Sunday, October 13, 2013

Witchcraft and Wizardry II: Chapter 1: Part 5-5




Witchcraft and Wizardry II
Chapter One: Part 5-5

JAY's P.O.V




LAHAT kami nasa ibaba na maliban kay Kei. Inis na inis na nga ako sa style na ginawa sakin dinagdagan pa ng Keiigo na 'to!



Parang hindi talaga ikaw 'yan Jay.”naiiling pa si Laurence habang sinasabi nya yun. Alam nya na ngang hindi ko style 'to pinapansin pa nya. Napaupo na lang ako sa sofa dahil sa inis.



Pano naman kasi, yung buhok ko kinulot ng babae kanina. Pinalitan nya ng kulay, ginawang dark brown. Bagay daw sakin yun. Sinuutan pa ko ng tiara sa uluhan. Feeling ko mukha akong tangek kasi ako lang may suot ng tiara saming mga babae. 



Nilagyan pa ko ng make-up. Hindi pa naman ako sana na may make-up. Nangangati mukha ko. Okay na sakin yung mag-suot ng robe at uniform pero bakit kailangan whole make-over talaga?



Oh, ayan na pala si King Keiigo eh.”natatawa pang biro ni Jin. Hindi ko sya nilingon.



Bilisan mo nga! Para kang dalaga kung kumilos eh!”sabi pa ni Laurence.



Sorry, late ako. Medyo di kasi maganda pakiramdam ko.”walang gana nyang sabi. Pero hindi ako naniniwala. Masama pakiramdam? Kahit hindi naman masama pakiramdam nya ganyan sya lagi eh.



Ayos lang Haring Keiigo. Tayo na. Nag-hihintay na sila sa inyo.”nag-tayuan na kami nung sabihin yun ni Ruhan. Palakad na sana ako ng bigla kong hatakin ni Kei paharap sa kanya.



Ikaw ba yan Jay?”gulat nyang sabi. Medyo natuwa ako, kasi ito yung first time na makita akong naka-make-up ni Kei. Pero panira talaga sa moment 'tong si Bridget eh! Sumingit nanaman!



Haring Keiigo, sabay na tayong lumakad.”yumakap pa sya sa braso ni Kei. Ako nga ni minsan hindi ko nagawa kay Kei yun. Tapos sya walang kagatol gatol yang ginawa yun? At gustong gusto naman ni Kei! Ewan! Mag-sama silang dalawa!



Hinawi ko yung kamay ni Kei na naka-hawak sa braso ko. Tinalikuran ko sila, lumakad ako ng mabilis. Nung makita ko si Jeremy, humawak ako sa braso nya. Napalingon pa si Jeremy sa braso nya tsaka sakin.



Jay... Anong ginagawa mo?”nag-tatakang tanong ni Jeremy.



Wala! Gusto lang kitang kasabay mag-lakad!”inis kong sabi.



Kelangan talaga naka-hawak ka sa braso ko?”



Wag ka na nga magulo!”natawa na lang si Jeremy sakin.



Lumusot kami sa pader na may gold na kurtina. Lumabas kami sa isang mahabang hall na may malalaking bintana sa gilid. Wala na kaming ibang makita sa labas kundi mga stars na kumikinang sa langit. Gabi na kasi. Ang nakaka-hanga, kada ilaw na nakadikit sa pader na madaanan namin kusang sumisindi. Pag nakalampas na kami kusa din syang namamatay.



Lumiko kami sa kanan, tapos kaliwa, kanan ulit. Hanggang sa humito kami sa isang malaking pintuan. Hinawakan ni Ruhan yung isang bakal na bilog na nakasabit sa pinto. Yun yung ginamit na pang-katok. Ilang saglit lang bumukas yung pinto.



Pag-kabukas nun may narinig kaming malakas na tunog ng turotot kasunod nun yung malakas na boses ng isang lalaki. “Mag-sitayo ang lahat. Narito na ang mga pinuno ng apat na grupo.”pag-kasabi nun saka lang ulit lumakad si Ruhan papasok.



Papasok pa lang sa pinto may sumalubong na saming mga kawal. Sumaludo sila sa amin. Napanga-nga kami dahil sa ganda at laki ng loob. Ang daming mga Magus at Praecantrix sa paligid. Halos mabingi ka na nga sa boses nilang lahat eh. Mga nakatayo lang silang lahat. Nakasuot sila ng parehong uniform samin pero red lang yung silk nila sa gilid.



Walang bubungan yung kwarto. Kaya kitang kita mo yung langit na maraming stars. Tapos maraming mga ilaw na naka-lutang sa paligid ng kwarto. Red carpet yung nilalakaran namin. Sa harapan sa bandang kaliwa makikita mo yung limang flag na nakatayo. 



