Thursday, July 11, 2013

Another Summer Sunset : Chapter 6

Chapter 6
(Allison POV)



Sinumbong nga kami ni Harrem kina Tita kaya napagalitan kaming dalawa ni Renz. Psh!!! Sa edad naming ito, nasesermunan pa kami. Kakainis lang.



Anyway, mas sumaya naman ang lahat sa ginawa kong fruit shakes. Panandalian nga silang umahon para uminom ng juice.



Yun na ang hinihintay kong pagkakataon para makapag-swimming na din. Ayoko kasi ng maraming tao sa pool. At busy na sila, sinamantala ko na ang chance ko na solohin ang pool.



May two-piece na akong suot sa panloob. Pero t-shirt lang yung tinanggal ko at naka-shorts pa rin.



Dun ako sa may 7 feet yung lalim para makapag-dive ako. Nung nasa tubig na ako. “Ay ang sarap!!! Ang lamig at linaw ng tubig~!” Ang masaya pa jan, hindi matapang yung chlorine. May iba kasing pool, masakit sa mata at balat dahil sa sobrang chlorine.



Una backstroke, then freestyle sabay dog paddle, naging sidestroke, butterfly stroke at saka dive. Lahat na yata ng alam kong swimming strokes, ginawa ko na. Magaling na swimmer kasi ako.



Naisip kop ulit na magpunta sa ilalim at magtagal doon ng ilang segundo pero may narinig ako na tumalon din sa pool. Lalaki siya tapos naka-shorts lang din pero hindi ko maaninag kung sino yun.



Lumangoy na ulit paangat at “Bwaaah!!!” Hindi ko intensyon na manggulat jan. Huminga lang ako ng malalim.



“WOAH!!!” Pero nagulat pa rin siya. “Baby A… nasa ilalim ka pala…”



Hay naku. Si Harrem pala. Talaga bang hindi niya alam na nagsu-swimming ako ngayon dito?



“Bakit hindi ka uminom ng shake dun? Eh diba kaya mo nga kami sinumbong kina Tita dahil nauna kaming uminom sa inyo.”



Napaubo naman si Harrem. “Ayoko nang uminom dahil paniguradong natalsikan na yun ng laway niyo ni Renz.”



“Anong natalsikan ng laway!!!” Kapal ha!!!



“Oh bakit? Tawanan, halakhakan, at harutan kayo ni Renz nang maabutan ko kayong dalawa kanina. Saan pa nga ba tatalsik ang mga laway niyo kundi sa mga inumin lang din.”



“Hoy, hindi kami naghaharutan ni Renz!!! Wag mo akong itulad sa gawain mo!!!”



“Anong gawain ko? Nakikipagharutan ba ako? Kanino?”



“EWAN KO SAYO!!!” Hindi na dapat ako nagsasayang ng laway na kausap ang lalaking ‘to eh.



Nag-swimming na nga lang ako ulit at doon na lang ako nagpunta sa other side ng pool para sa katahimikan.



Pero ang letchugas na Harrem, sumunod pa rin! Magakakalunuran ditto pag nagkataon!



“Kayo ni Renz, gaano na kayo ka-close?” Anong klaseng tanong naman kaya yun? “Akala ko si Gelica at yung mga Kuya Kambal niya lang ang ka-close mo. Hindi ko alam na pati pala si Renz.”



“Alam mo sa mga nagdaang bakasyon na hindi ka kasama, natural lang na maka-close ko lahat ng mga nakakasama ko.”



“But si Renz, crush yun ni Gelica diba?”



“And so? Anong gusto mong palabasin? Na sinusulot ko si Renz kay Gelica?”



“Sayo nanggaling yan.”



“Renz and I are plain friends!!! Bakit? ‘Coz he’s nice!!! At kahit nga hindi pa kami ganun ka-close noon, at least nakukuha niyang magparamdam at mangamusta. Hindi tulad ng iba jan na mabilis lumimot!!!”



Na-speechless na siya nun. Obviously, siya naman talaga ang pinatatamaan ko. At ayun, sapul na sapul naman siya.



“Hindi ka ba nagsasawa Harrem? Tigilan mo na ako. Sa tuwing kakausapin mo ako, nag-aaway lang tayo. Sa totoo lang, nakaka-guilty na dahil ako yung lumalabas na mean dito.

Kaya nakikiusap ako sayo na tantanan mo na ako. Kapag nilapitan mo pa ako, baka mas malala pa masabi ko sayo. At sinasabi ko sayo, hindi ko na kasalanan kung masaktan ka.”



Speechless pa rin siya at hindi na maipinta ang mukha. I guess he got my point. Na-explain ko naman ng maayos diba?



Lumangoy na lang ako papunta ulit sa kabilang side ng pool…



“Allison sandali!!!” Napatigil ako at nilingon siya. “You think ganun na lang ako kadaling titigil?”



Nanlaki ang mga mata. Though I knew from the start na matigas ang bungo ng lalaking ‘to at hindi madadaan sa kahit na anong salita para mapatigil siya.



