Thursday, May 16, 2013

You Are My Life : Chapter Thirteen


(Jairus' POV)
"FEI!" "MIKA!" Nagkasabay naming tawag ni Cyrus.


Tumakbo agad kami ni Cyrus para puntahan yung dalawa. Nadulas pa nga si Fei eh. Mabuti na lang nasalo ko.

"FUCK! MIKA!" Sigaw ni Cyrus.

Napalingon kaming dalawa ni Fei.

May tama sa tagiliran si Mika. Lumingon ako sa may kanan. May lalaking nakatingin at parang tulala. Kinuha ko agad yung pistol ko at galit na ipinutok yung baril ko sa lalaki.

Lumapit kami ni Fei dun sa magsyota. 

Nakita kong umiiyak si Cyrus habang yakap niya si Mika.

"Pagbabayaran nila 'to!! Tangina!" Sigaw ni Cyrus saka muling umiyak.

Hinagod ko yung likod ni Cyrus. Walang tigil sa pag-iyak si Cyrus. Syempre, mahal niya yan eh. Ang masama pa nito, buntis si mika, tapos nabaril. TSK! Ang tigas kasi ng ulo eh. Sabi na kasing kaya na namin eh.

Hindi ko alam kung paano namin na-kumbinsi si Cyrus na pumunta na sa ospital. Kanina dun sa may Abandoned resort nakaupo lang siya tapos yakap-yakap si mika. Actually, pangalawang kita ko pa lang sa kanya na ganyan siya. Una nung namatay si Danielle for 45 minutes. Sunod, eto.

"Tangina! Sisiguraduhin kong uubusin ko lahi nila!" Galit na galit na sabi ni Cyrus habang nasa labas kami ng OR. Tinatanggal pa nila yung bala sa tagiliran ni Mika.

Lumapit si Fei kay Cyrus saka hinagod ang likod nito.

"Sorry, Cy. Kung hindi dahil sakin hindi mababaril si Mika. Kung... kung hindi ako lumabas nun para bumili ng pagkain edi sana hindi hahantong sa ganito. I'm so sorry, Cy." Paumanhin ni Fei saka yumuko at umiyak.

Nilapitan ko si Fei tapos nag-squat ako ng upo paharap sa kanya. Nilapag ko yung dalawa kong kamay sa magkabila niyang tuhod.

"Wag ka na umiyak. Wag mong sisihin ang sarili mo, Fei. Hindi ikaw ang may kasalanan." Nag-aalala kong sabi.

Nakatakip lang sa mukha niya ang dalawa niyang kamay.

"No! Ako ang may kasalanan! Dapat hinayaan niyo na lang ako! Dapat... dapat hindi niyo na lang ako niligtas! Kaya ko naman ang sarili ko eh!" Pilit ni Fei haabng humahagulgol at nakatakip ang mga palad sa mukha niya.

Napasabunot si Cyrus sa buhok niya saka galit na tumingin kay Fei.

"Ano ba?! Pwede ba Fei?! Hindi kita sinisisi! Wala kang kasalanan! Bakit ba pinagpipilitan mong kasalanan mo kaya nabaril si Mika?! Hindi mo kasalanan, okay?! Wala kang kasalanan kaya pwede ba, Fei?! Tumigil ka nga! Punyemas!" Sigaw ni Cyrus saka tumayo at naglakad paalis.

Lalong napahagulgol si Fei nung sigawan siya ni Cyrus. Gago talaga yon si Cyrus. Sapakin ko yun eh! Kung di lang siya namomroblema sa fiance niya ngayon sasapakin ko talaga siya! Lanjo, di niya dapat sigawan si Fei! 

Naupo ako sa pwesto kanina ni Cyrus saka ko niyakap si Fei.

"Wag mong sisihin yung sarili mo. Hindi mo kasalanan, Fei. Please, stop. Hindi ka namin sinisisi. Please, wag ka ng umiyak."Pagpapatahan ko.

Hindi ako marunong mag-comfort ng babae! Tae!

Niyakap ko lang si Fei habang umiiyak siya. 

~After 2 Hours~

Lumabas yung doctor mula sa OR.

"Asawa po ba kayo ng pasyente?" Tanong sa akin.

"PO?! Hindi po! Kaibigan lang po. Saglit lang po, Doc. Tatawagan ko lang po yung fiancee niya." Paalam ko saka kinuha sa bulsa ko yung phone ko saka ako lumayo ng konti.

