Lappy Seven: Wedding Plans
“Ma’am in twenty minutes po.” Tumango si Helena, na sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang kinakabahan. Kinakabahan kagaya dati.
Pagsinabi niyang dati. Yung tipong papalapit sa kanya si Lavi at Angela. Nanalangin syang hindi sana ganoon ngayon.
Pero mukhang hindi nakikisama ang tadhana sa kanya. Dahil hindi nagkamali ang kabang nararamdaman niya. Dahil ang mga kliyenteng haharapin niya ay walang iba kundi ang dalawang taong pinakahuli sa mundong gusto niyang makita ngayon.
Mukhang nagulat rin ito ng makita siya ng mga ito, hindi siya nagpakita ng anumang kaba at pangamba ng makita niya ang mga ito. Katulad ng itinuro sa kanya ng Lola niya.
Pilit niyang inuulit-ulit sa isip niya ang bilin nito.
“Pag pinakita mong mahina ka, itatake advantage kanila, matatalo ka! Papangit ka pa! Kaya ngiti lang kahit gaano pa nakakasuklam ang itsura ng kaharap mo!”
Napapangiti talaga siya pagnaalala ang bilin ng Lola niya.
“Please have a seat.” Utos niya sa dalawa. Tila nagising naman ang mga ito ng magsalita siya. Ipapakilala sana sila ng assistant niya sa kanya pero sumensyas siya ditong wag na.
“I’ll already know them,” nakangiting sabi niya. “ Long time, no see. Lavi, Angela.” Hindi naman nagreact ang mga ito. At umupo lang. Hindi nakaligtas kay Helena ang paghawak ni Lavi sa kamay ni Angela.
“Sorry, if I’ll request na ulitin niyo sa akin ang mga request and demands niyo para sa wedding niyo.” Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya ng banggitin niya ang salitang”wedding. “
“Bakit naman naming gagawin iyon? Nasabi na naman naming ang lahat ng plano kay Ms. Antonio.” She’s reffering to Cray’s secretary. Ramdam na ramdam ni Helena ang galit sa bawat salitang binibitiwan ni Lavi.
Magsasalita sana siya ng lumapit sa kanya ang secretary niya.
“Ma’am, Ma’am Helena is on th phone.”
“Tell her that I’m busy..”
Sinunod naman siya ng Assistant niya kaya lang mapilit ang kambal niya pina loudspeaker nito ang phone.
“Helena Marie!” sigaw nito.
“Argh! What’s wrong with you Helena Grace?! May business meeting ako! Talk to you later okay?” Binalingan niya ang assistant niya, turn-off that now.”
“NO!” narinig niyang sigaw ng kambal niya. Napabuntunghininga nalang siya.
“What’s wrong with you again buntis?” tanong niya na medyo nag-aalangan din dahil matimang nakikinig sa kanya si Angela at Lavi.
“Pauwiin mo diyan ang panget na ito! Ayokong makita to!” Napapalatak si Helena ng marinig ang pakiusap ng kakambal.
“You’re crazy Helena Grace, one moment you want Cray beside you, and now you want him out? Hay nako! Mamaya na tayo mag-usap, okay? Tatapusin ko lang itong meeting ko at saka natin pag-uusapan ang pagsumpong niyang crazy baby hormones mo.” pagkasabi noon ay pinatay na niya ang phone niya na bonggang –bongga ang pagkakaloudspeaker.
Pagkaalis ng Assistant niya saka niya hinarap ang dalawa.
“Sorry for that, you see my twin sister is getting and getting crazy as her pregnancy goes on, at yun ang isa sa mga dahilan kung bakit ko nirerequest na ulitin niyo yung sa plans and demands niyo. Yung naghahandle kasi ng wedding niyo, which happens to be Cray’s Assistant Ms. Antonio flew with her Boss in state dahil nga nagdedemand ang magaling kong kapatid na gusto niya nandoon ang future asawa niya habang nagbubuntis siya. So technically si Ms. Antionio ang nakausap niyo at dahil biglaan nga ang mga pangyayari hindi na ako na bigyan ng mga instructions ni Ms. Antonio, that’s why I’m requesting it. Don’t worry will give you naman discount for this in convenience.” Mahabang paliwanag niya. Saglit na katahimikan ang dumaan na para bang nag-iisip si Lavi at Angela.
“It would be fine with me.” Putol ni Angela sa katahimikan,.” It’s almost eleven naman, why don’t we talk about it over lunch. At para makapagkwentuhan narin tayo, matagal karing nawala Helena”
“Marie, call me Marie,” mukhang pinag-iisipan naman ng mga ito kung bakit yun ang gamit niya kaya ipinaliwag niya na ang dahilan sa mga ito.
“In business world, sa pangalang Marie ako kilala, and Helena was may twin sister.”
“Ah I see.” Sagot naman ni Angela.
“So let’s go?” aya niya. Tumango naman ang mga ito.
Best Actress.
Pwedeng pwede ng makuha ni Helena Marie dahil sa ginagawa niya ngayon. She’s been talking to Angela and Lavi patiently.
Hindi kasi magkasundo si Angela at Lavi sa gusto nilang mangyari sa kasal nila.
Akala ko ba naplano na nilang mabuti ito? Akala ko okay na kay Ms. Antonio? Eh bakit ganito?
Angela wants a grand wedding.
Lavi wants it simple.
At syempre dahil babae siya mas kinampihan niya si Angela sa part na iyon, every girls want their wedding to be perfect and grand ang wedding nila.
Angela wants it to be a Church Wedding
Lavi wants it to be a Garden Wedding.
With this point I agree with Lavi ewan ko kung bakit pero ayoko na maging church wedding ang kasal nila.
So far marami rami silang napag-usapan, nagsched na din sila ng mga dates kungkelan gaganapin ang mga shoots nila para sa video at invitations.
Pagkatapos nilang mag-usap, dumiretso siya agad sa condo unit niya.Gusto niya ng magpahinga dahil narin sa dami ng iniinitindi niya pilit pang sumisik sik sa alaala niya ang mga plano nila sa kasal noon ni Lavi.Ang wedding na taliwas sa plinaplano nila Lavi at Angela ngayon. Napansin din kasi ni Helena na sa tuwing magkakaroon sa plano nila noon sa kasal nila Angela ay tataliwasin ito n iLavi. Dahil narin sa pagod at pag-iisip niyo nakalimutan niya ng nasa iisang building sila nila ni Lavi kaya halos maout of balance siya ng makasakay niya ito sa elevator. Mabilis naman siyang nahawakan nito.
“Okay ka lang?” may pag-aalalang tanong nito na nagpabilis ng tibok ng puso niya kaya agad siyang lumayo dito.
“Y-yeah, salamat.”
Sa buong durasyon ng pagsakay nila elevator ay pareho silang tahimik, nang huminto na sa floor ng unit niya ay agad-agad na lumabas si Helena pero hindi pa siya tuluyang nakakaalis ay hinila sya nito at napapikit nalang siya ng maramdaman ang mga labi nito sa labi niya.Nabigla man siya sa ginawa nito ay hinayaan niya lang na halikan siya nito. Hinahalikan parin siya nito at tinanggap niya ito ng buong puso kahit alam niyang mali.
“I missed you, Ena. I missed you so much Baby Ena.” Sabi nito pagkatapos noon, doon lang siya nagising sa panaginip niya. Agad niya itong itinulak at tumakbo papasok ng kwarto niya.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^