Saturday, May 11, 2013

Dream Come True : Chapter Nine

Author's Note:
Oh diba? Kahit sinabi ko sa Group ng DayDreamers na di muna ako magpopost ginawa ko pa rin? :) Eh kasi mahal ko kayo eh. Osha, I need your whole feedback. Sabihin niyo kung anu-ano yung mali sa story na 'to. I-eedit ko siya eh. Para saan? I'm planning to pass a Manuscript to PSICOM Publishing. Tama po kayo ng basa. Well, it's one of my dreams, yung makapag-publish ng sarili kong story. :) Sana po tulungan niyo ko. :) Makuha man po o hindi yung ipapasa kong Manuscript nito kapag natapos na, okay lang po sakin. Atleast I tried my best. 

Chapter Nine
Too Late?

 (Third Person’s POV)

~KINABUKASAN~

~Sunday Morning~



“Logan, anak. Bakit mukha yatang pinagbagsakan ka ng langit at lupa sa itsura mong ‘yan?” Tanong ni Tita Shai. Ang Mama ni Logan.



Umupo si Tita Shai sa tabi ng anak niya saka tumingin kay Logan.



“Wala, Ma.” Walang ganang sagot ni Logan kay Tita Shai.



Inis parin si Logan dahil sa nalaman niya noong biyernes ng hapon. Ang kapal ng mukha ni Phoebe para kunin yung Letter na ibinigay niya para kay Ann.



“Come on. Tell me. Baka makatulong ako.” Pangungulit ni Tita Shai.



“Fine. Si Phoebe kasi. Yung bago kong kaibigan sa CJU. Nagtataka ako kung bakit napunta sa kanya yung letter na pinaabot ko sa Daddy ni Ann. Sa tingin ko, kilala niya si Ann pero ayaw niyang sabihin sakin. At hindi lang ‘yon, talagang kinuha niya pa kay Ann yung letter na ‘yon ha! Kainis lang.” Inis na pagkukwento ni Logan.



Napa-isip si Tita Shai.



“Anak, alam mo ba ang buong pangalan ng Phoebe na ‘yan?” Tanong ni Tita Shai.



“Hindi po.” Sagot ng binata.



“Okay. Para malinawan ka, magdadala ako ng Camera kapag nakipag-kita ako sa Daddy ni Ann. Wait, kukunin ko nga pala ang number niya.” Sabi ni Tita Shai saka tumayo at naglakad papunta sa kwarto niya at kinuha ang cellphone saka bumalik sa kusina.



Inilabas ni Logan ang cellphone niya sa bulsa.



“Heto, ma. Hanapin mo na lang dyan.” Sabi ni Logan saka inabot sa mama niya ang cellphone niya.


~


Time Check : 10:30 am



Umalis na si Logan dahil may shooting pa raw siya.



Si Tita Shai ay kasalukuyang nasa may Salas at nakaupo sa sofa habang nakatitig sa Cellphone niya. Bihis na siya. Plano niya kasing tawagan si Tito France na Daddy ni Ann para makipag-kita sa kanya sa isang sikat na Mexican Restaurant. Pero pinaiisipan pa niya kasi kung tatawagan niya nga ba. Baka di naman ito sumagot eh.



Pero muli siyang nagdesisyon. Ano pa’t nagbihis siya ng pang-alis gayong hindi naman pala siya makikipagkita kay Tito France. Napagpasyahan niyang tawagan ito.



Narinig niyang nag-ring ito sa kabilang linya. Maya-maya pa’y may sumagot nito.



“Hello?” Tanong ng tao sa kabilang linya.



Boses lalaki. Mukhang si Tito France nga ang sumagot.



“Uhm… Is this France Fajemolin?” Tanong ni Tita Shai.



“Oo. Sino ‘to?” Sagot ni Tito France sa kauap.



“France, si Shai ito. Mama ni Logan.” Sabi ni Tita Shai saka pumirmi ng upo.



“Oh Shai, ikaw pala. Bakit ka napatawag?” Kaswal na tanong ni Tito France.



“France, magkita tayo sa isang Mexican Restaurant.” Sagot ni Tita Shai.



“Oh bakit? May problema ba?” Tanong ni Tito France.



“Saka ko na ipapaliwanag. Magkita na lang muna tayo.” Sagot ni Tita Shai saka na ibinaba ang tawag.



Everybody, ‘yan si Tita Shai. Ang babaeng basta na lang papatayin ang tawag. Di biro lang. Hindi uso sa kanya ang Babye eh.


~



Napagdesisyunan ni Tita Shai na umalis na, pero syempre nagpaalam muna siya kay Yaya Vin.



“Vin, kapag dumating si Logan, sabihin mo nakipagkita lang ako sa Daddy ni Ann ha?” Paalam ni Tita Shai.



“Opo, Ma’am!” Sagot ni Yaya Vin.



