Lappy Four: Something Bad, Something Good.
Helena was right.
Hindi nga maganda ang pakiramdam niya sa kinikilos ni Cray. Kaya hangga’t maari ay hindi niya muna ito kinakausap. Bakit?
Dahil sa alam niyang anumang oras na bigyan niya si Cray ng dahilan para kausapin siya alam niyang madudurog na naman ang mga nabuong pangarap niya.
“Marie!” napapikit siya ng marinig ang boses nito. Nakangiting hinarap niya ito.
“Yes, Crisensio??” nakangiting salubong niya sa nakakunot- nitong noo.
“Iniiwasan mo ba ako?” deretsahang tanong nito.
“Huh? Bakit naman kita iiwasan??”
“Kung hindi mo ako iniiwasan, bakit hindi mo na ako kinukulit? Bakit pagkatapos ng practice sa play bigla ka nalang nawawala?” sunod- sunod na tanong nito.
“Busy kasi ako.” Sagot naman nito. Ngumisi naman na parang naiinis si Cray.
“Dahilan ng mga umiiwas.”
“Hindi nga ako umiiwas!”
“Kung hindi ka umiiwas, sumabay ka sa akin ng lunch mamaya sa rooftop.” Kahit ayaw ni Helena ay pumayag narin siya.
Tahimik silang kumain, sa totoo lang ay ayaw magbukas ng topic ni Helena dahil hindi maganda ang pakiramdam niya sakali mang mag-usap sila.
“Marie.” Parang may naghahabulang kabayo sa puso ni Helena sa bilis ng tibok nito. Hindi siya tumingin kay Cray sa halip ay tumingin siya sa kalangitan para kung sakali man mabilis niyang mapigilan ang mga luha niya.
“Kung ayaw mong magsalita, magkukwento nalang ako. Alam mo bang noong una ako pumasok sa University na ito, planado lahat ang gagawin ko, mag-aaral at mag-aaral lang ang goal ko, pero nabago ang lahat ng iyon dahil may isang makulit na babaing pumasok sa sistema ko. Hinayaan ko lang siya dahil sa isip ko hindi niya naman mabubuwag ang itinayo kong barrier. At isapa busy ako sa laptop ko ----
“STOP!” sigaw ni Helena. Alam niya na kasi kung saan patutungo ang sasabihin nito. Darating na na naman sa puntong sasabihin nitong
“I love you more than anything, Marie.” Sigurado siyang iyon na ang susunod na sasabihin nito dahil natin napansin niyang nilabas nito ang laptop nito.
“Marie.”
“Tama na, okay. Gets ko na! Okay na kuha ko na! Okay?!” pagkasabi niya noon ay tumakbo na siya paalis ng rooftop.
Patuloy lang siya sa pagtakbo ng may humila at yumakap sa kanya.
“Lavi.” Umiiyak sa tawag niya sa pangalan nito.
“Sige lang, Ena. Iiyak mo lang.” Dahil sa sinabing iyon ni Lavi, umiyak lang siya ng umiyak sa mga balikat nito.
“Bakit ganito Lavi, ang gusto ko lang naman --- *hik* gusto ko lang---- Aish! Ang tanga tanga ko kasi!!”
“Wag mong sabihin yan, Ena. Hindi ka tanga. Sinusunod mo lang naman kung anong alam mong makakapagpasaya sayo diba? Hindi katangahan ang paminsan isipin at gawin natin ang sa tingin natin makakapagpasaya sa atin.”
“Kung hindi ako tanga, bakit hindi parin ako masaya? Bakit masakit parin??” umiiyak na tanong niya. Hinaplos naman ni Lavi ang mga buhok niya.
“Eh kasi masyado kang excited eh.” Biro nito.
“Lavi naman eh.”
“Seryoso nga, masyado ka kasing magmamadali, malay mo natraffic lang si Mr. Lovetops mo.” Hindi maintindihan ni Helena pero pakiramdam niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Lavi mas lalong pinipiga ang puso niya.
“Kasalanan mo to eh! Kung minahal mo lang ang laptop mo kesa sa akin edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.” Paninisi niya dito, kahit alam niyang wala namang dapat sisihin dito kung hindi siya.
“Ganun siguro talaga, hindi ako ang Mr. Lovetops mo.” with conviction pang sabi nito na nagpaalal sa pagkadurog ng puso niya.
Lumayo siya dito ng konti pero hinila ulit siya nito at niyakap.
“Wag mo munang isipin ngayon si Mr. Lovetops okay? Mag-aral ka munang mabuti, akala mo ba hindi ko alam na bumaba ang mga grades mo? Nakakahiya yun! Grumaduate ka muna saka mo hanapin si Mr. Lovetops. Pagkagraduate kana with flying colors ako mismo ang tutulong sayo sa paghahanap kay Mr. Lovetops okay?”
