a/n: This is pancit! This story is for BFF Clarissa/Allison! Biglaan lang ang pagpop-out nito sa utak ko ng mga panahon na kausap ko siya kaya asahan ang slow update nito dahil wala pa talaga siyang plot. Gagawan ko palang.Hahhaha! Simula at Ending palang ang meron ito.
Sadie - One
"How could
you do this to me?! Akala ko ba mahal mo ako?" Patuloy lang sa pag-agos
ang luha ko habang hawak hawak ang mga kamay niya na ramdam kong pag binitiwan ko ay hindi ko na mahahawakan
pa.
"Sorry,
Meridth. Wala na eh, hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala." Mas
lalong sumisikip ang dibdib ko sa sinasabi niya.
"Sabihin mo
sa akin,siya ba? Ang bestfriend mo ba. S---iya ba?!"
"OKAY
CUT!!!"
"Ang galing
galing mo Meridith! Siguradong tayo ang makakakuha ng pinakamataas na grade
sa project natin nato!" Isang ngiti
lang ang ibinigay ko kaklase ko. Ngiti ng tagumpay.
~0~
"Hey
Sadie!" Pinilit kong itago ang pagkairita sa mukha ko ng marinig ko ang
boses na iyon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero naramdaman kong nakasunod
padin siya kaya huminto ako at hinarap
siya.
"Ano na
naman bang problema mo Elleiana? And one more thing it's Meridith."
"Sadie ka
kaya! Sadistang mamamatay tao! Wahaha!" Inirapan ko nalang siya sa sinabi
niya.
"So ano
ngang kailangan mo?"
"So ayun
nga 'maganda' padin ako." Sa sobrang inis ko sa sinabi niya sinipa ko
siya.
"Awwts ha!
Sadie ka talaga! HMP! Bahala ka nga diyan pupuntahan ko nalang si oh so Super-duper
gwapo mong butler sakanya ko nalang itatatanong kung anong kababalaghan na
naman ang ginawa mo dahill for sure siya din ang gumawa ng plano para don,
ayokong magsgasan ang oh so kinis kong kutis dahil sayo."
"Tsk."
tanging sabi ko nalang, alam ko naman kung anong tinutukoy niya.Tumalikod na
ako sa kanya at nagsimulang maglakad pero katulad ng inaasahan ko na ---
"Pero on the second thought ikaw nalang pala magsabi
sa akin, natatamad na akong puntahan siya mamaya mabalitaan na naman NIYA na
lumapit ako sa ibang lalaki lagot na naman ako." Alam kong sasabihin niya yon, kahit naman
kasi hindi marunong magmahal ang isang iyon pagdating sa babaeng ito
napakahigpit niya. At kinakainis mo yon? Bakit ko naman ikakainis yon.
"So Sadie
ano ngang ginawa mo?"
"Saan?"
bored na tanong ko.
"Ay nako
doon sa movie project niyo!"
Sasagot palang sana ako ng sumusugod na lumapit sa amin yung direktor ng
movie project namin.
"Meridith!
May problema tayo?" nag-aalang sabi niya. Sa loob-loob ko.
"tayo" baka sila lang.
"Bakit?
Anong problema?" naramdaman kong sinisiko ako ni Elleaina, hinihingan niya
ako ng permiso. I smirked and that was her cue.
"Ay mauna
na ako ha! Papaayos ko din kay Butler Raji yung project ko ang galing galing
niya biruin mo nahack niya yung movie niyo at nasira! Ay bongga!!"
pagkasabi non ni Elleaina eh mabilis na siya umalis. Napansin ko naman ang
gulat sa mga mata ng direktor ng project namin.
"Tama ba
ang n-narinig ko Meridith? PINASIRA mo yung movie natin?!"
"Oh
ngayon?" sagot ko lang. Akmang sasampalin niya ako ng hawakan ko yung
kamay niya pagkatapos ay binigyan ko siya ng mag-asawang sampal.
"Wala ka
ngang karapatan na hawakan ako o kahit nga kausapin ako kaya sa tingin mo ba
hahayaan ko lang na makita ng iba ang
luha ko? Mag-isip ka nga? Oh! Wait ang mahirap pala eh, may isip ka nga
ba?" Napansin kong nangingilid na ang mga luha niya at gustong-gusto akong
sugurin ulit. Pinagtinginan narin kami pero wala akong pakialam tutal sinimulan
niya na eh bibigyan ko na siya magandang katapusan. Pero sorry nalang siya
hindi ko alam ang ibig sabihin ng 'magandang ending'.
