☼
Chapter 8 ☼
(Allison
POV)
Naupo na nga lang kami ni
Harrem sa ilalim ng puno. Tama naman siya, kung hindi kami pipirmi sa isang
lugar, baka lalo kaming mapagod at mapalayo.
At tsaka yun talaga ang
napapanood ko sa mga survival shows sa TV. Mas mabuting mag-stay ka sa isang
lugar at maghintay ng rescue team na hahanap sayo kesa mapalayo ka.
Inabot na kami ng mga two
hours dito. For sure alam na ng mga kasama at parents namin na naligaw kami ni
Harrem. Sana mahanap na nila kami dahil ayokong abutin kami ng gabi dito sa
gubat.
Hindi rin ako kinukulit ni
Harrem kasi alam niyang bad trip ako sa kanya. It’s his fault kung bakit kami
naligaw. Sana hindi na ako ulit nagtiwala sa kanya.
Ang nakakaimbyerna lang,
sitting pretty lang siya habang nakikinig ng music sa iPod niya. Parang feel na
feel pa niya ang pag-upo namin dito. “Bwiset! May dalang iPod pero walang cellphone. Kainis!”
“Ha? Ano yun Baby A? May sinasabi ka?”
“Wala. Sabi ko ang kupal mo.”
“Ano? Ang cool ko?”
“Hindi. Sobrang panget mo!”
“Sobrang pogi ko?”
Lintek!!! Oo, pogi naman
talaga siya eh. Magiging sikat at tinitiliang artista ba siya kung mukha siyang
paa. Pero ang laking kupal niya lang talaga. Nakakabanas na nagagawa pa niyang
umakto ng ganyan. Kung hindi dahil sa kanya, hindi kami nawawala ngayon dito sa
gitna ng gubat.
Another hour passed.
Nagbabadya na ang paglubog ng araw. Hanggang ngayon, stuck pa rin ako dito sa
gubat kasama si Harrem.
Nagdadasal na ako na sana
mahanap na nila kami. Natatakot na akong gabihin kami sa lugar na ito.
Napapaisip na nga ako na ituloy na lang ang paglalakad namin pero biglang
nagsalita si Harrem.
“Allison, sunset na oh. Do you still hate this time of the day?”
Napatingin ako sa kanya.
Bakit naman kaya naisipan niya pang itanong yun sa sitwasyon namin. Nililibang
na naman ba niya ako?
“Naalala ko pa nung bata pa tayo, sinasabi mo na you hate sunset
dahil maggagabi na at takot ka sa dilim.”
Napairap ako sa kanya. “Natural lang
sa bata na matakot sa dilim.”
“You hated sunset dahil pinagbabawalan na nila tayong maglaro.”
“Psh! Lahat ng bata naiinis kapag pinapatigil na talaga silang
maglaro.”
“You hated sunset dahil pinapatulog nila tayo ng maaga.”
“Eh sa matagal talaga akong makatulog sa gabi!!!”
“But your main reason for hating sunset is because the sky turns
orange. Ayaw na ayaw mo ng kulay orange.” Saka siya natawa. “Do you still
hate orange?”
“Oo. Sakit kaya sa mata nun.”
“So you still hate sunset?”
Dahil tuloy sa usapan na
ito, isa-isang nag-flashback ang childhood memories ko kasama so Harrem.
Pero teka… bakit ko nga ba
siya kinakausap? Hindi ko na namalayan na at this very moment, I’m letting my
guard down again.
“I started liking sunset when I met you.”
Sabi ko kay Harrem kahit nakakahiya. “Sabi mo, hindi ako dapat matakot sa dilim dahil hindi
totoo ang mga aswang. Tapos kahit nasa loob tayo ng bahay, naglalaro pa rin
tayo para hindi ako mainip. At kapag oras ng tulugan, kinakantahan mo ako
hanggang sa makatulog ako.”
Napangiti si Harrem sa mga
sinabi ko.
“Pero ano nang nangyari saatin Harrem?”
Matagal ko itong kinimkim. Akala ko kasi hindi ako magkakalakas ng loob para
alamin ito mula sa kanya. “Why did you stop being friends with me, Harrem?”
“We’re still friends, Allison!!!”
“No. We’re no longer friends.” Suddenly,
I felt my tears dropping slowly. Yung lungkot na naramdaman ko ko all those
years, muling lumalabas. “Bakit hindi mo na ako tinawagan? Bakit hindi ka na
nagparamdam? Bakit hindi ka na sumama sa mga summer vacations natin? Bakit mo
ako kinalimutan?”