Apat sa kanila flag ng apat na dimension. Yung isa naman na nasa pinaka-gitna flag naman ng Royal Academy. Sa kanan naman may limang flag din pero hindi ko na alam kung saang flag yun. Pero gold ang kulay nya na may iba iba ding sign.



Tapos parang may malaking altar sa harapan. Dun may mga naka-hilerang mga babae at lalaki na may katandaan na yung iba. Meron din namang mga bata pa. Marami sila, nasa eleven, nandun din si Doctor Park, katabi si Professor Almira. Tulad nung una namin syang nakita. 



Naka-ngiti parin sya ngayon habang kausap nya yung isang matandang lalaking balbasarado. Para syang yung mascot sa Enchanted Kingdom. Kasi nakasuot pa sya ng witch hat. Lahat sila naka-upo sa upuang pang-Hari at pang-Reyna.

 

Huminto kami sa tapat ng tatlong palapag na hagdan. Sa harapan nilang eleven. “Professor Almira. Narito na po ang sampung kamahalan.”sabi ni Ruhan. Tumango si Professor Almira. Marahan syang tumayo para lumapit samin.



Maligayang pag-dating sa Royal Academy.”pag-palakpak ng isang beses ni Professor Almira napaangat kami ng tingin ng bigla na lang may fireworks na nag-putungan sa taas. 



Manghang mangha yung mga students, syempre pati kami. May mga pyrotechnics na fireworks. Coleidoscope firewords at marami pang iba. Lumiwanag yung langit dahil sa mga fireworks na si Professor Almira ang may gawa.



Yung huling fireworks, para syang meteor shower na unti unting bumabagsak samin. Pero nagulat kami na bigla na lang naging maliliit na fairy yung fireworks na yun. Isa isa silang lumapit samin. Ang liliit ng mga boses nila. Ang cute nila!



Sila ang fairies na ibinibigay sa mga bagong student ng Royal Academy. Binibigay sila para maging gabay ninyo dito. Kaya nga lang, hindi kayo ang mamimili kung sino sa kanila ang gusto nyo. Kundi, ang maliliit na fairy na ito ang mamimili ng gugustuhin nilang maging Master.”sabi ni Professor Almira.



Pinanood ko yung paligid ko, kasi walang fairy na lumalapit sakin. Si Jeremy may babaeng fairy na dumapo sa kamay nya. Si Kei naman may fairy na kusang humiga sa balikat nya. May mga fairy na kusang dumapo sa mga kasama ko. Sakin lang wala! Bakit? Ayaw ba nila sakin?



Nag-kita nanaman tayo!”napalingon ako sa kanan ko ng may marinig akong pamilyar na boses.



E—Eleune!”



Ako nga!”



Sya nga! Yung fairy na nakilala ko noon nung nasa gitna ako ng dagat kasama yung mga Vulgus Pirates na alaga ni Jerim at ni Zico. Si Eleune! Yung fairy ng pamilya ng totoo kong tatay!



Eleune! Ang saya ko naman!”nag-tatatalon ako sa tuwa. Gusto kong yakapin si Eleune pero hindi ko magawa kasi sobrang liit lang nya. “Sobrang na-miss kita!”



Dapat lang!”tulad dati, mataray parin sya hanggang ngayon. Pero okay lang, yun nga yung mas lalong nag-papa-cute sa kanya eh.



Dahil naka-pili na ang mga fairies na ito. Ngayon, sisimulan na natin ang pag-papakilala sa bawat pinuno ng grupo.”pumalakpak ulit si Professor Almira. Hindi naman mga fireworks ang lumabas. Kundi sampung upuan sa harapan. 



Apat sa unahan, anim naman ang nasa likuran ng apat na upuan na yun. Tapos inilahad ni Professor Almira yung kamay nya sa kaliwa, lahat kami nabigla nung may biglang lumitaw na naka-rolyong papel.



Uunahin ko ang pag-tawag sa may pinaka-mataas na rango na grupo.”ubo pa si Professor Almira bago sya nag-patuloy. “Kaharian ng Ablach. Dahil nag-iisa lamang si Prinsepe Jeremy, otomatiko na sya ang magiging pinuno ng grupo ng Ablach.”



May lumapit na isang kawal kay Jeremy, parang escort nya papunta sa parang altar. Umakyat sila sa taas nun. Lumapit naman si Doctor Park sa tabi ni Professor Almira. May hinubad syang pin sa kanang bahagi ng damit nya tapos binigay nya yun kay Professor Almira. Hindi ko alam kung ano yun. Kinuha ni Professor Almira yung pin at sya mismo yung nag-kabit nun sa kanang uniform ni Jeremy.



Tapos inalalayan sya ni Professor Almira paharap sa mga sutdent. “Ngayon, ipinapasa na ni Haring Brai ang posisyon nya sa anak nya. Si Prinsepe Jeremy.”pakilala nya ulit kay Jeremy. Nag-palak-pakan silang lahat. Saka sinamahan si Jeremy ng kawal na umupo dun sa unahan ng apat na upuan. 

