(Danielle's POV)
Nagising ako na may sinag ng araw na tumatapat sa mukha ko.
Bumangon ako at naramdaman kong nalaglag yung kumot na nakadikit sa katawan ko.
Napatingin ako sa katawan ko.
Wala akong suot at medyo kumikirot pa yung ibaba ko.
Lumingon ako sa tabi ko. Walang tao.
Kumirot yung ulo ko kaya humiga ulit ako.
Putcha! May hang-over nga pala ako dahil uminom ako ng pagka-rami-raming alak kagabi.
Bumangon ako at pumunta sa cabinet ko at naghanap ng masusuot.
Kumuha ako ng undies tapos nakita ko yung t-shirt ni Martin na nakalapag sa sahig kaya pinulot ko iyon at sinuot.
Ito yung suot niya kahapon nung kasama ko siya.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sa baba si Martin na nagpe-prepare ng agahan.
Bumaba ako at nilapitan siya ng tahimik tapos niyakap ko siya mula sa likod. Napagitla pa nga siya dahil sa gulat eh.
"Uy, beb. Dun ka muna sa dining table." Nakangiti pero medyo awkward na sabi ni Martin.
Nag-pout ako saka pumihit at nagmamaktol na pumunta papunta sa dining table at umupo dun.
Nakabusangot lang ako habang nakapalumbaba nung naisipan kong titigan si Martin.
Naka-apron siya habang nakasando at seryosong may ginagawa sa kitchen counter.
Sayang, hindi ko nakita kanina kung anong ginagawa niya.
Tapos ngayon, tinatamad pa kong tumayo para tignan kung anong ginagawa niya.
Hmm. Tititigan ko na lang siya mula dito. Ang cute-cute niya eh.
Siguro bagay na bagay sa kanya magkaroon ng role na tatay.
Siguro rin, magiging mabait na tatay siya.
Isang gwapong tatay.
Haaay. Ano ba 'tong pinagsasabi ko?
Napansin niyang titig na titig ako sa kanya kaya inangat niya yung tingin niya at binigyan ako ng killer smile.
Leche, naiinlove ako lalo.
Kinikilig akong napayuko sa lamesa.
Tangina, parang teenager lang eh. Kung kelan 23 na ako saka lang ako kinilig.
May kumalabit sa akin makaraan ang ilang minuto.
Inangat ko yung tingin ko at nakita ko dun si Martin na naka-apron pa rin at may hawak na plato.
Umayos ako ng upo kaya inilapag niya na yung black plate sa harap ko.
Umalis na siya sa tabi ko at may inayos pa ulit sa kitchen counter.
Lumingon ako sa plato ko at napangiti ako sa nakasulat.
May sinangag na kanin tapos fried egg tapos may nakasulat sa ibaba ng plato na 'Sorry' tapos may smiling face na gawa sa palaman. Cheez Whiz yata yung palaman.
Napalingon ulit ako kay Martin at nakangiti na siya ngayon habang nililigpit yung mga ginamit niya.
After niya magligpit, naghugas siya ng kamay niya tapos pumunta na sa dining table at naupo sa tabi ko.
Nagsimula na kong kumain pero hindi ko ginalaw yung nakasulat na Sorry.
"Uhm, Beb." Tawag ni Martin.
Napalingon ako sa kanya.
"Sorry ha." Nakayuko at malungkot niyang sabi.
Hinawakan ko yung kamay niya tapos pinisil-pisil.
"It's fine." Sagot ko habang nakangiti.
Tinitigan niya ko sa mata.
Unti-unti nang namumuo yung mga luha niya sa mata.
"Sorry talaga. Hindi kasi kita kayang nakikitang umiiyak eh. Hindi rin naman kita kayang babuyin pero nadala kasi ako masyado eh. Hindi ko pinigil yung sarili ko kaya may nangyari sa atin." Paumanhin ni Martin.
"I'm fine, okay? I'm just feeling a little bit sore." Sagot ko sa kanya.
Hinawakan niya yung magkabila kong kamay.
"Hindi ka man lang ba magagalit dahil sa ginawa ko? Hindi mo ko sasampalin? Hindi mo ba ko sasapakin? Hindi mo man lang ba ko ipagkakanuno?" Malungkot na tanong niya sakin.
Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.
"I'm perfectly fine, Baby." Nakangiti kong sagot.
"Teka, hindi na ba masakit?" Nag-aalala niyang tanong.
"Kumikirot pa pero hindi na masyadong masakit." Sagot ko.
Pakiramdam ko lumulutang ako sa sobrang saya.
Hay buhay.
Ano ba 'tong nangyayari sakin?
"Sure ka ha?" Sabi niya.
"Oo nga po. Ayos lang ako." Sagot ko.
Nagsimula na akong kumain.
"Beb, gusto mo punta tayong amusement park mamaya?" Tanong bigla ni Martin.
"Sure. Later." Sagot ko.
Biglang humilab yung tiyan ko kaya tumayo ako at dali-daling tumakbo papunta sa sink ng kitchen.
Naramdaman kong sumunod si Martin sakin at hinagod-hagod yung likod ko.
"Are you okay, Danielle?" May pag-aalala sa boses na tanong niya.
Tumango-tango lang ako saka na naglinis ng bibig at umakyat agad sa kwarto at nahiga na lang.
I am not Feeling well.
Yun lang ang masasabi ko sa ngayon.
Sumunod sa akin si Martin tapos umupo sa kama at kinapa yung noo at leeg ko.
"Wala ka namang lagnat ah?" Sabi ni Martin.
Haay. Feeling ko umiikot yung paningin ko.
Inaantok ako na hindi ko alam.
Nagugutom ako pero lahat ng kinakain ko iniluluwa ko rin.
"Wag na lang siguro tayo pumunta mamaya sa amusement park, Beb." Mahinahon niyang sabi.
Inabot ko yung kamay niya.
"Okay lang ako. Kailangan ko lang ng pahinga. Tsaka hangover lang 'to, Martin." Sagot ko.
Ipinikit ko yung mga mata ko kasi umiikot talaga yung paningin ko.
Naramdaman kong hinalikan ako ni Martin sa noo.
"Magpahinga ka muna, Beb. Tutugtugan lang kita ng gitara." Sabi niya.
Naramdaman kong umalis siya sa kama tapos may tumunog na gitara kaya sa tingin ko, kinuha niya iyon.
Lumubog yung dulo ng kama at naramdaman ko siyang umupo dun at nagsimula nang magstrum.
"Your hand fits in mine, like it's made just for me. But bear this in mind, it was meant to be. And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks and it all makes sense to me." Kanta niya habang nag-i-strum.
Pakiramdam ko mahal na mahal niya ko dahil sa kinakanta niya ngayon.
Hay. Inaantok ako.
Napahikab ako ng hindi inaasahan kaya narinig ko siyang tumawa ng mahina.
Tumagilid ako ng higa tapos kinuha yung unan sa tabi ng unan ko tapos niyakap ko.
Inaantok na talaga ako.
(Martin's POV)
Nung marinig kong humikab si Danielle, alam ko na agad na maya-maya lang makakatulog na siya.
Tumawa ako ng mahina saka tinuloy ang pagkanta.
"I know you've never loved, the crinkles by your eyes, when you smile, you've never loved, your stomach or your thighs. The dimples in your back at the bottom of your spine but I'll love them endlessly." Pagpapatuloy ko sa pagkanta.
Tinuloy-tuloy ko pa hanggang sa matapos ko yung kanta.
Tumayo ako at inilapag yung gitara ko sa sulok ng kwarto at nilapitan si Danielle saka siya hinalikan sa noo.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^