☼ Epilogue
☼
(Allison
POV)
7th day of this year’s summer
vacation, during sunset, nagkabati na kami Harrem. Ang mga sumunod na araw,
naranasan ko na ulit ang saya ng bakasyon. Syempre, magkasama ulit kami ni
Harrem at ayos na kami.
Pero dahil nga 2 weeks
lang kami dito, dumating din yung time na kailangan na naming bumalik sa
kani-kanya naming buhay. For the first time, I wished we can stay longer.
So far, this is the best
summer ever. Nakakalungkot na kailangan na naming magpaalam ulit.
Nagpapack-up na ang lahat
sa pag-uwi. As usual ramdam ang lungkot dahil maghihiwa-hiwalay na ulit kami.
Nakita pa nga namin ang
parents namin na nagda-dramahan. Ordinaryong eksena na yun para saamin dahil
ganun naman sila palagi.
Pero sa huli kasi,
babaunin namin yung masasayang alaala namin sa bakasyon na ito. At hello!!!
Yearly nga namin itong ginagawa diba? So next bakasyon, magre-reunion ulit
kami.
“Babye Baby A!!! Tatawag ka ha! Wag mo kaming kalilimutan sa FB
status mo.” Ang drama lang ni Gelica.
“Oo naman. Lagi ko ring iche-check lalo na relationship status
mo.”
Tapos tinignan ko siya ng pang-asar. “Baka magulat na lang ako, in a relationship ka na with
Renz!” Asar ko sa kanya.
Namula naman bigla si
Gelica. Ang alam ko kasi, hindi sinasadyang naipagtapat na daw niya pag-ibig
niya para kay Renz nung mismong araw na naligaw… este niligaw ako ni Harrem sa
gubat.
Kasama silang naghanap
saamin nun. And then bigla na lang daw nadulas si Gelica at nasabi niya kay
Renz na matagal na nga siyang may gusto sa kanya. Pero sa totoo lang, Gusto ko ngang
itanong kung talaga bang hindi sinasadya yun.
“Porket nagka-ayos na kayo ni Harrem, ginagantihan mo na ako ng
tukso kay Renz.”
“Ano yun ba’t narinig ko pangalan ko?”
Sabay kaming napalingon ni
Gelica dahil nasa likod na pala namin si Renz. Bitbit niya yung ilang gamit
nila at mukhang dadalhin na niya sa sasakyan nila.
Tumigil siya sa harap
namin. Nagkatinginan sila ni Gelica at ayun, nagkahiyaan pa! Kinilig ako,
promise!
Pero parang pareho silang
naputulan ng dila, kaya minabuti kong ako na ang maunang magsalita.
“Renz, ingat kayo nila Tito Dan.”
Sabi ko. Nananatiling tameme naman sa tabi ko si Gelica kaya siniko ko at nang
matauhan. “Gelica!!!
Wala ka bang sasabihin?”
“Ah... oo nga. Ingat kayo Renz...”
Nakita kong napangiti si
Renz sa pautal-utal na si Gelica. “Sige! Text-text na lang!” Sabi niya saamin.
Akala ko nga tutuloy na siya sa sasakyan nila pero bigla siya ulit lumingon. “Gelica, kita
na lang rin tayo sa pasukan ha!”
“Oh... oo... sige.” At nagpaalamanan na sila
sa harap ko.
Natulala na si Gelica
pagkatapos nun. Kung makita niya lang ang itchura niya sa salamin, dinaig pa
niya ang mukhang binugbog ng blush-on.
“Gelica, ibig bang sabihin nito, sa parehong university ang
papasukan niyo ni Renz ngayong darating na pasukan?”
Tumingin saakin si Gelica
at grabe lang ang paggo-glow ng mukha niya. “Oo... nalaman ko lang din kanina.”
At saka na niya binuhos ang sobrang kasiyahan.
Feel ko rin ang pagbubunyi
niya. Parang nanalo lang sa lotto si Gelica, kaya sinabayan ko siya sa kilig
niya.
