Sunday, August 4, 2013

Another Summer Sunset : Chapter 7

 Chapter 7 
(Allison POV)


Wala na kaming ginawa kundi ang walang kamatayang pagbababad sa pool. Halos maging nog-nog na nga ang karamihan saamin.



Nang mapansin kong grabe na din ang initim ko, umahon na ako. May one week pa kami dito at ayoko naming magmukhang uling sa kaitiman lalo sa pasukan. Hirap kaya magpa-puti!!!



Nagpasya na lang akong magpahinga sa duyan. Malilim dito at presko ang simoy ng hangin. It was really relaxing so I decided to doze off.



Pero hindi pa nga ako nakakarating sa dreamland, I felt someone standing beside me. When I opened my eyes, “Harrem?”



Hawak niya yung phone niya at nakatutok ito saakin. “Pinipicturan mo ako?” Nagulat naman siya at agad niyang ibinulsa ang cellphone niya. I glared at him. “DELETE THAT.”



“No way!!!” At ngumisi lang siya.



Inirapan ko na lang siya with a side-comment, “Pervert!” At saka ko siya tinalikuran. Ayokong ma-stress kaya sige, palalampasin ko siya ngayon. Pero ngayon lang!



At wala na nga akong balak na patulan siya, pero namimiss niya yata ang pambubulyaw ko. Naramdaman ko na lang na umuga yung hinihigaan ko. “Ano bang ginagawa mo!!!”



“Dinuduyan kita.”



“Stop that!!!”



“Inaantok ka ba?”



“Oo! Kaya wag kang istorbo.”



Pinatigil niya nga ang pag-uga ng duyan. Tapos tinitigan niya akong maigi. Umiwas ako ng tingin dahil ayokong makipagtitigan sa kanya, pero kita ko pa rin sa peripheral vision ko na nakapako pa rin ang mga mata niya saakin.



I decided to change the topic, “Ano bang kailangan mo?”



“Sumama ka saamin.” Nagtako ako. Sasama saan? “Nag-aya sina Kuya Kambal na mag-trekking daw tayo. Pumayag lahat ng parents.”



“Ayoko.”



“Sumama ka na.”



“Ayoko sabi.”



“Sumama ka bilang pasasalamat sa ginawa ko sayo kahapon.”



Kahapon? Ano bang nangyari saamin kahapon?



Naramdaman kong umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Bakit kailangan pa niyang ipaalala yung nangyari saamin kahapon dun sa pool? Bastos talaga!!!



“Please Baby A~” At talagang umangelic mode pa siya.



Nakakakilabot lang! “Fine!”



Aalis na sana ako sa duyan pero bigla na lang akong binuhat ni Harrem at tinulungang makababa. Kaya ko namang mag-isa! Hindi na niya kailangan pang buhatin ako!



Pero hindi ko na nasabi yun. Naibaba na niya ako eh, alangan naman umakyat pa ulit ako sa duyan para lang makababa ng mag-isa.



Nginitian ako ni Harrem at, “Mag-rubber shoes ka. At magdala ka na rin ng bag para may paglagyan ka ng tubig at pagkain mo.” Saka na niya ako iniwan mag-isa.



I slapped my chest when it pounded for no reason.



Seryoso si Harrem. Kinukuha niya nga ulit ang loob ko.
















Tinatahak na namin yung bundok na sikat dito sa bayan na ito. Sa tuktok daw ay may nag-aabang saaming waterfalls. Pero hindi yun ang ipinunta naming dito.



Gusto kasing ma-try ng mga kasama ko yung zipline pababa ng bundok. OO na lang din ako, wala na akong magawa eh.



Halos dalawang oras daw ang itatagal ng pag-akyat namin sa bundok. Yun ang hindi ko napaghandaan!!! Napasubo na ako sa paguran.



Pero kung yung mga kasama ko, tumira yata ng isang bote ng enervon. They are full of energy, ang gulu-gulo, ang ingay-ingay. Partida pa, tahimik lang ako at nirereserba ang katiting na enerhiya ko, samantalang wagas pa rin sa excitement ang mga kasama ko.



