Saturday, May 25, 2013

Dream Come True : Epilogue

Epilogue

Nakatira siya ngayon sa France. Sa katunayan nga niyan, nag-aaral siya duon ngayon. Last Day niya na nga sa school na iyon eh.


*RIIING*


“Jasmine, sandali lang ha. Sasagutin ko lang.” Sabi niya sa kaibigan niyang pinay.


Medyo lumayo siya saka sinagot ang tawag.


“Hello?”


[Hi, Ann. Anong oras uwian niyo?]


“Uhm.. Uwian na namin ngayon. Bakit?” Tanong niya sa kausap.


[May surprise ako sayo.]


“Ano naman yun? Tsaka teka, anong oras?”


[6:30 pm na ngayon. May susundo sayo dyan around 8:00 pm. Be ready, okay?]


“Uhm.. okay.”


[Sige. Bye. I Love You.]


Binabaan na siya ng kausap niya sa kabilang linya.



‘Ano naman kayang klaseng surprise yun? Tsaka anong Be Ready? Ano bang mangyayari? Haay nako.’ Sabi ni Phoebe sa isip niya habang pabalik siya sa pwesto nila ni Jasmine.


“Huy Phoebe! Bakit tulala ka?” Tanong ni Jasmine.


“Uhm… Wala naman, Jasmine. Uhm… Tara na. Uwi na tayo.” Yaya niya sa kaibigan niya.


Hinila niya na ito palabas ng school.


Last Day of being a College student na. Haay. Iiwan niya na ang mundo ng mga estudyante. Pero Masaya rin naman siya dahil makakapag-trabaho na siya. Ang plano niya nga, sa France na lang siya titira eh. Masaya kasi duon.


~

Pagkauwi ni Phoebe sa bahay nila sa France, agad siyang naupo sa sofa. Haay. Pagod na pagod siya. Ikaw ba naman ang buong araw mag-take ng exam. Haay salamat. Ga-graduate na rin siya! Matutulungan niya na ang Daddy niya sa pagtatrabaho.


Napansin niya ang pahabang box na naka-patong sa center table ng Salas.


Binuksan niya ito at lumantad sa kanya ang ball gown na color blue. Sa tingin niya, above the knee ang style ng gown na ito.


Naku. Ano na naman ba ang pakulo ng mahal niya?


Mahal niya?



Sino nga bang mahal niya?


Yung mahal niya ba eh si Logan Lerman?


Oo. Si Logan nga.



Actually, 2 years na sila ng binata. Napasagot siya nito noong magpunta ang binata sa France at dinala siya sa Eiffel Tower.


*DING DONG*


Napalingon siya sa pintuan. Sino naman kaya ang bisita ngayon?


Tumayo siya at lumapit sa pintuan.


Bumungad sa harap niya ang isang magandang babae na may hawak na pouch bag at isang shoulder bag.


“Hi Ms. Phoebe! Ako po ang magiging make-up artist ninyo ngayon.” Sabi ng di kilalang babae.


Make Up Artist? Ano naman ang gagawin nito sa kanya?


“Ano po bang meron? Anong make-up artist? Para saan?” Sunod-sunod na tanong niya sa babae.


“Ay naku, Ms. Phoebe. Wag nang matanong. Halika na po.” Sabi ng babae saka siya hinila papasok sa loob ng bahay.


Isinara ng babae ang pintuan.


“Bakit po ba? Sino po ba kayo?” Tanong niya na naman.


“Mamaya na po ako magpapakilala, Ms. Phoebe. Sa ngayon, heto po ang sabon at shampoo na gagamitin niyo. Maligo na po kayo, Ms Phoebe. Para maayusan ko na po kayo.” Sabi na naman ng babae.


Wala siyang nagawa kaya naligo na lang siya at ginamit ang ibinigay sa kanya ng babae.


Paglabas niya ng banyo, dalawa na ang taong nakaupo sa sofa nila sa Salas.


