Bea’s P.O.V
Hi im Bea Rivera, 14 years old. Isang babaeng sawi ..sawi kasi
matagal na akong may gusto sa classmate/seatmate kong si Kenji.. kaso parang di
naman nya ako napapansin. Napapansin nya lang ako pag may itatanong siya.
Halimbawa yung lesson sa English kanina, o kaya yung sa history. Ewan ko ba
mukha naman siyang matalino pero lagi siyang nagpapaturo sa akin, hindi naman
sa ayaw ko, in fact gustong gusto ko nga ee, kasi dun ko lang siya nakakausap,
dun ko lang siya mas natititigan .. hay
Kenji, kelan mo ba ako mapapansin??
“hmm, bea ..” speaking of my angel, haha e gusto ko angel ee, wag
na kumontra.
“yes Kenji?” tanung ko, habang nag shishining shimmering splendid
ang aking mga mata.
“tatanung ko lang yung sa assignment natin sa Filipino, yung
tungkol sa paggawa ng tula, nakagawa ka na ba?” tanung nya. Ang sarap pakinggan
ng boses nya, parang musika sa aking mga tenga, oha oha, tama na nga nagiging
makata ako ee.
“ah oo, tapos ko na, ikaw?” tanong ko naman.
“hindi pa nga ee, anu ba
yung tema na nung sayo? Pagmamahal saan?Sa pamilya? Kaibigan?Kalikasan?”
“sayo” sagot ko naman, pagmamahal sayo..
“ha? Anung sa akin?” ay shems gumising ka nga Bea! Anu bang
pinagsasabi mo.
“i-ibig kong sabihin, ah, anu ahmm, yung sayo anu bang sayo? Anung
tema gusto mo?” palusot ko naman.
“hmm, gusto ko sana, pagmamahal sa isang tao, parang ganun.basta”
Sagot nito, bakit Kenji may gusto ka na bang iba??
“ui bea, sama ka sa amin sa canteen?” singit naman ni Mae. To nman
nagmomoment kami dito ee..
“ah, hindi kasi , tutulungan ko pa si Kenji sa assignment sa
Filipino.” Paliwanag ko, saying moment nu.
“ohh.. I see, tulong tulong baka kung saan mauwi yan, baka ang
tulong na yan mauwi sa pagmamahalan..“ bulong sa akin ni Mae..
Kinunutan ko lang siya ng noo, wag ka ngang maingay jan Mae..tsk,
kinikilig ako ee, sana nga, sana mauwi na lang sa pagmamahalan. Tapos umalis na
siya.
“ hmm. Ganito na lang magiisip muna ako, tapos papakita ko na lang
sayo pagkatapos sabihin mo pag okay lang? diba wala namang sinabing sukat?
Basta kailangan may tugma lang sa dulo?” tanung niya,
“oo,”
“sige wait lang ah,” tapos nagsimula na siyang magsulat sa
notebook nya.. maya maya kinalabit nya ako at ipinabas nya sa akin yung gawa
nya..
Panaginip
Sa aking pag
idlip
Ikaw sana ang
panaginip
Sa aking
paghimbing
Ikaw ang nais
makapiling
Makasama ka’y
anung saya
Mahagkan ka’y
anung ligaya
Wag sanang
maudlot saying nadarama
Sa paggising ko
sa umaga
- UK/RB
“hmm, okay na to, maganda nga ee, teka anu nga pala yung UK/RB?”
tanung ko.
“Initials” ah oo ng anu? Eh kaninu naman?
“initials? Nino?” tanung ko.
“ng taong inspirasyon ko sa pagsulat nyan.” Aww kenji! Awwts. May
special someone ka na ba??
“ah.. sige, bili lang ako ng tubig sa canteen nauuhaw na ako ee”
tapos umalis na ako.
Ayoko kasing makita nya akong malungkot, oo na, alam ko namang
wala naman siyang pakialam kung malungkot ako o anu, ayoko lang na makita nya
akong malungkot, at saka gusto ko lang muna magpahangin. Ang OA ba? Honestly,
di ko lang naman gusto si Kenji, mahal ko siya. Mahal ko siya noon pa. syempre
masakit lang na malaman na may special someone na yung taong mahal mo. Awts
kaya yun. Hay Kenji, panu na ako? Panu na ang pagmamahal ko para sayo? It hurts
aa.
[N/A]: sorry maikli lang tong chapter na to.. sana magustuhan nyo :)
X"DDDD Kyaaaaaaaaaaaa! Ang shunga ko eh! Hoy Bea!!! >/////////< RB means Rivera Bea! OMO! Hihihihihihihihi I'm so kinikilig! Tawa ako ng tawa habang binabasa ko 'to. WAHAHAHAHAHAHA. Ewan basta tawa ako ng tawa. Kinikilig akoooooooooooo~ Hahaha Thanks sa POV na 'to Ixsha. :D Kenji Aylabyu! >//////////////< Akin ka na lang please!!!!!! >O<
ReplyDeleteayiiiEe,,, aNg sAya,,, moRe p pO aTey iXshA,,, hwAheHe,,,
ReplyDeletesuper kilig!!
ReplyDelete