Monday, October 21, 2013

My Future LOVEtop - Epilogue




 Epilogue: Breaking the Rule.


“Wag mong sabihin sa akin hanggang ngayon, Helena Marie Suarez naghahanap ka padin ng tutupad sa ultimatum mo!!”

“Grabe ang boses mo ha? Para kang si Cray eh tuwing makikita ako laging kinakanta yung linyang ginawa niya feeling niya ang ganda ng boses niya. Sometimes, it’s not bad to break the rules. Especially when breaking those would make you happy.Para naman kayong sira. Saka if I’m  after that ultimatum pa edi sana hindi kita pakakasalan Mr. Lavi Benitez.

Yes. Helena Marie Suarez and Mr. Lavi Benitez were now enganged.

How does it happen?

Flashback
“Sorry po Father, so Angela you may hate me for all you want after this pero I can’t bear it. I can’t bear to see the man I love marrying another woman. Akala ko noon okay lang pero hindi pala, masakit. --- Halos hindi na makapagsalita si Helena unang-una dahil sa kaba at pangalawa dahil wala siyang nakikitang sagot sa mga mata ni Lavi.

 Hinawakan lang ni Helena Grace ang kamay ng kakambal niya. Ganundin ang ginawa ni Angela sa kamay ni Lavi.

“Lavi – tawag ni Helena rito.

“Pakawalan mo na ako. “

Halos madurog ang puso ni Helena ng marinig niya iyon mula kay Lavi. Pero Angela knows it better. Hindi para kay Helena ang mga katagang iyon.

Kaya binitiwan niya ang mga kamay ni Lavi.

“Go after her.” Utos nito sa kanya.  Tumango naman si Lavi at agad sinundan ang babaeng mahal niya.

End of Flashback.



Minsan kahit gaano pa kadaming rule yung iset natin sa buhay natin pagdumating na yung THE ONE, hindi man natin namamalayan pero tayo rin mismo ang sisira ng mga iyon para sa kanya.

Si Helena, noon buo ang desisyon niya na ang papakasalan niya ay yung lalaking mas mahal ang laptop niya kaysa sa akin. Pero siya rin mismo ang sumira ng rule na iyon.

Dahil ngayon para sa kanya ang tanging rule nalang na hindi niya babaliin ay ang pagmamahal niya kay Lavi.

Si Lavi, isa lang din ang rule niya sa buhay niya. “ What ever makes her baby Ena smile.” Kahit pa masaktan siya. He never break that rule hanggang sa dulo. Ang tanging indagdag lang siguro doon ay ang katotohanag hindi niya na hahayaaan iba ang magbigay ng mga ngiting iyon kay Ena.


Siya na mismo ang magbibigay nito sa kanya.

 FIN.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^