“Hoy, nababaliw na kayong dalawa jan.”
“Magkikita pa kayo next summer, wag kayong mag-wala masyado.”
Bigla namang dumating ang
mga kapatid ni Gelica na sina Kuya Kambal na Marco at Polo. Ni-hug nila ako ng
mahigpit at sinabing mamimiss nila ako.
Ganun na din yung
nangyari, nang magsilabasan pa yung iba. Handa na talaga ang lahat sa pag-alis.
Pwera lang ang isa…
“Baby A!!!” Narinig ko ang boses ni Harrem. Saka
lang siya lumapit saakin nang masigurado niyang kaming dalawa na lang. “Ayos na ba nag
mga gamit niyo ni Tita A?”
“Kanina pa. Ready na nga kaming umalis eh.”
Ngumiti lang si Harrem.
Pero ngiting hindi masaya.
Nauna na akong naglakad
papunta sa sasakyan namin. Kasabay ko namang naglakad si Harrem. “Another summer
ended. Kalungkot noh?”
“Oo nga. Mamimiss ko ang lahat.”
Medyo mabagal ang paglakad
namin. Ramdam ko yung bigat ng hininga namin.
“Baby A…”
“Ano yun Rem-rem?”
Tumigil kami sa paglalakad
at saka nagharap.
“Ah wala… kalimutan mo na.”
Muli na lang kaming
nagpatuloy sa paglalakad. Pero bigla na lang humawak sa braso ko si Harrem. “Baby A…”
And again, natigil kami sa paglalakad.
“Ano bang sasabihin mo Harrem?”
“Ano kasi…” Parang nag-aalangan pa siya. Uso rin
pala ang hiya sa lalaking ‘to. “Wag na nga… tara na.” Sa ikalawang
pagkakataon, hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin.
Nauna na siyang maglakad
at pailing-iling na lang akong nakasunod sa kanya.
Kaso nung ikatlong
pagkakataon na. Nung tumigil siya sa paglalakad at saktong nabunggo pa ako sa
likod niya. “Baby
A kasi…”
“ANO BA HARREM!!! ANO BANG GUSTO MONG SABIHIN?”
“Oh bakit nagagalit ka agad? Ano kasi…”
“At kapag yan, hindi mo pa tinuloy na sabihin, babatukan kita
ha.”
“Ito na nga sasabihin ko na!”
Huminga siya ng malalim.
Parang nag-iipon ng lakas ng loob. And when he finally got the courage to tell
me what he wanted to say…
“Hindi na ako tutuloy sa pag-aartista.”
“ANO?”
“Actually, matagal ko nang plano ito.”
“Alam na ng pamilya mo ang tungkol jan?”
“Yes. Actually, nag-end na ang contract ko sa agency na may
hawak saakin. May proposal sana sila na another four-year exclusive contract
pero desisyon ko na wag nang tanggapin yun kasi magka-college na nga ako.”
Hindi ako makapaniwala sa
sinasabi ni Harrem. Pero seryoso siya. Alam ko kung kelan nagbibiro at seryoso
ang mokong na ‘to. He’s quitting showbiz!!!
“At isa pa Allison… gusto ko nang tuparin ang totoo kong
pangarap.”
“Ang pag-aastronaut mo?”
“Hindi yun!” Saka siya humawak sa pisngi ko. “Ang
makatuluyan ka.”
Sa sobrang pagkagulat,
nasampal ko siya.
“Aray!!! Bakit nananampal ka Baby A?”
Nakasimangot na siya at hawak ang pisngi niya.
“Eh kasi naman ang cheesy mo!”
“Seryoso ako!!!”
“Kilabutan ka nga Harrem!!!”
“Hindi ka ba kinikilig?”
Ang tagal kong nakasagot. “Hindi.”
Medyo. Oo. Sobra. Pero ayaw ko lang ipahalata.
“Pero seryoso nga ako Allison.”
“Na titigil ka na sa pag-aartista?”
“Na gusto kita makatuluyan.”
