Sunday, October 20, 2013

Witchcraft and Wizardry II: Chapter 2




Witchcraft and Wizrdry II
Chapter Two



JAY's P.O.V



HALOS tumakbo na ko sa pag-mamadali para lang hindi ako maabutan ni Kei na kanina pa ko hinahabol. Panay din tawag nya sakin pero nagbibingi-bingihan ako. Hanggat kaya kong umiwas, iiwas ako kay Kei. 



Hindi ko pa kasi sya kaya harapin. Kahit three days na ang lumipas simula nung gabi na umiyak ako sa harapan nya nang makita ko sila ni... Hay~ ayaw ko na nga balikan pa yun! Basta! Sa ngayon hindi ko pa kayang harapin si Kei.





Jay ano ba!”inis na nyang tawag sakin pero di talaga ako lumilingon.





Ayaw ka nga pansinin eh! Tara na! Mag-lunch na lang tayo! Hayaan mo na muna sya!”narinig ko pang awat ni Jin sa kanya. 



Buti na lang, kasi feeling ko hindi talaga titigil si Kei hanggat hindi nya ko nakakausap. Hindi na ako magla-lunch kahit na nagugutom pa ko ngayon. Dun na lang muna ako sa garden. Mag-babasa na lang ako ng libro tungkol sa History ng Four Dimension. Tutal yun naman ang next subject namin.





Tatlong araw na kami dito sa Royal Academyi pero di tulad sa Riverbank Academy ang naging first day of school ko dito. Doon, masaya ako. Excited, ready makipag-kaibigan. Kaya ko nga nakilala yung apat na mokong. Pero dito, pasakit ang sumalubong sa first day ko. Wala akong gana araw araw. First time kong hindi kausapin sino man sa mga kaibigan ko. 

 



Sa oras ng klase namin, para akong laging wala sa sarili. Kaya nga madalas sumabog sa mukha ko yung mga ginagaw namin potion sa Potion Class namin eh. Buti nga kami kami lang na mga Royalties yung students sa klase. Nasabihan pa ko ng dating Professor ni Zico na “Dapat mong tularan ang iyong ama. Napakahusay nya sa kahit anong bagay.”





Sorry lang naman! Kahit naman nasa katinuan pa ako ngayon. Hinding hindi ko matatapatan ang katabaan ng utak ng tatay ko. Minsan parang ang hirap pag yung tatay mo o kaya nanay mo may lahing Einstein. Hindi ka talaga maiiwasang ikumpara sa kanila.





Hay~ nakakagutom naman 'tong ginagawa ko. Ano kaya kinakain ng mga yun sa canteen?”sabi ko sa sarili ko nang marinig ko na tumunog na tyan ko. 



Napangiti ako nang maalala kong may wand pala ako, nag-mamadali kong dinukot sa bulsa ng robe ko yung wand pero napahinto rin ko nung maalala ko na hindi pa pala ako marunong ng Magic of Desire.





Itinuturo lang sya pag isa ka nang Adept at para lang sa mga Royalties ang special Magic na yun. Dun yung pag-aaralan mong ma-control yung Magic gamit isip mo. Kunyari gusto mong kumain. Kahit hindi ka na mag-cast ng spell isipin mo lang yung gusto mong pag-kain. I-wave mo lang yung wand mo lilitaw na sa harapan mo yung pag-kain na gusto mo.





Sabi nang Professor namin na dating Professor ni Zico na si Professor Michael may stages o level daw yung Magic of Desire. Hanggang level four daw yun. Pero kadalasan, hanggang sa level two lang ang tinuturo sa mga Royalties. Kasi pag umabot sila sa level four pwede silang balutan ng kasamaan sa katawan.





Sa level one daw kasi ang pwede mo lang magawa, kunyari si Kei. Dahil inis ako sa kanya gusto ko syang gawing palaka. Pwede ko magawa sa kanya yun. Isipin ko lang tapos i-wave ko sa kanya yung wand ko, magiging palaka na sya. Pwede mong gawin yung mga simpleng bagay lang.





Sa level two naman daw, pwede mo nang mapagalaw lahat ng bagay. Kung gusto mong lumapit sayo ang isang bagay, pwede mo syang palapitin sayo, i-wave mo lang yung wand mo.





