Sunday, October 6, 2013

Witchcraft and Wizardry II: Chapter 1: Part 4-5



Witchcraft and Wizardry II
Chapter One: Part 4-5



JAY's P.O.V



ISANG malaking kwarto yung sumalubong samin pag-lusot namin sa pader. May dalawang steps na hagdan pababa, dun sa pababa na yun nandun yung parang sala set. May mahahabang sofa, mini tables. 



May bookshelf sa gilid at may lampshades na bawat side ng sofa. Puro carpet yung sahig. Sa kanang bahagi dun siguro yung kitchern kasi may dinning table na mahaba. Sa kaliwa naman may dalawang posteng bato na nakatayo, tapos may kurtina syang kulay gold. 



Hindi ko alam kung ano meron dun. And as usual, wala nanamang pinto pero may mga bintana. May apat na hagdan pataas.



Mga Royalties, heto ang magiging kwarto nyo. Heto ang pahingahan ninyo.”tinuro ni Ruhan yung sala.  



“Sa bahagi namang iyon ang inyong kainan. At iyon ang pinto ninyo papuntang Royal Academy. Huwag kayong mag-alala, dahil kayo lamang at ang may otoridad ang maaring makapasok sa pinto na iyon.”pinto pala yung may gold na kurtina.



Nasa itaas na bahagi ang inyong kwarto. Sa bawat kwarto ay may bukod na kwarto pa para sa mga babae at mga lalaki. Sa unang hagdan ay para sa Royalties ng Tir Na Nog. Ang ikalawa naman ay para sa Ablach, Para naman sa Magh Maell ang pangatlo at pang-apat naman ang sa Fomoire. Sa ngayon mag-pahinga na muna kayo para naman may lakas kayo para sa salubong mamaya.”sabi ni Ruhan.



Nag-sigalawan na silang lahat, aakyat na rin sana ako kaso narinig ko for the first time na nag-salita si Jian. “Ano po ba yung salubong?”



Oh! Nag-sasalita ka naman pala eh! Dapat lagi ka nag-sasalita para di napapanis yang laway mo.”biro pa ni Jin kay Jian. Napayuko na lang si Jian. “Masyado ka namang mahiyain.”dugtong pa nya.



Ang Salubong po ay isang selebrasyon dahil kumpleto ang lahat na Royalties ng apat na Dimensyon. Bihira lamang kasi mang-yari ang ganitong pag-kakataon. Ang paaralan na ito ay nabubuo ng apat na grupo. Yun ay ang Tir Na Nog, Ablach, Magh Maell at Fomoire. Ang ang bawat grupo na yun ay pinamumunuan ninyo mismong mga Royalties.”



Dahil narito ang Hari ng Tir Na Nog na si Haring Keiigo, maari na lang syang mamili ng pwedeng mamuno sa grupo nya dahil sya ang may pinakamataas na posisyon. Sa bawat grupo may daan daang estudyante kayong dapat pangalagaan. Dapat nyong alamain ang saloobin nila, suhestyon nila. Dapat nyo silang pamunuan.”



Para na rin pala kaming tini-train dito para maging leader ng sarili naming Kingdom.”singit ni Mari.



Ganoon na nga Prinsesa Mari.”sagot naman ni Ruhan. Tumango tango naman sina Laurence at Jin.



Paumanhin, pero mga taga Fomoire din ba ang estudyante sa grupo namin?”si Prince Rizz naman na kapatid ni babaita ang nag-tanong.



Umiling si Ruhan. “Binabase sa nakuha mong marka sa pag-susulit ang grupo na kabibilangan mo. Bago matapos ang taon ay may tradisyonal na ginagawang kompitisyon ang bawat pinuno ng apat na grupo para pag-labanan ang pinakamataas na posisyon. Kilala iyon sa tawag na “Taunang Seleksyon”. Tatlong araw itong pinag-diriwang at lahat ng opisyal at mga ministro ng apat na dimensyon ay imbitado sa araw na ito.”



Dahil sa trahedyang nang-yari sa Tir Na Nog. Nanatiling nasa huling pwesto ang kanilang grupo ng mahigit ilang taon. At hanggang ngayon nga ay nasa huli pa rin ito. Patuloy namang namamayagpag sa unang pwesto ang grupo ng Ablach dahil hindi ito pinabayaan ng inyong ama, Prinsepe Jeremy.”napangiti naman si Jeremy sa sinabi ni Ruhan. Kahit di aminin halatang proud din sya dahil naging tatay nya si Doctor Park.