“Allison…” Tumabi na siya saakin at yumuko naman
ako dahil ayokong makita niyang sobrang sakit sa pakiramdam ko. Pero inangat pa
rin niya ang ulo ko, at nagkatitigan kami. “Naaalala mo pa ba yung usapan natin dun sa huling summer
vacation na nagkasama tayo?”
Napaisip ako. Yung last
summer vacation namin together. That was four years ago.
“Ang tagal na nun Harrem. Hindi ko maalala.”
“Sure ka?”
Tumango naman ako. “Ano bang
pinag-usapan natin noon?”
Narinig kong huminga siya
ng malalim. He seemed quite disappointed dahil hndi ko nga maalala ang tinutukoy
niya. “Ngayon,
malinaw na saakin kung bakit ganyan na lang ang galit, pagtatampo at mga tanong
mo saakin. You thought I forgpt about you when in fact… you’re the one who
forgot about us.”
Napakunot ang noo ko. So
nililipat niya saakin ang sisi? “Ano ba kasing tinutukoy mo Harrem?”
☼ FLASHBACK ☼
Four years ago, our last summer sunset together.
“Harrem,
anong dream mo?”
“Dream? Wala
naman akong panaginip kanina nung umidlip tayo.”
“Hindi yung
panaginip ang tinutukoy ko. Dream! Pangarap!!!”
“Ahh!!!” Napaisip bigla si Harrem. “Gusto kong
maging astronaut. Para pagdating ko sa space, hindi na ako tatanda.”
Napatingin
ako ng masama kay Harrem nun. Seryoso pa siya nung sinabi niya yun. Pero sino
namang niloko niya?
“Hindi ka
naniniwala saakin, Baby A?”
“Hindi
talaga!!!”
“Baby A,
totoo ang sinasabi ko! Walang araw at gabi sa space. Ibig sabihin, wala ring
oras kaya hindi na ako tatanda.”
Grabe, pinanindigan talaga ang kalokohan niya. Susuportahan ko na nga lang.
“Wow talaga
Harrem. Saan mo naman nalaman yan?”
“Nag-iisip
lang talaga ako ng malalim. Dapat paminsan-minsan, gawin mo din yan Baby A.” Wala na akong nagawa kundi um-oo na
lang. “Eh
ikaw ba? Anong dream mo?”
“Gusto kong
maging artista.”
Seryoso
yung pagkakasabi ko pero ang nakuha kong sagot mula kay Harrem ay, “Pfft!!! Hindi
nga Baby A?”
“Bastusan
lang Harrem? Yung pagiging astronaut mo, sinuportahan ko. Tapos yung akin,
pagtatawanan mo lang?”
“Ito naman,
nagtampo agad.”
Pero itchura niya, tawang-tawa pa rin.
Tanggap
ko naman eh. Wala akong talent na pwedeng pumasa para maging artista. Si Harrem
pa, pwedeng maging sikat dahil bukod sa pogi, magaling siyang kumanta at
sumayaw. Magaling din siyang umarte. Nagagamit niya yun para lumusot sa mga
kalokohan niya.
“Bakit ba
gusto mong mag-artista?”
“Kasi kapag
sumikat ako, eh di makakatuluyan ko rin ang gusto ko.”
Nagbago
bigla ang reaction ng mukha ni Harrem. “Paano mo naman nasabi?”
“Yun ang
napapanood ko sa TV. Laging nakakatuluyan ang mga bidang artista!!!”
Nanahimik
si Harrem. Parang ang lalim ng iniisip niya. “Bakit
sila Jack at Rose?”
“Sino yun?”
“Yung sa
palabas na lumubog ang barko!!! Artista kaya sila, pero namatay si Jack. Hindi
sila nagkatuluyan ni Rose.”
Parang
napanood ko na rin yung palabas na yun. Hindi ko lang talaga maalala kung anong
title. “Ah
basta, kapag nag-artista ako, makakatuluyan ko ang gusto ko!!!”
“Eh paano
ako?” Nagulat
ako sa biglaan niyang sinabi. At sa murang edad, nakaramdam ako ng tinatawag
nilang ‘kilig’. “Paano
ako Baby A? Maga-astronaut ako!!!”
Pero
kahit kinikilig, hindi ko pwedeng ipahalata yun. “Hindi talaga tayo magkakatuluyan dahil
nasa space ka. Tapos diba sabi mo, mananatali kang bata? Lalong hindi pwede yun!!!”