Ni hindi na nga ako pinapansin ni Gelica. Busy siya sa pakikipagmabutihan kay Renz. Sina Kuya Marco at Polo naman, busy sa pagpapatawa sa buong grupo.



So ang nangyari, wala na talagang nakakapansin na hingal na hingal na ako. Eh kung takbuhan ko kaya ang mga ‘to? Kaso wala rin naman ako lakas para gawin yun.



“Uy! Okay ka lang?” Bigla akong kinalabit ni Harrem. Nasa likod ko pala siya. Kelan pa siya dun?



“Okay lang…” Pero obvious naman na hindi.



“Lampa ka pa rin talaga. Halatang pagod na pagod ka na oh!”



Inirapan ko lang. Pagod na akong somplahin siya.



“You wanna go home?”



Napatingin ako sa kanya. Siya nag-aya saakin dito, siya rin pala mag-aaya na umuwi na din kami.



And we’re still not in good terms but this time, papayag ako sa alok niya. I mean, mamamatay na ako sa pagod, mag-iinarte pa ba ako?



Tumango ako at nginitian niya lang ako.



“Jan ka lang, sasabihan ko sila.” Tinakbo na ni Harrem yung mga kasamahan naming kasi medyo nakakalayo na sila. Nung nagsabi siya na babalik na lang kami sa camp dahil sa pagod, pumayag naman sila.



“Sasamahan ko na kayo pauwi.” Offer saamin ni Kuya Ricky.



“Wag na Kuya Ricky. Ikaw ‘tong excited sa zipline.” I agreed with Harrem, again! Last na ‘to. Tama naman kasi siya, ayaw naming abalahin si Kuya Ricky. “Hindi naman kami maliligaw pauwi. Susundan lang naman yung dinaanan natin, diba?”



Pinabayaan ko na silang mag-usap, kasi kinausap na din ako ng iba.



“Okay ka lang ba Baby A?”



“Sayang naman, hindi kayo makakasama ni Harrem.”



“Hatid ka na kaya namin. Baka himatayin ka pa.”



“Ano ka ba Kuya Marco, si Harrem nga ang kasama niya pauwi.” Sabat ni Gelica at nginitian ako ng kakaiba. Alam ko na iniisip ng babaeng ‘to. “Allison ha…”



“Guys!!!” Pinatigil ko na sila bago pa makarating kung saan ang usapan. “Okay lang ako. At kahit nga hindi ko kasama si Harrem, makakauwi ako mag-isa noh!”



“Dun naman kami hindi papayag, Baby A!”



“Hindi ka pwedeng umuwi ng mag-isa!”



“Oo nga!!! Safe ka na kay Harrem!!!” Pinandilatan ko na si Gelica dahil hindi pa rin tumitigil. But she doesn’t seem affected. “Sinong agree saakin?”



“Ako.” Renz raised his hand first.



“Ako.” Sinundan ni Kuya Marco.



“Ako.” Tapos so Kuya Polo.



“Kami din.” Tapos yung iba pa naming mga kasama.



At pinakahuli si, “AKO RIN!!!” Talagang nakisawsaw si Harrem. “Don’t worry, hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Baby A.”



Saka lumapit saakin si Harrem at sapilitang hinila ang bag na dala ko. “Sige na, uwi na kami. Enjoyin niyo yung pag-akyat sa bundok ha!!!”



And from then, nagkahiwa-hiwalay na kami. Sila paakyat… kami ni Harrem, pauwi.
















Tahimik na kaming naglalakad.



Actually, ako lang pala ang tahimik. As usual, si Harrem ang walang tigl sa pagputak.



“Anong course mo nga pala sa college? Kasi kung pwede pa, pwede ka ring mag-engineering katulad ko! Para sa same university tayo papasok at mag-classmate pa tayo.”



Hay!!! Kelan kaya matatapos ‘to? Sana makita na naming yung sementadong daan para alam kong malapit na kami sa camp.



