Tuesday, September 17, 2013

Another Summer Sunset : Epilogue

Epilogue
(Allison POV)



7th day of this year’s summer vacation, during sunset, nagkabati na kami Harrem. Ang mga sumunod na araw, naranasan ko na ulit ang saya ng bakasyon. Syempre, magkasama ulit kami ni Harrem at ayos na kami.



Pero dahil nga 2 weeks lang kami dito, dumating din yung time na kailangan na naming bumalik sa kani-kanya naming buhay. For the first time, I wished we can stay longer.



So far, this is the best summer ever. Nakakalungkot na kailangan na naming magpaalam ulit.
















Nagpapack-up na ang lahat sa pag-uwi. As usual ramdam ang lungkot dahil maghihiwa-hiwalay na ulit kami.



Nakita pa nga namin ang parents namin na nagda-dramahan. Ordinaryong eksena na yun para saamin dahil ganun naman sila palagi.



Pero sa huli kasi, babaunin namin yung masasayang alaala namin sa bakasyon na ito. At hello!!! Yearly nga namin itong ginagawa diba? So next bakasyon, magre-reunion ulit kami.



“Babye Baby A!!! Tatawag ka ha! Wag mo kaming kalilimutan sa FB status mo.” Ang drama lang ni Gelica.



“Oo naman. Lagi ko ring iche-check lalo na relationship status mo.” Tapos tinignan ko siya ng pang-asar. “Baka magulat na lang ako, in a relationship ka na with Renz!” Asar ko sa kanya.



Namula naman bigla si Gelica. Ang alam ko kasi, hindi sinasadyang naipagtapat na daw niya pag-ibig niya para kay Renz nung mismong araw na naligaw… este niligaw ako ni Harrem sa gubat.



Kasama silang naghanap saamin nun. And then bigla na lang daw nadulas si Gelica at nasabi niya kay Renz na matagal na nga siyang may gusto sa kanya. Pero sa totoo lang, Gusto ko ngang itanong kung talaga bang hindi sinasadya yun.



“Porket nagka-ayos na kayo ni Harrem, ginagantihan mo na ako ng tukso kay Renz.”



“Ano yun ba’t narinig ko pangalan ko?”



Sabay kaming napalingon ni Gelica dahil nasa likod na pala namin si Renz. Bitbit niya yung ilang gamit nila at mukhang dadalhin na niya sa sasakyan nila.



Tumigil siya sa harap namin. Nagkatinginan sila ni Gelica at ayun, nagkahiyaan pa! Kinilig ako, promise!



Pero parang pareho silang naputulan ng dila, kaya minabuti kong ako na ang maunang magsalita.



“Renz, ingat kayo nila Tito Dan.” Sabi ko. Nananatiling tameme naman sa tabi ko si Gelica kaya siniko ko at nang matauhan. “Gelica!!! Wala ka bang sasabihin?”



“Ah... oo nga. Ingat kayo Renz...”



Nakita kong napangiti si Renz sa pautal-utal na si Gelica. “Sige! Text-text na lang!” Sabi niya saamin. Akala ko nga tutuloy na siya sa sasakyan nila pero bigla siya ulit lumingon. “Gelica, kita na lang rin tayo sa pasukan ha!”



“Oh... oo... sige.” At nagpaalamanan na sila sa harap ko.



Natulala na si Gelica pagkatapos nun. Kung makita niya lang ang itchura niya sa salamin, dinaig pa niya ang mukhang binugbog ng blush-on.



“Gelica, ibig bang sabihin nito, sa parehong university ang papasukan niyo ni Renz ngayong darating na pasukan?”



Tumingin saakin si Gelica at grabe lang ang paggo-glow ng mukha niya. “Oo... nalaman ko lang din kanina.” At saka na niya binuhos ang sobrang kasiyahan.



Feel ko rin ang pagbubunyi niya. Parang nanalo lang sa lotto si Gelica, kaya sinabayan ko siya sa kilig niya.



