Tuesday, December 31, 2013

You Are My Life : Chapter Fourteen

AUTHOR'S NOTE:
OMG. I'M SO SORRY PO KASI NGAYON LANG ANG UPDATE NITO. :)

One week later
(Danielle's POV)
Nagmulat ako ng mga mata ko. Ugh! Nakakasilaw naman!
Iniharang ko yung kamay kong may dextrose sa may ilaw saka ako pumikit at unti-unting bumangon.
"Ah!"
Aray! Ansakit ng tagiliran ko.
Nagpalinga-linga ako. Nakita ko sa kabilang hospital bed si Martin. Mahimbing siyang natutulog.
Narinig kong bumukas ang pinto sa ICU kaya napalingon ako.

"Oy, Jairus." Tawag ko.
Lumingon siya sakin. Ngumiti siya ng bahagya pero agad ding nawala.
Bakit mukhang malungkot siya?
Naglakad siya palapit saka naupo sa upuan na katabi ng hospital bed ko.
"Kumusta na pakiramdam mo?" Simpleng tanong niya.
"Medyo paos. Teka, bakit parang malungkot ka?" Tanong ko rin.
Ngumiti ulit siya pero halata sa mga mata niya na malungkot siya.
"Wala 'to, Danielle. Wag mo nang alalahanin." Sagot niya.
"Hoy, Jairus, kahit nabaril ako sa tagiliran marunong pa rin akong makiramdam. Anong meron? Sabihin mo." Seryoso kong sabi.
"Wala nga kasi 'to, Danielle. Teka, tatawagin ko lang yung doctor para sabihin na gising ka na." Sabi niya tapos tumayo at lumabas ng ICU.
Ano bang problema niya? Bakit ayaw niyang sabihin sakin?
Maya-maya dumating na ang doctor pati si Jairus. Sabi ng doctor in three days pwede na daw akong makauwi. Umalis rin agad yung doctor kaya hinarap ko si Jairus.
"Anong nangyari? Tapatin mo ko, Jairus. Anong nangyari nung mga panahong wala akong malay?" Seryoso kong tanong.
"Wala, Okay? Walang nangyari. Well, kung meron man, bahala na si Cyrus dun." Sagot niya sakin.
"Yung phone ko?" Tanong ko.
"Inuwi ni Tita Thea. Pati yung kay Martin inuwi ni Tita Thea. Di pa alam ng parents ni Martin yung mga nangyari." Sagot ni Jairus.
"Give me your phone." Sabi ko.
"No way." Sagot niya.
"I said give me your phone!" Inis kong sabi.
"No. Ayoko." Sagot niya.
"I said give me your phone, Jairus!" I yelled.
Ugh! Bakit ba ayaw niyang ibigay?!
"Ano ba kasing gagawin mo sa phone ko, Danielle?!" Sabi niya na nagtaas na rin ng boses.
"Tatawagan ko si Cyrus!" Sagot ko.
"Danielle naman! Pupunta naman yun dito eh. Pwede ba, wag ka na ngang makulit." Sabi niya sakin.
"Quit." Seryoso kong sabi.
"What?" Naguguluhan niyang tanong.
"Quit, Gray Feather. I don't need you in this fucking group." Sagot ko.
"What are you talking about? Ang babaw mo, Danielle! Alam mo, si Cyrus ang mage-explain sayo nito. Kung pwede ko lang sana sabihin sayo, pero nangako ako kay Cyrus, Danielle!" Pagpupumilit niya.
"Then Quit! Si Cyrus na sinusunod mo eh." Sabi ko sa kanya.
"No!" Sagot niya saka lumabas ng ICU.
Hayy! Ano ba naman 'to!
(Jairus' POV)
TSK! Ano na naman bang problema nun ni Danielle? Sinabi na kasing si Cyrus mage-explain sa kanya eh! Kainis!
Nagpunta ako sa Private room ni Mika tapos naupo ako sa may sofa.
"Oh? Anong nangyari sayo? Bakit parang problemado ka?" Tanong ni Fei.
"Nagpunta ako sa ICU kanina. Yung room ni Danielle at Martin. Gising na si Danielle at napansin niyang medyo malungkot nga ako. Paano ba naman. Andami nating problema. Tsk. Nasaan ba kasi si Cyrus?" Pagpapaliwanag ko.
"Umalis. May gagawin daw siyang importante." Sagot ni Fei.
"Kelangan siyang makausap ni Danielle." Sabi ko.
"Teka, tawagan ko." Sabi ni Fei tapos tumayo.
Kinuha niya sa bulsa niya yung phone niya tapos ni-dial yung number ni Cyrus.
"Oy, Cyrus." -Fei. "Nagising na si Danielle. Sabi ni Jai gusto ka daw makausap ni Danielle...Wala kami sa kwarto nila Danielle. Binabantayan namin si Mika... Oh Jai. Kakauapin ka raw ni Cyrus." Sabay bigay sakin nung phone.
"Oy."
[Bakit daw ako gustong makausap ni Danielle?]
"Gusto niyang malaman lahat ng nangyari nung mga panahong wala raw siyang malay."
[Tsk. Sige sige. Pupunta ako dyan mamaya, may inaasikaso lang.]
"Teka, ano nga palang inaasikaso mo?"
[Basta ako nang bahala dito.]
"Cy, ayan ka na naman."
[Wag mo na akong pakialaman, Jairus. Alam ko ginagawa ko.]
"Fine."
[Sige, bye.]
~End Call~
Ano naman kayang inaasikaso nung lalaking yun? Tss.
(Cyrus' POV)
"So, as I was saying, bakit pinadukot mo si Martin?" Tanong ko sa lalaking nakagapos ang kamay at nakaupo sa steel chair.
"Ano namang pakialam mong hayop ka?!" Inis niyang sabi habang pilit na pumipiglas sa may kadenang nakapulupot sa mga kamay niya.
