Chapter Eight
Saturday Night
(Logan’s
POV)
~FLASHBACK~
~Saturday Night~
Katatapos
lang ng Mall tour ko at actually, nandito na ako sa labas ng Mall.
“Logan!
Logan!”
Napalingon
ako.
“Uyy
Phoebe!” Ngiti ko.
“Uhm…
Hi!”
Pormal na bati niya.
“Tara
dito.” Yaya ko sa kanya.
Naglakad
na kami papunta dun sa Van ng Management.
Pagpasok
namin, nagkwentuhan kami ng bahagya.
“Uhm…
Logan, may sasabihin ako sayo.” Biglang sabi ni Phoebe.
“Sure!
Ano yon?” Tanong ko.
“Logan!
Si Yarie nga pala babalik na daw next next week.”
Biglang singit ni Fross.
Yung
barkada ko. Artista rin siya.
“SI
YARIE?! Oh talaga?! Namiss ko nang sobra yung babaeng yun. HAHA. Panigurado
magyayaya na naman yun lumabas.” Sagot ko na tuwang tuwa.
“Oo
nga daw. Sabi niya sakin nung tumawag siya kanina may Night Swimming daw
pagbalik niya.” Nakangiting sabi ni Fross.
“Adik
talaga sa Swimming yung babaeng yun.” Sagot ko.
“Ah
nga pala, Logan. May bago daw kayong movie ni Yarie pagbalik niya.”
Sabi ni Fross.
“Movie?
Woah! Namiss nga ako ni Yarie.” Ngiti ko.
Ang
saya ko! Hahaha! :)
Before
I forgot. Yarie Montreal is my leading lady. *Face palm* I mean, siya yung
palagi kong ka-loveteam.
Maganda
yun. Mukha nga lang mataray. XD HAHA. :)
Bumaling
na ko kay Phoebe.
“Ano
nga yun, Phoebe?” Tanong ko.
Ayun.
Nakapikit na. Natutulog.
Isinandal
ko yung ulo niya sa balikat ko.
Tinitigan
ko siya.
Maganda
siya. Maputi at matangkad. Mahaba yung buhok. Actually, pwede nga siyang maging
Artista eh. :)
Teka?
Ano ko na nga ba siya? Bestfriend ko na ba siya or Still, friends lang?
Maya-maya
naramdaman kong nagising siya kaya binaling ko yung tingin ko sa harapan.
“Uhm…
Manong, ibaba niyo na lang po ako dyan sa may Cake Shop.”
Turo ni Phoebe.
“Fross,
pakiabot nga nung pang-disguise ko dyan.” Paki-suyo ko.
Inabot
sakin ni Fross yung Shades ko pati yung wig ko na color orange.
Fine.
-________- Oo na, mukha na nga akong Weird. Pero… gusto ko pang makausap si
Phoebs eh.
“Tara,
Phoebs.” Hila ko sa kanya nung nasa tapat na kami ng Cake Shop.
“Manong,
tawagan ko na lang po kayo kapag magpapahatid na ako.”
Sabi ko kay Manong.
Close
kami niyan.
“Sige,
hijo. Ingat kayo.” Sagot ni Manong.
“Fross!”
Tawag ko.
Lumingon
siya sakin. Kumaway na ako kaya nagsimula nang umandar paalis yung Van.
“Uyy,
Logan! Bakit ka bumaba?” Tanong ni Phoebe.
“Gusto
ko pa makipag-kwentuhan sayo eh.” Ngiti ko.
Hinila
ko na siya papasok sa Cake Shop. Maraming napalingon. Mga babae at lalaki.
TSK!
Parang gusto kong itago si Phoebe sa loob ng Jacket ko eh. -.-“
Teka?
Ano ba yun? Nagseselos ba ko? Tssii. Bakit naman?
Umupo
kami sa may Dulo ng Cake Shop. Sumunod yung isang Waitress.
“Ano
pong order niyo, Ma’am and Sir?” Tanong nung waitress
habang nakangiti.
