Monday, October 21, 2013

My Future LOVEtop - Lappy 2





Lappy Two: Mr. Lovetop

Nasaktan siya, oo. Pero kasalanan niya naman eh. Kaya pinilit nalang ni Helena na mabuhay kagaya ng gawain niya noon.

Ang maingay at makulit na si Helena.


Dahil narin yata doon ay parang wala nalang sa mga tao ang naging komosyon noon nakaraang linggo. Sa tatlong taon kasing nag-aaral si Helena sa University na iyon, kilala siya ng lahat sa pagiging makulit, friendly at walang problema sa buhay. Hindi niya kasi ipinapakita ang kahinaan niya sa ibang tao.

Sa Mama niya lang at kay Lavi niya lang iyon pinapakita. At ngayong  out of the picture na si Lavi mas pinaapalakas niya nalang ang loob niya.

Lalo na ngayong nakita niya na si Mr. Lovetop niya.

At ang pangalan nito?

Cray.

Cray Martinez.

“Dali na kasi pahiram ng laptop! May titingnan lang ako.” Pangungulit ni Helena kay Cray.

“Saang banda mo ba hindi maintindihan na hindi ko pinapahawak sa iba ang laptop ko?” tila naiinis na sabi at may kasamang amusement sa boses nito. Hindi rin kasi malaman ni Cray kung bakit hindi niya magawang sungitan ng sobra si Helena kagaya ng ginawa niya noong una itong magpakilala sa kanya.

Nakita niya kasi kung paano nalungkot ang mga mata nito ng una nya itong sungitan at para ba siyang kinakain ng konsensiya niya kaya ang ginawa niya  ay binili niya ito ng ice cream. Kung gaano kabilis naubos ang icecream ganoon din kabilis nagpalit ng mood ito.

“Pahiram lang kasi ang sungit sungit mo Crisencio!” Napapikit si Cray ng tawagin siya nito sa pangalan ng tatay niya. Kung paano niya nalaman iyon hindi niya rin alam..

“Eh ikaw ang kulit—kulit mo, Maria!”Iyon naman ang cue para mapasimangot si Helena.

“Helena nga kasi! Wag maria!!”

“Kung titigilan mo ang pang-hihiram ng laptop ko , tatawagin kitang ganoon.” panghahamon nito.

“Ayoko nga, bleh.” Para talagang bata. Isip isip nito.

“Bakit mo  ba kasi hinihiram ang laptop ko?”

“Tinestest lang kita.” Sagot nito na ikinanuot ng noo niya hindi lang dahil sa sagot nito kung hindi dahil sa paraan ng pagsagot nito. Para bang hindi ito mapakali.

 “Ah paano, una na ako saka nalang kita kukulitin ulit.”  Hinabol nalang niya tingin si Helena na nagmamadali umalis ng lugar na iyon.

Saktong pag-alis nito ay pagpasok ng dalawang tao sa canteen kung nasaan siya.

 Kilala niya ang mga ito.

Si Angela at Lavi, sikat ang dalawa bilang Campus Couple. Napaisip tuloy siya kung ito ba ang dahilan kung bakit nagmamadaling umalis si Helena.

Narinig niya ang balitang ex ni Helena si Lavi pero hindi na niya inalam ang ibang detalye pakiramdam kasi niya ay ayaw itong pag-usapan ang tungkol doon.

Nagtaka siya ng lumapit sakanya ang dalawang ito.

 “Hi! Ako nga pala si Angela, and this is my BF Lavi, Officer kami sa Drama Club.I’ll go straight to the point na, kung okay lang sana pwede k aba naming kuning lead character para sa play na gagawin naming, nabasa kasi naming sa interview doon sa newspaper na dati kang Theater actor sa school mo dati.” Nakakunot-noong pinakinggan siya ni Cray. Hindi naman siya masyadong nagmamadali, isip isip nito.

“Ano naman ang makukuha kong benefits kung sasali ako sa inyo?” tanong niya. Kung tutuusin hindi niya naman tatanggihan ito dahil bukod sa laptop niya ang pag-arte ang isa niya pang libangan.

“Ahm---

“Fine, sasali ako sa isang kondisyon. Kailangan kasali din si Mari---Helena I mean.”

“Si Helena??” Hindi nakaligtas kay Cray ang pagkabigla sa boses ni lavi na kanina lang ay tahimik na nakikinig sa kanila.

“Yes, si Helena nga.” Napansin ni Cray ang paraan ng pagtingin sa kanya ni Lavi na para bang may nagawa siyang mali pagkatapos ay napunta ang tingin nito sa laptop niya.

“I see.” Sabi pa nito pagkatapos ay umalis na.

“Ah eh pasensya kana kay Lavi, pero sige susubukan kong kausapin si Helena.Sige mauna na ako.” Paalam ni Angela at agad na hinabol si Lavi.

This would be exciting, isip isip niya.


Ang bilis ng tibok ng puso ni Helena, hindi niya alam para ba kasing naging automatic na ang pagbilis nito kapag alam niyang malapit lang si Lavi at Angela.

“Oh baby, bakit an gaga moa tang umuwi ngayon?”  Humalik muna si Helena sa pisngi ng ina bago sumagot.

