Tuesday, December 31, 2013

You Are My Life : Chapter Fifteen

(Martin's POV)
Lumipas ang dalawang linggo at magaling na kami ni Beb ko. Duon muna ako sa bahay nila habang nagpapagaling kaming dalawa.

Pagbalik ko sa condo unit ko, nanlaki yung mga mata ko.

Putangina, bakit makalat 'tong condo unit ko?! Puro damit na marurumi yung naka-patong sa sofa ko. May mga root beer at balat ng chips sa center table.


Naglakad ako papunta sa kusina.

Tokwa. Punong-puno ng maruruming pinggan yung lababo!

Tumakbo ako paakyat at dumiretso sa kwarto namin ni Danielle kapag dito siya natutulog.

May lalaking maputi na nakatapis ng twalya at nakatalikod. May kausap siya sa phone niya.

"Ano?! Dinukot si Charles?! Paano na yung plano namin?! Tangina. Gawaan mo yan ng paraan, Sam. Papunta na ko dyan. Magbibihis lang ako." Sagot ni Matthew.

Charles?! Magkasabwat sila ng Charles na yon?! Ng manyak na yon?! Tanginis.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa katabing drawer ng pinto ng kwarto ko tapos binuksan ko at kinuha yung baril ko. Tumunog yung drawer kaya napalingon si Matthew sa direksyon ko. Tinutukan ko siya ng baril. Agad niyang kinuha ang baril na nasa bedside table saka rin itinutok sa akin.

"Hayop ka, tinrato kitang kapatid tapos ganito pa ang igaganti mo sa akin?! Sa amin?! Na-buko na kita, Matthew. Magkasabwat kayo ni Charles! Gusto niyo kaming paghiwalayin ni Danielle?! Kanino mapupunta si Danielle kapag naagaw niyo siya sa akin?! Pagpapasa-pasahan niyo na parang laruan?! Tangina, Matthew, anong nangyayari sayo?" Sigaw ko sa kanya.

"Mahal ko si Danielle at sa akin lang siya! Hindi ko siya hahayaang mapunta sayo dahil sasaktan mo lang siya!" Sigaw niya pabalik.

"Well atleast hindi ako yung lalaking mas gustong makipagtalik sa kung kani-kaninong babae kesa magpaka-seryoso at magtino para sa taong mahal niya." Sagot ko.

Nanggagalaiti niyang itinutok ng mariin sa akin yung baril.

"Bawiin mo yang sinabi mo!" Sigaw niya.

"Natamaan ka? Well sorry pero hinding-hindi ko yon babawiin. Paninindigan ko na sinabi ko yon." Sagot ko sa kanya.

"Tandaan mo 'to, Martin. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nababawi sayo. Akin lang siya. AKIN LANG!" Seryoso niyang sabi sakin.

"Matthew! Martin!" 

Napalingon ako sa may pinto at nakita ko si Danielle. Halata sa mga mata niya ang pagkagulat.

Tumakbo siya at humarang sa gitna naming dalawa.

"Ano bang ginagawa niyong dalawa?! Magpapatayan ba talaga kayo?! Hindi magandang laro 'to ha! Tigilan niyo na 'to!" Pigil ni Danielle.

"Danielle, out of the way." Seryoso kong sabi.

Humarap siya sakin saka iniharang ang sariil niya.

"Stop!" Pigil niya.

"I said out of the way, Danielle!" Sigaw ko.

"Bakit ba?!" Pasigaw niyang tanong.

"Kasabwat niya si Charles!" Sagot ko agad.

Nanlaki ang mata ni Danielle. Agad siyang yumuko at sumipa patalikod kaya tumalsik yung baril ni Matthew.

"Is that true, Bastard boy?" Seryosong tanong ni Danielle.

"Don't listen to him! Ako ang tunay na nagmamahal sayo, Danielle! Please sumama ka na sakin!" Pagmamakaawa ni Matthew kay Danielle.

Lumapit ako at mas tinutukan siya ng baril.

"Stop fooling her, you Bastard! Hindi ka na niya mahal! Pwede ba, tigilan mo na nga kami!" Sigaw ko sa kanya.