“Eh di hindi
na ako mag-aastronaut!!!” Napasigaw
siya at napatayo sa kinaupuan niya. “Sige, tutal artistahin naman ako. Mag-aartista na lang
din ako!!!”
☼ END OF FLASHBACK ☼
Hindi ko alam kung
matatawa, maiiyak o mababaliw ba ako sa mga pina-alala saakin ni Harrem.
Natutuwa dahil natupad nga
niya ang sinabi niya.
Naiiyak dahil nakalimutan
ko ang tungkol dun.
Nababaliw dahil isa lang
ang ibig sabihin nun.
“Nung may talent agent na nag-alok saakin, pinilit ko talaga si
Mama na isali ako. I was so serious about it, to the point na kinailangan kong
hindi na sumama sa summer vacations para magawa ko yung gusto kong gawin.
I wanted to surprise you Allison. Gusto ko na tayo ang
magkatuluyan kasi bata pa lang tayo, gusto na kita. Nung hindi kita
tinatawagan, miss na miss kita. Pero sabi ko sa srili ko, titiisin ko yun para kapag
nagkita na tayo ulit, kilalang artista na ako. Parang pagnagkita tayo, masabi
mong ako na ang makakatuluyan mo.”
Tumindi ang bilis ng tibok
ng puso ko. Naiiyak ako… sa inis!!! Inis sa sarili ko.
“Nakakainis ka!!!” Pinaghahampas ko si Harrem.
Bakit ang sweet-sweet niya?
Grabe yung pang-aaway ko
sa kanya nung mga nakaraang araw pero hindi niya ako tinigilan. Kahit
nag-artista, sumikat at nakakilala na siya ng mas magagandang babae, hindi niya
ako kinalimutan.
“I hated you for so many reasons… Tapos dahil lang pala dun!!!
Sineryoso mo pala yung mga sinabi ko!!!”
“Kahit anong sabihin mo, big deal yun saakin, Baby A.”
“Eh niloko lang din kita nun sa pag-aartista ko kunwari. Kasi
naman, niloloko mo ako sa pag-aastronaut mo. Grabe ka Harrem, alam mong ang
sama-sama ng loob ko sayo!!! Dahil doon, nagalit ako sayo.”
“Sorry na Allison. Sorry na.” Parang naiiyak na din
siya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit. “Please, don’t
hate me.”
I was such a fool. All
this time, nagalit ako sa maling dahilan. “Ako ang dapat mag-sorry Harrem. I hate myself for hating you. But even
if there are so many reasons for hating you… those are not enough to stop
loving you.”
Nasilip ko na ang ngiti ni
Harrem. Napangiti na din ako.
Sa wakas, nagkaayos din
kami. Sa wakas nagkalinawan din kami.
“I miss you Baby A.”
“I miss you too, Rem-rem.” Yan ang espesyal
na nickname na ginagamit ko sa kanya.
“Namiss ko yung pagtawag mo saakin ng Rem-rem ha.”
“Namiss ko din yun.”
A few minutes later,
nahanap na rin kami ng mga awtoridad. Nakauwi kami ng matiwasay, pero
pagkatapos nun ay sermon ang inabot namin sa mga parents namin.
“Mga pasaway talaga kayo!!!” Sermon saakin ni
Mommy A.
“Pero aksidente lang talaga na naligaw kami!”
Paliwanag ko sa kanila. Pero mukhang hindi sila naniniwala. “Harrem, ikaw
may kasalanan ditto ha. Bakit hindi mo ipaliwanag ang side mo.”
Nang ituro ko na si
Harrem, napakurap lang siya ng mata. “Ah… ano po kasi…” Nauutal-utal siya sa
paliwanag niya. Yung tipong guilty siya sa isang krimen.
“Harrem… don’t tell me sinadya mo yun?”
Napanganga siya… and then
he admitted it dahil ngumiti na lang siya, sabay nag-peace sign.
“LOKO-LOKO KA TALAGA!!!”
End
of Chapter 8
hahaha,.pasaway si harrem
ReplyDeleteOne word....Yieeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!
ReplyDeletekyaaaaaaaah!!!!!!!!!!!! bati na sila!!!!!!!!! XD XD XD
ReplyDeletesweet ni harrem.. pero natawa ako, sinadya niya palang maligaw sila!!!!!!
pasaway na nakakakilig!!!!!!
HOYYYYYY!!! BAKIT GANUN!? BAKIT?! HOY HARREM!!! RED NAMAN EH. (Hirap i-spell ng FUCHSIA eh.) WHAHAHAHAHA!KILIGS!
ReplyDelete