Umakyat si Tita Shai at kinuha sa kwarto niya ang Camera saka na bumaba at dumiretso sa Garage nila. Sumakay siya sa kotse niya saka pumunta sa Mexican Restaurant. Tinext niya na rin si Tito France kung saang lugar sila magkikita.


~



Pagkarating ni Tita Shai sa Mexican Restaurant na ‘yon, umupo siya sa may tabi ng pader. ‘Yung kita naman sa may pinto ‘no! Baka maghanap pa sila kapag nagkataon ‘no.



Maya-maya nakarating na rin si Tito France at agad niya namang nakita si Tita Shai sa may tabi ng pader.



“Shai, anong paguusapan natin?” Tanong ni Tito France pagkalapit niya kay Tita Shai.



“Nagkita na ba si Logan at si Ann na anak mo? May sinabi kasi siya sakin na baka kilala daw nung bago niyang kaibigan na si Phoebe yung anak mo na si Ann.” Sagot ni Tita Shai.



“Teka ha. Naguguluhan ako. Sabi ni Logan sayo, baka daw kilala ni Phoebe yung anak ko na si Ann? Ang tawag ko sa anak ko, Phoebe. Anong ibig sabihin nun? Baka daw kilala ni Phoebe yung anak ko na si Phoebe? Ha? Ang gulo ha.” Sabi ni Tito France saka umayos ng upo.



“Ang gulo nga. Teka, umorder na nga muna tayo. Waiter!” Tawag ni Tita Shai sa Waiter na pakalat-kalat.



“Yes Ma’am?” Tanong nung Waiter saka nagbow.



Hinawakan ni Tita Shai yung menu na nakalapag sa mesa saka umorder.



“Anong sa’yo, France?” Tanong ni Tita Shai.



“Hot & Spicy Chicken na lang tapos Kalamansi Flavor na Ice Tea.” Sagot ni Tito France.



“Desserts and other drinks po, Ma’am and Sir?” Suggest nung Waiter.



Gusto niyang dagdagan pa lalo ang gastusin ni Tita Shai ha!



“Uhm. Coffee jelly and Water.” Sagot ni Tita Shai.



“Ganun na rin sakin. One pitcher of Water.” Segunda naman ni Tito France.



“Okay po.” Sabi nung Waiter saka na umalis.



Maya-maya dumating na ang pagkain nila kaya kumain na sila tapos binayaran na ni Tita Shai yung bill.



“Uhm… Shai, ituloy na natin yung pinag-uusapan natin.” Sabi ni Tito France.



“Teka, nasa bahay niyo ba si Ann?” Tanong ni Tita Shai.



“Oo. Hindi naman umaalis basta basta ng bahay yun eh.” Sagot ni Tito France.



“Okay. Let’s go.” Sabi ni Tita Shai saka nangunang maglakad palabas ng Restau.



Tumigil sila sa tapat ng kotse ni Tita Shai.



“Kanino ‘yan?” Tanong ni Tito France.



“Hoy, France. Artista si Logan kaya nakapag-ipon naman kami ng malaki-laking pero ‘no! Pero itong kotse ko na ito, regalo ‘to sakin ni Logan.” Sagot ni Tita Shai.



Sumakay na sila saka sinabi ni Tito France kung saan sila nakatira.



Pagkarating nila sa bahay nila Tito France, pumasok sila.



“Phoebe, anak! Nandito ang Tita Shai mo!” Tawag ni Tito France kay Phoebe.



Walang sumasagot. Asan kaya ang babaeng ‘yon?



“Phoebe?” Muling tawag ni Tito France.



Naupo si Tito France sa upuan.



“Mukhang wala yata rito si Phoebe. Aantayin mo pa ba siyang dumating?” Tanong ni Tito France kay Tita Shai.



“Naku, hindi na siguro. Baka hanapin ako ni Logan eh. Mabilis lang daw kasi yung shooting nila na ‘yon.” Sagot ni Tita Shai.



“Uhm… Sige. Hatid na lang kita.” Sabi ni Tito France saka tumayo at sinamahan si Tita Shai hanggang sa labas ng bahay.



“Pasensya ka na talaga, Shai. Di ko kasi alam na umalis pala si Phoebe eh.” Paumanhin ni Tito France.



“Ano ka ba naman. Ayos lang yun sakin. Osha, saka na ulit tayo magkita. Baka kapag ikinasal na silang dalawa, magiging magbalae na tayong dalawa.” Biro ni Tita Shai saka tumawa at sumakay na sa sasakyan.



Maya-maya’y umandar na paalis ang sasakyan ni Tita Shai kaya pumasok na sa loob si Tito France.



“Boo!”



“Ay tokwa!” Napatalon si Tito France dahil may gumulat sa kanya.



