Saturday, May 11, 2013

That Girl Change Me : Chapter 10




Bea’s P.O.V



Hi im Bea Rivera, 14 years old. Isang babaeng sawi ..sawi kasi matagal na akong may gusto sa classmate/seatmate kong si Kenji.. kaso parang di naman nya ako napapansin. Napapansin nya lang ako pag may itatanong siya. Halimbawa yung lesson sa English kanina, o kaya yung sa history. Ewan ko ba mukha naman siyang matalino pero lagi siyang nagpapaturo sa akin, hindi naman sa ayaw ko, in fact gustong gusto ko nga ee, kasi dun ko lang siya nakakausap, dun ko lang siya mas natititigan .. hay  Kenji, kelan mo ba ako mapapansin??



“hmm, bea ..” speaking of my angel, haha e gusto ko angel ee, wag na kumontra.



“yes Kenji?” tanung ko, habang nag shishining shimmering splendid ang aking mga mata.



“tatanung ko lang yung sa assignment natin sa Filipino, yung tungkol sa paggawa ng tula, nakagawa ka na ba?” tanung nya. Ang sarap pakinggan ng boses nya, parang musika sa aking mga tenga, oha oha, tama na nga nagiging makata ako ee.



“ah oo, tapos ko na, ikaw?” tanong ko naman.



“hindi pa nga ee,  anu ba yung tema na nung sayo? Pagmamahal saan?Sa pamilya? Kaibigan?Kalikasan?”



“sayo” sagot ko naman, pagmamahal sayo..



“ha? Anung sa akin?” ay shems gumising ka nga Bea! Anu bang pinagsasabi mo.



“i-ibig kong sabihin, ah, anu ahmm, yung sayo anu bang sayo? Anung tema gusto mo?” palusot ko naman.



“hmm, gusto ko sana, pagmamahal sa isang tao, parang ganun.basta” Sagot nito, bakit Kenji may gusto ka na bang iba??



“ui bea, sama ka sa amin sa canteen?” singit naman ni Mae. To nman nagmomoment kami dito ee..



“ah, hindi kasi , tutulungan ko pa si Kenji sa assignment sa Filipino.” Paliwanag ko, saying moment nu. 


“ohh.. I see, tulong tulong baka kung saan mauwi yan, baka ang tulong na yan mauwi sa pagmamahalan..“ bulong sa akin ni Mae..



Kinunutan ko lang siya ng noo, wag ka ngang maingay jan Mae..tsk, kinikilig ako ee, sana nga, sana mauwi na lang sa pagmamahalan. Tapos umalis na siya.




“ hmm. Ganito na lang magiisip muna ako, tapos papakita ko na lang sayo pagkatapos sabihin mo pag okay lang? diba wala namang sinabing sukat? Basta kailangan may tugma lang sa dulo?” tanung niya,



“oo,”



“sige wait lang ah,” tapos nagsimula na siyang magsulat sa notebook nya.. maya maya kinalabit nya ako at ipinabas nya sa akin yung gawa nya..











Panaginip



Sa aking pag idlip

Ikaw sana ang panaginip

Sa aking paghimbing

Ikaw ang nais makapiling



Makasama ka’y anung saya

Mahagkan ka’y anung ligaya

Wag sanang maudlot saying nadarama

Sa paggising ko sa umaga



                             - UK/RB




“hmm, okay na to, maganda nga ee, teka anu nga pala yung UK/RB?” tanung ko.



“Initials” ah oo ng anu? Eh kaninu naman?



“initials? Nino?” tanung ko.



“ng taong inspirasyon ko sa pagsulat nyan.” Aww kenji! Awwts. May special someone ka na ba??



ah.. sige, bili lang ako ng tubig sa canteen nauuhaw na ako ee” tapos umalis na ako.



Ayoko kasing makita nya akong malungkot, oo na, alam ko namang wala naman siyang pakialam kung malungkot ako o anu, ayoko lang na makita nya akong malungkot, at saka gusto ko lang muna magpahangin. Ang OA ba? Honestly, di ko lang naman gusto si Kenji, mahal ko siya. Mahal ko siya noon pa. syempre masakit lang na malaman na may special someone na yung taong mahal mo. Awts kaya yun. Hay Kenji, panu na ako? Panu na ang pagmamahal ko para sayo? It hurts aa.




[N/A]: sorry maikli lang tong chapter na to.. sana magustuhan nyo :)










3 comments:

  1. X"DDDD Kyaaaaaaaaaaaa! Ang shunga ko eh! Hoy Bea!!! >/////////< RB means Rivera Bea! OMO! Hihihihihihihihi I'm so kinikilig! Tawa ako ng tawa habang binabasa ko 'to. WAHAHAHAHAHAHA. Ewan basta tawa ako ng tawa. Kinikilig akoooooooooooo~ Hahaha Thanks sa POV na 'to Ixsha. :D Kenji Aylabyu! >//////////////< Akin ka na lang please!!!!!! >O<

    ReplyDelete
  2. ayiiiEe,,, aNg sAya,,, moRe p pO aTey iXshA,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^