“We still have a few days here. Marami pang araw na magkakasama tayo para mapatunayan ko sayo na nagsisisi ako sa mga ginawa ko. At gagawin ko ang lahat-lahat para ibalik yung dati. Pero kung hindi man, gagawin ko ang lahat para pumayag ka na magsimula ulit tayo ng bago.”



Makulit. Matigas ang ulo. Epal. Kupal.



Wala na talaga akong magagawa sa ugali ni Harrem.



Pero hindi ko na sasayangin ang oras ko sa kanya. Minabuti ko na lang na mag-dive palayo sa kanya para mas mabilis akong makalipat sa kabilang side ng pool.



Kung hindi siya titigil, ako mismo ang iiwas.



Umabot siguro ng isa’t kalahating minuto ang itinagal ko sa ilalim ng tubig. At pag-ahon ko sa kabilang side ng pool… parang may mali. Parang may kulang.



Anong kulang? Napatingin ako sa bandang dibdib ko at, “Uwaaaaaaah!!!” Sabay tinakpan ko ito ng mga kamay ko. Pati yung buhok ko, pinangharang ko na rin. Nakalubog din ako sa tubig at ulo lang ang nakalitaw.



Yung bra ko!!! Nawawala yung bra ko!!! Nasaan yung bra ko!!! Uwaaaah!!! Nilingon-lingon ko ang paligid kung nasaan na ang naglalakbay kong bra.



At ayun, nakita ko. Hawak-hawak ni Harrem!!! Natulala nga lang siya at hindi makapaniwala sa discovery niya. “Baby A… um… sayo yata ‘tong…”



“Hoy bastos ka!!!”


“Ha… ah… hoy nakita ko lang rin itong lumutang!!!”



Shet naman talaga. Ano ba!!! Nakakahiya!!!



At hindi pa nga natatapos ang paghi-hysterical ko, nagbabadya naming bumalik yung mga kasama namin. Naririnig ko na ang boses nina Renz, Kuya Ricky at sina Kuya Marco at Polo.



“Tumalikod ka!!!” Narinig kong sumigaw si Harrem.



“Ha?” Hindi ko na alam ang gagawin ko!



“Tumalikod ka saakin para makalapit ako sayo!!! Lumumubog ka lang tapos takpan mong mabuti yang ano mo!!!”



*dug dug*



Sinunod ko na yung sinabi ni Harrem. Tumalikod ako sa kanya at hinintay ko siyang lumapit papunta sa likod ko.



Ilang sandali pa, naramdaman ko nang malapit na siya. Inabot niya mula sa likod ko ang bra ko at, “Dali suotin mo na yan. Hindi ko nakatingin.”



Nagmadali na ako sa pagsusuot nito. Nahirapan lang akong itali yung sa bandang likod ko.



“Harrem…”



“Tapos na ba?”



“Hindi ko matali yung sa likod…”



“Dalian mo. Malapit na sila Marco!!!”



“Eh nahihirapan nga ako…”



“Aish!!!” Naramdaman ko ang kamay ni Harrem sa likod ko. Hawak niya yung dalawang tali ng bra ko. “Nakapikit pa rin ako ha.”



Mabilis niyang itinali ang nasa likod ko. Nang matapos na yun, chineck niya rin kung mahigpit ba yung pagkakatali sa bandang batok ko naman.



I heard him sigh in relief. Pareho kaming nabunutan ng tinik.



At ayun, sakto nang nagsidatingan yung iba.



“Oh nandito lang pala si Baby A!!!” Sabi ni Kuya Ricky.



Pero may ibang napuna ang kapatid niyang si Renz.



“Uy pati si Harrem nandito!!!” Saka siya ngumiti ng kakaiba. “Hoy Harrem, dapat hindi ka lang kay Baby A mag-sorry dahil sa pagsusumbong mo. Pati din saakin!!!”



“Al-al mo!!!” Sagot naman sa kanya ni Harrem.



“Eh bakit nga ba kayong dalawa lang ang nandito?” Sabi naman ni  Kuya Marco.



“Nagba-bonding sila ng sila-sila lang.” Sagot naman ng kakambal niyang si Kuya Polo.



Nagkatinginan lang kami ni Harrem. Hindi naman alam kung anong sasabihin naming sa kanila. At tingin ko, pareho na lang kaming nag-blush dahil nga sa nangyari kanina.



“Ayiiiieh~ namumula yung dalawa!!!” Sabay-sabay na asar saamin nina Kuya Ricky, Renz at Kuya Kambal.




Kung alam lang nila. Sheesh!!!



End of Chapter 6

3 comments:

  1. Ako din speechless. Praise! So much praise!

    ReplyDelete
  2. grabe ang pahard-to-get ni Baby A. haba ng hair, sinusuyo ni Harrem. Pero kinilig ako sa nahubaran siya. hahaha naughty ka Author, akala ko kung ano pa ang mangyayari.

    ReplyDelete
  3. oMygAsg, tAwa aq ng taWa kEi bAby A,,, peaCe,,, nkktuWa nMaN kSi, pareHo cLaNg nAgpanic ni hArreM,,, peO ang gentLemAn ni hArreM,,, ayiiiiieeEee,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^