Tuesday, December 31, 2013

You Are My Life : Chapter Seventeen

(Martin's POV)
Habang nagluluto si Danielle ng paborito kong ulam, nanonood naman ako sa salas niya ng TV.

Napagitla ako nung may magvibrate sa sofa. Tinignan ko kung ano yun. May tumatawag sa phone ni Danielle pero unknown number lang.

"Uhm, Beb, may tumatawag sa phone mo." Inform ko sa kanya.


"Sino raw, beb?" Tanong niya habang nag-aasikaso ng mga ingredients.

"Unknown number eh. Sagutin ko ba?" Sagot ko saka hinawakan yung phone niya.

"Paki-dala na lang dito. Ako na lang sasagot." Sabi ni Danielle.

Tumayo ako at ibinigay sa kanya yung phone niya.

Sinagot niya ito at Itinapat sa tenga niya saka itinuloy ang pag-aayos ng ingredients.

"Halooo?" Malambing na may halong pagtataray na bati ni Danielle.

"Uh-huh. Hmm. Yes..." Sagot ni Danielle.

Napatigil si Danielle sandali saka binitawan yung inaayos niyang ingredients at hinawakan niya yung phone niya.

Yumakap ako sa bewang niya mula sa likod at inamoy-amoy yung leeg niya.

"What about him?" Tanong ni Danielle.

Bigla akong natigilan sa pagpapak sa leeg ni Danielle nung marinig ko yung sinabi niya. What About him? sinong him?

"Si Cyrus nadukot?" Gulat na tanong ni Danielle.

Ha, ano daw? Si Cyrus?

"Sige-sige, pupunta ako dyan." Sabi ni Danielle. "HIndi okay lang. Sige na, I'll go ahead." Dagdag ni Danielle saka na ibinaba ang tawag.

Nilagay ni Danielle sa bawat maliit na mangkok yung mga ingredients tapos inilgaya sa fridge.

"Teka, beb. Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Don't tell me, makikihanap siya kay Cyrus?

"Tutulungan ko lang sila Mika. Nawawala si Cyrus." Sagot ni Danielle na nagmamadali.

Tinanggal niya na yung apron niya at ipinatong sa kitchen table tapos umakyat kaya sinundan ko siya.

Dumiretso siya sa cabinet niya tapos kinuha niya yung leather jacket at white sleeveless shirt. Nagulat ako nung pati black leather pants kinuha niya. Inihagis niya yun sa kama. Napatingin siya sa akin nung mapansin niyang nasa may pinto ako.

"Leave." Seryoso niyang sabi.

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

Lalapit sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Stop right there, Martin. I'm going to change so I want you to leave the room." Seryoso pa rin niyang sabi.

"Ayoko." Sagot ko.

"Then fine. I'll change infront of you." Sabi niya saka tumalikod at hinubad yung polo shirt niyang yellow tapos kinuha niya yung sando na puti sa kama at sinuot yun. 

Nagulat ako nung isunod niya yung gray jeans niya.

Hinubad niya yun sa harap ko habang nakatalikod.

Fuck! 

I turn around so I can't see her. 

Ang sexy niya imposibleng hindi ako maakit! Is she torturing me? It works you know!

"You can turn around now. Sabi ko sayo umalis ka eh. Ayan, napilitan ka tuloy na tumalikod." Bigla niyang sabi.

Humarap na ako sa kanya.

Naka-leather jacket and leather pants na siya tapos nakaupo siya sa kama at sinusuot yung paborito niyang black converse.

"Sasama ako sayo." Sabi ko saka pumunta sa cabinet para sana kunin yung pang-gangster kong damit nung bigla siyang magsalita.

"You're not coming with me." Sagot niya.

Napalingon ako sa kanya.

"What?"

"Do I really need to repeat it again for you, Martin?" She asked while raising her eyebrow on me.

"I will come with you." Sabi ko.

"No you're not." Sagot niya saka ako inirapan.

"Yes I will." Pagpupumilit ko.

"I said you won't fucking come with me there!" Inis na sagot niya.

"Don't fucking cuss, lady." Saway ko sa kanya.

"Why do you care? I will fucking cuss as much as I want, sir." Sagot niya sakin.

Habang nagtatalo kami kung sasama ba ako o hindi, nagbibihis na ako ng mabilis.

"Alam mo, tara na." Yaya ko sa kanya.

"Fine. Tara na." Sagot niya saka na ako hinila papunta sa elevator.

(Danielle's POV)

Kasama ko ngayon si Martin papunta sa Head Quarters ng Feather Gang sa may Quezon City.

Nung makarating kami, pinarada ko tapos lumabas na kami.