Teka, ibig sabihin nag-aaral parin si Doctor Park noong mga panahon na tinutulungan nya tayo?”kunot nuo namang tanong ni Kei. Dun ko nanaman tuloy biglang naalala na badtrip ako sa kanya. Hay~ kahit boses nya ayaw ko marinig!



Oo. Pero madalas syang wala dahil tinutulungan nyang makabalik sa dati ang Tir Na Nog. Kung mahalaga sa kanya ang sarili nyang kaharian, mahalaga din sa kanya ang tatlo pang dimensyon lalo na ang Tir Na Nog dahil pinahalagahan din ito ng kanyang kapatid kahit hindi man natuloy noon ang pagiging susunod na hari nito. At isa pa, ipinag-katiwala kay Haring Brai ang Tir Na Nog ni Goddess Danann noon kaya naman naintindihan ni Professor Almira kung bakit parati syang wala sa klase nya.”bumuntong hininga si Ruhan.  



“Sya, mag-pahinga na muna kayo. Babalik na lamang ako dito bago ang pagdiriwang mamaya.”yun lang tapos lumakad na si Ruhan papunta dun sa kurtinang kulay gold. Binuksan nya yun pero pader yung sumalubong sa kanya. Tulad ng kanina, tatagos ka lang din dun na parang multo. Di talaga uso pinto dito.



Hay! Makakapag-pahinga na rin tayo!”nag-kasalubong nanaman kilay ko nang marinig ko ulit yung boses ni Kei. Nauna na lang akong umakyat sa taas, kaso mas lalo pa 'kong nainis nung marinig ko si babaita na tawagin si Kei.



Haring Keiigo, maari mo ba akong samahan mamasyal mamaya?”



Hu?”sagot ni Kei. Dahil ayaw ko marinig yung isasagot ni Kei, mabibigat na paa yung hinakbang ko paakyat sa hagdan. Eh gawa sa bakal yung hagdan. Tapos naka-rubber shoes pa ko. Dinig na dinig talaga yung mga yabag ng paa ko.



Jay, hindi halatang pagod na pagod ka ah.”natatawa pang sabi ni Laurence.



Hu? Oo! Pagod na pagod talaga ako!”sarcastic kong sagot kay Laurence.



Jay! Usap tayo mamaya hu!”pahabol pang sigaw ni Jeremy. Nasa taas na kasi ako eh.



Sige.”sagot ko na lang para wala nang mahabang usapan. Gusto ko pa sana itanong kung bakit kami mag-uusap kaso ayaw ko na makita pag-mumukha ni Kei at ni babaita.



Finally, sa kwarto may pintuan na. Pag-bukas mo may dalawang pinto pa ulit na mag-katabi, maliit lang yung space na yun. Sa gitna ng dalawang pinto may malaking painting ng isang lalaking naka-suot ng sinaunang damit ng mga taga-Greece. Para syang Duke. Tapos may nakalagay na pangalan ng Tir Na Nog sa ilalim sa ibabang bahagi.



Sa kaliwang pinto may drawing nga isang babae na nakasuot ng pang-Queen na damit. Sa kanan naman lalaking nakapang-King na damit. Malamang dun kami sa babaeng naka-suot ng Queen na damit. Pag-pasok namin, sobrang laking kwarto yung sumalubong samin. 



May malalaking bintana, at may tatlong queen sized bed. Pare-pareho red ang cover ng kama maliban sa nasa gitna na kulay gold ang cover. Sa ibabaw ng kama nakapatong yung mga uniform namin. Pareho lang din naman sa mga student dito yung uniform namin. 



Ang pinag-kaiba nga lang gold yun silk ng samin tapos stripe na gold ng skyblue naman yung bow tie namin.




May mini sala din sa gitna. May malalaking kurtinang kulay Red and Gold sa bintana. Carpet na printed tapos kulay red din sya. Pag sumilip ka sa bintana makikita mo yung malawak na garden ng school at hindi mo aakalain na nasa itaas na bahagi ka ng palasyo. 


 

Sa kaliwang bahagi may isa pang pinto, nakita kong banyo yung nasa loob nang buksan ni Mari. Sumunod ako sa kanila ni Jian, ang laki din sa loob. May malaking bathtub, may bukod na shower room, bukod na cubicle, at may bukod na powder room. 