 

Sila ang magiging grupo mo.”tinuro ni Professor Almira ang unang hilera ng mga student. May parang gleaters na sumabog sa kanila tapos bilang may limitaw na kulay green at malalaking kandila sa gitna ng hilera nila, kusa syang sumindi na kinamangha nila. 



May inabot namang pin yung mga napili nilang fairy sa kanila. Pin yun na may symbol ng grupo ng Ablach. Parang yun yung nag-sasabing opisyal ka nang kasapi sa grupo ng Ablach.



Sunod naman tinawag yung group ni babaita. “Ang nasa ikalawang rango. Ang grupo ng Fomoire. Maaring lumakad dito kung sino man sa inyong dalawa ang nais mamuno sa inyong grupo.”wala namang kagatol gatol na lumapit papunta sa harapan si Bridget. 



Excited pa sya. Hmp! Ayaw ko na tingnan pa si Kei! Dahil alam ko namang proud sya kay babaita. Ganun din ang naging pang-yayaring seremonya. Pasahan ng posisyon hanggang sa grupo ng Magh Maell. Kumpleto ang tatlong dating leader, maliban sa isa. Wala ang dating leader na mag-papasa sana ng pin sa magiging bagong leader ng Tir Na Nog.



Dahil sa hindi inaasahang pag-panaw ni Prinsepe Zico, hinihiling ko na si Haring Brai na lamang ang mag-pasa ng pin na ito sa magiging bagong pinuno ng Tir Na Nog.”sabi ni Professor Almira.



Si Zico pala ang dating leader ng Tir Na Nog, pero bakit nasa Tir Na Nog sya nung mga panahon na nakilala ko sya? Bigla kong naalala yung sinabi ni Ruhan tungkol kay Doctor Park. Nag-aaral din sya nung mga panahon na nakikipag-laban sila para sa Tir Na Nog. 



Siguro ganun din ang ginagawa ni Zico noon. Bigla tuloy tumaas ang respeto ko sa tunay kong tatay. Pero hindibagay sakin ang posisyon bilang leader. Bagay yun sa iisang tao lang.



Ako na bahala maging pinuno. Sisiguraduhin kong ibabalik ko sa pagiging number one ang Tir Na Nog.”sabi ni Kei samin. Kilala ko si Kei. Pag sinabi nya, he meant it. Pero dahil kay babaita bigla akong nag-duda. Para ba talaga sa Tir Na Nog o dahil kasama sa mga leader si babaita? Ewan.



Pumayag naman kaming lahat. Tsaka may tiwala naman sa kanya yung mga kasamahan namin. “Maari nang umakyat dito ang kung sino mang napiling pinuno sa grupo ng Tir Na Nog.”

 

Habang umaakyat si Kei, mararamdaman mo yung determination sa kanya. Makikita mo yung expression ng mukha nya, seryosong seryoso talaga sya. Hindi sya yung usual Kei na laitero, makulit, magulo at punong puno ng kaartehan sa katawan. 



Yung makikita mong Kei ngayon, yun yung other side nya na kaming mga nakakakilala lang sa kanya ang nakakaita. Si Kei... kaso nabu-bwisit talaga ako kapag nakikita ko si babait eh! Kung makatingin naman kasi kay Kei parang wala ng bukas! Grrr!



Natapos na yung ceremony. Pumwesto na rin kami sa bandang likuran nila. Naisuot na rin namin yung pin nabinigay samin ng mga fairy namin. Shield sya na hinti sa apat, pero wala syang design. Dun sa gitna ng shield at nung apat na hati may stone. 



Dahil sa Tir Na Nog ang group ko, kulay pink ang stone ko. Nakaupo ako sa badang gitna, katabi ko sa mag-kabilaan si Mari na katabi si Laurence, at si Jian na katabi naman si Jin na katabi rin ni Prince Rizz.



Dahil tapos na ang pag-papakilala ng bawat pinuno ng apat na grupo. Maaari na tayong kumain ng hapunan.”inilabas ni Professor yung wand nya na hindi ko alam kung saan galing. 



Winagayway nya yun, biglang lumitaw sa harapan namin yung lamesang punong puno ng pag-kain. “Mag-paka-busog kayong lahat.”bumlik sa pwesto si Professor Almira. Tulad namin meron na rin silang lamesa na punong puno ng pag-kain.








MATAPOS yung kaminan, hinanap ko si Kei. Kasi gusto ko na rin maging okay kami bago matapos 'tong gabi. Kasi bukas start na ng class namin. Syempre, kahit ayaw ko kay Bridget, basta kami ni Kei okay. Ayos na yun. 