“Uhm…
2 Coffee almond and 2 Butter Cake with Strawberry and Chocolate syrup.”
Order ko.
“Any
other drinks, sir? Bukod po sa Coffee almond?”
Tanong nung waitress.
“Uhm…
One pitcher of water will be fine.” Sagot ko.
“Okay.
Excuse me, Sir.” Paalam nung waitress saka nag-bow.
“Phoebe,
may kapatid ka?” Tanong ko.
Di
ko alam kung bakit yun ang unang lumabas sa bibig ko.
“Wala.”
Iling niyang sabi.
“Hm..
Eh ilang taon ka na?” Tanong kong muli.
“18
going on 19. Ikaw?” Sagot niya.
“19.”
Ngiti ko.
Maya-maya
dumating na yung order namin kaya kumain na kami.
“Uhm…
Logan, ilang taon ka nung magkahiwalay kayo ni Ann?”
Tanong niya
“Uhm…
7 ako habang siya magse-seven pa lang.” Sagot ko.
“Ah.”
Maikli niyang sabi.
Natapos
na kaming kumain kaya lumabas na kami ng Cake Shop.
“Uhm…
Di mo pa ba tatawagan si Manong para sunduin ka?” Tanong
ni Phoebe.
“Uhm…
Nope. Mauna ka na. Magpapasundo naman ako sa kanya eh.”
Sagot ko.
“No.
Tawagan mo na muna siya bago ako umalis.” Sabi niya.
Wala
akong nagawa kaya kinuha ko yung Cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan si
Manong.
[Oh,
hijo?]
“Manong,
pakisundo na po ako dito.”
[Osige,
hijo. Antayin mo lang ako dyan.]
“Opo.”
~End
Call~
Nag-antay
pa kami ng ilang minute tapos dumating na rin si Manong.
Pumasok
na ako sa Van tapos sinara ko yung pinto.
“Bye
Phoebe!” Paalam ko.
“Bye!”
Sabi niya tapos nagsimula na siyang maglakad papunta sa may Terminal ng
Tricycle.
“Manong,
antayin muna natin na makasakay si Phoebe bago tayo umalis.”
Sabi ko kay Manong.
Napalingon
ako sa Kanan ko.
“Anak
ng tokwa naman, Fross! Ginugulat mo naman ako eh!”
Hiyaw ko nung magulat ako dahil nakita ko siya.
Don’t
get me wrong. Nagulat lang ako kay Fross. Di ko alam kung bakit basta nagulat
ako.
“Ano
ginagawa ko sayo, Logan? Nakatingin lang naman ako sayo eh.”
Taas kilay na tanong ni Fross.
“Tss.”
“Logan,
tapatin mo nga ako. May gusto ka na ba kay Phoebe?”
Tanong ni Fross.
“Gusto?
Ha? Wala ah!” Sagot ko.
“Defensive.
Halata sayo, pre. Sabagay, maganda naman talaga si Phoebe eh. Pwede ngang
maging Artista eh.” Sabi ni Fross sakin.
Dinambahan
ko siya.
“Alam
mo ikaw, ang chismoso mo! Tigilan mo nga ako! Wala akong gusto kay Phoebe.
Kaibigan ko siya. Yun lang yun.” Sagot ko.
“Asuuuus!
Baka Ka-IBIGAN!” Biro ni Fross.
“Siraulo!
Tigilan mo nga ako sa kakaganyan mo! Anlandi mo wala ka namang Girlfriend!
Humanap ka nga muna!” Sabi ko sa kanya pagkaayos namin ng upo.
“Bakit
ikaw?! May Girlfriend ka na?! Sino? Si Phoebe ‘no?! Ayiiieee! HAHAHA Kilig
pwet!” Asar ni Fross sakin.
“Logan,
may nangtitrip yata kay Phoebe.” Biglang singit ni Manong.
Lumingon
ako sa may direksyon ng sakayan.
Ang
daming lalaking nakapalibot sa kanya. Yung isa nakahawak pa sa wrist niya.
“Gagu
yun ha! Binabastos yung Girlfriend mo, pre!” Mura ni Fross.