“Diba sabi mo noon, gusto mo sa Castle Moore University? Doon din ako nag-entrance exam eh.”



Ang tagal. Nasaan na yung semetadong daan? Bukod sa natutuliling kong tenga sa kakadaldal ni Harrem, hindi na yata kakayanin ng tuhod ko ang pagod.



“Baby A, sa CMU ka din, diba?”



At dapat 20 minutes lang ay narrating na naman yun. Nasaan na yung daan? Hindi kaya…



“Allison…”



“Teka nga Harrem.”



“Hay sa wakas nagsalita ka na rin!”



“Malayo pa ba tayo sa sementadong daan? Kanina ko pa napapansin na kanina pa tayo lakad ng lakad pero hindi ko pa rin matanaw yung daan.”



“Hmmm…” Kakaiba yung nagging reaction ni Harrem. Parang hindi siya sigurado na kinakabahan. “Oo…” Ang tagal pa niya bago nakasagot!



“Eh narinig ko kanina sa usapan niyo ni Kuya Ricky, wala pang 20 minutes ay makakauwi na tayo.”



“Hmmm… oo…” Inulit niya lang yung sagot niya pati yung way kung paano niya sinagot yun.



“Harrem, naliligaw na ba tayo?”



“Ha… ano… hindi! Paano mo nasabi?”



“Nasabi ko kasi halatang nagsisinungaling ka.” I crossed my arms bago ko pa tuluyang masapok ang taong kaharap ko. “Kaya ka ba kwento ng kwento mula pa kanina kasi nililibang mo lang ako. Sumagot ka!!!”



Hindi siya nakasagot.



“Ano ba naman Harrem!!! Bakit hindi mo sinabing mali na ang dinadaanan natin!!!”



“Eh hindi ka naman din nag-react.”



“Kasi akala ko alam mo ‘tong dinadaanan natin!!!”



No!!! This isn’t happening!!! Naliligaw nga kami!!!



“Phone! Pahiram ako ng cellphone mo!!!”



“Wala eh…”



“Anong wala! Bakit wala kang dalang cellphone!”



“You’re asking me kung bakit wala akong dalang cellphone. Eh ikaw?”



“I have my phone… lowbat lang.”



Napasapo na lang ako ng noo. Ano nang gagawin namin?



Kapal ng mukha ni Harrem kanina na wala daw mangyayaring masama saakin, eh ano ‘to ngayon? Kainis!!! Bakit ba kasi naniwala pa ako sa mokong na ‘to!!! Pagod na pagod pa naman na ako.



Pero si Harrem na mukhang hindi man lang masyadong apektado, nagawa pang maup sa tabi. “Sorry na.” Yun lang ang masasabi niya!



“Wala na tayong magagawa, naligaw na tayo eh. Ang mabuti pa, magpahinga na lang tayo. Sooner or later, malalaman nilang nawawala tayo. Mahahanap din nila tayo.




Hahanap na lang ako ng lupang pwede kong hukayin para mailibing ko na siya ng buhay. Pahamak talaga ang Harrem na ‘to!

4 comments:

  1. BOOM! Yan kasi!!! Umimik din kasi kapag may time!

    ReplyDelete
  2. moment na nila yan. sana magkabati na sila ni harrem. :D

    ReplyDelete
  3. halllllllllllllllla nawala cla s gubat. ahihhhhihhiihi, uu nga moment n nila yan.. sana talaga ar mgkbati na ang magkaibigan pra magka-IBIGAN nmn cla. c allison kasi, so pakipot. lolololol :D :D :D

    ReplyDelete
  4. kyAaaHhhh nsOLo n ni hArreM c aLLisOn,,, aNo kyA mnGyyRi,,, sNa mAgkaLinAwagAn n cLa prA magAbti n tLga cLa,,, at cAstLe mOore uNiverSity, prAng nbSa q n pO uN s iSa s mgA stOries mU atEy,,, teKa irireSearCh q muNa,,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^