CHAPTER SEVEN
Feelingera =__=
(Logan’s POV)
Pagkarating
ko sa shooting place…
“Logan!
Late ka na naman! Ano ba naman yan!” Sita ni Direk.
“Pasensya
na, Direk. May importante pa akong inasikaso eh.”
Sagot ko saka naupo.
“Haaay
nako! May mas importante pa ba kesa sa trabaho mo?!”
Sigaw ni Direk
Napatayo
ulit ako.
‘Palibhasa
director ka! At sana, kung director ka, alamin mo naman yung lugar mo! Hindi mo
lugar na sitahin bawat galaw ko! Bakit? Nanay ba kita para sitahin mo ko nang
ganyan?! Importante yung inasikaso ko! Ikaw? Sa tingin mo importante ka sakin?!
Alam mo sa totoo lang, pwedeng-pwede akong umalis sa rehearsal na ‘to kung ikaw
lang rin makikita ko! Pwede ba? Pakialaman mo na lang yung mga taong payag
ibigay yung privacy sayo!’
Yan
ang balak kong sabihin sa kanya.
Nakakainis
ha! Ano bang alam niya sa buhay ko?! Di porket Artista ako, hindi ko na pwedeng
takpan yung mga privacy ko?!
Biglang
may pumigil sa dibdib ko.
“Logan,
Direktor siya. Hayaan mo na lang. Ang mabuti pa, wag mo na lang siyang
intindihin.” Pigil nung Manager kong lalaki.
Padabog
akong kumalas saka nagpunta sa may Make-up Artist ko.
~
Kararating
ko lang sa bahay. Tulog na yata si Mama. Si Papa next year pa ang balik.
Nilapag
ko sa Sofa yung Bag ko.
“Ser,
lalabas pa ho ba kayo?”Tanong ni Yaya Vin.
“Hindi
na ho, ‘Ya. Paki-sara na po nung gate at pinto. Si Mama pala?”
Tanong ko.
“Nasa
kwarto niya ho, Ser. Naka-tulog nap o kahihintay sa inyo.”
Sagot ni Yaya Vin.
“Ah
sige, pakidala na lang nung bag ko sa may kwarto ko. Puntahan ko lang si Mama.”
Paalam ko.
Umakyat
na ako at dumiretso sa kwarto nila Mama.
*Tok
Tok*
Kinatok
ko muna pero wala akong narinig na sumagot kaya pinihit ko na yung seradura.
Pumasok
ako saka ko sinara yung pinto.
Nakita
kong nakahiga si Mama at natutulog na.
Lumapit
ako at naupo sa may gilid ng kama. Hinaplos ko yung noo niya hanggang sa may
buhok.
“Hindi
na tayo nakakapag-usap, Mama. Kapag umalis ako ng bahay, tulog ka pa, kapag
dumating ako sa bahay, tulog ka na. Haaay.” Bulong ko.
Yumukod
ako saka ko hinalikan yung noo niya.
“Mahal
na mahal kita, Mama. Good night.” Paalam ko saka na ako
tumayo at naglakad papunta sa may pinto.
Lumabas
na ako saka dumiretso sa kwarto ko.
Haay
buhay.
Pagpasok
ko sa kwarto ko, napalingon ako sa may Study table ko.
Bond
Paper. Ballpen. White Envelope.
Hindi
ko alam pero kahit alam kong antok na antok na ako, nagpunta pa rin ako sa may
Study table ko.
Naupo
ako at kumuha ng Bond Paper tapos Ballpen.
~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~
DEAR ANN,
Ann, parati akong pumupunta sa bahay niyo pero
parati ka namang wala doon. Alam mo, miss na miss na kita, ikaw ba? Miss mo na
rin ba ako? Sana kapag nagpunta ako ulit sa inyo, masaktuhan kong nandoon ka na
rin. Kasi kapag hindi pa rin tayo nagkita, siguro titigil na ko. Pasensya na,
pakiramdam ko kasi nawawala na yung pag-asa ko na makikita ulit kita.
Bago ko nga pala malimutan, kapag nasaktuhan
kita sa bahay niyo, tatawagan ko si Phoebe para makilala ka niya. Kaibigan ko
siya. Alam mo, magkaugali kayo. Parati niya rin akong sinisita kapag hindi ko
ginagalaw yung Ketchup ko. Alam mo naman, ayaw ko ng Ketchup. Haha. Osha,
Masyado na yata ‘tong mahaba. Paalam na sayo. Ingat ka palagi ha? :)
Your Childhood Best Friend,
Logan/Lolo
~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~
-End of the Night-
“Logan, hijo! Anak, gising na dyan!”
*Eeeennkkk*
“Hala! Ang anak ko, dito na natulog. Naku, baka
sumakit ang katawan nito. Haay naku talaga ‘tong batang ito.”
May kumalabit sakin.
“Anak, hijo. Gumising ka na
dyan! Baka ma-late ka sa school mo!”
Unti-unti kong idinilat ang
mga mata ko.
Umupo ako ng maayos at---
TEKA?! Umupo ng maayos?!!!!
Napatingin ako sa may
pwesto ko.
“Hala!” Gulat kong sabi.
Bakit naka-upo ako?!!!
Tumayo ako at nag-stretchings.
“Anak, maligo ka na.”
Napalingon ako at nakita
kong nakatayo si Mama at naka-kibit balikat.
Ngumiti ako saka kumamot sa
batok.
“Nandyan po pala kayo,
Mama. Sige po, maliligo na ako.” Sabi ko saka na dumiretso sa may Banyo ko.
~AFTER MALIGO~
Pagkalabas ko ng Walk-in
closet ko, nakita ko si Mama na nakatitig sa may
White Envelope.
