Friday, November 23, 2012

Dream Come True : Chapter Two

CHAPTER TWO

Louis-Phoebe Moments
(Phoebe’s POV)

Mag-isa akong naglalakad papunta sa CJ Garden. Umuwi na si Bea, hinahanap na kasi siya ng Papa niya.

Pagdating ko sa loob ng CJ Garden, dumiretso ako sa may Upper Hill at dun umupo. Kita dito yung City, yung University kasi na ‘to, mataas yung lugar kaya mahangin. Kaya yung hangin nagpasukan sa mga estudyante ng University na ‘to. Buti nga di pumasok yung hangin kay Bea eh.

Pumikit ako at dinama yung Malamig na hangin. Tatambay muna ko rito, maya-maya na ko uuwi, mga 7:30 pm.

“Sa susunod iwasan mong maging clumsy ha. Letche.”

Tsk. Naiinis ako sa kanya. Natapunan lang eh. Di ko naman sinasadya eh.

“Tsk! Answer the call! Ah Fck!”

Dumilat ako at lumingon sa may likod ko.

O.O Eeh?

Tumingin siya sakin.

Bumilog yung Mata niya.

“You Again?” Nagkasabay naming sabi.

Nagiwasan kami ng tingin. Tumingin ulit ako sa kanya at nagkasabay kami na tumingin sa isa’t isa.

“What?!” Sabay na naman naming sabi.

Tumalikod siya at lumayo.

“Hey. Hey, Ele! Look, I’m sorry. I-I didn’t mean to do that.”

Tinignan ko lang yung likod niya na papalayo.

“Haay.” I sighed.

Pumikit ulit ako. Haay. Tanda ko dati, yung Childhood Best Friend ko na ang tawag ko ‘Lolo’ . Ewan ko ba bakit ganun tawag ko dun. Cute siya pati Gwapo. Kaso bigla na lang sila umalis kaya nawalan na kami ng Communication. Naalala ko pa nga nun, kaya ko siya sinimulang tawagin na ‘Lolo’ kasi nung pinaiyak niya ko dati bigla siyang tumakbo papasok ng bahay nila at pagbalik may hawak nang pentel pen. Ni-drawing-an pa niya yung mukha niya ng mga wrinkles kaya ang kinalabasan, sa halip na humagulgol pa ako humagalpak ako. Ang Epic lang eh, ayun pinagalitan ni Tita Shai.

Haay. Tama na nga Reminisce, Phoebe!


“Miss, naranasan mo na ba yung pakiramdam na mahal ka ng Best Friend mo higit pa sa kaibigan pero siya di mo mahal?” Agad akong napadilat ng mata at lumingon sa kanya.


“Hindi pa. Walang ni-isang ka-block ko rito ang nagtangkang lumapit sakin. Lalo na yung lalaki. Kaya hindi ko pa yan nararanasan.” Simpleng sagot ko.


“Ah. Hirap kasi nang ganito eh. Nagkakailangan kami, baka mauwi pa sa pagkawala ng Friendship namin.” Kwento niya tapos narinig ko siyang bumuntong hininga.


“Takot ka bang mawala siya?” Tanong ko.


“Oo naman. Best Friend ko yun simula pa Elementary.” Sagot niya.


“Kung ganun, hahayaan mo lang siya na masaktan? Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan para matutunan mo siyang mahalin?” Tanong ko ulit.


Seryoso, di pa ko nakakaranas magmahal pero parang ang dami kong alam. Pano kasi, nagbabasa ako ng mga pocketbooks na regalo ng mga relatives namin.


“Ang pag-ibig kasi, hindi yan pinag-aaralan. Kusa mo yang matututunan kahit kamuhian mo pa ang taong gusto mong kamuhian.” Sagot niya sakin.
“Buti na lang di ko pa nararanasan mainlove.” WEH?! Totoo bay an, Phoebe?


“Teka? Bakit nga ba kita kinakausap e ikaw nga ang dahilan kung bakit nagkamantsa yung paborito kong polo kanina!” Singhal niya sakin.