"Nobyo ng Matalik kong Kaibigan si Martin. Ngayon, may tama ng baril sa tagiliran si Martin." Seryoso kong sabi sa kanya habang iniikot-ikot ko yung balisong ko sa may daliri ko.
"HAHAHA! Mabuti naman at may tama ng baril sa tagiliran yung Gagong yun! Ha! Akin lang si Danielle! Akin lang siya!" Pagyayabang niya.
"At may tama rin ng baril sa tagiliran si Danielle." Sagot ko.
Napatigil siya sa pagtawa. Maya-maya pa tumingin siya sakin na gulat.
"Ano?!" Nagulat niyang tanong.
"Parehas silang may tama sa baril. Ngayon, sabihin mo sakin kung bakit mo pinadukot si Martin!" Sigaw ko sa kanya.
"At bakit ko naman sasabihin sayo?" Taas kilay niyang tanong.
"Dahil gusto kong malaman." Sagot ko.
"Tssii. Ayoko nga." Sagot niya sakin.
"Naaalala mo pa nung sinabihan ka ni Danielle ng 'I love you too, Charles?' Panigurado naniniwala ka dun 'no?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Of course I do believe, mahal ko eh." Sagot niya sakin.
"Alam mo ba kung saang lugar siya nabaril?" Tanong ko.
"Saan?" Tanong niya.
"Dun sa address na ibinigay mo sa kanya." Sagot ko.
"Hayop ka, Dela Peña, akala ko ba mahal mo si Danielle?" Bulong ni Charles.
"Dela Peña? Sino yun?" Tanong ko.
"Siya yung matagal nang may gusto kay Danielle." Sagot niya sakin.
"Anong buo niyang pangalan?" Tanong ko.
"Bakit ko sasabihin sayo?" Tanong niya.
"Hahayaan mo na lang ba na hindi managot yung bumaril kay Danielle? Kung hahayaan mo lang, hindi mo talaga siya mahal." Sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako ng masama.
"Mahal ko si Danielle at gagawin ko ang lahat para maging akin siya." Nang-gagalaiti niyang sabi.
"Hindi siya mapapasayo kung hindi mo sasabihin kung sinong bumaril at nagpabaril sa kanya." Sabi ko.
"Alam mo, hindi ako tanga para sabihin sayo. May iba akong paraan para mapa-saakin si Danielle." Sagot niya sakin.
"Really? Paano mo yun gagawin kung nakagapos ka dyan at pinipilit makawala pero hindi ka makaalis? Ano? Tatawag ka ng kakampi?" Tanong ko sa kanya. Inilabas ko yung phone ko at nilapit ko sa kanya. "Heto, tawagan mo yung kakampi mo para mailigtas siya. Panigurado nag-aalala na siya kasi baka i-buko mo siya." Dagdag ko saka ngumiti.
Tinitigan niya yung phone ko saka siya ngumisi.
Dinuraan niya yung phone ko. Nagulat ako kaya sinugatan ko yung pisngi niya gamit ng balisong ko.
Tangina.
Naghanap ako ng malinis na tela saka ko pinunasan yung phone ko. Tapete ka, Villanueva. Pahihirapan kita hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung sinong kasabwat mo. Kayong dalawa lang ang pwedeng magutos sa mga tauhan niyo para guluhin ang buhay namin. Sisiguraduhin kong magbabayad kayong lahat dahil tinangka niyong patayin si Mika at pinatay niyo pa ang magiging anak namin. Papatayin ko kayong lahat. 
(Danielle's POV)
Bumaba ako sa hospital bed ko at umupo sa upuan na katabi ng higaan namin ni Martin. Humarap ako kay Martin saka ko siya tinitigan.
Kahit may tama siya sa tagiliran, parang ang saya-saya pa rin ng itsura niya. Payapa.
"Nakakainis ka, Beb. Sa sobrang gwapo mo andami kong ka-agaw sayo. Nakakainis. Bakit kasi ang gwapo mo eh? Pero don't worry, kahit nakakainis ka, mahal na mahal pa rin kita. Sus, You Are My Life kaya. :) I love you, beb." Bulong ko sa kanya.
Tumayo ako at hinalikan siya sa noo.
Hayyy. Kapag nagising na siya at nakalabas na kami dito sa ospital, aalagaan ko siya mabuti at wala akong ibang iintindihin kung hindi siya.
Dumilat siya at lumingon sa akin saka ngumisi.
"Talaga? I'm your life? You Are My Life din, bebe Danielle. I love you." Sabi niya.
Nanlaki yung mata ko saka ko hinampas yung kanan niyang braso.
"Aray!" 
Hinawakan niya yung kanan niyang braso at humarap sa kabilang gilid.
Nagulat ako kaya hinila ko siya patihaya.
"Sorry, beb! Ohmygod! Nagulat lang ako, Sorry beb!" Paumanhin ko.
"Awwwww!!" Angal niya pa rin.
"Teka, ano bang gagawin ko para mawala yung sakit? Alin ba yung masakit?! Ohmygod! Sorry, beb! I'm so sorry!" Paumanhin ko ulit.
"Etoooooo." Turo niya dun sa kanan niyang braso. "Tsaka etooo" Turo niya sa labi niya.
Napasinghap ako. 
Pinalo ko ulit yung kanan niyang braso.
"Arayyyyyy!" Angal niya na naman.
"Nakuu sorry talaga, beb! Ikaw naman kasi eh! Asan ba yung masakit? Ano bang dapat kong gawin para mawala yung sakit?" Sunod-sunod kong tanong.
Ngumuso siya habang nakapikit.
Haaaay! Ano bang gusto niyang gawin ko?
*TSUP*
*TSUP*


