Flattops
Three months, oo tatlong buwan na ang nakakalipas ng makipagbreak si Helena sa bo—exboyfriend niya. Tatlong buwan na din siyang hindi kinakausap ng bestfriend niya.
Hindi nga niya maisip kung paano siya naiwasan ng mga ito samantalang na isang University lang silang tatlo at sa iisang building to be exact. At kapit bahay niya pa si Lavi!
Pero sabi nga nila, kapag gusto may paraan.
“Dali! Baka hindi natin maabutan! Ang sweet pa naman din nun.” Napakunot-noo nalang si Helena habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagmamadaling patungo kung saan.
Dahil sa dala ng kuryosidad nanghila siya ng isang estudyanteng papunta rin doon sa tinakbuhan ng mga nauna.
“Anong meron?” tanong niya dito. Tila kinabahan naman ang hinila niya kaya walang nagawa si Helena kung hindi bitawan ito.
“Jenny! Bilisan mo naman baka mamaya YES nalang ni Angela ang maabutan natin, hindi na natin marinig yung kanya ni LAVI.”
Halos hindi na maalala ni Helena kung paano siya nakarating sa lugar kung saan pumupunta yung mga estudyante basta ang natatandaan niya ng marinig niya ang pangalan ng bestfriend niya at ex-boyfriend niya hindi na siya mapakali at tila naninikip ang dibdib niya kaya pinili niyang puntahan at makita ang mga ito.
Pero sa totoo lang habang papunta siya doon nananalangin siyang sana mali, sana hindi sila yon.
Ano naman kung sila yon?
Bakit ka affected? Hindi ako affected, pagkikipag-away niya sa sarili niya.
“Yes! Lavi, I’ll be your girlfriend!”
Bakit ang sakit?
Hindi ba dapat masaya ako? Kasi finally naka move-on na si Lavi sa tulong ng bestfriend ko.
Oo, hindi lang basta namali siya ng rinig ang bestfriend at ex niya nga ang nandoon. At nasaksihan niya ang nakakakilig na pagsagot ni Angela kay Lavi.
Pero bakit hindi ako kinikilig? Bakit nasasaktan ako. Kasi mahal mo pa.
Pilit mang-ilagay ni Helena sa isip niya na hindi niya mahal si Lavi hindi niya iyon magawa.
Dahil ang totoo, mahal niya pa si Lavi. Mahal na mahal. Pero ano nga bang magagawa niya. Baliw siya eh. Desisyon niya iyon at hindi niya kailan man babawiin iyon.
Saka para saan pa? Masaya na naman si Lavi.
Masaya si Lavi na hindi siya ang dahilan.
Tahimik na umalis siya sa lugar na iyon dahil ayaw niya rin naman na gumawa ng komosyon pag nakita siya ng mga tao doon.
Syempre alam ng lahat ang relasyon niya sa dalawang iyon.
Patuloy lang si Helena sa paglalakad, hindi malaman kung saan siya pupunta.
Walang direksyon kung saan nga ba siya papunta ang gusto niya lang ay makalayo at maalis ang sakit na nararamdaman niya sa puso niya.
“Hey! Miss! Watch out!!” tila nagising naman si Helena ng marinig ang malaking boses na iyon. Napatingala tuloy siya at isang gwapong mukha ang sumalubong sa kanya.
“Miss, tutunganga ka nalang diyan? Hay! Bahala ka nga sa buhay mo!Pasalamat ka walang masamang nangyari sa laptop ko.” Para namang wala padin naririnig si Helena kaya iniwan na siya nito.
Pero bigla nalang nagising si Helena sa pagdedaydream ng maalala niya ang huling sinabi ng lalaki.
Pasalamat ka walang masamang nangyari sa laptop ko
Pasalamat ka walang masamang nangyari sa laptop ko
Pasalamat ka walang masamang nangyari sa laptop ko
“OMG! Ang future lovetop ko!!” Agad na hinabol ni Helena ang lalaki, wala na siyang pakialam kung may makabunggo man siya. Basta ang alam niya nakakasalalay doon ang lovelife niya. Hindi na siya maapektuhan kay Lavi at Angela. Magkakaroon na din siya ng happily ever after na ending.
Pero mukhang hindi pa panahon para magkita sila dahil sa halip na ito ang matagpuan niya si Angela at Lavi ang nakasalubong niya.
Gustuhin man niyang umiba ng daan ay hindi na niya magagawa dahil masyadong magiging obvious na iniiwasan niya ang mga ito.
Kaya buong tapang na dumaan siya sa mga ito. Nagulat siya ng may humila sa mga kamay niya.
“Lavi.”
“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong nito, pero iwinaksi lang ni Helena ang kamay niya.
“P-pasensiya na may gagawin pa kasi ako.” Hahanapin ko pa ang future lovetop ko, isip niya pa.
