Tuesday, December 31, 2013

You Are My Life : Chapter Sixteen

(Danielle's POV)
Magisa akong naglalakad sa malapit na palengke sa Condo kung saan ako nakatira. Marami kasing nagsasabi na puro sariwa raw ang tinda dito. Tsaka isa pa, gusto ko rin kasing ipagluto si Martin ng paborito niyang Pininyahang manok at ipagbake siya ng Butter Cake.



Tumigil ako sa isang tindahan at tinignan yung tinitinda niyang pinya. Halatang sariwa pa 'to.


"Manang, magkano ho itong pinya na ito?" Tanong ko habang hawak ko yung pinya at sinusuri.


"Ang isang kilo niyan ay 150." Sagot ng tindera.


"Sige ho, manang. Isang kilo nga nito." Sabi ko saka na binitawan ang pinya.


Nagkilo si manang ng pinya tapos ibinigay sa akin yung nakabalot na pinya kaya binayaran ko na.


Naglakad na akong muli papunta naman sa mga karne. Habang tumitingin ako ng karne ng manok, may naramdaman akong parang may sumusunod sa akin kaya tinalasan ko ang pakiramdam ko.


"Hija, anong sa'yo?" Tanong ng masigasig na tindera.


"Ito nga pong manok na ito." Sabi ko saka ko tinuro yung manok na natipuhan ko.


Kinatay nung tindera yung manok habang ako naman nakikiramdam pa rin sa paligid ko.


Pagkabigay nung nakaplastic na manok, binayaran ko na saka naglakad-lakad para sa iba pang ingredients.


Nung matapat ako sa lugar ng palengke na halos walang tao at medyo madilim pa, tumigil ako. Naramdaman kong medyo may lumapit kaya binitawan ko yung hawak kong basket at hinila ko yung braso niya at binagsak ko siya sa semento.


Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko kung sino yung ibinagsak ko sa semento.


"Ohmygod! I'm sorry, beb! Pakiramdam ko kasi may sumusunod sakin eh." Nag-aalala kong sabi tapos lumuhod ako sa harap niya.


Umigtad siya at umaray dahil nawala na yung pamamanhid ng likod niya.


"Uy, beb!" Tawag ko.


Idinilat niya yung mga mata niya at tinignan ako.


"Beb, may plano ka bang gawin akong Battered Husband?" Tanong niya habang iniinda pa rin yung sakit ng likod niya.


"Ah-eh. Wala naman, bakit?" Tanong ko.


"Jusko! Gan'to yata gagawin mo sakin kapag nag-away tayo pagmag-asawa na tayo eh." Ngiwi niya.


Hinampas ko siya. "Grabe ka naman! Alam mo namang mahal kita diba? Bat ko naman gagawin sayo yun?" Tanong ko.


Umupo siya at tinitigan ako.


"Alam mo, napaparanoid ka na yata." Sabi niya sakin.


Ngumuso ako. Nagiging childish talaga ako kapag siya kasama ko.


"Pangako, pakiramdam ko talaga may sumusunod sakin." Sabi ko saka ko itinaas yung right hand ko.


Ginulo niya yung buhok ko tapos ngumiti siya.


"Ikaw talaga. Ako lang yun, okay? Wala kang dapat alalahanin." Sabi niya tapos medyo tumawa.

(Sam's POV)

"Putangina! Ano sinasabi niyong niligaw kayo?! Ang tanga-tanga niyo!" Sigaw ni Matthew na galit na galit.


"Boss, nagulpi pa nga ako eh. Nalaman kasi nung lalaki na sinusundan ko siya." Sabat nung may pasa na tauhan namin.


"Diba trained kayo?! Putanginang trained yan! Ang bobo niyo magtrabaho!" Sigaw ni Matthew.


Tumingin ng masama sa akin si Matthew kaya medyo napaatras ako.


"Palayasin mo nga 'tong mga putanginang 'to sa harap ko. Baka mapatay ko 'yang mga yan." Utos ni Matthew.


"Y-yes, babe." Sagot ko saka ko na sila pinasunod sa akin palabas.

(Martin's POV)

Ang totoo niyan, kaya ko sinundan si Danielle, may napansin kasi akong nakasunod sa kanya at panigurado na may alam si Matthew tungkol dun.


"Beb, ipagluluto kita ng paborito mong pininyahang manok dun sa condo ko." Sabi ni Danielle habang naglalakad kami papunta sa condo.


"Talaga? Ang sweet sweet mo naman, Beb ko!" Sabi ko saka ko siya niyakap.


"Dun na tayo sa condo ko maglampungan, nakakahiya sa mga tao." Bulong niya sakin.


Tumawa ako.


"Sus! Ngayon pa ba? Tara nga, pakasal na tayo!" Yakag ko.


"Saka na. Kapag ayos na lahat ng problema natin." Sagot niya.


"Sige." Sabi ko saka ko siya inakbayan.


Talagang hindi yata kami tatantanan ni Matthew eh. Lintek, akin lang si Danielle. Panigurado, lolokohin niya lang si Danielle tulad ng panloloko niya sa amin. At yon ang hinding-hindi ko hahayaang mangyari.





No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^