Wednesday, October 23, 2013

Dealing with Lucifer's Sister - Chapter 1



a/n: This is pancit! This story is for  BFF Clarissa/Allison!  Biglaan lang ang pagpop-out nito sa utak ko ng mga panahon na kausap ko siya kaya asahan ang slow update nito dahil wala pa talaga siyang plot. Gagawan ko palang.Hahhaha! Simula at Ending palang ang meron ito. 





Sadie - One


"How could you do this to me?! Akala ko ba mahal mo ako?" Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko habang hawak hawak ang mga kamay niya na ramdam kong  pag binitiwan ko ay hindi ko na mahahawakan pa.

"Sorry, Meridth. Wala na eh, hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala." Mas lalong sumisikip ang dibdib ko sa sinasabi niya.

"Sabihin mo sa akin,siya ba? Ang bestfriend mo ba. S---iya ba?!"


"OKAY CUT!!!"


"Ang galing galing mo Meridith! Siguradong tayo ang makakakuha ng pinakamataas na grade sa  project natin nato!" Isang ngiti lang ang ibinigay ko kaklase ko. Ngiti ng tagumpay.



~0~


"Hey Sadie!" Pinilit kong itago ang pagkairita sa mukha ko ng marinig ko ang boses na iyon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero naramdaman kong nakasunod padin siya kaya huminto ako at hinarap  siya.


"Ano na naman bang problema mo Elleiana? And one more thing it's Meridith."

"Sadie ka kaya! Sadistang mamamatay tao! Wahaha!" Inirapan ko nalang siya sa sinabi niya.

"So ano ngang kailangan mo?"

"So ayun nga 'maganda' padin ako." Sa sobrang inis ko sa sinabi niya sinipa ko siya.

"Awwts ha! Sadie ka talaga! HMP! Bahala ka nga diyan pupuntahan ko nalang si oh so Super-duper gwapo mong butler sakanya ko nalang itatatanong kung anong kababalaghan na naman ang ginawa mo dahill for sure siya din ang gumawa ng plano para don, ayokong magsgasan ang oh so kinis kong kutis dahil sayo."

"Tsk." tanging sabi ko nalang, alam ko naman kung anong tinutukoy niya.Tumalikod na ako sa kanya at nagsimulang maglakad pero katulad ng inaasahan ko na ---

"Pero  on the second thought ikaw nalang pala magsabi sa akin, natatamad na akong puntahan siya mamaya mabalitaan na naman NIYA na lumapit ako sa ibang lalaki lagot na naman ako."  Alam kong sasabihin niya yon, kahit naman kasi hindi marunong magmahal ang isang iyon pagdating sa babaeng ito napakahigpit niya. At kinakainis mo yon? Bakit ko naman ikakainis yon.

"So Sadie ano ngang ginawa mo?"

"Saan?" bored na tanong ko.

"Ay nako doon sa movie project niyo!"  Sasagot palang sana ako ng sumusugod na lumapit sa amin yung direktor ng movie project namin.

"Meridith! May problema tayo?" nag-aalang sabi niya. Sa loob-loob ko. "tayo" baka sila lang.

"Bakit? Anong problema?" naramdaman kong sinisiko ako ni Elleaina, hinihingan niya ako ng permiso. I smirked and that was her cue.

"Ay mauna na ako ha! Papaayos ko din kay Butler Raji yung project ko ang galing galing niya biruin mo nahack niya yung movie niyo at nasira! Ay bongga!!" pagkasabi non ni Elleaina eh mabilis na siya umalis. Napansin ko naman ang gulat sa mga mata ng direktor ng project namin.

"Tama ba ang n-narinig ko Meridith? PINASIRA mo yung movie natin?!"

"Oh ngayon?" sagot ko lang. Akmang sasampalin niya ako ng hawakan ko yung kamay niya pagkatapos ay binigyan ko siya ng mag-asawang sampal.

"Wala ka ngang karapatan na hawakan ako o kahit nga kausapin ako kaya sa tingin mo ba hahayaan ko lang na makita  ng iba ang luha ko? Mag-isip ka nga? Oh! Wait ang mahirap pala eh, may isip ka nga ba?" Napansin kong nangingilid na ang mga luha niya at gustong-gusto akong sugurin ulit. Pinagtinginan narin kami pero wala akong pakialam tutal sinimulan niya na eh bibigyan ko na siya magandang katapusan. Pero sorry nalang siya hindi ko alam ang ibig sabihin ng 'magandang ending'.