Tumayo ang dalawa saka lumapit kay Phoebe na nakatapis lang ng twalya.


“Ms. Phoebe, eto po ang Hair Dresser ninyo. Tara na po sa kwarto niyo na maayusan na po namin kayo.” Excited na sabi ng ‘Make-Up Artist’ niya daw.


Tumungo sila sa kwarto niya.


Nilagayan na siya ng Make-Up sa mukha. Simpleng-simple lang ang make-up niya. May kaunting baby blue na kulay ang talukap ng mga mata niya habang kaunting blush-on naman sa magkabila niyang pisngi. Ang labi niya naman ay nilagyan lang ng kaunting lipgloss para mag-mukhang fresh ang labi niya.


Sa buhok naman, medyo kinulot lang ang buhok niya tapos nilagyan ng kaunting cuticle para mag-shine yung buhok niya.


Then sinuot niya na yung ball gown at blue flats.


Ayaw niyang mag-pumps dahil nagmumukhang maliit si Logan para sa kanya. 2cm lang kasi ang tangkad ni Logan sa kanya kaya kapag nagsuot siya ng pumps, parang ang awkward.


Pagkatapos niyang mag-ayos, nilagyan siya ng white gold necklace.


Inabutan din siya ng isang pouch bag na color blue kung saan nakalagay ang phone niya tapos panyo.


*BEEP BEEP*

Time Check: 7:58pm


Lumabas na silang tatlo saka nila isinara ang pintuan ng bahay.


May nakita siyang limousine sa labas ng bahay nila. May lalaking nasa labas nito at pormal na nakatayo sa tabi ng kotse. Nang makalapit na silang tatlo, umiba na ng direksyon ang dalawang nag-ayos sa kanya. Napansin naman niyang inilahad ng lalaki ang kamay nito.


“Tara na po, Ms. Phoebe. Inaantay na po kayo ng Prince Charming ninyo.” Ngiting sabi ng lalaki.


Hinawakan niya ang kamay nito saka siya inalalayan papasok ng limousine. Pagkapasok niya, sumunod naman na pumasok ang lalaki saka na umandar ang sasakyan.


~

Pagkatigil ng limousine, bumaba agad ang lalaki saka muling inilahad ang kamay nito sa kanya. Inalalayan siya nitong lumabas saka siya inihatid sa isa pang lalaki.


Si Louis!



“Hi!” Bati ng binata sa kanya.


Inalok ni Louis ang braso niya kay Phoebe. Kumapit naman duon si Phoebe saka sila naglakad.


“Kamusta ka na, Phoebe?” Tanong ni Louis sa kanya.


Sandali siyang lumingon.


“Ayos naman ako, Louis. Ikaw, kamusta na kayo ni Eleanor?” Pabalik na tanong ni Phoebe.


“Kami? Maayos naman kami. Alam mo, mahal na mahal ko yun.” Kwento ni Louis sa kanya.


“At mahal na mahal ka rin niya. Alam mo, ang swerte mo sa kanya.” Ngiting sabi ni Phoebe kay Louis.


“Ikaw rin naman. Swerte ka kay Logan. Alam mo, mahal na mahal ka nun. Sobrang saya niya nga nung sinagot mo siya eh.” Sabi naman ni Louis sa kanya.


Naaninag niya ang Daddy niya.


Papalapit na sila sa Daddy niya.


“Oh pano, hanggang dito na lang. Godbless sa inyo ni Logan.” Paalam ni Louis.


Inalok ng Daddy niya ang braso nito kaya kumapit siya.



