Saturday, November 10, 2012

Dream Come True : Chapter One

(Phoebe's POV)


Pag-uwi ko sa bahay, sinalubong agad ako ni Daddy.



"Oh nak, mukhang pagod na pagod ka ah? Halika rito, magkape ka muna." Yaya sakin ni Daddy.



"Naku, Daddy pasensya na. Gagawa pa po kasi ako ng Project at Assignment eh. Sa susunod na lang po siguro." Paumanhin ko.




Alam ko nalulungkot si Daddy ngayon, kasi dati kahit marami akong ginagawa sinasabayan ko siyang magkape pero kasi ngayon marami talaga eh. Dagdag mo pa yung punishment na binigay ni Ms. Zombie este ni Ms. Garcia. Kailangan kong magreport ng sandamakmak na topic. 




Dumiretso na ako sa maliit kong kwarto at sinimulan na ang mga dapat gawin.




"Ahm, Phoebe sa darating palang disyembre duon na tayo sa lola mo titira." Biglang sabi ni Daddy.



Kahit may ginagawa ako tumingin pa rin ako sa kanya.



"Titira po? Bakit?" Nagtataka kong tanong.



Dati-rati kasi, kahit pa anong pilit ko kay Daddy na duon kami sa lola ko tumira, ayaw niya. Itong bahay na lang kasi na ito ang naiwang alaala ni Mommy sa aming mag-ama. 



"Mas masaya dun, Anak." Simpleng sagot ni Daddy tapos pumasok siya sa kwarto ko at tinabihan ako sa lapag.



"Masaya? Masaya naman tayo dito, diba po?" Tanong ko.



Niyakap ako ni Daddy. "Mas masaya nga duon, Phoebe ko." Sagot ni Daddy.



Tinignan ko siya sa mata. "Diba po sabi mo, ang kasunod ng sobrang kasiyahan ay ang kalungkutan? Daddy, dito na lang po tayo, hindi ko naman po kailangan ng 'Mas' Masaya pa kesa sa natatamo kong saya ngayon eh."



"Pero Anak..."


"Daddy?"


"Haay. Sige na nga. Para naman kasing matitiis ko ang unicahija ko eh. Sige na, ituloy mo na iyan." Sabi ni Daddy saka na tumayo at naglakad palabas ng kwarto ko.



~♥ Chuck Jam University ♥~



"Phoebe, may assignment ka sa... blah~ blah~ blah~"



"Phoebe, phoebe, may project ka na sa ... blah~ blah~ blah~"



"Hoy, Fajemolin! Dinala mo ba yung pinapadala... blah~ blah~ blah~"




Welcome to my World. Lahat sila sa akin ang tanong. Di purket Scholar ako at palagi ako ang pinakamataas ang marka dito sa Block na 'to ginaganyan na nila ako. Mga plastik naman sila. Umaga pa lang ganyan na ang scenario. Makita pa lang nila akong papasok ng building naka-bantay na sila sa loob ng room. Parang tanga.


"AYOKO!!!!" Sigaw ko.



Kitang mukha na nga akong Haggard tapos iistorbohin pa nila ako! Pwede ba?! Hindi ko pa tapos yung mga punyetang Topic na yan 'no! Kainis!




"Arte naman nito!"



"Di purket scholar..."



"Damot!"




Aba! May Side Comment pa ha! I-sungalngal ko kaya sa kanila 'tong libro kong hawak pati 'tong punyetang bolpen na 'to! Kainis! Putol-putol na nga yung tinta, bida-bida pa kung umasta 'tong bolpen na 'to! Parang sila, bida-bida rin sa buhay ko.




"Phoebe."



Napalingon ako sa likod ko. Tumayo yung isa kong kaklaseng babae tapos umupo sa tabi ko.




"Gusto mo tulungan na kita dyan?" Tanong niya.




Ay teh, gustong-gusto kong ikaw na gumawa nito!



"Hindi, okay lang. Ako na bahala dito. Salamat na lang." Tanggi ko.




Syempre, mabait na bata ata 'to!



"Sige na, duon muna tayo sa Library. Magpahinga ka muna duon, ako nang tatapos niyan." Offer niya pa rin.



"Sige na nga. Salamat ha?" 



"Oo ba. Nga pala, ako si Beatrice Dawal. Bea na lang." Then She smiled.



Nilahad niya yung right hand niya kaya inabot ko 'yon at ni-shake.




~♥ Chuck Jam Library ♥~



"Ang dami naman nitong sinulat mo, summary lang naman ang kailangan dito." Sabi ni Bea nung tignan niya yung mga sinulat ko.



"Ha? Eehh... Marami kasi akong ginagawa kagabi kaya kinopya ko na lang." Sagot ko.



Tsk. Ako may pinakamataas na marka sa Block namin pero ako pa yung di ata maruong gumamit ng tinatawag nilang Summary. Eeh naman kasi, antok na antok na ko 'nun. Mukha na nga akong naghe-head bang kagabi dahil yung ulo ko bumabagsak.



