Aielle’s
P.O.V
Hay
.. ang daming stars ngayon, andito ako ngayon sa veranda ng bahay namin.
Nakakamiss si Ian, nung maliit pa kami, lagi kaming nasa rooftop ng bahay nila,
naglalatag kami ng kumot dun tapos kukuha siya ng maraming chocolates sa ref
nila tapos mahihiga kami nun, tititigan naming yung mga bituin, minsan nga
pinagcoconect connect naming yung mga stars para mabuo yung first letter sa mga
pangalan namin.
This
past few days, mula nang tawagin akong jernette ni Adrian, di na mawala wala sa
utak ko si Ian. Naguguilty ako hanggang ngayon hindi kasi ako nakapagpaalam sa
kanya..
“
yanyan, galit parin kaya sa akin si Ian??” tanung ko kay yanyan, ang napakacute
kong teddy bear na halos kasing laki ko na.
“di
kasi ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos, hay, ayoko naman talagang umalis
nun, kaso kailangan ee, kung di lang nagkaroon ng magandang opportunity si papa
sa Korea di ako aalis,” tuwing naalala ko yung sandaling yun, di ko mapigilang
di maiyak..
<Flasback>
“Aielle,
anu nakapagpaalam ka ba sa bestfriend mo?”
tanung sakin ni mama, mamaya na kasi yung flight namin papuntang Korea,
pinakiusap ko sa kanila, pati kina tita, yung mama ni Ian, na ako na lang ang
magsasabi kay Ian. Pero hindi ko magawa dahil natatakot akong baka magalit
siya.
“hindi
pa po ee.” Sagot ko.
“Aielle,
kailangan mo nang magpaalam sa kanya, mamayang hapon na yung alis natin,
Aielle, im sorry anak, ayokong mahirapan ka ng ganito alam ko parang magkapatid
na kayo, at alam kong mahirap magpaalam sa kaniya,pero kailangan nating umalis
ee, alam ko naman maiintindihan ka nya
ee,” tapos niyakap ako ni mama, di ko mapigilang di maiyak..
Lumabas
muna ako nun para magpahangin, nagpunta ako dun sa playground na lagi naming
pinupuntahan, naupo ako sa swing at mayamaya may nagtakip ng mga mata ko.
“Ian??”
“anu
ba yang nahulaan mo na agad”
“ikaw
lang naman gumagawa nun ee” tapos naupo na rin siya sa swing na katabi ko.
“oh
bakit malungkot ka? Alam mo namang ayokong nakikitang malungkot ang bestfriend
ko diba?” sabi nya sa akin.
“masama
kasi yung panagnip ko ee, umalis nagkahiwaay daw tayo,” sabi ko sa kanya. Di ko
kasi alam kung pano sasabihin ee. Di ko namalayan tumutulo na pala ang luha ko.
“oh,
wag ka nang umiyak, di mangyayari yun nu, di ko hahayaang mangyari yun” tapos
may kinuha siyang panyong kulay pula sa bulsa nya.
“ang
iyakin mo talaga,” tapos pinunasan nya yung mga luha ko.
“Ian,
ayokong magkahiwalay tayo..”
“Jernette,
di tayo magkakahiwalay, nangako tayo diba? Walang iwanan?” tapos tinaas nya
yung pinky finger nya..
“wa-walang
iwanan” tapos nagpinky promise kami.
“wag
ka na umiyak” tapos finold nya pa diagonal yung panyo tapos tinali sa braso ko.
“oh,
ayan, nakatali na sa braso mo yang panyo ko, para di mo mawala at para may
magamit ka pag naiiyak ka, ikaw naman kasi bakit ba ang iyakin mo masyado?”
tapos inakbayan nya ako.
Kinuha
ko yung singsing ko sa daliri ko at sinuot ko sa pinky finger nya, dun lang
kasi yun kasya ee.
“ayan,
diba nagpinky promise tayo na walang iwanan, para kung sakali na mawala ako,
pag tinitingnan mo yung singsing ko, maalala mo na hindi kita iiwan kahit pa di
tayo madalas nagkikita o nagkakausap.”
“ikaw
talaga, para namang iiwan mo ako., subukan mo lang, di kita hahayaan” tapos
ginulo nya yung buhok ko.
Sana
nga, sana nga wag mo kong hayaan umalis, sana nga mapigilan mo yung pag alis
ko, ikaw lang yung bestfriend ko ee, yung kuya ko, second father ko, lahat na
ikaw. Sorry lang talaga di ko kasi kayang sabihin sayo kasi natatakot ako na
magalit ka sa akin, natatakot ako sa sasabihin mo. Isa pa parang di ko yata
kayang magpaalam sayo.
<end
of flashback>
“yanyan,
mali ba ako? Mali ba na hindi ako nagpaalam sa kanya noon? Di ko lang kasi kaya
ee. Di ko lang kasi alam kung paano ko sasabihin.. namimiss ko na yung
bestfriend ko yanyan, namimiss ko na si Ian” sabi ko habang yakap yakap ko si
yanyan at wala paring tigil sa pagtulo ang luha ko.
“tatawag
na ba ako ng mental? Baliw ka na yata ee” biglang may narinig akong nagsalita
.. teka sino ba yun??
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^