“Alam mo ba, Phoebe. Yung binigay ko sayong ticket noon. Yung kinukulit mo ako kung saan ko nakuha yun. Ibinigay yun sa akin ni Logan. Ang sabi niya sa akin, h’wag ko daw sasabihin sayo na siya ang nagpapabigay. Eh syempre, ayoko namang sirain yung diskarte niya sa panliligaw sayo, kaya ayun, hindi ko sinabi sayo. Alam mo, anak. Botong-boto ako para sa inyong dalawa. Alam ko naman kasi na hinding hindi ka sasaktan ni Logan eh. Siguro yung dati kaya nasaktan ka niya kasi hindi siya makapaniwala na ikaw talaga yun.” Kwento ni Tito France kay Phoebe habang naglalakad sila.


“Salamat sa suporta na binibigay mo sa amin ni Logan, Daddy. Alam mo ba, nung time na susunod ako sayo papunta dito sa France, pinuntahan niya ako sa may NAIA. Hindi ko alam kung paano siya nakarating dun pero nung nakita ko siya, tuwang-tuwa ako. Hinalikan pa nga niya ako eh. Alam mo ba, Daddy. Hinalikan niya ako ng Three times sa labi. Yung first and second, magkadikit lang yung labi namin. Pero nung third…” Nahihiyang kwento ni Phoebe.


“At ano yung pangatlo?” Nakangiting tanong ni Tito France sa anak niya.


“Passionate kiss.” Sagot ni Phoebe.


“Hahaha. Ang sweet talaga sayo ni Logan.” Sabi ni Tito France.


“Hindi ka nagalit Daddy?” Tanong ni Phoebe.


“Magagalit pa ba ako eh 2 years na nga kayo ngayon? Anak naman.” Sagot ni Tito France.


Nakarating na sila sa ilalim ng Eiffel Tower kung nasaan ang kanyang napaka-gwapong nobyo.


Bakit lalo yata itong gumwapo?


“Salamat po sa paghatid kay Phoebe hanggang dito, Papa.” Ngiti ni Logan nung salubungin niya ang mag-ama.


Kumapit na sa braso niya ang dalaga.


“Walang anuman, Logan.” Sagot ni Tito France.


Tumalikod na sila saka nagsimulang umakyat sa Eiffel Tower.


“Alam mo ba kung gaano ka-espesyal ‘tong gabing ito para sa akin?” Tanong ni Logan sa nobya niya.


Umiling si Phoebe.


“Nope. Actually hindi ko nga alam kung bakit mo ko pinapunta dito eh.” Sagot ni Phoebe.


“Ikaw talaga.” Sabi ni Logan tapos nginitian niya si Phoebe.


Nilagpasan nila ang First floor ng Eiffel Tower. Sa halip, dumiretso sila sa Second floor nito.


Sa Second Floor, kitang-kita ang mga nag-gagandahang mga ilaw. Ito’y nagmumula sa iba’t ibang lugar ng Paris, France.


Logan hugged her from behind.


“Alam mo kung anong oras ang pinaka-sweet para sakin?” Tanong ni Logan sa dalaga.


“Ano nga ba?” Tanong ni Phoebe.


“8pm.” Sagot ni Logan.


“8pm? Eh anong oras na ba ngayon?” Tanong ni Phoebe.


“Hmm. 8:30pm.” Sagot ni Logan.


“Edi hindi na sweet and perfect.” Sabi ni Phoebe.


“Sweet and Perfect pa rin kahit anong oras, basta kasama kita.” Nakangiting sabi ni Logan sa dalaga.


“Ay ang korni.” Biro ni Phoebe


“Ayos lang maging korni kung yun naman ang magiging kapalit ng pagmamahal mo sakin.” Sagot ni Logan.


“Alam mo, ang bolero mo.” Sabi ni Phoebe.


“Bakit? Kasi binibilog kita?” Tanong ni Logan.


“Oh ikaw na nagsabi niyan ha!” Sabi ni Phoebe.


“Ayos lang kung yun ang sasabihin mo. Pero alam mo, puso ko yung ginagawa kong hugis bilog para mai-lagay ko dyan sa ring finger mo.” Nakangiting sabi ni Logan.


Humarap si Phoebe kay Logan saka kinurot ang magkabilang pisngi nito.