Teka… White Envelope? Hmmm…
“Woi! Mama! Akin yan!” sabi ko sabay biglang
hablot sa may Envelope.
“Alam ko. Inayos ko na yung
letter mo para sa Kababata mo. Nilagay ko sa may Envelope. Teka, nakita mo na
ba siya ulit?” Tanong ni Mama.
“Hindi pa eh. Hindi ko siya
nasasaktuhan dun, Mama.” Sagot ko.
“Saan?” Tanong ni Mama.
“Nagpupunta ako sa may
bahay nila pero parati siyang wala. Tulad kahapon di ko siya nakita dun.
Nawawalan na nga ako ng pag-asa eh.” Sagot ko.
Lumapit si Mama at tinignan
ako sa mata.
“Anak, baka may plano ang
diyos para dyan sa pagkikita niyo.” Pagpapakalma ni Mama.
“Alam ko naman po yun. Pero
parang hindi na kasi mangyayari.” Sagot ko.
“May plano ang diyos para
dyan. Pero sa ngayon, bilisan mo na dahil isang oras na lang late ka na.” Nakangising sabi ni Mama.
Nanlaki yung mata ko.
Isang Oras na lang?!!!
Tumakbo agad ako pababa
kasama yung bag ko at yung envelope.
Kumain lang ako saglit saka
nag-toothbrush at humalik na sa pisngi ni Mama. Lalabas na sana ako ng pinto
kaso napatigil ako sa sinabi niya.
“Okay, wala kang baon.”
Napalingon ako sabay lapit
sa kanya.
“Baon?” Nagtataka kong tanong.
Kinapa ko yung bulsa ko sa
may pwetan.
“Mama! Yung wallet ko
ibalik mo na! Male-late na ko!”
Sumimangot si Mama pero
inabot yung wallet ko.
“Naglalambing lang naman
ako. Hindi na kasi tayo nakakapag-usap ng madalas eh. Gusto ko sana bukas
pumunta naman tayo sa SM.” Nakasimangot niyang sabi.
Niyakap ko siya.
“Sige Mama. Pupunta tayo
bukas sa SM. Babye!” Paalam ko.
Lumabas na ako saka sumakay
sa kotse ko at nagpunta sa bahay nila Ann.
“Oh, hijo. Agang-aga
nandito ka na. Pasensya na, umalis na siya eh.”-Tito.
“Ayos lang po tito.
Pakibigay na lang po ito sa kanya mamaya pagdating niya.” Sabi ko saka ko inabot
yung White Envelope.
“Sige, hijo.”
Teka.
“Tito, eto pa po pala.
Pakibigay kay Ann. Wag niyo na lang po sanang sabihin na ako yung
nagpapabigay.” Nakangiti kong sabi.
“Oo naman, hijo. Maaasahan
mo ko pagdating dyan.”
(Phoebe’s POV)
May lumapit sakin. Teka, si
Logan?
“Oy, ikaw pala.” Bati ko.
“Heto oh. Ticket para sa
Mall tour ko sa sabado.” Abot niya.
Kinuha ko yung ticket at
nilagay sa may bag ko.
“Salamat talaga ha?”
“Wala yun. Ikaw pa. Malakas
ka sakin.”
Sagot niya.
~AFTER ONE WEEK~
(Logan’s POV)
“Logan, may itatanong ako
sayo.”
Approach nung Babae na maliit.
“Ano yun?”
“Ikaw daw yung Childhood
Bestfriend ni Phoebe?” Tanong niya.
May lumapit pang mga Babae.
“Oo nga. Narinig namin sa
kanya kasi kinwento niya kay Bea. Totoo ba yun?” Singit nung isa pang
babae.
“Oo nga?” Chorus naman nung iba pa.
Umatras atras ako.
“Pasensya na. Hindi ko alam
ang sinasabi niyo eh.” Sagot ko.
Umirap yung iba tapos
nagbulungan.
Umalis na ko at nung bigla
kong makasalubong si Phoebe, hinarang ko siya.
“Totoo ba yung sinabi nung
mga kaklase mo sakin kanina? Ako daw yung Childhood Best friend mo?” Tanong ko.
“Ha? Uhm…” Di siya agad makasagot.
“Akala ko totoo kitang
kaibigan. Feeling mo naman magiging Childhood Best friend kita? Mahal ko yung
Childhood Best friend ko na yun! At ikaw? Kaibigan lang naman kita eh! Pero
sinira mo yung tiwala ko!” Bulyaw ko sa kanya.
Nakita kong tumulo yung
luha niya.
Yumuko siya at
humikbi-hikbi.
TSK! Bakit ba pakiramdam ko
nasasaktan ako? Ano ba naman ‘to?!!!
“Sige nga! Asan yung
patunay mo na ikaw nga si Ann?!” Inis kong tanong.
May dinukot siya sa bag
niya at nakita ko nga yung mismong envelope na bingay ko kay Tito.
“Kinuha mo lang yan sa
kanya!”
Pilit ko.
Kinuha ko yung envelope at
umalis na.
Nakakainis siya! Bakit ba
mga babae mga ‘FEELINGERA’ ?
TSK!!!
=___=
nakakamiss ang story, buti nag-update ka na. :))
ReplyDelete╔══╗░░░░╔╦╗░░╔═════╗
ReplyDelete║╚═╬════╬╣╠═╗║░▀░▀░║
╠═╗║╔╗╔╗║║║╩╣║╚═══╝║
╚══╩╝╚╝╚╩╩╩═╝╚═════╝
aNg cOoL niAn,,, pAno mu pO b nggWa yAn atEy,,, aNg cuTe aNg mgA ginGaMit mU,,,
Delete