Monday, May 6, 2013

Another Summer Sunset : Chapter 1

 Chapter 1 
(Allison POV)



“Allison, naayos mo na ba ang mga gamit mo? Bakit nanonood ka pa ng TV jan?”



“Mommy, kagabi pa po naka-empake sa bag ko yung mga dadalhin ko.” Sabi ko habang nakatuon pa rin ang atensyon ko sa favorite kong Phineas and Ferb sa Disney Channel.



“Hay naku tama na nga yang TV mo!” Sabi niya sabay hablot ng remote sa kamay ko at saka niya in-off ang TV. “College ka na pero cartoons pa rin yang pinapanood mo.”



“Magka-college pa lang po sa pasukan.”



“Heh! Ganun na din yun!”



Napasimangot na ako pero hindi ako papatalo kay Mommy. “Eh kesa naman sa mga teleseryeng pinapanood mo. Wala nang ginawa kundi mag-iyakan, sampalan, agawan ng boyfriend at asawa, at walang katapusang walaan ng mga anak! I mean, wala na ba silang ibang plot na maisip? Paulit-ulit na lang!”



“Hoy Allison, isang teleserye lang ang pinapanood ko noh! Yung drama na pinagbibidahan ni Harrem!”



Pagkabanggit niya sa pangalan na yun, medyo naimbyerna na ako.



“Hoy Mommy A at Baby A ko! Umagang-umaga, nag-aaway na naman kayo!” Biglang sumulpot si Daddy R at may hawak pang tasa ng kape. At PS. Wag kayong magtaka sa nicknames ng pamilya namin ha! Ganyan na talaga yan!



“Hay naku, kausapin mo yang anak mo.”



“Dad…” At lumapit na lang ako kay Daddy R. “Hindi na lang ako sasama kay Mommy A. Dito na lang din ako ngayong bakasyon.”



“Ano ka ba Allison! Kung hindi lang dahil sa trabaho ko, gugustuhin kong sumama sa inyo ng Mommy mo noh! Pero dahil two weeks kayo dun at tambak ang trabaho ko sa office kaya maiiwan ako dito.”



“Eh, malulungkot kang mag-isa dito kaya iwan na lang ako!”



“Wushu~” Kinurot na lang ako ni Daddy sa pisngi, yung karaniwan niyang paglalambing saakin. “Kailangan mong samahan ang Mommy A mo dun sa ayaw mo man o sa hindi. For sure you’ll enjoy it naman just like your past summer vacations.”



“Oo nga! At isa pa tumawag si Tita Reema mo. This time daw, makakasama na ulit si Harrem ngayong bakasyon.”



“WHAT!!! Bakit ngayon mo lang sinabi Mommy? Hindi na talaga ako sasama!” At magwo-walkout na sana ako pero nahawakan ni Daddy R ang kwelyo ko.



“At saan mo balak magpunta?”



“Daddy! Let go of me!”



“Ano na naman kayang pag-iinarte yan Baby A? Eh diba close naman kayo nun ni Harrem.”



“Mga bata pa kami nun!”



“So what? Now’s the perfect time na magkamustahan kayong dalawa!”



There’s no way na makikipag-close pa ako sa lalaking yun! After all he did… well he actually did nothing, which made it worse!



“Ah basta! Hindi na ako sasama sa bakasyon na yan!”



“Hahaha! As if may choice ka Allison. Daddy R, wag mong pakawalan yan ha.”



“Yes Mommy A!”



Nakakainis talaga ang tandem ng mga magulang ko!



Wala akong nagawa sa kakulitan ni Mommy A while Daddy R dragged me outside at saka itinali sa passenger seat ng kotse namin.







We are still heading to Summertopia. Ito ang napiling lugar kung saan magbabakasyon kami kasama ang mga college friends nila Daddy at Mommy.





















Taon-taon tuwing summer vacation, nakakasama namin ang mga college friends nila Mommy at Daddy. Nanjan ang mag-asawang sina Tita Paula at Tito DanTito Erik at Tita Mich, si Tita Anna na nagta-trabaho ang asawa sa ibang bansa at si Tita Reema na biyuda.



At dahil simula bata pa lang ay ginagawa na namin ang get-together na ito, natural lang na kakilala ko na rin ang mga anak at ng pamangkin nila na madalas nilang isinasama.



Marami akong kasing edad sa mga anak at pamangkin ng mga kabarkada nila Mommy, but I’m particularly close with someone. Si Harrem, ang panganay na anak ni Tita Reema.



Every summer vacation. Nagkikita-kita kami to spend time together pero sa totoo lang, kahit hindi bakasyon ay nagtatawagan kami ni Harrem.



He was my best friend. My childhood sweetheart… pero syempre hindi niya alam yun!



Nagsimula lang maputol ang communication namin sa isa’t isa nang mag-high school na kami. Ewan ko kung bakit bigla na lang nagkaganun! Dati naman nung elementary kami, nakakatawag at chat kami. Kaya anong kaibahan noong tumuntong kami ng high school?



Why did he stop calling me?



Saka namin nalaman na nag-artista pala ang mokong! Ang kwento ni Tita Reema kay Mommy, nadiscover daw siya ng isang talent agent, nagustuhan ng mga TV producers and poof! Naging artista na siya!



Naging busy ang schedule niya sa napakaraming acting, singing and dancing workshops. At nung una small roles lang ang nakukuha niya.



Pero hindi rin nagtagal, tuluyan nang nakilala ang pangalang Harrem Arwell sa mundo ng showbiz.