“Alam mo, pwede ko nang gawing bola itong pisngi mo. Pwede na sa Cotton Candy.” Biro n Phoebe.


“Ayos lang. Atleast matitikman mo kung gaano ako katamis para sayo.” Ngiting tagumpay ni Logan.


“Ewan ko sayo! Ang keso mo talaga!” Sabi ni Phoebe.


“Teka lang, tingin ka sa baba.” Utos ni Logan kay Phoebe.


Sinunod ni Phoebe ang sinabi ni Logan.


Nanlaki ang mata niya dahil sa may di kalayuan, may nabasa siyang kakaiba.


Apat na malalaking placards.


At ang nakasulat?


[Will ] [You] [Marry] [Me?]

Dahil sa sobrang gulat niya, naiyak na lang siya.


Humarap siya kay Logan at mas nagulat pa siya nung nakaluhod na ito sa harap niya at nakangiti.


“Will You Marry Me, Baby?” Sincere na tanong ni Logan sa kanya.


Napatakip siya ng bibig sa sobrang gulat.


Tuloy-tuloy lang ang patak ng luha niya.


Grabe. Sobra siyang natutuwa.


Marahan siyang tumango saka inilahad ang kaliwa niyang kamay.


Isinuot ni Logan sa ring finger ni Phoebe ang white gold na sing-sing.


Tuwang-tuwa si Phoebe. Hindi niya alam kung anong dapat niyang sabihin. Kung dapat niya bang pasalamatan si Logan o ano. Hindi niya alam kung paano sasagot sa kahit na anong itatanong sa kanya ni Logan.


Niyakap ni Logan si Phoebe nang makatayo siya.


Ang saya-saya niya dahil sinagot ng dalaga ang Marriage Proposal niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa dalaga. Hindi niya nga rin alam kung bakit kusang gumalaw ang katawan niya at tumayo para yakapin si Phoebe eh. Siguro masyado siyang na-Overwhelm kaya yakap na lang ang naibigay niya sa dalaga.


~

It started with a Dream. A Dream that she thought, she will never have. But Destiny proved that First Love never dies. How?


Phoebe is Logan’s First Love.


Logan is Phoebe’s First Love.


Therefore, First Love never dies.


Maybe I can’t tell you the exact words. But others can. Phoebe and Logan can tell you the exact feeling to be in love with your First Love, over and over again.


But wait.

Harry Styles said, “A Dream is just a Dream until you make it real.”


Yeah. Phoebe made her Dream Come True. And She made it real.


~END~


Author’s Note: Thanks po sa mga nagbasa nito! Uhm… well, meron ba? :) Basta thank you pa rin! Kung dumaan ka dito para basahin ‘to. Salamat! Kung umabot ka dito. Buhay ka pa! Pero joke lang yun. Salamat.

Next Up: You Got Me There

Pakibasa rin po yun ha? :) Thankies!







4 comments:

  1. WiEee marAthOn q uLit 2 kgAbi,,, ndE ngA aq mkPagcoMment dHiL phoNe LnG gMit q,,, ngAyOn swAkas nkPagcoMment n diN tO sAy tHank u auThOr 4 finiShinG diZ,,, aNg gAnda pO ng stOry,,, sNa pO mrAmi pNg mkApaNsiN s tALeNt niO kSi mgALing tLga kAu mAgpakiLig at pti n diN s drAma,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Na-touch naman ako. :) Salamat din. Akala ko wala nang magbabasa niyan iih. :) And ano daw? Ako magaling na author? :) Haha. Thanks for the compliment. Well, kayo naman nagsabi iih. Thank you na lang masasabi ko. :)))))

      Delete
  2. wiE,,, hwaHeHe,,, coMment 2 q n itEy,,, hwaHeHe,,, congrAts pO uLit atEy,,, maMimiSs q cLa,,

    ReplyDelete
  3. waaah!! tapos na siya! ill read this again from the start jz to refresh.. haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^