“Hoy, nababaliw na kayong dalawa jan.”



“Magkikita pa kayo next summer, wag kayong mag-wala masyado.”



Bigla namang dumating ang mga kapatid ni Gelica na sina Kuya Kambal na Marco at Polo. Ni-hug nila ako ng mahigpit at sinabing mamimiss nila ako.



Ganun na din yung nangyari, nang magsilabasan pa yung iba. Handa na talaga ang lahat sa pag-alis. Pwera lang ang isa…



“Baby A!!!” Narinig ko ang boses ni Harrem. Saka lang siya lumapit saakin nang masigurado niyang kaming dalawa na lang. “Ayos na ba nag mga gamit niyo ni Tita A?”



“Kanina pa. Ready na nga kaming umalis eh.”



Ngumiti lang si Harrem. Pero ngiting hindi masaya.



Nauna na akong naglakad papunta sa sasakyan namin. Kasabay ko namang naglakad si Harrem. “Another summer ended. Kalungkot noh?”



“Oo nga. Mamimiss ko ang lahat.”



Medyo mabagal ang paglakad namin. Ramdam ko yung bigat ng hininga namin.



“Baby A…”



“Ano yun Rem-rem?”



Tumigil kami sa paglalakad at saka nagharap.



“Ah wala… kalimutan mo na.”



Muli na lang kaming nagpatuloy sa paglalakad. Pero bigla na lang humawak sa braso ko si Harrem. “Baby A…” And again, natigil kami sa paglalakad.



“Ano bang sasabihin mo Harrem?”



“Ano kasi…” Parang nag-aalangan pa siya. Uso rin pala ang hiya sa lalaking ‘to. “Wag na nga… tara na.” Sa ikalawang pagkakataon, hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin.



Nauna na siyang maglakad at pailing-iling na lang akong nakasunod sa kanya.
Kaso nung ikatlong pagkakataon na. Nung tumigil siya sa paglalakad at saktong nabunggo pa ako sa likod niya. “Baby A kasi…”



“ANO BA HARREM!!! ANO BANG GUSTO MONG SABIHIN?”



“Oh bakit nagagalit ka agad? Ano kasi…”



“At kapag yan, hindi mo pa tinuloy na sabihin, babatukan kita ha.”



“Ito na nga sasabihin ko na!”



Huminga siya ng malalim. Parang nag-iipon ng lakas ng loob. And when he finally got the courage to tell me what he wanted to say…



“Hindi na ako tutuloy sa pag-aartista.”



“ANO?”



“Actually, matagal ko nang plano ito.”



“Alam na ng pamilya mo ang tungkol jan?”



“Yes. Actually, nag-end na ang contract ko sa agency na may hawak saakin. May proposal sana sila na another four-year exclusive contract pero desisyon ko na wag nang tanggapin yun kasi magka-college na nga ako.”



Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Harrem. Pero seryoso siya. Alam ko kung kelan nagbibiro at seryoso ang mokong na ‘to. He’s quitting showbiz!!!



“At isa pa Allison… gusto ko nang tuparin ang totoo kong pangarap.”



“Ang pag-aastronaut mo?”



“Hindi yun!” Saka siya humawak sa pisngi ko. “Ang makatuluyan ka.”



Sa sobrang pagkagulat, nasampal ko siya.



“Aray!!! Bakit nananampal ka Baby A?” Nakasimangot na siya at hawak ang pisngi niya.



“Eh kasi naman ang cheesy mo!”



“Seryoso ako!!!”



“Kilabutan ka nga Harrem!!!”



“Hindi ka ba kinikilig?”



Ang tagal kong nakasagot. “Hindi.” Medyo. Oo. Sobra. Pero ayaw ko lang ipahalata.



“Pero seryoso nga ako Allison.”



“Na titigil ka na sa pag-aartista?”



“Na gusto kita makatuluyan.”



Ang tagal ko ulit bago nakapag-react. Pigil na pigil para hindi mailabas yung kilig. Pero sa huli, napangiti ako.



