Monday, October 21, 2013

My Future LOVEtop - Lappy 9



Lappy Nine: Choices 


It’s Angela and Lavi’s Wedding.

“Hindi naman ako ganoon ka manhid, Helena Grace. Sa tingin mo ba madali lang para sa akin na makita yung lalaking mahal ko na ikinakasal sa iba?” sumbat nito sa kapatid na kanina pa siya inaasar. Umuwi ito mula sa State para damayan DAW siya pero mukhang nandito lang ito dahil trip siya nito.

 “Eh gagi ka pala eh, kung ayaw mo siyang makitang ikinakasal sa iba edi pumunta ka doon at sumigaw ng  ANG GANDA ko este ITIGIL ANG KASAL!”

 “Ano naman ang mapapala ko kung gagawin ko yun aber?”  Gustuhin man ni Helena na sundin ang payo ng kapatid niya na sumigaw ng ang ganda ko este ang itigil ang kasal alam niyang wala na siyang magagawa pa. Nakapagdesisyon na si Lavi, nakapagdesisyon na siya.

“Sumuko na siya.” Bulong niya pa.

“How sure you are?”

“Sure na sure…. ata.”

“Ay nako sis! Eh ikaw ba?”

“Sumuko na din.”

“WEH??”

“Sis naman eh! Gagi ka talaga, hangga’t alam mo sa puso mo na mahal mo siya at tumitibok yan para sa kanya ibig sabihin hindi pa yan sumusuko.”

“Pero kasi yung rule ko ---

“Langyang rule yan sis! Kung rule lang din ang pag-uusapan ko kahit ano pa mang ultimatum mo sa buhay ilalabas ko na ang super weapon ko.” Nanlalaki ang mata ni Helena ng makita niya kung anong hawak ng kambal niya.

It was their Twin Diary.

“Paanong---

“Noong umalis kami ni Papa dinala ko yan. At nakasaad diyan na kahit anong mangyari ang super duper crush mong si Lavi lang ang lalaking papakasalan mo! Walang iba! Andyan pa nga yung kanta na Walang Iba eh.”

Nakatulala lang na nakatingin si Helena sa kapatid niya pagkatapos ay yumakap ito sa kanya.

“Oh anon a gora na tayo sa church??”

“NO!!”

“Ano?! Pagkatapos ng litanya ko, nilabas ko na ang super weapon ko wala padin? Pakamatay ka na sis!!”

“Sino bang may sabi hindi ako pupunta? Excited ka? Saka ako lang ang pupunta baka mamaya doon ka pa mapa-anak.” Kabuwanan na kasi Helena Grace.

“Ay di pwede sis! Kailangan nandoon ako moral support. Saka kung sakaling mapahiya ka doon may back-up ka! “ Pailing-iling na ngumiti lang si Helana sa kapatid.


“Sigurado ka na bang papasakal ka na kay Angela?”

“Sira- ulo, saka bakit ka ba nandito ha? Hindi ka naman invited sa kasal ko ha!”

“Sira-ulo kadin, company ko ang organizer ng wedding mo. Oi oo ako nga ang head wag mo ng hanapin si Marie, hindi darating yun. Torture sa kanya to.” Napatahimik si Lavi sa sinabi ni Cray pero agad din itong nagsalita.

“She want this, ginagawa ko lang ang gusto niya.”

“Sigurado ka bang ito ang gusto niya?? “ Umiling si Lavi. He already accepted it. It was the end for them. Him and Helena. It was never a happy ending for them.

“Sir, in five minutes po.” Tumango naman si Lavi.

“Oh bro paano in five minutes daw tapos na ang story niyo ni Helena, medyo matagal pa iyon pwede ka pang magback out.

“Gagu!”

“Sumuko siya pero hindi ibig sabihin na dapat sumuko kana rin.Dahil sa inyong dalawa mas malakas ka mas matatag ka.“ Yunang huling salitang binitiwan ni Cray kay Lavi.


Sa lahat ata ng kinakasal sa taong mahal niya si Angela lang ang hindi masaya. Oh yes  masaya pala siya na ikakasal siya sa taong mahal niya pero hindi niya maiwasang tanungin sa sarili niya kung tama ba ang gagawin niya?

Tama bang pakasalan niya si Lavi kahit alam niyang mas mahal nito si Helena kaysa sa kanya.

Naramdaman ni Angela na humigpit ang hawak ng mama niya kamay niya.

“Do what you think is right Angela. You’re a geoqn up lady now. What ever is your decision is nandito lang si Mama.

Ngumiti lang si Angela sa Mama niya at naglakad na sila papunta kay Lavi.



"We are gathered here in the sight of God and these witnesses to unite Angela Marquez and Lavi Benitez  in holy matrimony. As followers of Jesus Christ, they believe that God created marriage. In Genesis it says, "It is not good for man to be alone. I will make a helper suitable for him.”
"Who presents th-------------------------

“ITIGIL ANG KASAL!!”  napatingin ang lahat sa may pintuan ng simbahan, nandoon si Helena Marie kasama ang kakambal niya.

“Masyado ka namang excited Hija, wala pa ako sa part na iyan.” –

“Sorry po Father, so Angela you may hate me for all you want after this pero I can’t bear it. I can’t bear to see the man I love marrying another woman. Akala ko noon okay lang pero hindi pala, masakit. --- Halos hindi na makapagsalita si Helena unang-una dahil sa kaba at pangalawa dahil wala siyang nakikitang sagot sa mga mata ni Lavi.

 Hinawakan lang ni Helena Grace ang kamay ng kakambal niya. Ganundin ang ginawa ni Angela sa kamay ni Lavi.

“Lavi – tawag ni Helena rito.

“Pakawalan mo na ako. “

Halos madurog ang puso ni Helena ng marinig niya iyon mula kay  Lavi.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^