"Ang s-ama
mo! Bakit akala mo baka kami lang ang babagsak pag hindi natin napasa yung
movie nayon?! Kung mag galing ka diyan aka-----
Binigyan ko siya
ulit ng isa pang malakas na sampal dahilan para masadsad siya sa lupa. Ako pang
tinakot niya, bait sa tingin niya ba gusto kong mag-aral sa walang kwentang
school na to? Kung hindi lang -----
aish! Ayoko ng alalahanin. Dahil mukhang lumilipad na naman ang utak ko ay
nakatayo na pala yung director ng movie project na iyon at tumakbo paalis.
Pero kahit
nakaalis na siya eh nakatingin pa din saakin ang mga tao sa paligid.
“Ano?! Tapos na ang palabas! Oh ano gusto niyo
pa? Sige lumapit kayo sa akin!” pag-aaya ko, mabilis naman silang nag-sialisan.
At dahil alam
kong wala ng magandang mangyayari kung magtatagal pa ako sa lugar na iyon umuwi
nalang ako sa mansion. Na pinagsisihan ko din.
“Anong ginagawa
niyo dito?!” malamig na tanong ko sa maga taong inabutan ko sa loob.
“Show some
respect,young lady!” Inirapan ko lang ang sumigaw na iyon.
“Really, Dad? Respect?
Alam mo pala yon?” may pangungutya sa boses ko.
“Sadie!!”
napapikit ako ng mabilis ng marinig ko ang boses na iyon. Inayos ko muna ang
sarili ko(pati puso ko) bago ko siya
hinarap.
“Oh dear brother
nandiyan ka din pala? Miss mo ko?” hinaluan ko ng pang-aasar ang tono ng boses
ko pero hindi naman niya ako pinansin, naglakad siya papalapit sa akin. Hindi ko maintindihan pero biglang bumilis
ang tibok ng puso ko. Na parang tumigil sa pag-ikot ang mundo.
Get a grip Meridith! Ano na namang iniisip mo!
Napapitlag ako ng maramdaman kong lumapit siya sa direksyon ko pero mas nagulat
ako ng lagpasan niya ako kaya napalingon ako sa pinuntahan niya.
Si Elleiana.
“Anong ginagawa
mo diyan?” tanong nito rito. Bakit ganon?! Ang lambing ng boses niya pag ito
ang kausap. Eh ano bang pakialam mo Meridith?!
“Ah eh
pupuntahan ko sana si Sadie kaso may Family meeting pala kayo so balik nalang
ako mamaya.” sagot ni Elleiana sa tanong niya. Bigla nalang sumikip ang
pakiramdam ko ng hawakan niya ang mga mukha ni Elleiana.
“Magiging parte
ka narin naman ng pamilyang ito, kaya walang problema kung makinig ka sa
pag-uusap namin. Come.” Inaya pa niya ito na umupo.
“Ikaw rin, Sadie
umupo kana.” Sumunod nalang ako sa sinabi niya
para hindi na humaba ang usapan. Umupo ako sa tapat ni Elleaina at -----
“Travis bakit
nga biglaan ang pagpunta niyo dito?” Bakit sakanya ang pangalan na iyon ang tinatawag ng babaing ito sa
kapatid ko?! Bakit lahat nalang napansin
mo? Arrgh! Bakit ba ako nakikipag-away sa sarili ko?!
Ayaw ko mang
tumingin sa kanilang dalawa ay pinilit kong gawin ayokong ipakita na naiilang
ako sa paglalambingan nilang dalawa. What I mean ang paglalambing ni Elleiana
sa ‘KUYA’ ko.
“Nagtataka ako
kung bakit Travis ang tinatawag mo sa akin?” Hala! Naglandian talaga dito?
Pinilit kong wag paikutin ang mga mata ko.
“Eh kasi pag ako naman ang kasama mo, hindi ka naman si Lucifer eh umakto eh.” Sh*t!
Bakit ba pa -cute ang babaing to?
“May importante
ba talaga kayong sasabihin o ano?!” naiiritang pagputol ko sa landian nila.
Napansin kong tumaas ang sulok ng mga labi ng ‘ KUYA’ ko.
“Wala ka parin
pinagbago.” Hindi man siya nakatingin sa akin alam kong sinasabi ang mga salitang iyon.
Pero mali siya,
malaki na ang pinagbago ko. Hindi na ako
ang mahinang ‘SADIE’ na kilala niya.
Ako na si Meridith na KAPATID niya . Kapatid niya lang
Kapatid ng kung
tawagin ng sinumang nakakakilala sa kanya ay ‘LUCIFER’.
binitin mo ako BFF! Kainis ka! Travis is Lucifer? Sadie is Meredith...AMMARIGHT?!
ReplyDeleteYes your right! Hahaha! Malilinaw yun sa next chappy..Ahihihihi
ReplyDeletebitin.. TT__TT
ReplyDelete