Binuksan
ko agad yung pinto ng Van tapos tumakbo ako at dinamba ng suntok yung isang
lalaki.
“Tangina!”
Mura nung lalaki.
Nagkagulo
na. Andaming sumusugod sakin. Sinusuntok at pinagsisipa ko lang sila.
Di
sinasadyang mapalingon ako sa kaliwa ko at duon ko nakitang may humihila kay
Phoebe palayo.
“Hoy!” Sigaw
ko saka ko sila hinabol.
“Aray!
Ano ba! Bitawan mo nga ako!” Piglas ni Phoebe.
Lumapit
ako at pinagsusuntok yung lalaki.
Nung
tumumba yung lalaki, lumapit ako kay Phoebe tapos hinawakan ko yung dalawa
niyang pisngi.
“Ayos
ka lang?” Tanong ko.
Nag-aalala
ako. Baka sinaktan siya nung mga lalaking yun eh.
Unti-unti
kong pinupunasan yung magkabila niyang pisngi. Umiiyak siya.
“O-oo!
Ayos lang ako.” Sagot niya habang tumatango.
Hinila
ko siya palapit saka ko siya niyakap ng mahigpit.
Ano
bang nangyayari sakin? Bakit sobra ako kung mag-alala? Mahal ko na ba siya? May
gusto ba ako sa kanya?
Kung
gusto ko na siya, paano na ni si Ann? Hindi naman pwedeng kalimutan ko na lang
siya ng ganun ganun na lang.
Pagka-kalas
ko sa yakap, hinawakan ko yung kaliwa niyang kamay.
“Tara.
Ihahatid ka na lang pala namin.” Sabi ko saka na kami
naglakad pabalik sa Van.
Wala
na yung mga lalaki kanina. Baka nagtakbuhan.
Pagka-sakay
namin sa Van…
“Manong,
hatid muna natin si Phoebe.” Sabi ko.
Sinabi
na ni Phoebe yung lugar kaya nagpunta na kami dun.
Pagkarating…
Teka?
Eto yung pinaghatidan ko sa kanya diba?
Tanga
mo, Logan. Malamang, bahay nila yan eh.
“Salamat
po sa paghatid. Logan, salamat!” Sabi ni Phoebe bago
bumaba.
“Sige!
Ingat!” Sagot ko.
Umandar
na paalis yung Van namin. Lumingon ako sa may likod. Pumasok na rin siya.
Pumasok
siya na naka-ngiti.
Napangiti
rin ako.
“Mahal
mo siya, pre.” Biglang sabi ni Fross.
“Hoy!
Kanina ka pa ha! Tigilan mo nga yan!” Saway ko sa kanya.
“I’m
just telling the truth, pre. Yun kasi yung nakikita ko sa mga mata mo.”
Sagot niya.
“Ewan
ko sayo, Fross!”
~PRESENT
TIME~
(Phoebe’s
POV)
Umuwi
agad ako at nagkulong sa kwarto.
Haaaay!
Naman kasi ehhhhh! Eheee! Nakakainis! Bakit ba kasi ayaw niya akong paniwalaan?!
Akala ko ba mahal niya ko?! Akala ko ba… Akala ko ba hinahanap niya yung
Childhood Bestfriend niya? Akala ko ba… Hinahanap niya ko?
Nakakainis
naman talaga eh!
Ang
sama-sama niya! Ayoko na sa kanya! Hindi ko na mahal si Logan Lerman! Tandaan
niya yan! Hindi ko na siya mahal! Ayoko na sa kanya! Ayaw ko naaaa! Aaargh!
weeeh! ang haba ng hair ko dito.. oh wait.. di ko na raw mahal si Logan Lerman.. hindi pwede..mahal ko parin siya.. hahaha! Tawa Confetti!!!!!!!!!!!!! Nai-expired este na iinspired tuloy ako mag sulat ngayon.. matatapos na ang unfinish monkey business ko.. tehee! I miss reading too!
ReplyDeletepagbutihin mo sis!