Ang tagal ko ulit bago
nakapag-react. Pigil na pigil para hindi mailabas yung kilig. Pero sa huli,
napangiti ako.
Oo na. Kilig na kilig na
talaga ako. Hindi ko naman na kailangang sabihin. Alam na ni Harrem yun. Alam
na rin niya noon pa.
“Kaya sabihin mo na saakin kung saan ka magka-college. Para may
panahon pa ako para makapag-transfer.”
“Sira!!! Hindi na kailangan noh!!!”
Sakto dumating na si Mommy
A. Mas napabilis tuloy ang pagpasok ko sa loob ng sasakyan namin. Mukhang mas
mapapabilis na ang paghihiwalay namin ni Harrem.
Pero bago kami umalis, “Teka Tita A!!!
Wag muna kayong umalis!!!”
“Ano na namang problema niyong mga bata kayo? Nag-away na naman
ba kayo?”
“Hindi po…”
“Tara na Mommy A.” Singit ko sa kanila. “Baka gabihin tayo sa daan.”
“Sandali lang naman Allison!!!”
“Uy Harrem, tignan mo, hinihintay ka na rin nina Tita Reema at
Harrah dun sa sasakyan niyo.”
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Saan ka kasi mag-aaral?” Pero
nginitian ko lang siya. Ang cute niya kapag naasar eh. “Tita A? Tulungan mo nga ako… saan po ba
mag-aaral si Allison?”
“Eh saan ka ba muna mag-aaral ulit?”
“Sa Castle Moore University po.”
“Oh di magkita na lang kayo sa pasukan ni Baby A.”
Pagkasabi ni Mama nun,
napatulala na si Harrem.
Tapos napatingin siya
saakin.
Tulala pa rin siya kaya
naman inilabas ko na ang ulo ko dun sa bintana ng sasakyan. Humawak ako sa
mukha niya at saka ko siya binigyan ng goodbye kiss sa pisngi.
“B… Baby A… ibig sabihin…”
“Ibig sabihin, hindi na lang tuwing summer tayo magkikita.”
Napangiti na siya ng
bongga nun.
Pinaandar na rin ni Mama
ang sasakyan namin at nagsimula nang mag-drive. Kumakaway akong nagpaalam kay
Harrem habang nakasilip pa rin sa bintana. Ganun din si Harrem saakin.
☼ The End ☼
Sa wakas, nakatapos ulit ako ng kwento kahit na short series lamang ito. Maraming salamat po sa pagtyatyaga sa pagbabasa. There will be no Book 2 so wala na sanang magtatanong. Though maaaring magkarron ng ibang kwento yung characters dito.
To God be the glory!!!
Uwaaaaaa! Ancute naman ng ending! Wala akong masabi kasi super super ganda! ancute talagaaa!
ReplyDeleteGusto ko tuloy magkaroon ng summer na ganyan, tas nandun ang hubby ko na si Wonwoo! XD
emerged! the story was so good! parang i need more pa atey! hahaha.. choz! ang cute-cute kasi nila eh.. haha.. i-continue ko na nga lang sa dreamland to.. ^__^
ReplyDeleteMarco Polo xDD
ReplyDeleteNOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!
ReplyDeleteSo sweet. Gusto ko siya kung paano nag end ang story. I wish yung other characters na sinasabi mo na magkaroon ng kwento ay sina Gelica at Renz. Cute kasi ng personality ni Gelica pati mga kapatid niya sina Marco Polo. Hehehe!!!
ReplyDeleteAte Ruijin, bakit ang galing-galing mong magpakilig? Hahaha! Ang galing mo talaga gumawa ng story! Kaya love na love ko na talaga mga story mo! Syempre, pati ikaw! Hehehe. God Bless po! :))
ReplyDeleteSana ako na lang si Harrah (Hannah XD) tapos may story kami ng crush kong si Jean Vic (JV for short) hay... To much daydreaming -.-
ReplyDeletePS Ilang bwan na ba akong hindi nag ba-blog? 4 months?
DeleteAngcute ng story. :D
ReplyDelete