Saturday, May 11, 2013

That Girl Change Me : Chapter 9




Hikari’s P.O.V


Hay, ang ganda ng araw ngayon..tambay muna ako dito sa room wala naman pala kasi yung teacher namin, 
*poke*   pagtingin ko sa gilid ko, si Renji..tapos di ko siya pinasin. 
*poke* tiningnan ko lang siya nga masama tapos inalis ko din yung tingin ko sa kanya. 
*poke* takte ano bang problema nito? “what?!!” tanong ko sa kanya..

“bakit color yellow ang araw?” tanung nya, yung seryoso pa yung mukha nya. 
“tanungin mo yung araw wag ako” sagot ko sa kanya, sabay talikod sa kanya, andun kasi siya sa may likuran ko. letse anung akala nya sakin? Scientist?Napakanonsense talaga ng taong to.

*poke* “bakit color blue yung clouds?” tanung nya pero di pa rin ako natingin sa kanya. 
“ewan !” sagot ko.

*poke* “bakit masungit ka?” tanung nya.

“dahil sa letseng katulad mo?” sagot ko sa kanya.

“makulit ba ako?” tanung nya ulit

“oo, makulit ka” tinatanung pa ba yun?

“nakakaasar ba ako?”

“oo, nakakaasar ka” sobra sobra talaga.

“panget ba ako?”

“oo panget ka!”pero di naman masyadong panget.. hmm.. actually gwapo rin naman.

“pero mahal mo ako”

“oo mahal kit-- !” OMG a-anung sabi ko. Teka teka mali, “I- I mean hi-hindi!” bawi ko.

“OO??? Hahah, sabi ko na ee.”

“hindi nga sabi ee!”

“don’t deny it, my Japanese doll, you love me aren’t you?”

“alam mo hindi bagay sayo mag English, muka ka kag trying hard, and im not you Japanese doll, cause, Im not a doll, and im not YOURS !”

“hmm, Hikari?” tanung ni Ixsha..


“What?!!” , oh my, nasigawan ko si Ixsha, si Renji kasi pampam.

“ah, Ixsha sorry, di ko sinasadyang sigawan ka, ito kasing si renji kanina pa ako hinahighblood ee..” paliwanag ko

“lagi ka namang highblood jan kay Renji ee, kaw din baka magkatuluyan kayo, alam mo na, the more you hate the more you love, by the way, tatanungin lang sana naming kung gusto mong sumama sa canteen” tanung ni Ixsha

“hindi na, dito na lang ako.” Sagot ko. Tapos umalis na rin sina Ixsha.

“sabi ko na, ayaw mo akong iwan nu? Kaya hindi ka sumama sa kanila??” ngingisi ngising sabi nito.

“ang kapal din ng mukha mo nu? Jan ka na nga!” sabi ko at akmang tatayo na ako ng hinila nya yung kamay ko kaya’t napaupo ako bigla sa upuan ko.

“san ka naman pupunta? Iiwan mo ako??” pagdadrama nito, oo drama kasi yung itsura nya mukha batang iiwan ng nanay nya.
“dun sa malayo, yung wala ka !” sigaw ko sa kanya.

“ayaw mo ba talaga sakin?” tanung nito, aba ang loko pwede nang artista, seryosong seryoso ang mukha.

“ayoko, ayoko sayo, at di na magbabago yun” sagot ko naman.

“sige, dito ka na lang ako nang lalabas.” Tapos bigla na lang siyang umalis, anu bang problema nun? Ang drama aa..

Ako nga pala si Hikari Kinomoto, Im half Japanese, half Filipino. Yung mama ko Filipina, tas yung papa ko, syempre Japanese. At yung kaninang gumugulo sa akin, siya si Renji Usebio ang panggulo sa buhay ko, ewan ko ba, first year pa lang kami naiinis na ako sa kanya, panu ang yabang nya, tapos sa lahat ako yung lagi nyang pinagtitripan, sayang gwapo pa naman. Oo, gwapo talaga siya, actually crush na crush ko yan nung first year kaso, mula nang lagi nya akong pinatitripan at pinaglololoko, ewan ko, nairita na ako sa kanya..

Hay san kaya nagpunta yung lokong yun. Bahala nga siya..





1 comment:

  1. Mas nauna kong nabasa yung Chapter Ten kesa dito. :D >////////< OMG. Kinikilig ako para kay Hikari! HAHAHAHAHAHAHAHAHA Kyaaaaaaaaaaaaaaa~ Magkapatid nga sila!!! Kaso ako ang drama! XDDD

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^