May walk-in closet na merong tatlong malalaking cabinet. Punong puno ng damit sa loob nun tapos marami ding mga sapatos. May malaki ding salamin sa walk-in closet na yun. Wala na kaming nasabing tatlo sa isa't isa kundi ang mag-ngitian dahil sa sobrang galak.









LAURENCE's P.O.V



TAMANG tama, naabutan ko si Mari sa ibaba. Marami kasi akong gusto sabihin sa kanya. Marami akong gustong i-explain at gusto ko ring mag-sorry sa kung ano man yung nagawa ko noon.



Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Malaki ang pinag-bago ni Mari. Hindi na sya katulad ng dati. Doon, palangiti sya, maraming kaibigan. Ngayon cold-hearted na sya at bihira mo na lang syang makitang naka-ngiti. Ngayon napaka-strong na ng personality nya, pero hindi naman sya ganyan dati. Maraming nag-bago maliban sa hilig nya sa pag-babasa.



Bigla tuloy akong nakaramdam ng guilty. Feeling ko kasi ako ang may kasalanan kung bakit naging ganyan si Mari ngayon. Nag-balikan tuloy sa isip ko yung mga nang-yari samin noon.



Bagong lipat lang kami noon sa lugar nila Mari. Wala pa 'kong kakilala. Pag nag-lalaro yung mga bata noon out of place ako kasi bago lang ako. Wala akong ibang kalaro kundi yung robot na bigay ng tatay ko. Naalala ko si Optimus Prime pa nga robot ko nun. Uso pa kasi trnasformers noon. Si Optimus Prime yung pinaka-paborito ko. At dahil sa robot na yun kaya kami nag-kakilala ni Mari.



Wow! Optimus Prime! Paborito ko si Optimus Prime! Gusto mo palit na lang tayo? Sayo na si Bumble Bee sakin nya lang Optimus Prime.”pumayag ako. Hindi dahil sa mga bata pa kami nun na wala pang kamuang muang. Kasi nung mga panahon na yun. Si Mari ang unang kumausap sakin at isa pa, bihira ka lang makakita ng babae nun na alam ang transformers. Mga batang babae noon alam lang Sailor Moon.



Natuwa ako kay Mari kaya nakipag-palit ako, naisip ko rin na marami naman akong Optimus Prime sa bahay. Hanggang ngayon nga na sakin parin si Bumble Bee eh. At sya lang ang nag-iisang Bumble Bee sa collections ko. Dinala ko nga sya ngayon, dahil gusto ko ipakita kay Mari.



Pag-katapos nung palitan ng robot naging kalaro ko na si Mari. Di lang kalaro, naging bestfriend ko pa sya. Pareho kami ng preschool na pinapasukan. Hindi ko pa kilala sina Jay nun, pero si Jin naalala kong naging classmate ko nung elementary. 



Na-bully nga ko minsan nyan eh. Pero lumipat sya ng school hanggang sa nag-krus nanaman landas namin nung lumpat ako sa Riverbank Town. Pero may dahilan kung bakit bigla kaming napalipat sa Riverbank Town.



Si Mari, simula nang makilala ko sya alam kong may espesyal na sa kanya. At hindi nya naman itinago sakin yun noon. Totoong Magic, isang wand, pag-cast ng spell. Pinaniniwalaan ko na yan noon pa. 



Dahil pinakita sya sakin ni Mari. Dahil nga sa kanya kaya ako nahilig sa pag-babasa ng mag Wizard's Stories. Kaya hindi rin nakapag-tataka na nandito si Mari ngayon. Kasama ko.



Imbes na matakot noon, mas lalo akong humanga kay Mari. At mas lalo nya namang ipinakita sakin yung mga kaya nyang gawin. “Alam mo ba. Ikaw lang ang nakaka-alam na isa 'kong Wizard.”isang araw sabi sakin ni Mari.



Talaga?”sagot ko. Nakangiti syang tumango.



Kaya nga dapat walang ibang pwedeng makaalam nito kundi ikaw lang. Promise?”



Natuwa ako kasi ibig sabihin pinagka-katiwalaan ako ni Mari. “Promise! Walang ibang makakaalam nito.”



Isang araw, birthday ko. Tinanong ako ni Mari kung ano gusto kong regalo. Sabi ko, “Gusto ko yung regalong gawa ng magic mo.”ngumiti sya.



Yun lang ba? Sige, bibigyan kita ng cake gamit magic ko.”nilabas ni Mari yung wand nya tapos nag-cast sya ng spell na hindi ko na maintindihan hanggang sa may lumitaw na cake sa harapan ko. Chocolate cake, yung paborito kong cake dun sa kanto namin.