“Tapos na po kasi akong kulitin si Cray, nakakapagod bukas naman.” May kasamang bungisngis na sagot niya. Napapailing nalang ang Mama niya sa kanya. Bagaman kasi gusto talaga ng Mama niya si Lavi para sa kanya, nirerespeto nito ang anumang kabaliwan niya sa buhay basta wala siyang ililihim  dito.

“Ikaw talaga, o siya magpalit ka muna ng damit at ihahanda ko ang merienda ng pinakamaganda kong anak.”

“Mama, ako lang naman kasi ang anak mo.” nakasimangot na sabi niya.

“Anong ikaw lang –

“Ma!” saway niya rito. Ayaw niyang  marinig pa kung anuman ang susunod na sasabihin nito. Ayaw niya ng maalala iyon.

 “O siya, bihis na.” pasukong sabi nalang ng Mama niya.

Habang nagbibihis siya narinig niya may nag-doorbell pero hindi niya na iyon pinansin dahil alam  niyang pinagbuksan na ito ng pinto ng Mama niya. Pagkatapos na pagtapos niyang mag-ayos ay agad na siyang bumaba.

Pero natigil siya sa kalagitnaan ng hagdan ng makita niya ang dalawang taong nakaupo sa may sala nila.

“Oh,sweetie ayos ka na pala,aakyatin na sana kita at nandito si Lavi at Angela eh.” Ramdam na ramdam ni Helena ang pag-aalala sa boses ng Mama niya pero ngitian niya lang ito na nagsasabing okay lang siya.

Pinagpatuloy niya na ang pagbaba niya at umupo sa harap ng dalawa. Pinilit niyang hindi magmukhang pilit ang mga ngiti nya.

“Napadalaw kayo? May maipaglilingkod ba ako sa inyo? Ay shet! Ang lalim, wat ken I do por yo?”  pinasisigla niya ang boses niya, niloloko ang pagsasalita dahil alam niya na anumang oras pwedeng tumulo ang luha niya.

“Actually kasi Helena Marie—

“Kailangan talaga buo Angela Marie—ay sabi ko nga  zip mouth muna ako, sige go on, tuloy muna.”

 “Ahm, may hihingin sana kaming pabor sayo eh.” Ay ang kapal ng mukha, isip isip ni Helena.

“Ano naman?” nakangiting tanong  niya, pero deep inside ay gusto niya ng palayasin ang mga ito.

“Tungkol kay Cray –

“Omigosh! May nangyari bang masama kay Lovetops ko??”

“Pwedeng makinig muna?” napatingin tuloy siya kay Lavin a tila inis na inis dahil sa huling sinabi ni Helena, samantalang si Helena ay wapakels lang sa isip niya.

Hindi lang ikaw.

Hindi lang ikaw ang nahihirapan.

Pero nasasaktan ka nga ba Lavi?

Nasasaktan nga ba ito? Gustuhin mang itanong ni Helena iyan hindi niya magawa.

“Sabi ko nga boss, sige  Gela tuloy na.” sabi niya at tumahimik na siya. Nagsimula namang sabihin si Angela kung anong pabor ang hihingin ng mga ito.

“Gosh! Sino ako para tumanggi diba?! Ow sure!! Join ako! Pwede bang ako na ang magsabi kay Cray na sasali ako? “

“Ah eh -,sige. Aasahan namin kayong dalawa bukas ha, sa theater room.” Sabi ni Angela, agad naman siyang tumango. Napansin din ni Helena na sa buong durasyon ng pag-uusap nila tahimik lang na nakatingin  sa kanya si Lavi.

“Oh, paano una na kami. Salamat ulit .”

“No problema amiga.” Sagot niya tapos hinalikan sa pisngi si Angela, mukhang nabigla ito sa ginawa niya. Kahit siya naman ay nabigla dahil rito. Pero alam niyang sa ginawa niyang iyon mas ayos na sila kumpara ng mga nakakaraan araw.

“Ayos ka lang ba?” napatingin siya sa may pinto nila at nginitian ang Mama niya. Hindi siya sumagot sa halip ay niyakap lamang ang mama niya ng mahigpit.

Na sana hindi siya nagkamali na pinili niyang hiwalayan si Lavi para kay Mr. Lovetops niya.

“Ma, tawagan ko muna po si Cray ha.” Sabi niya at agad na pumasok ng bahay nila.

“CRAY!!”

[“Makasigaw? Anong problema mo?” ]

“Yiee, ikaw ha, susungitan mo ako ng ganyan gusto mo naman akong laging kasama.”

[“Anong pinagsasabi mo, Maria?”] napasimangot man  siya sa pagtawag nito sa kanya agad itong napangalitan ng isang malaking ngisi.

“Ikaw ha, gusto mo lagi akong kasama ginawa mo pang dahilan sa drama club iyon.”  Napatahimik naman si Cray sa kabilang linya.

[“Trip ko lang iyon.”]  Siya naman ang napatahimik. Pinaglalaruan niya ba ako? Isip pa ni Helena.

Sa kabilang linya naman, napahinga ng malalin si Cray ng mapansing nanahimik si Helena.

[“Maria.”]  tawag ulit ni Cray.

 “Ah eh, naalala ko may gagawin pa pala ako. Sige, Cray kita nalang tayo bukas. “

Mabilis na nawala sa linya si Helena. Sinubukan itong tawagan ni Cray pero hindi niya na ito sinagot.Para namang maiiyak si Helena dahil roon.

 Hindi niya rin alam kung bakit naisipan niyang tawagan si Lavi.



No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^