Lappy Three: Not Again
“Sweetie, tanghali na! Wala ka bang balak pumasok?”
Ayaw talagang pumasok ni Helena, unang-una ayaw niyang makita muna si Cray. Sa hindi malamang dahilan. Pangalawa, ayaw niya rin munang makita si Lavi. Lalo na dahil sa ginawa niya kahapon.
Hindi niya ito dapat tinawagan pa.
Pag-naalala niya ang naging usapan nila, hindi niya maiwasang maiyak. Kahit kasi sobrang laki nan g nagawa niyang pagkakamali never siya nitong sinumbatan sa halip ay pinapagaan parin nito ang loob niya.
Kinantahan pa siya nito hanggang sa makatulog siya.
Alam niyang mali, lalo na at may ibang girlfriend na ito. Pero hindi niya maiwasang isipin na mahal parin siya nito.
“Helena Marie, bumangon ka na riyan at tanghali na.” narinig niya ulit ang pagtawag ng Mama niya.
“Ma, di po ako papasok. Gusto kong magpahinga.” Walang ganang sabi niya. Naramdaman niya naman ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya at ang paglapit sa kanya ng Mama niya.
“May nangyari ba?” tanong nito na puno ng pag-aalala. Bumangon siya at umiling.
“Masama lang po talaga ang pakiramdam ko.”
“Okay, sige. Sasabihan ko nalang si Lavi na iexcuse ka muna at narinig ko rin kahapon na pupunta ka sa meeting nila sa drama club diba?” Bagaman medyo nagitla siya ng marinig ang pangalan ni Lavi, pinanatili niya ang kanyang postura.
“Sige po.” Muli siyang pinahiga ng Mama niya sa kanya para makapagpahinga siya ulit.
Nag-aaalala man para sa anak, hinayaan niya nalang muna itong mapag-isa. Tinawagan niya nadin si Lavi. Napansin niya din ang pag-aalala sa boses nito. Pero nakiusap siya na hayaan na muna nito ang anak.
Alam niya kasing mas masasaktan ito pag nagkapakita na naman ng pag-aalala si Lavi.
Alam rin niyang mahal padin ni Lavi ang anak. Pero hindi na pwede, may girlfriend na ito. At alam nya rin na buo na ang desisyon ni Helena,na hindi si Lavi para sa kanya.
“Nasaan si Maria?” agad na bungad ni Cray ng pumasok siya sa Theater Room.
“Hindi siya makakapasok, masama ang pakiramdam niya.” si Lavi ang sumagot sa tanong niya na mukhang kilala naman kung sinong Maria(Helena) ang tinutukoy niya. Saglit na natigilan si Cray.
Dahil kaya sa sinabi ko kagabi?
“Wag kang mag-alala, Cray. Kasali parin si Helena sa palabas.” Si Angela ang nagsalita. Tumango naman siya.
Sa buong durasyon ng meeting nila, si Helena Marie lang ang nasa isip niya. kaya kahit ayaw man niyang magtanong kay Lavi ay ginawa niya parin.
Mukhang nag-aalinlangan itong sagutin ang tanong niya pero sa huli ay sinabi nitong sumabay nalamang ito sa kanya total ay magkapitbahay lamang sila ni Helena.
“Kung may nagawa kang kasalanan sa kanya, bigyan mo lang siya ng matamis na pagkain. Siguradong mawawala ang galit nito.” Bilin pa ni Lavi bago sila maghiwalay. Napag-usapan nilang magkikita nalang sa may gate mamayang labasan na.
Sinunod naman ito ni Cray kaya bumili siya ng maraming maraming candy at chocolate.
Hindi inaasahan ni Helena ang pagbisita ni Cray sa kanila. Noong una akala niya ay si Lavi ang bisita niya dahil kotse nito ang narinig niyang pumarada sa harap ng bahay nila pero nang lumabas mula rito si Cray nakaramdam siya ng paghihinayang.
Pero agad niyang pinalis iyon. Nakangiting humarap siya rito.
“Oh Crisensio, napadalaw ka?” Buong akala ni Helena ay susungitan siya ni Cray pero inabot lang nito ang basket na hawak hawak nito.
Punong –puno ito ng mga candy at chocolate, para namang batang nagningning ang mga mata ni Helena ng makita ang mga iyon, pero saglit lang dahil hindi niya nakita ang chocolate na gusto nya.
Flattops.
“May problema ba, Marie?”
Nakangiting umiling siya at inaya itong maupo.
“Bakit ka nga pala nandito?”
“Ayaw mo ba?”
“Wala akong sinabi ha! Pero bakit nga—
“Nag-alala kasi ako sayo, bigla mo nalang binaba ang telepono kahapon tapos hindi ka pa pumasok ngayon. “ Hindi maintidihan ni Helena, diba dapat masaya siya kasi nag-alala sa kanya ang Mr. Sungit ng campus nila, ang lalaking hindi matitinag ang pagmamahal sa laptop niya. Gustuhin man niyang matuwa nangingibabaw ang kaba sa dibdib niya.
“Marie?”
“Ah eh, pasensya ka na, medyo sumama ulit kasi ang pakiramdam ko.” Pagdadahilan niya.
“Ah, sige. Uuwi na ako para makapagpahinga kana ulit. Kung hindi mo pa kaya wag ka na munang pumasok bukas.” Nakangiting tumango siya dito ng ihatid niya ito sa may pintuan. Ikinagulat niya ng hagkan siya nito sa mga pisngi niya.
Mas lalong nagpapapakaba sa kanya.
Wag naman sanang tama ang iniisip niya.
Not again.
Sa kabilang banda naman, hindi mapakali si Cray, hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Naguguluhan siya sa mga nalaman niya.
Naguguluhan siya kung dapat ba niyang paniwalaan ang mga narinig niya.
“Kung talagang mahalaga siya sa iyo, gagawin mo ang tama.”
“Kung talagang mahalaga siya sa iyo, gagawin mo ang tama.”
“Kung talagang mahalaga siya sa iyo, gagawin mo ang tama.”
“Kung talagang mahalaga siya sa iyo, gagawin mo ang tama.”
Paulit- ulit yan sa isip niya.
Pero ano nga bang tama?
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^