CHAPTER FIVE
Crazy Moment with Him
(Phoebe’s POV)
Pag-alis
nung ‘Lou’ tsaka nung ‘Ele’ , pumasok na ko sa room.
“Phoebs,
tama ba yung nakita ko? Pinuntahan ka pa dito nung dalawang sikat? I mean,
campus princess yun si Eleanor, si Louis naman campus heartthrob at anak ng
may-ari. I can’t believe it!” Sarcastic na sabi ni Bea.
Humarap
ako sa kanya.
“Nakita
mo bang kinausap ko sila? Tss. Tinarayan nga ako nung babae eh. Tsaka ano
namang pakielam ko? Tsaka Bea, ako rin, di makapaniwala na kayo na ni Niall.
Ang angas mo pala.” Irap ko sa kanya.
Alam
ko wala ako sa lugar para maging ganito, pero masyado naman ata yun.
“Wait.
What? Ako? Maangas? Ugh. Enough of the Fight. Teka. Nagbreakfast ka na ba?”
Pag-iiba niya ng usapan.
Biglang
tumunog yung tyan ko. Onga pala. Di pa ko nakaka-kain ng agahan.
“Well
I think, it’s a no.” Sabi niya tapos pumunta siya sa may upuan
niya at may kinuha sa bag.
Pagbalik
niya may inabot siya sakin.
“Here.
Bumili ka ng Breakfast mo. Mamaya pa naman Class natin e. Dali! Bawal sa
scholar ang magpa-gutom.” Then she grinned to me.
“Sira!”
Sabi ko saka na ko lumabas ng room at bumaba papunta sa Cafeteria.
Maraming
tao at mukhang maaarte pa yung iba. Tumitingin pa sakin yung iba.
Bumili
lang ako ng pagkain ko saka na ko dumiretso sa Garden.
“Phoebe!”
Paglingon
ko…
“Ui,
Logan! Ano ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya.
Napatingin
ako sa hawak niya. May pagkain din siyang dala.
“Pa-share
ng table.” Sagot niya.
“Sure.
Tara dito.” Yaya ko.
Umupo
kami sa isang bakanteng table saka kami kumain.
“Uhm..
Nga pala, Logan. About dun sa girl na hinahanap mo, may clue ka ba kung saan
siya nakatira?” Tanong ko.
Napalingon
siya sakin.
“Meron.
Actually alam ko kung saan siya nakatira, ayun nga lang, di ko matyempuhan e.
Nung kelan nga lang pupuntahan ko dapat siya kasi tinext ako nung daddy niya na
nandun daw siya kaso naman may emergency at may mga binago pa sa shooting.”
Sagot niya.
“Ah.
Gusto mo ba puntahan natin siya mamaya?” Tanong ko ulit.
“Sige.
Wala naman kaming shooting mamaya e.” Payag niya. Dumaan ang
mahabang katahimikan, pero maya-maya lang siya rin ang bumasag rito. “Salamat nga pala. Tinulungan mo kong gawin
‘to.”
“Ha-eh.
Ayos lang. Masaya naman akong may natutulungan akong tao e.” Medyo
nahihiya kong saad.
Habang
ngumunguya siya, tinukod niya yung siko niya sa mesa habang hawak yung tinidor
niya. Iniikot niya ito.
“Alam
mo, nung unang pagkikita namin ni Ann, Ganyang ganyan rin ang sinabi niya
sakin. Naalala ko pa nga nun, nung buhay pa yung mommy niya, parati silang nasa
bahay kaya parati rin kaming magka-laro sa kwarto ko. Ayun nga lang, pwersahan
kaming pinalayas sa inuupahan naming bahay dahil di kami nakapag-bayad ng
tatlong buwan. Ni hindi na rin ako nakapag-paalam kay Ann nun kasi nasa
bakasyon sila nung pinalayas kami.” Pagkukwento niya.
Tsk.
Kawawa naman siya. Sino kaya yung babaeng yun ‘no?
“After
mangyari na pinalayas kayo, na-contact niyo pa ba sila?”
Tanong ko.
Galeng.
Pwede na kong imbestigador.
“Hindi
e. May sapat na pera kaming nakatabi, pero sapat lang yun para makauwi kami ng
probinsya. Kaya naman hindi namin sila na-contact ay dahil nanakaw yung phone
ni Mama. Si Papa naman nasa abroad. Saka lang naming siya natawagan nung nasa
probinsya na kami.” Sagot niya sa tanong ko.
“Kahit
sumulat man lang?” Tanong ko ulit.
“Sa
sobrang pagpupursige ni Mama na maka-ahon kami sa hirap, nakaligtaan niya na
yun. Hanggang sa maging artista ako, sinabi ko sa kanya puntahan namin sila Ann
dahil miss na miss ko na sila kaso pagpunta namin dun sa village kung saan kami
dati naka-tira, umalis na raw sila dun.” Medyo malungkot niyang
kwento.
“Naku,
pasensya ka na. Inungkat ko pa yung mga di na dapat inuungkat pa.” Paumanhin
ko.
“Haha.
Ano ka ba, ayos lang. Dati pa yun. Ang sakin lang, gustong gusto ko na siyang Makita.
At kapag nakita ko na siya, sasabihin ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.”
Saad niya.
Nakangiti
na siya kaya di ko alam kung bakit napangiti rin ako at tumawa pa.
Napansin
ko na tapos na siyang kumain pero yung ketchup sa plato niya parang hindi man
lang nagalaw. Haay. Tulad lang siya ni Lolo. May ketchup naman pero ayaw
galawin.
“Bat
di mo ginalaw yung ketchup mo? Sayang yan ‘no.”
Sita ko.
Naglagay
siya sa index finger niya tapos pinahid sa pisngi ko.
“Oyy!
Logan! Ang sama-sama mo!” Sabi ko tapos naglagay din ako sa
index finger ko saka ko rin pinahid sa pisngi niya.
Para
siyang si Lolo. Dati kasi kapag sinisita ko siya about sa ketchup, pinapahid
niya yun sa pisngi ko. Ako naman gaganti.
“Oyy,
tama na tama na! Ang dungis na natin oh!” Pigil ko sa kanya.
Ipapahid niya kasi dapat sa pisngi ko yung nakalagay sa index finger niya.
“HAHAHA!
Ayos lang yan!” Tuwang tuwa niyang sabi.
Ayos
din ‘tong isang ‘to e. Kapag siya ata kasama ko parati may mabubuo talagang ‘Crazy Moment with Him’
~
Dear
God,
Sana
po ako na lang yung Babaeng mahal niya. Si Ann.
Sana po ako na lang siya para masabi ko rin sa kanya kung gaano ko siya
kamahal. At sana rin, siya na lang si Lolo, para Bestfriend na, Boyfriend pa.
HAHA. Pasensya na po kayo ah, ang assuming ko kasi palagi. Pero po, salamat po
para sa araw na ito. Paniguradong Good mood ako hanggang mamaya. At isang
himala! Dahil napangiti ko si Logan! Salamat po talaga!
~PhoebeTheAssumera.
LOLS.
XD
AyyyiiiEee,,, aNg sayA Lng,,,
ReplyDelete