 

Kaya lang hindi ko sya makita. “San nanaman ba nag-punta yun?”tanong ko sa sarili ko. “May veranda pala dito?”sabi ko sa sarili ko nung makita ko yung veranda. Lumakad ako papunta dun, pero natigilan ako nung makita ko si Kei.



Hindi ko alam, tumulo na lang yung luha ko nung makita ko na nakahalik sa kanya si Bridget. Parang pakiramdam ko, pinag-taksilan ako ni Kei. First time kong maramdaman yung sakit sa puso na gawa ng isang lalaki.



Jay!”halos sabay na tawag ni Jeremy at Kei sakin. Pero na kay Kei yung atensyon ko. Nakita kong tinulak nya si Bridget palayo tapos lumapit sya sakin. “Mage-explain ako.”tensyonado nyang sabi.



Oo. Hayaan mo mag-explain ang Master ko.”ulit naman ng fairy nya. Hindi ako makapag-salita. Panay lang tulo ng luha ko. Si Jeremy, tahimik lang na nakatayo sa likuran ko. Si Bridget naman sa hiya, tumakbo sya palayo samin.



Bakit pa kayo mage-explain? Eh kita na nga ng mga mata ni Jay na nakikipag-halikan 'yang Master mo!”pag-tatanggol ni Eleune sakin. “Kung buhay lang si Zico malamang na-siko ka na nun Keiigo!”banta pa nya.



Jay.”tawag ulit sakin ni Kei. Pero hindi ako makapag-salita. Hindi ko rin naman kasi alam sasabihin ko.



Bigla kong naisip yung lugar ko. Bakit sya mage-explain? Bakit ako umiiyak? Mag-ano ba kami? Wala naman diba? Mag-kaibigan lang naman kami. Kaya wala kaming dapat ika-emote sa isa't isa.



Napayuko na lang ako, bigla kasi akong nahiya. Hindi ko alam ba't ako umaasal ng ganun sa harapan ni Kei. Pinunasan ko yung luha ko tapos lumakad na ko ng mabilis palayo sa kanila. “Jay!”tinawag ulit ako ni Kei pero hindi na ko lumingon.









HABANG nag-lalakad ako mag-isa sa hall papunta sa dorm namin wala akong ibang marinig kundi yung maliit na boses ni Eluene.



Ang kapal talaga ng mukha ng Keiigo na 'yan! Pinag-katiwala ka pa naman ni Master Zico sa kanya tapos lolokohin ka lang nya! Naku!”gigil na gigil nyang sabi.



Eleune, hindi ako niloko ni Kei. Hindi naman kami kaya walang lokohan na nang-yari. Choice nya yun kaya hayaan mo na sya.”paliwanag ko sa kanya. Para naman hindi na rin sya ma-stress.



Kahit na! Pinag-katiwalaan sya ni Master Zico! Dapat hindi nya sinira yun! Pasalamat talaga sya wala na si Master Zico kung hindi! Lagot talaga sya!”napangiti na lang ako nang maalala ko si Zico. Bigla ko ring na-miss yung mga Vulgus Pirates pati si Jerim.



Jay!”napalingon ako nung marinig ko si Jeremy. Tumatakbo sya papunta sakin.



Jeremy.”



Naawa nyang pinag-masdan yung mukha ko bago sya nag-tanong. “Ayos ka lang ba?”



Nag-aalala sayo ang Master ko kaya ka nya hinabol.”singit naman ng lalaking fairy nya.



Ano ka ba! Wag ka nga maingay!”sita ni Jeremy. Napatakip naman sa bibig yung maliit nyang fairy. Natawa na lang tuloy ako.



Ang cute naman ng fairy mo. Ano pangalan nya?”pag-iiba ko ng usapan. Iniiwas ko kasi yung tungkol kanina.



Brian ang pangalan ko. Si Master Jeremy ang nag-pangalan sakin nun! Ang ganda diba? Kakaiba!”tuwang tuwang bida ni Brian.



Ano namang kakaiba sa Brian?”masungit na tanong ni Eleune. Napailing na lang ako. Espesyal para kay Jeremy ang pangalan na yun, dahil yun ang pangalan ni Doctor Park sa Earth.



Jay, yung kanina---.”inunahan ko na agad si Jeremy.



Yung kay Kei? Okay na yun. Para nga kong tanga eh. May paiyak iyak pa kong nalalaman! Kala mo girlfriend lang na naloko ang dating! Arte ko no?”tumatawa tawa lang ako. Pero deep inside pinipigilan kong wag maiyak. Pag naalala ko kasi yung kanina sumisikip lang dibdib ko. Kaso sa huli di ko rin talaga mapigilang mapaiyak.










Hindi na nag-salita pa si Jeremy. Niyakap nya na lang ako. Nung ginawa nya yun mas lalo akong naiyak. Ewa ko, hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng sobra ngayon. Gulong gulo ako...







... to be continued

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^