Paglingon niya, nanlaki ang mata niya dahil nakita niya si Phoebe na nagpipigil ng tawa.



“Anong ginagawa mo rito? Akala ko umalis ka? Bakit hindi ka nagpakita kanina?” Sunod-sunod na tanong ni Tito France.



“Daddy, isa-isa lang naman ang tanong. Hindi ako machine na mabilis sumagot ‘no.” Sagot ni Phoebe.



“Eh saan ka nga galing bata ka?” Tanong ni Tito France.



“Andun lang ako sa kwarto ko. Nagtatago. Nahihiya pa akong Makita si Tita Shai eh.” Sagot ni Phoebe.



“Aba! Ngayon ka pa nahiya! Ay nako. Baka pabalikin ko yun dito.” Sabi ni Tito France.



“Naku Daddy! Wag!” Pigil ni Phoebe saka hinigit ang braso ni Tito France.



“Ha? Bakit?” Tanong ni Tito France.



“Ano ka ba naman Daddy! Uubusin mo yata gasolina nung kotse ni Tita Shai eh. Ikaw talaga. Saka na, Daddy.” Sabi ni Phoebe. “Tsaka di pa kami nagkakaayos ni Logan eh.” Bulong ni Phoebe.



“Ano ‘yon, Anak?” Tanong ni Tito France.



“Po?” Tanong ni Phoebe.



“Ano ulit ‘yung sinabi mo?” Ulit ni Tito France.



“May sinabi ba ako? Wala po ah!” Tanggi ni Phoebe.



“Ohsige na.” Sagot ni Tito France.



(Logan’s POV)

A Month have passed.



Isang buwan ko na ring hindi kinakausap si Phoebe. Oo na, nag-aalala ako kung ayos lang ba siya. Nga pala, si Yarie nandito na. Siya yung parati kong kasama. Ang gulo nga eh. Alam ko namang may gusto sakin si Yarie. Syempre magugustuhan ko rin siya kasi maganda naman siya. Pero patuloy pa rin ako sa paghanap kay Ann. PERO patuloy din si Phoebe sa pagtakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit siya ang pinaka-nangingibabaw sa kanilang tatlo. Tama nga ba si Fross? Mahal ko na nga ba siya? Pero… imposible eh! Si Ann ang mahal ko! Si Ann lang at wala nang iba! Pero… Haish! Di ko na maintindihan sarili ko!



“Logan, pwede ba kitang makausap?”



Napalingon ako sa likod ko.
Nasa may CJ Garden ako ngayon. Yung pwesto kung saan kami
Teka, eto yung kaibigan ni Phoebe na kasama niya diba?



Lumapit siya sakin tapos umupo siya sa harap ko.



“Si Phoebe at si Ann ay iisa.” Panimula niya.



“Ano na naman ‘to? Inutusan ka ba ni Phoebe na sabihin ‘yang kasinungalingan na ‘yan sakin?” Tanong ko sa kanya.



“No. I’m telling you the truth. Nalaman ko rin na umiyak siya nung sabihin mo sa kanyang kinuha niya lang yung letter mo para kay Ann. Ako na magsasabi sa’yo nito. Mahal ka ni Phoebe. Pero alam mo, hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong bagay na ikasasama ng loob ng ibang tao. Yung sinabi mo sa kanya last month? Sobra siyang nasaktan. Paano mo nga naman malalaman na siya si Ann eh nung sinabi niya sa’yo yung totoo, hindi ka naniwala. Sabi niya sakin hindi ka na raw niya mahal. Pero di ako naniniwala dun. Ramdam kong mahal ka niya. Mahal na mahal ka parin niya. Logan, hindi kasinungalingan yun. Kahit tawagan mo pa si Tito France ngayon, nagsasabi ako ng totoo. Ang tawag ni Tito France sa Ann na kilala mo ay Phoebe. Ikinuwento nga rin sa akin ni Phoebe na nagpunta ‘yung Mama mo sa bahay nila eh. Nahihiya lang si Phoebe na lumabas ng kwarto niya.” Pagkukwento nung kaibigan ni Phoebe.



Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya. Ano? Maniniwala ba ko?



“If I were you, I will try kung totoo nga yung mga narinig ko. Puntahan mo na si Phoebe sa Airport. Malapit na yung time ng Flight. Kung ako sayo, susubukan ko. Walang mawawala, Logan. Walang mawawala kung susubukan mo.” Sabi niyang muli.



“Logan?”



Napalingon ako sa likod ko.



“Who are you?” Taas kilay na tanong ni Yarie sa kaibigan ni Phoebe.



“I’m Bea. Best buddy ni Phoebe nung mga panahong basta na lang siya iniwan nung totoo niyang CHILDHOOD Bestfriend.” Sagot ni Bea nung tumayo siya. Tumingin pa nga sakin eh.



“Anong problema mo kay Logan ha?” Mataray na tanong ni Yarie.