Pero hindi binitiwan ni Lavi ang kamay niya dahilan para pagtinginan sila ng ibang estudyante. Kaya itinulak niyang pilit si Lavi dahil para mawalan siya ng balance. Naramdaman niya pa ang pagkirot ng mga paa niya.
“Pasensya na talaga, may gagawin pa kasi ako.” Pinilit niyang maglakad kahit talagang sumasakit na ang paa niya mukhang nai-sprain ito.
Nabigla siya ng bigla siyang umangat.
“Lavi!!” Pinilit niyang kumawala dito pero sadyang malakas ito, sa huli nagpaubaya na lang siya at sumisiksik sa may leeg nito upang maitago ang muka niya.
Akala ni Helena dadalhin siya nito sa clinic pero sa halip ay dinala siya nito sa isang bench sa likod ng school nila.
At hindi lang ito basta-basta bench.
Bench nila ito. Dito sila madalas tumambay noong mga panahong sila pa.
“Hey! Wag mo ngang hawakan ang paa ko, marumi!” Bawal niya ng simulang hilutin ni Lavi ang nasprain niyang paa.
“Nahiya ka pa, eh dati nga ako pa ang naglilinis ng mga sugat mo sa paa, pati paglalagay ng gamot sa mga alipunga mo.” Ipinagpatuloy lang ni Lavi ang paghilot sa paa niya. Ramdam ni Helena ang sakit pero hindi niya alan kung saan ito nagmumula.
Dahil ba sa sprain sa paa niya o ang katotohanang marami ng nagbago at hindi dapat ihalintulad sa dati.
“Dati.” Bulong niya. Mukhang narinig ito ni Lavi dahil saglit itong tumigil.
“Ena.” Napapikit siya ng marinig niya ang tawag nito sa kanya. Ang kinaibahan lang noon may roong “Baby” sa pagtawag nito sa kanya.
“Hmm?”
“Kung bang babawiin ko ang sinabi ko noon at sasabihin kong mas mahal ko ang laptop ko, babalikan mo ba ako?” Dahan-dahan siyang umiling.
“No return, no exchange.” Nakayukong sabi niya. “At isa pa may girlfriend ka na diba?” pagkasabi niya noon saka lang siya nag-angat ng tingin. Nakangiti lang si Lavi sa kanya.
“L-avi.” tawag niya.
“Hmmm?”
“Mahal mo ba si Angela?” Lakas loob niyang tanong, kahit alam niyang maari siyang masaktan sa sagot nito. Mali pala sa pagtatanong palang niya ay nasasaktan na siya.
“Hindi ko naman siya liligawan kung hindi diba?”
“S-sorry, sorry—“ Hindi alam ni Helena kung bakit bigla nalang tumulo ang luha niya ng marinig ang sagot nito.
“Ena, wag kang umiyak.” Pag-aalo nito sa kanya. Umiling lang siya at patuloy na nagsosorry.
“Sorry, Lavi sorry. Nakakainis! Ang tanga –tanga ko.” Patuloy lang ako sa pag-iyak ng yakapin niya ito na nagpalakas sa iyak niya.
“Please, Helena stop crying your making this hard for me.” Doon napatigil sa pag-iyak si Helena. Unang-una tinawag niya ito sa buong pangalan niya na hindi naman nito ginagawa. Pangalawa siya pa ngayon ang nahihirapan? Samantalang siya itong nasasaktan ng sobra at ito ang nakamove- on na.
Hindi na niya gustong marinig ang mga susunod na sasabihin nito kaya tumayo siya at nagsimulang lumakad kahit nararamdaman niya pa ang pagsakit ng paa niya.
Sinubukan siyang pigilan nito pero pumiksi lang siya.
Hindi naman siya ganoon ka martyr at kamanhid kaya dumiretso siya sa clinic para ipagamot ang paa niya para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.
Hindi na siya pumasok sa mga klase niya at nanatili nalang sa loob ng clinic. Nang konti nalang ang tao sa University saka niya piniling umuwi.
Pagkadating niya sa bahay nila isang basket ng flattops ang nakita niya sa harap ng pintuan nito.
“Lavi.” Hindi siya pwedeng magkamali siguradong kay Lavi galing ang mga iyon. Ganoon ang ginagawa nito sa tuwing nag-aaway sila o kaya naman ay umiiyak siya. Kahit na minsan ang iniiyakan niya lang ay ang mga librong binabasa niya.
Dahil narin dito, tila nawala ang sakit na nararamdaman niya. Dahil narealize niyang may pakialam padin si Lavi sa kanya, pero saglit lang ding nawala iyon ng makita niya si Angela at Lavi na dumaan sa harap ng bahay nila at masayang masaya.
flattops .. favorite ko yun!!! hihi .. UD UD!
ReplyDeleteayiieh, nabasa ko rin dahil nakita kong completed na siya. ingat lang tayo beb sa tamang paggamit ng ng at nang. ^___^
ReplyDelete