Oo na. Kilig na kilig na talaga ako. Hindi ko naman na kailangang sabihin. Alam na ni Harrem yun. Alam na rin niya noon pa.



“Kaya sabihin mo na saakin kung saan ka magka-college. Para may panahon pa ako para makapag-transfer.”



“Sira!!! Hindi na kailangan noh!!!”



Sakto dumating na si Mommy A. Mas napabilis tuloy ang pagpasok ko sa loob ng sasakyan namin. Mukhang mas mapapabilis na ang paghihiwalay namin ni Harrem.



Pero bago kami umalis, “Teka Tita A!!! Wag muna kayong umalis!!!”



“Ano na namang problema niyong mga bata kayo? Nag-away na naman ba kayo?”



“Hindi po…”



“Tara na Mommy A.” Singit ko sa kanila. “Baka gabihin tayo sa daan.”



“Sandali lang naman Allison!!!”



“Uy Harrem, tignan mo, hinihintay ka na rin nina Tita Reema at Harrah dun sa sasakyan niyo.”



“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Saan ka kasi mag-aaral?” Pero nginitian ko lang siya. Ang cute niya kapag naasar eh. “Tita A? Tulungan mo nga ako… saan po ba mag-aaral si Allison?”



“Eh saan ka ba muna mag-aaral ulit?”



“Sa Castle Moore University po.”



“Oh di magkita na lang kayo sa pasukan ni Baby A.”



Pagkasabi ni Mama nun, napatulala na si Harrem.



Tapos napatingin siya saakin.



Tulala pa rin siya kaya naman inilabas ko na ang ulo ko dun sa bintana ng sasakyan. Humawak ako sa mukha niya at saka ko siya binigyan ng goodbye kiss sa pisngi.



“B… Baby A… ibig sabihin…”



“Ibig sabihin, hindi na lang tuwing summer tayo magkikita.”



Napangiti na siya ng bongga nun.



Pinaandar na rin ni Mama ang sasakyan namin at nagsimula nang mag-drive. Kumakaway akong nagpaalam kay Harrem habang nakasilip pa rin sa bintana. Ganun din si Harrem saakin.



Sa nalalapit na pasukan, I’m sure we’ll have more sunset moment together.




The End




Sa wakas, nakatapos ulit ako ng kwento kahit na short series lamang ito. Maraming salamat po sa pagtyatyaga sa pagbabasa. There will be no Book 2 so wala na sanang magtatanong. Though maaaring magkarron ng ibang kwento yung characters dito.

To God be the glory!!!




9 comments:

  1. Uwaaaaaa! Ancute naman ng ending! Wala akong masabi kasi super super ganda! ancute talagaaa!

    Gusto ko tuloy magkaroon ng summer na ganyan, tas nandun ang hubby ko na si Wonwoo! XD

    ReplyDelete
  2. emerged! the story was so good! parang i need more pa atey! hahaha.. choz! ang cute-cute kasi nila eh.. haha.. i-continue ko na nga lang sa dreamland to.. ^__^

    ReplyDelete
  3. NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!

    ReplyDelete
  4. So sweet. Gusto ko siya kung paano nag end ang story. I wish yung other characters na sinasabi mo na magkaroon ng kwento ay sina Gelica at Renz. Cute kasi ng personality ni Gelica pati mga kapatid niya sina Marco Polo. Hehehe!!!

    ReplyDelete
  5. Ate Ruijin, bakit ang galing-galing mong magpakilig? Hahaha! Ang galing mo talaga gumawa ng story! Kaya love na love ko na talaga mga story mo! Syempre, pati ikaw! Hehehe. God Bless po! :))

    ReplyDelete
  6. Sana ako na lang si Harrah (Hannah XD) tapos may story kami ng crush kong si Jean Vic (JV for short) hay... To much daydreaming -.-

    ReplyDelete
    Replies
    1. PS Ilang bwan na ba akong hindi nag ba-blog? 4 months?

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^