"Ano 'to?" Tanong niya.

"Head Quarters." Sagot ko.

Naglakad na ako at pumasok sa loob. Sumunod si Martin.

Nasa bar section si Fei habang nakaupo sa stool chair at nainom ng white wine. Naka-upo naman si Mika sa sofa at nakayuko habang umiiyak. 

Napatingin ako kay Jairus na kalalabas lang ng CR.

"What happened?" Tanong ko.

"Cyrus was kidnapped." Casual na sagot ni Fei.

Inagaw ni Jairus yung white wine glass na hawak ni Fei habang iniikot ikot yung yelo sa loob.

"Ke-aga-aga pa, umiinom ka na ng alak." Saway ni Jairus saka inubos yung white wine sa baso.

"Pakialam mo ba?" Pagtataray ni Fei.

"Ke-babae mo naman kasing tao agang-aga makikita kitang umiinom." Sagot ni Jairus.

"Wow. Parang kanina naman nakikita mo akong umiinom ng alak pero hindi mo ako sinasaway. Dumating lang si Danielle sinaway mo na ko." Irap ni Fei.

"Wag kang maingay! Nagpapanggap nga ako na may pakialam ako kapag umiinom ka ng alak eh! Panira ka naman eh!" Saway ni Jairus  

"Pwede ba?! Tumigil na nga kayo!" Galit at mabigat ang paghinga na sigaw ni Mika saka muling tumungo at umiyak.

Fei rolled her eyes while Jairus just shrugged his shoulders.

Tumabi ako kay Mika at hinagod yung likod niya ng marahan.

"Anong nangyari?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Umayos siya ng upo pero maya-maya lang humarap siya sakin at niyakap ako at duon siya humagulgol.

"Hindi... Hindi ko matanggap na magkasama kami nung mga oras na dinukot siya." Sabi ni Mika nung maka-recover siya.

"Paano?" Tanong ko.

"Bumibili kami n'on ng ice cream. Sabi ko ako na lang yung bibili kasi maliit na favor lang naman yun. Nung pabalik na ako kung saan siya nakaupo, wala na siya dun pero naiwan yung bracelet niya na bigay ko." Umiiyak na sagot ni Mika.

"Mag-ingat kayo. Sa tingin ko, lahat tayo pinapasundan ni Matthew sa tauhan niya." Sabat ni Martin.

Napatingin ako sa kanya.

"How'd you know?" Sabay-sabay na tanong namin.

"Kanina, sinundan kita sa palengke dahil napansin kong may sumusunod sayo. Hinarang ko yung sumusunod sayo tapos ginulpi ko sa nakita kong eskinita saka kita sinundan ulit." Sagot ni Martin.

Bakit hindi ko alam?

"Hindi ko pinaalam sayo kasi ayaw kong mag-alala ka at gumawa ka na naman ng plano para malaman kung sino yung nagpapasunod sayo." Dagdag ni Martin.

"Paano mo nalaman lahat ng ito, Martin?" Nagtataka kong tanong.

"Kilala ko si Matthew. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya." Sagot ni Martin.

"Bakit? Ano bang gusto niya? Ibibigay ko." Tanong ko.

"Gusto niyang masira ang relasyon natin..." Sagot ni Martin.

"At ano pa?" Tanong ko pa.

"At gusto ka niyang makuha." Sagot ni Martin saka yumuko at nagpunas ng luha.

Gusto akong makuha ni Matthew?

Bakit?

Para saan?

(MDP'S POV)

 "Putangina naman! Anong sinasabi niyong natakasan kayo?! Putangina, lumayas kayo sa harap ko!" Sigaw ko sa mga tauhan ko na pinapasunod ko kela Danielle.

Nagsi-yukuan sila saka sunod-sunod na lumabas.

Nagpunta si Sam sa upuan na nasa harap ng mesa ko saka tumitig sakin.

"Babe, paano kaya kung ipaalam natin sa kanila na tayo ang may hawak kay Cyrus tapos makikipagkita tayo sa kanila sa isang liblib na lugar tapos duon mo ipapadukot si Danielle? What do you think?" Suggest ni Sam.

Sasabihin namin sa kanila?

Ano ako bobo?

Makikipagkita kami sa kanila sa liblib na lugar?

Paano kung mapatay na naman karamihan sa mga tauhan ko?

"Ano tingin mo sakin, tanga?! Amputcha! Umalis ka nga muna sa harap ko!" Sigaw ko sa kanya.

Napasimangot siya saka padabog na lumabas ng opisina ko.

Pag-iisipan ko.