“Aba! Malay ko sayo! Nanahimik ako dito tapos bigla mo kong ginulo! Tse! Duon ka nga!” Pagtataboy ko sa kanya.


“Kung ikaw kaya ang umalis ‘no?! Sa amin ‘tong University na ‘to kaya ikaw ang umalis!” Sigaw niya sakin.


“Bakit ako aalis dito e dito ako nag-aaral!” Singhal ko sa kanya.


“Ako ba hinde?!”Sigaw niya pabalik.


“Ewan ko sayo! Hawak ko ba buhay mo, ha?!” Tanong ko.


“Aba’t- Hoy, Scholar ka lang dito ha!” Sigaw niya na naman.


Tss. Nilapat ko yung noo ko sa nakataas kong tuhod. Kainis. Yan naman ang parati nilang linya eh. Scholar lang ako dito kaya wala akong karapatan magsalita.


~ ~ ~

“Uy. Miss, sorry na.”


Itinaas ko ang mukha ko at lumingon sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin.


“Teka, umiiyak ka ba?” Bigla niyang tanong.


Umihip ang hangin at naramdaman kong malamig yung pisngi ko.


Tumayo na ako. Tumayo rin siya para iabot yung panyo pero dinanggi ko yung kamay niya kaya nabitawan niya yung panyo.


“Hindi ako umiiyak! Tigilan mo na nga ako! Ang sama nang ugali mo! Bahala ka sa buhay mo!” Singhal ko sa kanya saka na ako tumakbo palayo.

~~~~~~~~~~~
Logan-Phoebe Moments

Habang tumatakbo ako, may nabangga ako. Dahil sa lakas ng impact, nagspin yung katawan ko pahiga.

“Ouch!” Impit ko.


Lumingon yung lalaking nakabangga ko. Sabay na lumaki ang mga mata namin. Agad siyang lumapit at tinanong ako.


“Pasensya na! Di kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya nabangga kita. Ano? Ayos ka lang ba? Napano ka?” Nag-aalalang tanong ni Logan habang yung left hand niya naka-hawak sa right part ng waist ko habang yung right hand niya nakapatong sa right knee ko.


Dahil naka-tukod na yung dalawa kong braso at nakataas naman yung dalawa kong tuhod, ang Awkward tuloy ng posisyon naming.


Ngumiti ako na medyo nahihiya pa.


“O-oo! Okay lang ako. Pasensya na rin, di ko kasi napansin na kasalubong kita.” Nahihiya kong sabi.


“Sigurado ka walang masakit sayo? Tara tulungan kitang tumayo.” Alok niya.


Hinawakan niya yung right hand ko at dahan-dahan niya akong hinatak patayo.


Nung makatayo ako pakiramdam ko nanginginig yung tuhod ko. Sinabit niya yung right arm ko sa batok niya tapos hinawakan niya yung left waist ko at inalalayan akong maglakad. Mabuti na lamang at madilim na at may kaunting ilaw lang ang nagkalat sa buong campus kaya walang nakapansin sa amin. Pero ganun pa man, yumuko pa rin ako para walang makapansin sakin.


~ ~ ~ ~ ~ ~

“Gusto mo bang pumasok muna sa loob?” Alok ko. Nandito pala kami sa labas ng bahay nila Lola. Dito daw kami mag-sleep over eh. Nasa labas ako ng bahay habang siya nasa loob ng kotse niya.


Tinaas niya yung right hand niya habang naka-patong naman yung left hand niya sa may manubela. Ngumiti siya. “I’m sorry, I really have to go na eh. So… Goodbye?” Sabi niya.


Ngumiti ako. “Goodbye. Till next time.”


“Till next time.”


Saka niya na pinaandar yung kotse niya paalis.









2 comments:

  1. waaaaaaaaaaH! tama..wala pa akong ll! Dito magkakaraoon na ako..pagaagawan pa ng dalawang heartrob.pambihira! nakaka! lukrie!! Sis! bat binitin mo ako!! huhuhu!

    ReplyDelete
  2. aww, mukhang maganda 'to. kaso hanggat hindi pa masyadong mahaba, hindi ko muna sisimulan basahin para hindi bitin..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^