto ni Jeremy naglandi pa! Ayan tuloy. Ewan ko ba sa lalaki na 'to!






LUMAKAD kami na papasok sa lobby. Sa sahig may makikita kang napakalaking words. Royal Academy, tapos nandun din yung symbol ng Royal academy na shield na may mga nakatuson na espada na mag-kabilang gilid na may nakatayong agila sa likuran.

Pag-lampas namin sa lobby, tulay na bato yung sumalubong samin. Malapad yung tulay na may kataasan yung harang sa gilid. May kahabaan sya, yun yung nagdudugtong mula sa lobby hanggang sa malaking palasyo. Matatakot ka kapag tumingin ka sa ibaba kasi wala kang makikita kundi bangin. Sa malaking gate may malaking bakal na banner. Royal Academy Palace.

Nung malapit na kami, kusang bumukas yung malaking gate. Bumulaga samin yung mismong palasyo na. Ang laki laki nya na pahaba. Mukhang luma na yung palasyo. May garden na makikita mo yung mga student ng Royal Academy, nakasuot ng uniform. Yung uniform nila katulad ng uniform sa Korea tsaka Japan. Above the knee na paldang kulay itim, white long sleeve na pinapatungan ng black v-line coat na may silky red sa neck line pababa. Tapos may bow tie silang suot kaso iba iba sila ng kulay. May mga skyblue, pink, green, tsaka yellow. Yun ang uniform sa babae. Sa lalaki halos pareho lang din kaso pants at neck tie naman yung kanila.

Pag pasok namin sa loob ng Royal Academy Palace, namangha kami sa ganda ng loob. Maliwanag sya na maraming paintings na hindi ko malaman kung sino sino ba yung nandun sa paintings na yun. Maliban sa mga paintings na yun wala na kaming ibang makita kundi mga pader.

Maligayang pag-dating sa Royal Academy Palace mga Royalties.”sabay sabay kaming napalingon sa harapan namin ng may marinig kaming nag-salita. Isang matandang babae na mga nasa edad eighty yung bumungad samin. Naka-suot sya ng long black dress na umuubok yung sa may bandang likuran. Long sleeves and turtle neck na may mga lace na puti sa harapan. Hindi ko makita kung anong klaseng sapatos suot nya kasi natatakpan ng dress nya. Naka-suot sya ng witch hat, may hawak syang wand. Hindi masungit, kundi charming ang mukha nya. Malambing yung boses nya tapos hindi nawawala yung pag-smile nya.

Sya si Professor Almira. Ang Head Professor ng Royal Academy Palace. Sya ang namamahala ng palasyo na ito.”pakilala ni Ruhan sa matandang babae. Lumapit samin si Professor Almira. Nakangiti parin sya habang isa isa nya kaming tiningnan. Kaso bigla syang napahinto nang sakin na sya nakatingin. Parang ini-examine nya ko. “Ikaw marahil ang anak ni Zico.”tumama naman yung hula nya.

Opo.”sagot ko. Tumawa naman si Professor Almira.

Napakagaling na estudyante ng Zico. Kaya nga nalungkot ako nang mabalitaan kong wala na sya.”parang inaalala pa ni Professor Almira yung nakaraan tapos tumingin ulit sya sakin. “Hindi bale. Mayroon namang bagong Zico na papalit sa kanya.”nahihiya na lang akong ngumiti. “Ruhan.”tawag ni Professor Almira kay Ruhan.

Ano po iyon Professor Almira?”

Mabuti pa ihatid mo na muna sila sa kani-kanilang dorm. Sa ngayon kailangan nilang mag-pahinga para naman may lakas sila sa Salubong mamayang gabi.”

Salubong? Anong salubong? Baka yun yung pagwe-welcome sa mga bagong students ng school.

Sige po Professor Almira.”sagot ni Ruhan. Hinarap kami ulit ni Professor Almira, nginitian nya ulit kami tapos lumakad na sya papunta sa pader. Lahat kami nagulat kasi bigla na lang syang tumagos. Napakapit pa ko sa kamay ni Kei dahil sa gulat. Nasa tabi ko kasi sya eh. Napalingon tuloy sya sakin. Pero bigla ko naalala na badtrip pala ako sa kanya kaya padabog akong bumitaw.

Tsi!”narinig ko na lang na sabi ni Kei.

Sumunod kayo sa akin. Ihahatid ko kayo sa inyong kwarto.”sumunod naman kami kay Ruhan. Dumiretso kami sa pader malapit lang sa tinagusan ni Professor Almira. “Sundan nyo lang ako.”lumakad si Ruhan papuntang pader. Tulad ni Professor Almira. Tumagos din sya.

Ikaw na mauna!”tulak ni Jin kay Laurence. Natatakot kasi sila baka hindi sila tumagos sa pader. Hindi nag-sasalita si Laurence pero halata sa mukha nya nag-aalangan sya. Kaya naman si Mari na lang ang nauna. Nang makita nyang tumagos si Mari. Sumunod na rin sya. Dahil takot parin si Jin, hinatak nya si Jian para may kadamay sya kung di man sya tumagos. “Sabay na tayo!”sabi pa nya kay Jian. As usual, wala nang nagawa si Jian. Sabay naman silang tumagos sa pader.

Bigla akong nagulat kasi bigla na lang hinatak ni Bridget si Kei sa tabi ko tapos sabay silang tumagos sa pader. Hindi ako naka-react agad dahil sa bigla. “Pasensya na Goddess Jay.”nahihiya namang sabi ni Prince Rizz dahil sa inasal ng kapatid nya saka sya lumusot sa pader. Sumunod naman sa kanya si Princess Anaya.

Naiwan ako at si Jeremy. Parang feeling ko sasabog ako sa inis ng mga oras na 'to. Parang gusto kong umiyak dahil galit talaga ako kay Bridget. “Hindi man lang nahiya!”hindi ko na napigilang sabihin.

Okay ka lang ba Jay? Anong problema? Para kasing kanina pa mainit ulo mo.”napapansin na rin pala ni Jeremy na kanina pa nga mainit ulo ko. Hindi ko lang masabi sa kanya na dahil 'to kay Bridget. Di ko na rin napigilang mapaiyak. Nagulat si Jeremy. “Hoy! Jay! Bakit ka naiyak? Ano bang problema?”alarma nyang tanong. Pero di ako sumasagot. Pinunasan ko yung luha ko tapos hinawakan ko na sya sa kamay para sabay na kaming lulusot sa pader.

Bakit ang tagal nyo?”agad na tanong samin ni Kei nung makita na nya kami ni Jeremy. Halata parin yung worry sa mukha ni Jeremy. Ako naman nagdire-diretso lang ako, payuko akong dumaan sa harapan ni Kei kasi baka mapansin nyang umiyak ako. Pero mukhang di ako naka-lusot. Kasi bago pa ko makalampas hinawakan nya na agad ako sa braso tapos pinihit nya ko paharap sa kanya. Napakunot nuo sya sabay tanong. “Umiyak ka ba?”hindi ako sumagot. Instead, hinawi ko lang yung kamay nya saka ako sumunod sa mga kasama namin. “Jeremy. Anong nang-yari?”narinig ko pang tanong nya kay Jeremy.







Ewan ko. Parang kumikirot puso ko ngayon. Gusto ko nang makarating sa kwarto namin para makapag-pahinga. Siguro dala na ng pagod 'to kaya ako masyadong umi-emote. Badtrip kasing araw 'to eh!










... to be continued




1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^