Kung sasabihin namin sa kanila tapos si Cyrus yung gagawin naming bitag, pwedeng makuha ko si Danielle tapos magpapakalayo-layo kami at magsisimulang muli.

Hmm.

Pwede yon.

Teka, ipapadukot namin si Danielle?

Paano kung di sinasadya na hindi si Danielle yung nadukot?

Hay. Bahala na.

Pero mas masaya kung si Martin yung ipapadukot ko tapos si Danielle lang yung papupuntahin ko sa lugar na yon. Tapos papatayin ko si Martin tapos itatakas ko si Danielle at mamumuhay kami ng malayong-malayo sa nakaraan.

(Danielle's POV)

"Tagay pa tayo!" Hiyaw ko saka hinawakan yung shot glass at nakipag-cheers sa kanila.

Walang nakipag-cheers sakin.

Lahat sila nakatitig lang sakin.

"Oh? Anong meron? Bakit kayo nakatitig sa akin?" Lasing na tanong ko sa kanila.

Tumayo si Martin tapos hinawakan yung shot glass tapos inilayo sa akin.

"Tama na yan. Tara na. Ihahatid na kita sa condo mo." Mahinang sabi ni Martin saka ako pinilit na tumayo at dinala papunta sa pinto.

Hindi ako maka-angal. Sa sobrang lasing ko hindi ko na laam ang ginagawa ko.

"Mauna na kami sa inyo. Ihahatid ko pa 'to eh." Paalam ni Martin saka kumaway sa kanila at dinala na ako papunta sa labas.

Pumunta kami sa kotse ko tapos pinaupo niya ako sa front seat at umikot siya papunta sa driver's seat.

"Yung susi?" Tanong niya saka inilahad yung kamay niya.

Kinuha ko sa bulsa ko yung susi ko at inabot sa kanya saka ako sumandal at pumikit.

(Martin's POV)

Pagkarating namin ni Danielle sa condo niya, dinala ko siya sa kwarto at inihiga ko siya dun. Muntik pa nga akong mapasama sa paghiga dahil sa bigat niya eh.

Dali-dali akong pumunta sa kusina at nag-init ng tubig tapos naghanda ng lalagyan at bimpo na pupwedeng ipunas sa kanya.

"Martiiiiiin!" Ungol niya.

Umalis ako sa kusina at umakyat papunta sa kwarto niya.

May kinakapa siya sa kama habang nakahiga.

"Hey, nandito ako." Tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa pinto pero medyo nakapikit pa rin siya at parang inaaninag niya lang ako.

Lumapit ako sa kanya tapos naupo ako sa kama.

"Mmm. Dito ka lang, Martin." Naka-pout niyang sabi.

Hinalikan ko yung labi niya pero smack lang.

"I'll be with you until forever lasts." Sagot ko sa kanya.

Hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit.

"Wag mo akong iiwan ha." Bulong niya.

Napangiti ako.

I won't and I will never.

"Of course I won't." Sagot ko sa kanya.

Sumipol na yung iniinitan ko ng tubig kaya tumayo ako.

"Martiin! Sabi mo di mo ako iiwan?" Tanong niya habang ineextend yung kamay niya.

"I'll be right back, beb." Pahabol kong sabi skaa na bumaba at inayos yung mainit na tubig.

Dinala ko ito sa taas at nilapag sa bed-side table saka ako naupo sa kama habang inaayos ko yung bimpo.

Mainit yung bimpo kaya halos hindi ko mahawakan pero para nawala yung init, piniga ko na lang tapos ipinunas ko sa braso ni Danielle.

"Martin, hindi sila titigil hangga't hindi tayo gumagawa ng paraan para lubayan nila tayo." Bulong niya.

"What do you mean, Danielle?" Tanong ko.

"Let's make love, Martin." Lasing na sagot niya saka hinipo yung batok ko.

Umiwas ako.

"What are you trying to do, Danielle?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Akala ko ba mahal mo ko?" Tanong niya.

Bigla na lang siyang umiyak kaya binitawan ko yung bimpo at nilagay sa may lalagyan tapos ibinaba ko sa sahig yung lalagyan.

Naupo ako sa tabi niya saka siya inalo kaso hinila niya naman ako palapit sa kanya saka ako hinalikan.

"Make Love to me, Martin." Seductive na bulong niya sakin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Hindi ko siya kayang tignan habang umiiyak siya.

Hindi ko rin naman siya kayang babuyin.

Ano bang dapat kong piliin?

Bago pa ako maka-angal, natagpuan ko na lang din yung sarili ko na tumutugon na sa halik niya at unti-unti ko nang ipinapasok yung kamay ko sa loob ng sando niya.

I'm so sorry, Danielle.




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^