CHAPTER SIX
Lo-Ann
(Phoebe’s
POV)
Magkasabay
kaming naglalakad ni Logan, dala-dala niya yung backpack ko at yung backpack
niya. Ako naman dala-dala ko yung iba ko pang mga gamit.
*RIIIIIIIIIIIIIIIINGGGG!
RIIIIIIIIINGGGG!!*
Tumigil
si Logan at kinuha niya mula sa bulsa niya yung iPhone 5 niya.
“Yes,
Rai?” Tanong niya sa kausap niya sa kabilang linya.
“Haa?
Ohsige. Punta na ko dyan. Saglit lang. May gagawin muna ako… Ano? Ngayon na?
Tss! Saglit lang talaga! Babye na!” Sagot niya tapos ni-end
call na yung tawag.
“Sino
yun?” Tanong ko.
“Si
Rai. Yung P.A. ko. Halika, balik tayo sa loob.”
Sagot niya tapos hinawakan yung kamay ko at hinila ako pabalik sa campus.
Dumiretso
kami sa isang kwarto tapos binuksan niya
yung pinto.
“Yow,
pare!” Bati ni…
“Oh,
Hi Phoebe!” Bati rin sakin nung Lou.
“Pare,
may favor sana ko sayo.” –Logan
“Ano
yun, pare?” Tanong niya kay Logan.
“Paki-hatid
naman siya sa kanila. Pinapa-punta na kasi ako sa may Shooting eh. Uulitin daw
yung scene.” Sagot ni Logan.
“Pasensya
na, pare. I-hahatid ko si Eleanor eh. Inaantay ko lang matapos yung time niya.”
Sagot niya.
“Ah.
Sige, pre. Ako na lang pala. Ingat kayo ni El ha.”
Paalam ni Logan saka na ako hinila palabas ng kwarto.
Bumalik
kami sa Carpark tapos pumunta na kami sa kotse niya.
Pinagbuksan
niya ko ng pinto tapos pumasok na rin siya.
*RIINGG!
RIING!!*
“Hello?”
“Wui!
Tito, kayo pala! Bakit po?... Antayin ko na lang po dyan? Eh kasi po… Uhm… May
ihahatid pa po kasi ako eh. Opo eh. Pasensya na po kayo, tito. Uulitin rin po
kasi namin yung scene na kailangan para sa Shooting. Uhm… Bukas po, try ko…
Sige po, Bye Tito.” Sagot ni Logan.
Ibi-naba
niya na yung tawag at nagmaneho na siya.
“Kung
ngayon mo na lang kaya puntahan yung Mahal mo? Ako na bahala sa sarili ko.”
Bigla kong sabi.
“Sigurado
ka? Pero…” – Logan
Hinawakan
ko yung kamay niya.
“Oo.
Sige na. Ibaba mo na ako dyan sa may Cake Shop. Ako na bahala sa sarili ko.”
–Ako.
Tumigil
siya sa tapat ng Cake Shop tapos bumaba na ako dala lahat ng gamit ko.
“Ingat
ka, ha?” Paalala ni Logan.
Ngumiti
ako.
“Opo.
Sige na, Go!” Sagot ko.
Umandar
na palayo yung kotse niya kaya naglakad na ako at naghanap ng masasakyan.
***
Pagka-baba
ko sa tricycle, nanlaki yung mata ko. Teka? Kaninong kotse ‘to? Parang pamilyar
ah?
‘LO-ANN’
Yan
ang naka-lagay sa likod ng kotse. Maliit lang. Parang sticker.
Pumunta
ako sa may Pinto pero bigla kong narinig yung pamilyar na boses.
Boses
ni Logan…
Nagtago
ako sa may likod ng bahay namin at maya-maya lang, narinig ko nang may umandar
na sasakyan paalis.
Lumabas
ako at pumunta sa pinto. Nandoon si Daddy. Ginulat ko siya kaya napa-gitla
siya.
“Ay,
nako namang bata ka!! Aatakihin ako sa puso niyan eh!”
Sabi ni Daddy habang hawak ang dibdib niya.
“Daddy,
sino po yung bisita natin?” Tanong ko.
“Ay,
bata ka! Kababata mo yun! Hindi mo man lang kinausap?”
Sagot ni Daddy.
“Po?
Kababata ko? Asus! Namimiss niyo lang si Lolo!”
Biro ko.
“Aba!
Bahala ka dyan! ‘Yaw mo maniwala eh.” Sabi ni Daddy sabay
kibitz-balikat.
“Talaga!”
Sagot ko tapos pumasok na ko at diretso sa kwarto.
***
“Hmmm..
Sino nga kaya yun? Bakit kaboses ni Logan? Or sadyang nag-o-overthink lang ako
sa kanya kaya kahit dito sa bahay namin naririnig ko siya? Tsk. “
*Bzzzt.
Bzzzt.*
From:
Logan
Phoebe,
may mall tour kami sa sabado, punta ka ha? Bigay ko sayo bukas yung ticket.
Mall…
Mall tour?
Nagreply
ako.
To:
Logan
Sige,
ikaw bahala. Salamat na rin, ha? :)
Maya-maya
nag-reply na agad.
From:
Logan
Walang
anuman. Ikaw pa, malakas ka sakin eh. :)
Napangiti
ako.
Shemay
ka, Logan. Wag mong gawin sakin ‘to!
To:
Logan
Sira!
Osige na, may ginagawa kasi ako eh. :)
Nagreply
agad!
From:
Logan
:(
Sige.
Ewan
ko ba kung bakit napangiti ako. Bakit bigla siyang nalungkot? Siguro kung nasa
harap ko lang siya ngayon, napisil ko na yung pisngi niya. Ang cute niya kasi
eh.
Teka,
balik tayo sa may iniisip ko.
Hmmm.
Sino ba kasi yun? Imposibleng si Logan yun. Hanggang pangarap na lang yun eh.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^