"Ang s-ama mo! Bakit akala mo baka kami lang ang babagsak pag hindi natin napasa yung movie nayon?! Kung mag galing ka diyan aka-----

Binigyan ko siya ulit ng isa pang malakas na sampal dahilan para masadsad siya sa lupa. Ako pang tinakot niya, bait sa tingin niya ba gusto kong mag-aral sa walang kwentang school na to? Kung hindi lang  ----- aish! Ayoko ng alalahanin. Dahil mukhang lumilipad na naman ang utak ko ay nakatayo na pala yung director ng movie project na iyon at tumakbo paalis.
Pero kahit nakaalis na siya eh nakatingin pa din saakin ang mga tao sa paligid.

 “Ano?! Tapos na ang palabas! Oh ano gusto niyo pa? Sige lumapit kayo sa akin!” pag-aaya ko, mabilis naman silang nag-sialisan.

At dahil alam kong wala ng magandang mangyayari kung magtatagal pa ako sa lugar na iyon umuwi nalang ako sa mansion. Na pinagsisihan ko din.


“Anong ginagawa niyo dito?!” malamig na tanong ko sa maga taong inabutan ko sa loob.

“Show some respect,young lady!” Inirapan ko lang ang sumigaw na iyon.

“Really, Dad? Respect? Alam mo pala yon?” may pangungutya sa boses ko.

“Sadie!!” napapikit ako ng mabilis ng marinig ko ang boses na iyon. Inayos ko muna ang sarili ko(pati puso ko) bago ko siya hinarap.

“Oh dear brother nandiyan ka din pala? Miss mo ko?” hinaluan ko ng pang-aasar ang tono ng boses ko pero hindi naman niya ako pinansin, naglakad siya papalapit sa akin. Hindi ko maintindihan pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Na parang tumigil sa pag-ikot ang mundo.
 Get a grip Meridith! Ano na namang iniisip mo! Napapitlag ako ng maramdaman kong lumapit siya sa direksyon ko pero mas nagulat ako ng lagpasan niya ako kaya napalingon ako sa pinuntahan niya.


Si Elleiana.


“Anong ginagawa mo diyan?” tanong nito rito. Bakit ganon?! Ang lambing ng boses niya pag ito ang kausap. Eh ano bang pakialam mo Meridith?!


“Ah eh pupuntahan ko sana si Sadie kaso may Family meeting pala kayo so balik nalang ako mamaya.” sagot ni Elleiana sa tanong niya. Bigla nalang sumikip ang pakiramdam ko ng hawakan niya ang mga mukha ni Elleiana.

“Magiging parte ka narin naman ng pamilyang ito, kaya walang problema kung makinig ka sa pag-uusap namin. Come.” Inaya pa niya ito na umupo.

“Ikaw rin, Sadie umupo kana.” Sumunod nalang ako sa sinabi niya  para hindi na humaba ang usapan. Umupo ako sa tapat ni Elleaina at -----

“Travis bakit nga biglaan ang pagpunta niyo dito?” Bakit sakanya ang pangalan  na iyon ang tinatawag ng babaing ito sa kapatid ko?! Bakit lahat nalang napansin mo? Arrgh! Bakit ba ako nakikipag-away sa sarili ko?!
Ayaw ko mang tumingin sa kanilang dalawa ay pinilit kong gawin ayokong ipakita na naiilang ako sa paglalambingan nilang dalawa. What I mean ang paglalambing ni Elleiana sa ‘KUYA’ ko.

“Nagtataka ako kung bakit Travis ang tinatawag mo sa akin?” Hala! Naglandian talaga dito? Pinilit kong wag paikutin ang mga mata ko.

“Eh kasi  pag ako naman ang kasama mo, hindi  ka naman si Lucifer eh umakto eh.” Sh*t! Bakit ba pa -cute ang babaing to?

“May importante ba talaga kayong sasabihin o ano?!” naiiritang pagputol ko sa landian nila. Napansin kong tumaas ang sulok ng mga labi ng ‘ KUYA’ ko.

“Wala ka parin pinagbago.” Hindi man siya nakatingin sa akin alam kong sinasabi  ang mga salitang iyon.

Pero mali siya, malaki  na ang pinagbago ko. Hindi na ako ang mahinang ‘SADIE’ na kilala niya.

 Ako na si Meridith na KAPATID niya . Kapatid niya lang

Kapatid ng kung tawagin ng sinumang nakakakilala sa kanya ay ‘LUCIFER’.   


3 comments:

  1. binitin mo ako BFF! Kainis ka! Travis is Lucifer? Sadie is Meredith...AMMARIGHT?!

    ReplyDelete
  2. Yes your right! Hahaha! Malilinaw yun sa next chappy..Ahihihihi

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^