Monday, October 21, 2013

My Future LOVEtop - Lappy 8



Lappy Eight : Regrets


I shouldn’t do that! I shouldn’t kiss him backed! Halos sabunutan ni Helena ang sarili pagkapasok na pagkapasok niya sa unit niya.

Ikakasal na si Lavi for goodness sake!

Paulit-ulit na ipinaalala ni Helena sa isip niya ang bagay na iyon. Napatayo siya  ng marinig nia ang pagclick ng pinto ng unit niya kaya agad-agad siyang pumunta doon.

“Anong ginagawa mo dito?!”  Inikot niya pa ang panginin niya sa unit, baka mamaya siya pala ang nagkamali na naman ng pasok kagaya dati.

“Lets talk.” Pag-iignora lang ni Lavi sa tanong niya.

“Wala tayong dapat pag-usapan! OUT! “ sigaw niya dito.

“Hanggang kelan mo ako tatakasan Helena Marie Suarez? Five years ago when I’m ready to give up everything you left me hanging, now I’m doing the same thing pero tatakasan mo parin ako. Why? Why Ena? Bakit mo ako pinapapahirapan ng ganito.”

Ramdam na ramdam ni Helena ang sakit at pagmamahal sa bawat salitang sinasabi ni Lavi. Gustong gusto niyang yakapin to at sabihin na mahal niya ito pero hindi niya ginawa.

Sobra niya nang nasaktan si Lavi, tama nay un. Dahil alam niyang pag tinanggap niya ulit ito sa buhay hindi niya alam baka may dumating pang mga problema at masaktan niya lang ulit ito kaya hindi nalang siya susubok ulit.

At isa pa si Angela, kaibigan niya parin ito. Bestfriend to be exact kaya naman ayaw niya rin na saktan pa ito.

“Please, Lavi get out.”  Kung kailangan niyang magbingi-bingihan, magbulag-bulagan gagawin niya para lang  tigilan na siya nito. Tumalikod na siya rito.

“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi mo sinasabing hindi mo na ako mahal.” Pumikit si Helena bago hinarap si  Lavi.

“Alam mong hindi ko kayang sabihin iyon. Alam mong kahit anong mangyari mahal na mahal kita Lavi. Mahal kita Lavi higit pa sa buhay ko ang kaso ---

“Ang kaso ano??!

“Hindi ikaw si Mr. Lovetops.” Buong buong sabi  Helena na ikinapikit ni Lavi pagkatapos ay iniwan na doon si Helena. Iyon namang cue para mapaupo si Helena sa sahig.

Gusto niyang habulin si Lavi.

Gusto niyang bawiin ang mga sinabi niya pero pinigilan niya ang sarili niya.

Totoo nga ang mga katagang nasa huli ang pagsisisi.

Gustuhin man kasi niya,….

Gustuhin man niyang ibreak ang rule na ginawa niya noon.

Gustuhin man niyang makasama si Lavi. Sabihin dito kung gaano niya ito kamahal hindi na pwede.

Kasi huli na.

At hanggang pagsisisi nalang ang tanging magagawa  niya.



“So you stop chasing her now? Pagod kana? Papasakal ka na talaga kay Angela?”Tiningnan lang ng masama ni Lavi  si Cray na hindi niya alam kung bakit nandito sa unit niya.

“Anong bang ginagawa mo dito?” inis na tanong niya.

 “Gusto ko lang ipaalala sa iba dyan ang mga habilin niya sa akin noon. Natatandaan mo ba ng sabihin mo sa akin na kung mahalaga sa akin si Marie gawin ko ang tama? At tulad nga noon ginawa ko ang tama kahit nan g mga panahon na iyon mahal ko na siya at alam kong sabihin ko lang ang magic word mawawala kana sa buhay niya. Pero hindi ko ginawa, dahil alam kong hindi siya magiging masaya sa akin. Ginawa ko ang tama, pero ikaw ginawa mo na ang tama ha? Lavi.”

“Tsk!”

“Oh ano na.”


“Sumuko na siya eh. Sumuko siya katulad ng dati.”

“Sigurado kabang sumuko siya?”

“Umalis siya noon kung kelan handa akong ipaglaban siya.”

“Inalam mo bang dahilan kung bakit siya umalis noon?”

“Teka nga! Bakit ba puro ka tanong? Kanina ko pa napapansin na para bang andami mong alam!!”

 “Ofcourse madami akong alam about sa sister-in-law ko.” Nakangising sagot nito.

 “Teka--- ikaw yung asawa ni  Grace na kambal ni Ena???” gulat na gulat na tanong niya.

“Oo ako nga.”

“Paano—

“Gwapo ako bro, wag kang magtaka. So ano gusto mo bang malaman ang dahilan ng pag-alis noon ni Helena?” tumango nalang si Lavi at tahimik na umupo sa couch niya.

“Their father died five years ago, yun din yung time na nagbati si Helena at Grace. Alam mo naman sigurong nagkaron sila ng away noon.” Nagpatuloy lang sa pagkukuwento si Cray habang ginagawa niya iyon napupuno ng pagsisisi sa puso ni Lavi.


Kung sana ganito.

Kung sana ganyan.

Pero kung sana.


“So ano na ang plano mo??” tanong ni Cray

“I’ll let her go.” Malungkot na sabi niya

“WHAT?!!”


“You heard me, I’ll let her go.”

 “Bakit naman? Sinayang mo lang ang laway ko ganon?”

“Si Ena narin ang nagsabi, mahal niya ako pero hindi ako si Mr. Lovetops niya.”

“Ay ewan ko sa inyo ni Maria! Parehong matigas nag ulo niyo!!” pagkasabi noon ay naglakad na palabas si Cray. Pero huminto ito bago tuluyang umalis.

"Alam mo pareho kayo ni Helena na nagseset ng rules kaya nagkakaganyan kayo. Kagaya ng sinabi ko kanya. “Sometimes, it’s not bad to break the rules. Especially when breaking those would
 make you happy." 





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^