"Tandaan mo 'to, Danielle. Akin ka lang. Papatayin ko lahat ng hahadlang sa pagmamahal ko para sayo. Ipinapangako ko yan!" Sabi niya saka hinablot yung pantalon at t-shirt niya sa kama pati yung sapatos niya saka tumakbo pababa.

Agad na ininspeksyon ni Danielle yung mukha at katawan ko.

"Nasaktan ka ba, Beb?" Nag-aalala niyang tanong.

"Ayos lang ako, Beb." Sagot ko saka ngumiti.

"Sigurado ka ha?" Tanong niya.

"Opo." Sagot ko saka umakbay sa kanya.

(Cyrus' POV)
"Eh tarantado pala talaga yang kapatid mo na yan, Martin eh! Humanda siya kapag nakita ko siya." Gigil kong sabi.

"Wag niyo nga siyang matawag-tawag na kapatid ko. Wala akong kapatid na balak mang-agaw ng nobya ng iba." Sagot ni Martin.

"We need to make a plan." Seryosong sabi ni Danielle saka lumapit at inilapag ang mga orange juice sa center table. Umupo siya sa tabi ni Martin saka sumandal sa sofa.

Lumingon sa kanya si Martin.

"What kind of plan?" Tanong ni Martin.

 (MDP'S POV)
"Sam, anong nangyari? Paanong nadukot si Charles? Sinong dumukot sa kanya?" Sunod-sunod kong tanong pagkarating ko sa opisina ko sa Dela Peña Corporation.

"Sinabi sakin ni Jake. Magkasama raw silang apat nung dinukot si Charles. Nasa may 7 eleven daw silang tatlo habang si Charles bumibili ng mais sa labas ng 7 eleven nung bigla raw may tumigil na van sa tabi ni Charles at dinukot siya." Pagkukwento ni Sam.

Napa-hampas ako ng malakas sa mesa ko sanhi para magulat si Sam.

"Tumawag ka ng mga tauhan natin tapos sabihin mo sundan nila 'tong mga 'to." Sabi ko saka ko inabot kay Sam yung picture nila Danielle, Martin, Cyrus, Mika, Fei, at Jairus.

"Sige, Babe. Ako nang bahala sa mga tauhan natin." Sagot ni Sam saka dinala yung mga picture at lumabas ng opisina ko.

Humanda ka sakin, Martin. Sisiguraduhin kong mapupunta sakin si Danielle at sisiguraduhin ko ring mamatay ka. Ikaw ang gagawin kong kabayaran sa ginawang pagpapahirap ng nanay mo sa akin. Pinaramdam niya ang impyerno sa akin kaya ipaparamdam ko rin sayo ang impyerno. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nababawi sayo. Akin siya, Martin. Akin lang siya.

(Martin's POV)

Hindi ako makapaniwala na yung tinuring kong kapatid buong buhay ko, ay siya rin palang sisira sa relasyon namin ng mahal ko.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad. Hayop siya. Sisiguraduhin kong pagbabayaran niya 'tong lahat.

"Beb, wag kang mag-alala, lalabanan natin siya." Sabi ni Danielle saka hinimas-himas yung balikat ko.

Humarap ako sa kanya saka humawak sa bewang niya.

"Mahal na mahal kita, Beb. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa kanya. Akin ka lang, maliwanag?" Sabi ko sa kanya.

Humalik siya sa labi ko. "Maliwanag pa sa araw." Sabi niya saka ngumiti.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Hnidi ko kakayanin kapag nawala ka sakin, Danielle. Ipangako mo na hindi mo ako iiwan." Sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin ako ng mahigpit sa kanya.

"Ipinapangako ko na hinding-hindi kita iiwan kahit ano mang mangyari. Mahal na mahal kita, Martin. Lagi mong tatandaan yan." Sagot niya habang nakayakap din sa akin.

Humiwalay ako sa yakap saka ko hinawakan yung magkabila niyang pisngi.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sakin, Danielle." Bulong ko.

Inilapit ko yung mukha ko saka ko siya hinalikan sa labi.

May naramdaman akong luha na bumagsak sa pisngi ko.

Mahal na mahal ko si Danielle at hinding-hindi ko siya ibibigay kay Matthew. Magkamatayan na.






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^