Yung level three daw medyo dilikado na daw syang ituro depende na lang kung yung taong tuturuan eh pure daw yung puso. Yung tipong hindi gagawa ng masama pag naututunan nya yung level three. Pwede kang makipag-usap sa isip ng kapwa mo Magus. 



Pero pag hindi mo daw master ang level two mahirap para sayo makipag-usap gamit isip mo. Ito din daw kasi yung pwede mong ma-control yung isip ng tao. Sa level daw na 'to kahit wala ka nang gamit na wand kayang kaya mo mag-perform ng magic gamit lang isip mo. Di mo na kailangan ng spells.





At lastly, level four. Ito na daw yung stage na hinding hindi ituturo sa mga Royalties maliban na lang kung pumasa daw sila sa test kung saan sinusubukan daw kung anong klaseng pag-katao meron ka. Sabi ni Professor Michael, lilimang tao lang daw ang nakapasa sa test na yun. Dalawa nga daw dun si Professor Almira at ang dating Hari ng Tir Na Nog. 

 



Pero sabi ni Professor Michael may limitasyon daw yung pag-gamit ng Magic of Desire. Kasi sa oras na maabuso daw sya. Mas lalo kang nagiging malakas, hindi dahil sa gumagaling ka sa pag-gamit. Kasi daw nag-hahari na daw yung kasamaan sayo kaya ganun. 



At pag nang-yari daw yun mawawala ka na sa sarili at mabubuhay ka daw na parang halimaw. Pag ganun na daw ang nang-yayari, pinapatapon na sila sa Nubus Illa. Tsk, tsk, tsk.





Nagugutom na talaga ako.”gutom na talaga ako. Hindi rin kasi ako kumain ng almusal kanina. Dahil ayaw ko nga makita si Kei. “Hay~ nasan ba kasi 'tong si Eleune? Kung kelan kailangan mo para mautusang kumuha ng pag-kain saka naman wala! Lakwatsera talaga ever since!”





Napalingon ako sa kanan ko nang may bigla na lang nag-abot sakin ng isang apple na may kasama pang karton ng gatas. Pag-angat ko ng mukha ko isang lalaking may baby face ang sumalubong sakin. Maputi sya, sobrang puti, hindi... maputla sya. May unique syang buhok, kulay sky blue kasi na unkempt tapos blue deep set eyes. Ang tangos ng ilong nya, manipis na mapula pa sa apple na hawak nya yung labi nya.





Akala ko student sya dito pero parang may mali eh. Nakasuot kasi sya ng long leather caot at army boots. Napansin ko rin yung kamay nya nung iabot nya sakin yung apple tsaka milk.





Kulay itim yung kulay ng kuko nya, at may gold na sing sing syang suot sa middle finger nya. Kahit naka-bend sya alam kong matangkad syang. Siguro nga hanggang kilikili nya lang ako eh.





Sa---salamat.”nauutal kong sabi. Sino ba 'tong lalaki na 'to? Ano bang ginagawa nito dito? Student ba 'to dito na nagre-rebelde lang? Tanong ko sa isip ko nung kuhain ko yung inalok nyang apple tsaka karton ng gatas na may label na Milk.





Narinig ko pang natawa sya nung umupo sya sa tabi ko kaya napalingon ulit ako sa kanya. “Ako si Klaud. At hindi ako estudyante dito.”humito sya saglit para mag-isip. “Rebelde oo.”kinibit pa nya balikat nya saka sya tumawa ulit. 

 



Medyo nagulat ako. Kasi parang nabasa nya isip ko kasi nasagot nya yung mga tanong ko na sa isip. Natawa pa sya ulit bago sya lumingon sakin. “Ikaw?”





Pangalan ko? J---”hindi pa nga ko tapos mag-salita sumingit na sya.





Ikaw si Jay. Alam ko. Ang tinatanong ko kung ano ginagawa mo dito? Diba dapat kasama mo mga kapwa mo Royalties para kumain ng tanghalian?”may pagka-pilyo yung dating nya. Para syang si Kei pero mas pilyo lang 'tong si Klaud kuno. Tsaka makikita mo sa mukha nya pati sa bwat ngisi nya na may pagka-pilyo talaga sya. At ang pinag-tataka ko kung pano nya ko nakilala?