*BOINK*



"Alam mo, Phoebe, Magpahinga ka na muna. Balita ko naman absent daw Prof natin ngayon eh."



Aray ha? 


Good news: Nauntog ako sa mesa

Bad news: Nasaktan ako




"Sige, salamat."




~♥~♥~♥~



"Phoebe! Ui!"



"Hmm... Logan, bakit?"




"LOGAN?!"



*PAK!*




"Hoy! Gumising ka dyan! Baka makita ka ng anak ng may-ari ng University na 'to! Dali na!"



May biglang yumugyog sakin. Itinaas ko ang mukha ko at nagpalinga-linga. Sino naman dito ang sinasabi nito ni Beatrice na anak ng may-ari ng University?




Biglang may humila sa kamay ko at dinala ako sa CR.




"Maghilamos ka nga ng mukha mo! Baka ma-turn off si Louis kapag nakita yang mukha mo!" Utos ni Bea.




Kanina lang ang bait-bait niya sakin, ngayon kung maka-utos parang reyna.




Pagkatapos kong maghilamos hinarap ko na siya.



"Sino bang Louis yan?! Wala akong pakielam dyan ha!" Tanong ko sa kanya na magkasalubong ang kilay.




Hinila niya na ako pabalik sa Library saka siya umupo sa inuupuan niya kanina. Tahimik niyang itinuloy ang ginagawa niya- na dapat ako ang gumagawa. Nahiya naman ako sa kanya 'no.




Nagpalinga-linga ako. Sino ba kasi yun? Para naman kasing papantay yung kagwapuhan nun sa kagwapuhan ng Logan ko.



"Madame, i'll be handling this library from now on."



"Mr. Tomlinson, your father tell us not to let you handle any school works here."



"I don't care. Now go out and tell my father that i'll be handling this library."




"No, Mr. Tomlinson. You're the one who will ask permission to your father."




*BOOG!*




"Dammit! You'll do what I've said, or  I'll Fire you?"




Nanginginig na yung Librarian dahil sa sinasabi nung lalaki.



Tumayo ako at lumapit.




"Any problem?" Tanong ko.




Ayokong makisali kaso nakakaawa yung Librarian dito eh.





Tinignan niya ko ng masama.





"Out of the way." Strikto niyang sabi saka naglakad at binangga ako sa balikat.




Wow ha?




"Uhm, ma'am?"




"Don't talk to me, please."




Edi wag! Aba! Siya na nga tutulungan siya pa may ayaw!




Naglakad na lang ulit ako pabalik sa inuupuan ko.




"Oh heto. Tapos ko na. Kailangan mo kong ilibre." Sabi ni Bea saka inabot yung mga papel.




"Ilibre? Wala nga ako pera ililibre pa kita, tikas mo rin eh." Sagot ko sa kanya.



"Eh ako tumapos niyan eh." 



"Bakit? Sinabi ko bang ikaw tumapos?" Mataray kong tanong.




"Sige na nga! Tara na't ililibre kita." Sabi niya saka ako hinila papunta sa Cafeteria.




~♥ Chuck Jam Cafeteria ♥~



"Kyaaaaa~ Louis Tomlinson is here! Omayghad Girlss!"



"Waaa~ Dali pa-aoutograph tayo!!"




"Shet ang Gwapo ng Labs ko!"




Ang ingay nila. Sino ba yang Louis Tomlinson na yan at kung magwala sila talo pa yung tilian kapag si Logan ko yung dumadating.



"Phoebe, ano gusto mo?" Biglang tanong ni Bea.




"Carbonara na lang." Sagot ko.




Sosyalera lang eh. HAHA!




"Wow, sosyal ka ha! Pero sige, dahil new friend kita, ibibili kita ng Carbonara." Nakasmile niyang sabi.




Wow lang. Mukhang magkakasundo kami nito.




Binigay niya na yung isang tray na para sa pagkain ko. May kasama pang Orange Juice! My Favorite!




Pagtalikod ko.




"Shit!"



"Naku~ Sorry! Sorry talaga!"



Kinapa ko yung panyo ko sa bulsa pero naiwan ko ata sa bahay.




"Kyaa~ Tinapunan nung girl yung damit ng Labs ko! Grabe!"





"Sa susunod iwasan mong maging clumsy ha. Letche." Galit niyang sabi saka na umalis.




Haay. Tumapon yung Orange Juice sa Polo niyang puti kaya nagkamantsa.





"Phoebe?"




"Haay. Ano ba naman 'to. Puro gulo na lang nangyayari sakin eh." Malungkot kong sabi.




"Alam mo, tara na. Wag mong pansinin yang mga etchosera dyan sa kangkungan! Naku-nakuu~ Mga walang magawa sa buhay!" Sabi ni Bea saka na naunang naglakad papunta sa dulong table.




Sumunod ako at sa totoo lang, gustong-gusto ko nang dukutin ang mga mata nila. 




~♥ END of CHAPTER ONE ♥~






1 comment:

  1. GOod neWs paNg maituTuriNg aNg paGkauntoG s meSa,,, hWAhEhe,,, aNg tawA q dUn,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^