[Tangina, kailangan ko ng Space! Pwede ba!] Sigaw ni Cyrus mula sa kabilang linya.

Narinig kong humikbi siya. There. He's crying.

"Cy, lumabas na yung doctor sa OR. Kailangan ko niyang makausap." Mahinahon kong sabi.

[Fuck. Sige-sige. Papunta na. Sabihin mo sa doctor sandali lang.] Sabi ni Cyrus tapos pinatay na yung tawag.

Muli kong hinarap yung doctor.

"Doc, sandali lang daw po. Papunta na daw po siya." Sabi ko dun sa doctor.

"Sige po, lalabas na lang po ako ulit after 5 mins." Sabi nung doctor.

"Sige po. Pasensya na po." Paumanhin ko.

Tumalikod na yung doctor at pumasok sa OR.

After 5 minutes, dumating na si Cyrus. Lumabas din yung Doctor.

"Doc, ano pong nangyari sa fiancee ko?" Tanong agad ni Cyrus.

"I'm sorry to say this, pero hindi naka-survive ang baby. Maraming dugo ang nawala sa kanya kaya namatay ang baby sa tiyan niya. As of now, tinatanggal pa namin yung naiwang flesh nung baby dun sa tiyan niya dahil pwede itong maging cause ng infection sa katawan niya kapag hindi natanggal." Sabi nung doctor.

Parang nabuhusan ng napaka-lamig na tubig si Cyrus. Nanigas ang buong katawan niya habang bumibilog ang mata niya. Maya-maya'y may tumulong luha mula sa mga mata niya.

"P-patay n-na yung... baby?" Nanginginig na tanong ni Cyrus. Tuloy tuloy sa pag-agos ang luha niya.

I feel sorry for you, Cyrus.

"I'm very sorry, sir. Ginawa namin ang lahat para mailigtas silang dalawa pero hindi kinaya nung baby." Paumanhin nung doctor saka yumuko.

"No... It... It can't be." Mahinang sabi ni Cyrus habang umiiyak.

Nilapitan ko siya saka ko tinapik ang balikat niya. Tumingin siya sakin. Maya-maya pa yumakap siya sakin.

"Jai... Jai bakit ganito? Bakit sa lahat ng tao si Mika pa? Bakit sa dami ng pwede nilang alisin sakin, bakit yung baby pa namin ni Mika? Bakit... bakit sa lahat ng tao, si Mika pa yung nakunan?" Sunod-sunod na tanong ni Cyrus.

Mga tanong na hindi ko kayang sagutin. Mga tanong na patuloy na dumudurog sa puso namin. Paano kapag nalaman 'to ni Danielle?

"Anong dramahan 'to?"

Napalingon kami.

Si Ruijin at Russle, kasama si Prince.

Lumapit sila Ruijin at Russle sa amin habang si Prince, lumapit kay Fei na tulala.

Aba! Pumoporma na naman yung gagong yun ha!

Lumayo muna ako kay Cyrus saka ko pinuntahan si Prince.

Hinablot ko yung kwelyo niya saka ko siya inangat.

"May fiancee na, nilalandi mo pa rin. Ganyan ka ba talaga, Prince? Sobrang landi mo naman! Pwede bawas-bawasan mo pagdating sa FIANCEE ko?! Nakakabastos kasi eh." Inis kong sabi sa kanya.

Tinulak ko siya kaya napa-upo siya sa sahig.

"Jairus!"

May humila sa dalawa kong braso palayo.

"Tama na nga yan! Ano ba naman kayong dalawa! Si Mika ang pasyente, hindi si Fei! Pwede ba, kayong dalawa, magtino nga kayo! Saka na kayo mag-away kapag wala na tayong problema! Saka niyo na problemahin yung mga karibal niyo ha?!" Galit na sabi ni Ruijin habang hawak yung magkabila kong braso.

Kumalas ako sa hawak ni Ruijin saka ko sinamaan si Prince.

"Sa susunod na lumapit ka pa kay Fei, hindi lang sama ng tingin ang ibibigay ko sayo." Banta ko sa kanya saka ko nilapitan si Fei at hinila na si Fei paalis.

Tangina! Bakit ba pagdating sa lalaking yun ang dali kong magselos?! Tangina talaga! Bwiset!


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^