Kumunot yung noo ko dahil gumagalaw yung labi ni Martin na nakanguso pa rin. Nung magets ko humagalpak ako sa tawa.

"HAHAHAHAHAHA!! Shet! Beb ano ba yang ginagawa mo? HAHAHAH" Hagalpak ko.
Tumigil siya tapos dumilat.
"Gusto ko ng kiss." Sabi niya.
Natigilan ako sa pagtawa. "Ano?" Tanong ko.
"Gusto ko ng kiss." Sagot niya.
"Ayoko." Sagot ko.
"Sige na?" Pakiusap niya.
"Ayaw." Sagot ko.
"Hayyy! Beb naman eh! Di mo ba ko namiss?" Tampong tanong niya.
Naningkit yung mga mata ko.
"Sa tingin mo di kita mamimiss kung kanina lang din ako nagising?" Tanong ko sa kanya.
"Eh? Di ko gets?" Naguguluhan niyang sabi.
"Kanina lang ako nagising. At hindi kita namiss dahil pag-gising na pag-gising ko, mukha mo agad yang nakita ko. Akalain mo yon, hanggang dito sa ICU, magkasama pa rin tayo?" Sagot ko.
"Ayaw mo nun?" Tanong niya.
"May sinabi ba akong ayaw ko? Hay nako, Beb. gamitin mo rin yang utak mo paminsan-minsan ha." Sagot ko.
"Ang yabang mo. Palibhasa mahal kita eh." Sabi niya.
"Mana lang sayo. Mahal din kita." Sagot ko.
"Yie! Answeet ng beb ko." Paghaharot niya.
"Sweet ba yun? Gusto mo ng batok?" Bored kong sabi.
"Ang sweet talaga ng beb ko. Magsasayang pa ng energy mabatukan lang ako. Grabe, kaya mahal na mahal kita eh." Sabi niya.
"Mahal na mahal din kita kaya magsasayang ako ng energy para lang mabatukan kita. Nakakainis ka kasi eh." Sagot ko.
"Asuuuuus! Nakakainis daw pero sinasabihan mo ng gwapo! Tsk! Iba na talaga kapag gwapo." Pagyayabang niya.
"Oo nga eh. Iba na talaga pag-gwapo. Nakaratay sa hospital bed at may tama ng baril sa tagiliran. Hay. Ibang klase talaga." Sagot ko.
"At yung maganda?" Tanong niya.
"Maganda? Asan?" Tanong ko saka nagpalinga-linga.
Maganda? Wala naman ah?
"Shunga. Ikaw yung maganda." Sagot niya.
"Ako? Ahaha! Salamat, beb. Maganda ka rin." Biro ko.
"Thanks. I'm beautifully handsome. Ohmygod." Sagot niya.
"Ang kapaaal! Inagawan mo pa ako sa pagiging maganda ko!" Sabi ko sa kanya.
"Di kaya! Sus, inggit ka lang eh!" Sabi niya.
"Baka inggit! Kapal mo!" Sagot ko sa kanya.
"Syempre! Mga gwapo makakapal ang mukha para di madaling masugatan ang face." Sabi niya.
"Sige, tara sugatan natin yang mukha mo, kapag nasugatan yan di ka gwapo." Biro ko sa kanya.
"Di na yan kailangan! Halata naman sa mukha ko na gwapo ako eh." Sagot niya.
"Ang kapal mo talaga 'no! Nakakainis ka!" Sagot ko sa kanya.
"Gwapo lang talaga ako kaya ka naiinis! Hahaha!" Pagyayabang niya.
"Tss." Irap ko.







No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^