Monday, October 21, 2013

My Future LOVEtop - Lappy 5



Lappy 5:  Baby Ena and Baby Lavi


Matapos ang madramang tagpo sa bahay nila Helena nagpasya siyang maglakad lakad sa may village nila.

Nang pabalik na siya sa kanila, sakto namang papasok ng bahay nila si Lavi. Agad niyang tinakbo ang pagitan sa kanilang dalawa at niyakap ito.

Mukhang nagulat ito kaya mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya rito.

“Baby Lavi.” Tawag niya rito, yes it was a corny pero she loves it. He loves him very much. No doubt.

“Helena.” Nakaramdam siya ng sakit sa ginawang pagtawag sa kanya nito pero hindi niya pinansin iyon. Niyakap niya lang ito ng mahigpit.

“May problema ba?” tanong nito. Gustong gustong isigaw ni Helena na meron. Pero hindi siya sumagot at niyakap lang ito ng mahigpit. Hindi rin mana nagtagal, naramdaman niyang yumakap narin sakanya si Lavi.

“Pwede ba akong humingi ng pabor Lavi?” tanong niya hang nakayakapa padin dito.

Tumango naman ang lalaki.


“Pwede bang kahit ngayon araw lang, kailimutan muna natin ang mga nangyayari sa labas. Wala munang Angela at Cray, wala munag Crazy rule? Pwede tayo muna si Baby Ena at Baby Lavi?”

Kahit nahihiya si Helena ay naglakas loob siyang hiningi iyan kay Lavi, hindi ito agad sumagot pero pagkaraan ng ilang segundong pananahimik ay tumango ito at hinalikan siya  nito sa noo.


Where: Baby Ena’s Tree House.

Sa lugar na ito niya sinagot si Lavi, bata palang sila ay tambayan na nila ang lugar na ito. At yung Tree House gawa iyon ng Daddy ni Lavi bago ito namatay.

“Ang tagal narin ng huli akong pumunta rito.” Nakangiting sabi ni Helena.

“Busy ka kasi eh.” Sa paraan ng pagkakasabi nito ay ramdam nito ang pagtatampo.

“Sorry.” Nakayukong sabi niya.

“Oh akala ko ba? Wala munang kahit ano? Eh bakit ka nagsosorry? Tara sa taas madami akong inipon na flattops doon.” Napangiti na siya ng marinig niya ang tungkol sa mga flattops.

Nagulat siya ng makita niyang maayos parin sa loob ng Tree house, kumpleto ang lahat ng memories ng pagkabata nilang dalawa doon.

Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata niya. Lalo na ng makita niya ang dalawang gitarang nakasabit sa may dingding.

ISang blue at ISang pink. Natatandaan niya pa noon, Christmas party sa village nila. At talagang ang inilagay niyang regalo ay isang  pink na gitara.

Nagulat nga siya noon, dahil ang nabunot niya noon ay isang gitara rin ang gusto, blue nga lang. At nang bigayan niya nagulat siyang si Lavi pala ang nakabunot sa kanya, at si Lavi naman ang nabunot niya.


Pareho silang mahilig kumanta eh.

“Kanta tayo.” Aya sa kanya ni Lavi. Tumango naman siya. Kinuha nito ang mga gitara nila.

“Anong gusto mong kantahin?”tanong ulit ni Lavi.

“Dati.” Sagot agad niya. Bahagyang umiling si Lavi, ayaw niya ng kantang iyon.Its bring’s so much memories.

Napansin naman niya ang paglungkot ng mga mata ni Helena kaya wala rin siyang nagawa kung hindi pumayag.


Dati
Lavi:Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento
Kung magagawa ko lang Ena, ibabalik ko sa dati ang lahat.
Helena: Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala
Lavi, mahal kita. Gusto kong paulit-ulit na sabihin yan pero para saan pa? hindi na naman maibabalik ang dati.
Both: Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon
Chorus:
Lavi : Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Helena: Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Both : Ngunit ngayo’y marami ng nabago’t nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng
Dararatda dati
Dararatda dati
Dararatda dati
Na gaya pa rin ng…
Datirati ay palaging sabay na mag syesta
at sabay rin gigising alas kwatro y medya
Sabay manunuod ng paboritong programa
o kay tamis naman mabalikan ang alaala
Chorus:
Lavi: Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Helena: Ako yung prinsesang sagip mo palagi
Both : Ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari
Ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng
Rap: Quest – Lavi
Datirati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na itinali sa kawayan
at pawang magkakalaban pag nag tataya-tayaan
pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan
diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
lalo na’t kung magkayap mga bata’t magkasama at

Helena : Parang Julio at Julia lagi tayong magkasama
sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah
Both : Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
sana mabalik pa natin ating pagsasama
Chorus
Lavi:  Di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
Helena: Ako yung prinsesang sagip mo palagi
ngunit ngayo’y malayo ka’t malabong mangyari
ang aking pagtingin,
oh ibulong nalang sa hangin
pangarap na lang din (pangarap na lang din)
na gaya pa rin ng ..
dararatda dati
dararatda dati
dararatda dati
na gaya pa rin
dararatda dati
dararatda dati
dararatda dati
na gaya pa rin ng..
ng dati

“Baby Ena.”

Ngumiti naman si Helena ng marinig niya ang tawag sa kanya ni Lavi.

“Kung maibabalik ko lang ang dati.” Sabi ni Helena ng tumingin sa labas ng Tree House.

“Pwede pa naman diba?” doon napabalik ang tingin niya kay Lavi. At umiling.

“Hindi na, dahil iba na ang buhay na tinatahak natin ngayon----

“Mahal na mahal kita, baby Ena. Sabihin mo lang handa akong iwanan ang lahat maibalik lang ang lahat sa dati.”  Tulad ng dati, naiiyak na naman si Helena dahil sa narinig. Nagmamadali siyang lumapit kay Lavi at niyakap ito.

“Mahal na mahal din kita baby Lavi.”Marahang hinaplos ni Lavi ang buhok niya pagkatapos ay hinawakan ang mga mukha niya at dahan dahan inilapit sa mga mukha nito.  At tuluyang pagdikit ng mga labi nito sa labi niya napapikit nalang siya at hinihiling na sana hindi na matapos ang mga sandaling iyon.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^