Because of that, yung only time na magkakasama sana kami tuwing bakasyon, hindi na niya nagawang mapuntahan pa. Hindi na siya nakasama at tanging sina Tita Reema at bunso niyang kapatid na si Harrah ang nakakapunta.



His career bloomed. Nagkaroon pa siya na mga naggandahang kalove teams. And he became one amongst the most bankable heartthrobs of this generation.



That meant the end of US.





















“A~!!!” Ang napakalakas na bati ni Tita Anna nang makarating na kami ni Mommy dito sa Summertopia.



*beso-beso*



“Nanjan na ba ang lahat?”



“Oo! Kayo na nga lang ng anak mo ang hinihintay eh! Nasaan na nga ba ang inaanak kong si Allison?”



“Nandito po ako Tita!” At kumaway ako sa kanya.



“Ay ang Baby A namin~!!!” Nilapitan niya ako, niyakap ng sobrang higpit at bineso ng ilang beses. “Dalagang-dalaga ka na!”



“Tita Anna, parang yan din ang sinabi niyo saakin last year’s summer vacation.”



Tinawanan na lang ako ni Tita Anna at kinurot sa pisngi. “Tara na sa loob. Nandun na ang lahat.”



“Ipapasok ko lang po ang ma gamit namin. Bilin saakin ni Daddy na wag daw pagbuhatin si Mommy A.”



“Eh syempre ayaw akong mapagod ni Daddy R mo.”



“Hindi. Ayaw lang niya na baka dito ka atakihin ng rayuma.”



“Ahaha!!! Mag-inang A talaga! Ang kulit niyo!” Tuwang-tuwa talaga saamin si Tita Anna. Akala mo siya hindi rin nagi-start sa letter A ang name! “Anyway, hayaan mo na ang kambal ko ang mag-buhat niyan.”



Saka niya tinawag ang anak niyang kambal na sina Kuya Marco at Polo. They are 3 years older than me.



“Ipasok niyo sa loob ang mga gamit nila Tita A at Baby A niyo ha.” At hinila na agad ni Tita Anna si Mommy para magkasama-sama na silang magbabarkada.



“Aba Allison~ gumaganda ka yata ngayon!” Sabi ni Kuya Marco.



“Ay baka may nanliligaw na sa Baby A namin ha!” Sabi naman ni Kuya Polo.



“Tumigil nga kayong dalawa jan!” Medyo ka-close ko na din ang kuya kambal na ito dahil makukulit sila. Pero bukod doon, dahil kasi kapatid nila ang tinuturing ko nang bagong best friend dito. “Nasaan si Gelica?”



“Hindi siya nakasama eh.”



“Ha? Bakit?”



“Nag-artista na din daw!”



Siningkitan ko nga ng mata yung kambal. Inaasar lang nila ako!!! Alam kasi nila ang secret ko na bitter ako sa pag-aartista ni Harrem noon. NOON!



“Allison!!!” Biglang may sumigaw sa likod ko at tinusok pa yung bewang ko kaya napatalon ako. “I’m here~!!!”



“Gelica…”



“The one and only! Namiss mo ako noh?”



“Baliw talaga kayong magkakapatid!”



“Lungkot na lungkot ka kaya nung sinabi nila Kuya Marco-Polo na wala ako! Ayiiieh~ may naaalala!!!”



Nakakainis ‘tong magkakapatid na ‘to! Unang araw pa nga lang ng bakasyon at ngayon na nga lang ulit kami nagkita, ginigisa na ako agad sa pang-aasar nila!







“Tara na nga sa loob!”



Malaki ang nakuhang vacation house ngayon. Ang ganda ng buong lugar at presko din ng hangin kasi malapit sa bundok. May apat na malalaking pool pa kaya for sure ay mawiwili ako sa pagbababad nito… sa gabi! Sa gabi lang para hindi ako masyadong mangitim.



Pagpasok namin sa loob…



“Hey guys!!! Kumpleto na tayo!!! Nandito na si Allison!!!” Ang isinigaw ni Gelica sa lahat kaya napatingin ang buong grupo saakin.



They all went towards us. Binati ako ng mga lalaki at ni-hug ako ng mga babae. Ang saya lang nilang makita ako at masabing kumpleto na ang grupo namin.



But I hate being the center of attraction.







Kahit lahat sila ay wini-welcome ako… ako lang talaga ang hindi masyadong sociable na tao kaya ngiti lang ang salubong ko sa kanila.



Ay… bago pa pala ako dumating, may isa nang center of attraction dito.



“ALLISON!!!”



Nangibabaw ang boses niya.



Binigyan pa nga siya ng daan para makalapit saakin.



“Baby A!!! Is that really you? Grabe namiss kita!!!”




















Si Harrem…




End of Chapter 1


8 comments:

  1. Oh.My.G! Mommy A!!! Daddy R!!! Kumpleto ang La Familia!!! My godness!!! I am so excited sa mga susunod!

    ReplyDelete
  2. First chapter was exciting.. I can't wait for the next update.. Your stories are awesome Miss Aegyo Daydreamer..

    ReplyDelete
  3. XD Ang sungit ni Baby A! HAHAHA Parang di ganyan ang pagkakakilala ko kay Ate pat-pat ah? Hmmmm? :D HAHAHA Aabangan ko ang susunod na Chapter nito.

    ReplyDelete
  4. Mommy A! Daddy R! Baby A! hahaha natawa ako sa first scene! "Daddy R! wag mong pakakawalan si Baby A ha!" Ching! natawa ako ahahsha

    ReplyDelete
  5. Sa wakas! Nabasa ko rin. Haha wow Isa na namang istorya na gusto ko haha. Natawa ako sa bonding ni Mommy A at Baby A. <3

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^