Lappy Six: Birthday Code
5 years later.
Nagmamadaling binuksan ni Helena ang unit na binili para sa kanya ng kakambal niya. Gustong gusto niya ng makahiga sa kama dahil talagang pagod na pagod na siya.
Kaya nga lang hindi niya magawa iyon dahil ang daming kaartehan ng unit niya. Masyadong security geek ata ang mga tao sa lugar na iyon kaya lahat nalang may code pa. Buti nalang ibinilin sa kanya ng kambal niya na ang code sa unit niya ay birthday nila. Ang code niya din sa unit niya sa States.
“Finally!” sigaw niya nga makapasok sa unit niya.
Unit nga ba niya?”
“Oh my god!” sigaw niya ng makita niya ang dalawang taong naghahalikan sa unit na iyon.
“Oh em, sorry! Namali ako ng pasok ng unit!” sabi niyaat agad agad na lumabas.
Pagkalabas niya ng unit na iyon, agad niyang tiningnan yung numbr sa labas. Mali nga siya ng pasok.
Dapat sa 110 siya pero sa 101 siya pumasok.
Ang bilis padin ng tibok ng puso niya ng makarating sa unit niya.
Hindi lang dahil sa kahihiyan ng pagpasok niya sa maling unit. Kung hindi dahil sa dalawang taong nakita niya.
Lavi at Angela.
Oo, matagal na panahon nan g huli niyang makita ang dalawang ito, limang taon. Limang taon na ang nakakalipas ng umalis siya ng walang paalam kahit kanino man at sumama sa kakambal niya sa ibang bansa.
Alam niyang hindi niya na dapat nararamdman pa ang ganoon, dahil ng umalis siya. Doon na natatapos ang lahat sa kanila ni Lavi.
Pero ang ipinagtataka niya, kung maling unit ang napasukan niya. Bakit na buksan niya ito gamit ang passcode niya?!
Na birthday niya naman.
Posible kayang ---- pinalis ni Helena ang anumang pag-asang sumisibol sa puso niya dahil alam niyang Malabo iyon. Dahil sigurado siyang galit sa kanya si lavi.
Bakit hindi? Iniwan niya ito kung kelan handa na itong ipaglaban siya ulit.
Sinaktan niya ito.
Pero nasaktan nga ba ito?
Nagkamali lang ako ng kita hindi ba?
Hindi siya iyon.
Biglang nagulo ang sistema ni Lavi ng maalala niya ang eksena kanina. Ang mukha ng babaeng gumulo sa kanila ni Angela.
“Lavi?”
“Ah may sinasabi ka ba?”
“Ang sabi ko, uuwi na ako tutal mukhang lumilipad na ang utak mo sa kabilang unit!” sabi nito pagkatapos ay tumayo na siya gustuhin man ni Lavi na sundan siya ay hindi niya ginawa dahil nakulong na ang isip nya kung si En—Helena nga ba ang nakita niya.
Si Helena nga ba iyon? Ang babaing nang-iwan sa kanya noon. Iniisip niya palang iyon napupuyos siya ng galit sa puso niya.
Handa na siyang iwan ang lahat noon, kahit masaktan niya pa si Angela an tumulong sa kanya ng mga panahong walang-wala na siya para kay Ena gagawin niya iyon.
Pero iniwan siya nito, limang taon na ang nakakaraan, sinubukan niya itong hanapin pero ni wala siyang nahagilap na balita. Hinintay niya rin ang pagbalik nito pero walang Helenang bumalik.
Napabuntung-hininga nalang siya, kasi kahit anong galit niya rito nangingibabaw pa din ang pagmamahal nya rito.
“Handa ba akong pakawalan siya?” Yan lang ang lumabas sa bibig ni Angela pagkalabas niya ng unit ni Lavi.
Alam niyang mahal siya ni Lavi, pero hindi kagaya ng pagmamahal nito kay Helena. At kahit ilang taon pa ang lumipas ganoon parin ang sitwasyon.
Oo, ikakasal na sila ni Lavi pero alam rin niyang isang “ I love you.” lang ni Helena, mawawala an gang lahat ng iyon.
“Hay! Wag ko na nga munang isipin, baka mamaya hindi naman si Helena yun eh.” Pero sino nga bang niloloko niya? Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, si Helena man o hindi ang babaing iyon hindi parin maiaalis ang naging epekto noon kay Lavi.
“It’s all your fault CRAY!! Kung nunka ba naman kasing nag-iingat ka hindi mabubuntis yang girlfriend mo!! Wala sana akong problemang ganito ngayon!”
“Teka nga ha, ano ba naman kasing problema kung makita mo sila? Bilog ang mundo Marie, kahit anong tago mo magkikita-kita parin kayo at isa pa wag mo ngang pagbunutunan ng galit ang Babes ko, kung hindi lang kita kilala iisipin kong hindi ka parin makaget-over sa akin.”
“Tse! Pirmahan mo na nga itong mga to at ng mapalipad na kita patungo sa Babes mo!!”
Sa loob ng limang taon hindi naman tumigil ang pag-ikot ng mundo para kay Helena, sa ikalawang taon kasi ng pag-iistay niya at nga mama niya sa poder ng Papa niya, maraming nagbago. Nakitaan kasi ng Lola niya ng potensyal si Helena sa pamamalakad ng kompanya nila kaya naman kalahati ng pag-mamay-ari nila ay ipinamahala sa kanya.At isa sa mga iyon ang Modeling Company nila, hindi lang basta modeling company sakop na rin nito ang iba-ibangu ri ng photo shoot, na hilig rin ni Helena. She loves taking pictures.
And as the story goes on, magkakilala pala ang pamilya ni Clay ay ng parents niya. At dahil doon Cray and Helena became business partner noong una, it became awkward ofcourse pero sa paglipas ng panahon ay naging maayos ang lahat sa pagitan nila.
At ngayon nga ay kailangan nilang magpalit ng plano, dahil buntis ang girlfriend ni Cray na nasa America kailangan nitong umuwi doon at siya naman bilang partner nito angay papalit sa kanya sa mga naiwan nito sa Pilipinas.
Madali lang naman ang gagawin niya walang pinagkaiba sa ginagawa niya sa America pero may mga bagay na gumugulo sa kanya.
How Helena wish na maging ganon din kadali ang lahat sa kanila ni Lavi.
“Tulala ka na naman diyan, wag mong masyadong isipin si Baby Lavi, mahal ka non.” Nang-aasar na sabi Cray.
“In my dreams!” sarcastic na sabi ni Helena.
“Wag ka nga! Malay mo naman, diba nga birthday mo ang passcode niya. Yiee.” Binato nalang ni Helena si Cray ng nadampot niyang lukto na papel.
Pero sa totoo lang nabibigyan siya ng pag-asa ng birthday niya.
>>>LAPPY 7 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^