“Wala. Baket?” Mataray din na tanong ni Yarie.



“Umalis ka na nga!” Pagtataboy ni Yarie.



“Hindi ako aso na kailangan pang paalisin. Alam mo, Ms. Yarie Trinidad, hindi porket artista ka, ikaw na masusunod. Hindi ka diyos. Matuto kang lumugar, Yarie. Artista ka pero hinding hindi ako magpapa-api sayo. Well, sorry for being a Bitchy bitch pero hindi ako ‘yung tipo ng taong pwede mong tapak-tapakan na lang. May pinag-aralan ako. Ikaw? Meron ba?”  Mataray na sabi ni Bea kay Yarie.



“Aba’t!”



“Yarie tama na.” Pigil ko.



Lumingon sakin si Bea.



“Pag-isipan mo mabuti ‘yung sinabi ko, Logan. Sige aalis na ko. Masyadong masama ang hangin dito.” Saka tumingin kay Yarie at umalis na.



Naupo si Yarie sa harap ko.



“Anong pinag-usapan niyo ng babaeng ‘yon?” Tanong ni Yarie sakin.



“Tungkol kay Phoebe at kay Ann.” Sagot ko.



“Hmm. Phoebe and Ann. Phoebe Ann. Iisang tao ba sila?” Tanong ni Yarie.



“I don’t know. Ang sabi sakin ni Bea kanina, iisang tao lang daw si Phoebe at si Ann.” Sagot ko.



“Hmm. Siguro nga. Bakit hindi mo itry?” Sabi ni Yarie.



“Itry? You mean okay lang sa’yo kung puntahan ko siya sa Airport?” Tanong ko.



Hinawakan niya yung kamay ko tapos pinsil-pisil iyon. Maya-maya nakita kong may tumulong luha sa left eye niya.



“Oo. Siguro nga okay lang sakin? Eh kasi Logan, alam ko naman kung sino yung mahal mo talaga eh. Sa tingin ko nga hindi na si Ann yung mahal mo. Sa tingin ko, si Phoebe na yung mahal mo. Ramdam ko ‘yun. Kasi alam mo, parati kitang nakikita na tulala. Tulala kasi di kayo nagpapansinan ni Phoebe. Tulala kasi buong magdamag, siya yung naiisip mo. Alam mo, sa tingin ko nga hindi ako sumasagi dyan sa isip mo eh. Pero okay lang sakin. Ewan ko. Okay nga ba? Kasi kahit nasasaktan ako tinitiis ko. Mahal kita, Logan. Pero kahit anong gawin ko, alam kong hindi ko naman makukuha yung Jackpot prize eh. Kasi hindi mo naman ako kayang mahalin eh. Siguro gusto oo. Pero iba parin yun sa Mahal eh.” Umiiyak na sabi ni Yarie.



“Yarie…”



“Don’t Worry, I’m okay. Go on. Kung gusto mo siyang puntahan sa Airport, puntahan mo siya. Kung gusto mo, sasamahn kita.” Sabi niya habang umiiyak parin.



“Uhm… Sure ka?” Tanong ko.



“Hmm! Yes.” Sagot niya.



Tumayo ako saka ko siya niyakap.



“Salamat, Yarie.”



“Sige na. Go! Fight for her.” Sabi ni Yarie.



Tumayo na ako ng maayos saka ko siya nginitian ng matamis saka na tumakbo ng mabilis papunta sa may Carpark. Pagkarating, sumakay agad ako at pinaharurot papunta sa Airport. Anong Airport? NAIA.



Kinakabahan ako. Paano kung kinapos na ako ng oras?



Maya-maya…



“Shit! Bakit ngayon pa nagka-traffic?! Haaay!” Inis kong sabi habang nasa loob ako ng kotse ko.



Mahal mo na ba talaga si Phoebe, Logan?



“Aaargh! Phoebe bakit mo ba ko ginaganito?! Bakit ginugulo mo ang isip ko?!!!” Inis kong sabi tapos hinampas-hampas ko yung manibela.



Maya-maya lumuwag na yung traffic kaya nakarating na ko sa NAIA.



Pagka-park ko nung kotse ko, dali-dali agad akong pumasok sa loob ng Airport. Inilibot ko ang mga mata ko. Nasaan na siya?



Am I Too Late?



Napaluhod ako saka ako naupo sa mga paa ko.



Shit. Don’t cry, Logan.



Don’t cry.



Don’t cry.



Paulit ulit! Paulit-ulit ko na ‘yang sinasabi sa sarili ko pero hindi ko alam kung bakit kusa pa ring tumulo ang mga luha ko! Traydor talaga! Bwiset!



Huli na ba talaga ako? Paano kung nakaalis na siya? Paano kung… paano kung tuluyan niya nang kalimutan na mahal niya ko?










No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^