Sa hindi malamang dahilan napatango nalang siya rito. Pero sa likod ng pagtango niyang iyon, hinihiling niyang sana si Lavi nalang si Mr. Lovetops.
“Anong ginagawa mo dito??!” bungad ni Helena kay Lavi kinabukasan.
“Sinusundo kita, mamaya hindi ka pumasok eh.”
“Tse! Marunong akong sunod sa usapan noh! Tingin mo naman sa akin?” Masungit sa sabi niya pero deep inside kinikilig siya.
“Mabuti na yung sigurado, tara na sakay na! Baka malate pa tayo.”
Masayang-masaya si Helena ng mga oras na iyon, pakiramdam niya bumalik ang lahat sa dati. Noong mga panahong sa kanya umiikot ang mundo ni Lavi.
Pero isa lang palang panaginip ang mga iyon. Dahil nasa picture pa si Angela.
Ang girlfriend ni Lavi.
Ang bestfriend niya.
Mukhang ayos naman dito na ganoon ulit ang pakikitungo sakanya ni Lavi, na sabay silang papasok ng araw na iyon.
Parang katulad lang ng dati.
No, hindi pala katulad ng dati, dahil ngayon siya na ang sabit sa story ni Lavi at Angela.
Siya na ang nasa backseat ngayon.
Then it hit her. Wala na. Hindi na matutupad ang mga pangarap niya kasama si Lavi, dahil siya na mismo ang sumira ng mga ito.
Tahimik lang siya sa buong durasyon ng byahe nila. At pagkarating sa University ay agad siyang nagpaalam sa mga ito.
Dumiretso siya sa rooftop at doon umiyak ng wagas.
“Marie.”
“Gusto kong mapag-isa, Cray.” Pero parang hindi siya narinig nito sa halip na umalis ay umupo pa ito sa tabi niya.
“Kung ayaw mong umalis, ako nalang ang aalis.” Pinunasan ni Helena ang mga luha niya at tumayo. Pero bago pa siya makaalis nagsalita ulit si Cray.
“Sometimes, it’s not bad to break the rules, Marie. Especially when breaking those would make you happy.”
Umiling lang si Helena bago tuluyang umalis, dahil alam niyang kahit pa gawin niya ang sinasabi ni Cray huli na ang lahat.
Hindi na siya magiging masaya.
“Tama nga si Mama, nawiwili ka na sa pag-cucut ng classes mo, Helena Marie.” Pinili ni Helena na umuwi ng bahay nila dahil alam niyang gagaan ang pakiramdam niya pero mukhang mali siya. Dahil hindi inaasahang tao ang inabutan niya sa bahay nila.
“Anong ginagawa mo dito?!” May diin sa bawat salita niya.
“Bakit? Anong masama kung pumunta ako dito? May karapatan parin naman ako dito diba?” Napangiti lang ng mapait si Helena sa narinig.
“So were talking about “ KARAPATAN” now, as far as I know wala ka ng karapatan sa bahay na ito simula ng piliin mo—NIYO ang karangyaan ng pamila ni Papa.”
“Hanggang ngayon ba naman, Helena Marie yaan padin ang pinaniniwalaan mo?”
“Bakit Helena Grace? Ano pa bang dapat kong paniwalaan?”
“Kung nakikinig kalang kasi edi sana alam mo na ang totoo.”
“Ano bang totoo Helena Grace? Anong totoo??” puno ng galit na sabi nito.
“May sakit si Papa ng mga panahon na iyon, at masyado na tayong nagigipit ng dahil doon, kaya lumapit ako kina Lolo. Ayoko rin pero hindi ko na kayang nakikita si Papa na nahihirapan Helena, hindi ko kaya KAHIT MASAKIT, KAHIT KAILANGAN KONG MAMILI KUNG SI MAMA O PAPA, pinili kong sumama kay Papa, kahit na noong mga panahon iyon ikaw ang hinahanap niya. Kahit masakit, gumaling lang siya.”
Hindi malaman ni Helena kung anong dapat niyang maging reaction sa sinabi ng kakambal niya. Yes, kakambal niya. Ang kakambal niyang kinalimutan niya dahil sa sama ng loob dito at sa Papa niya na buong akala niya ay iniwan niya.
Naramdaman nalang si Helena na yakap yakap siya ng Mama niya.
“Ma-Ma, na ang sama sama ko---akala ko , akala ko iniwan lang ako ni Papa, ni Helena Grace pero—
“Sssh, tahan na.Wala ka namang kasalanan eh.” Kahit pa sinabi na ng mama nia na wala siyang ginawang kasalanan pakiramdam niya gumuho ang mundo niya.
Una si Lavi, tapos si Angela, pati Cray. Akala niya sila lang ang problema niya pero meron pa pala. At tulad ng mga nauna walang ibang may kasalanan kung hindi siya.
“Mama.” Patuloy lang siya sa pag-iyak ng maramdman niya ang isang pares na mga braso na yumakap sa kanya.
“Helena Grace.”
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^