Hu? Ah---Yun ba? Wala, gusto ko lang mapag-isa ngayon.”dahilan ko na lang kahit na yung totoo eh iniiwasan ko talaga si Kei.





Ganun ba?”mukhang hindi pa sya kumbinsido sa sinabi ko.





Kung di ka student dito? Ano ka?”pag-iiba ko na lang sa usapan para hindi na maungkat ang tunay kong dahilan.





Dayo.”simpleng sagot nya. Tapos kinuha nya yung apple na nilapag ko sa tabi ko. Hinawakan nya yun ng dalawa nyang kamay. Nagulat ako kasi nakaya nyang hatiin sa gitna yun gamit lang kamay nya. Pantay pa pagka-kahati nya. Binigay nya sakin yung isa tapos kinagatan nya naman yung isa.





Sa---salamat.”nauutal ko nanamang sabi.





Nag-bend sya ng isa nyang paa, habang yung isa naman naka-straight lang. Pinatong nya yung kamay nyang may apple sa tuhod ng paa nyang naka-bend saka sya kumagat ulit.  



“Nakatira ako sa malayong lugar. Dumadayo lang ako dito para maka-kita ng ibang lahi at lumanghap ng sariwang hangin.”pag-sabi nya yun nag-enhale pa sya ng hangin.





Bakit? Nakatira ka ba sa tambakan ng basura kaya walang preskong hangin sa inyo?”biro ko sa kanya na kinatawa nya naman. Kahit pilyo itsura nya parang ang sufisticated parin ng mga galaw nya. “Isa ka rin bang Magus?”sunod kong tanong.





Huminto sya sa pag-kain ng apple. Nilingon nya naman yung karton ng gatas. Don't tell me pati yun hahatiin din nya.





Kinuha nya yung karton ng gatas. Mukhang di nga ko nag-kamali, kasi nilagyan nya ng straw. Nakahinga lang ko ng maluwang nung iabot nya sakin yung gatas.





Th—thanks.”kanina pa ko nauutal pag may ginagawa syang kakaiba.





Alam mo ba yang gatas na yan? Hindi yan isang ordinaryong gatas.”sabi nya habang nakatingin sya sa gatas. “Gatas yan na nakakagaan ng pakiramdam. Subukan mong inumin. Makakaramdam ka ng gaan sa dibdib na para bang wala kang problema.”





Sinunod ko yung sinabi nya. Ininom ko yung gatas na nasa karton. Ilang saglit lang naramdaman ko na yung parang wala kang dinadamdam. Yung magaan lang sa dibdib. Yung para kang walang problema. Totoo nga yung sinabi ni Klaud. “Ang galing naman!”abot hangganga tenga kong ngiti. Tumawa sya.





Talaga? Ako lang ang may ganyang klase ng gatas. Kung gusto mo pa, mura lang yan. Isang milyong Gold Maple lang.”inilahad nya palad nya sakin para hingiin yung bayad ko. Walastik! Tindero pala ng kakaibang gatas 'to eh! 

 



Teka... baka nalilito ka sa Isang Milyong Gold Maple hu? Yun kasi ang tawag sa pera dito sa Tir Na Nog. Hindi yun Gold na puno ng Maple.





Nung hindi ako naka-react bigla syang tumawa. “Biro lang.”natwa din tuloy ako. Kala ko kasi totoo. “Pero totoong ako lang ang may ganyang klase ng gatas.”





Magic Milk ba 'to? Kung Magic Milk 'to at ikaw lang ang may ganito ibig sabihin Magus ka rin?”hindi sya sumagot pero ngumiti sya. Tapos tumayo sya, sinundan ko lang sya ng tingin. Bumuntong hininga sya saka sya lumingon ulit sakin.





Mukhang kailangan ko na bumalik. Magkita na lang tayo ulit.”kumaway sya sakin tapos lumakad na sya palayo, papunta dun sa gubat. Ang cool nya lumakad. Parang model na, naka-suksuk pa yung dalawang kamay nya sa bulsa ng coat nya. Feeling ko talaga may kakaiba sa tao na 'to. Sino kaya sya?

















End of Chapter Two

to be continued ...

1 comment:

  1. sana may karugtong pa ito dahil sa wattpad wala to 😂😂

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^