Wow! Ang galing mo talaga Mari!”amazed kong sabi.



Happy Birthday Laurence Norwood!”inabot nya sakin yung cake pero di ko pa man nahahawakan bumagsak na sya sa lupa nang may bumato sa kamay ni Mari. Napaaray sya sa sakit, nakita ko dumudugo na yung kamay nya. “Mari! Okay ka lang ba?”nag-aalala kong tanong hindi sya nakasagot sa sakit.




Nilingon ko yung mga batang madalas nyang kalaro. Sinasabihan syang mangkukulam ng paulit ulit. Napatayo ako kasi nakita kong dumating sina mama at papa. Nag-mamadali silang lumapit sakin tapos hinatak nila ako palayo kay Mari. Naiwang mag-isa si Mari habang pinag-tatawanan at binabato sya ng mga bata.



Gusto ko syang tulungan pero hindi na ko nakagalaw dahil nabibigla ako sa mga nang-yayari. Umiiyak na tumakbo si Mari palayo samin. Gusto sya sundan kasi ang higpit ng hawak nila mama at papa sakin. Simula nun hindi ko na nakita si Mari. Sinubukan ko syang puntahan sa bahay nila, nagulat pa ko sa nalaman ko kasi wala palang mga magulang si Mari.



Bata pa lang yan ng mamatay ang mga magulang nya. Ang pinag-tataka nga namin pano nya nagagawang buhayin ang sarili nya. Humahanga nga kami. Yun naman pala mangkukulam ang bata na yan.”sabi nung kapitbahay na napag-tanungan ko. Dun ako mas naawa kay Mari.



Makalipas nung araw na yun, nag-decide sina mama at papa na lumipat sa Riverbank Town. Dun ko na nakilala sina Jay, Jeremy, Kei at nakita ko ulit si Jin. Naging masaya yung pag-tira ko sa Riverbank, thankful pa nga ako dahil dun kami lumipat dahil nakilala ko yung mga tunay kong kaibigan. 



Pero hinahanap ko parin si Mari nun. Madalas nga ko mag-wish na sana makita ko ulit sya. At ito nga sya ngayon, kasama ko. Pero hindi na tulad ng dati. Kaya ang mission ko, ang ibalik sa dati si Mari dahil ako ang may kasalanan kung bakit sya nag-kakaganyan ngayon.



Mari.”tawag ko. Nilingon nya ko saglit tapos bumalik sya sa pag-babasa.



Bakit?”sagot nya.



Pwede ba tayo mag-usap?”naiilang kong tanong kasi baka hindi sya pumayag. Napansin ko na napatingin sya sa side nya, ilang saglit lang isinarado nya yung libro nya. Bumuntong hininga sya saka sya lumingon ulit sakin.



Ano bang gusto mo pag-usapan natin?”masungit nyang sabi. Para akong nabunutan ng tinik. Salamat pumayag sya. Ang problema, hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bigla akong na-mental block. Ilang segundo akong hindi nakapag-salita. Tumayo si Mari, lalakad na sana sya paalis pero napahinto sya nung marinig nya yung sinabi ko.



Sorry.”ewan ko. Yan una lumabas sa bibig ko. Sa sobrang taranta ko kasi nung tumayo si Mari yan na lang nasabi ko. 

 

Nate-tense ako. Ang tagal nya kasi sumagot. Nakatalikod lang sya sakin. Tapos bumuntong hininga ulit sya saka sya humarap sakin. “Move on. Yan ang dapat mong gawin Laurence. Mag-move on ka na at tanggapin mo na na hindi na tayo yung tulad ng dati.” sabi nya. Medyo masakit pakinggan yung ganun. Pero yun yung price dahil tinalikuran mo sya noon.



Oo, Move on. Magmo-move on ako sa kung ano man yung nang-yari noon. Pero yung tanggapin na hindi na tayo tulad ng dati?”umiling ako. “Siguro nga hindi ibabalik ng isang iglap kung ano ka noon. Pero susubukan ko Mari. At nasisiguro kong kaya kitang ibalik sa dati kahit hindi pa ko gumamit ng Magic.”determinado kong sabi sa kanya. Hindi sya nakaimik. Tiningnan nya ko saglit saka sya umakyat na pataas.








Determinado talaga akong maibalik sya sa dati. At gagawin ko yun na hindi ako gagamit ng kahit anong Magic.





... to be continued







No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^