☼
Chapter 4 ☼
(Allison
POV)
Tinuluy-tuloy ni Harrem
ang pambu-bwiset saakin. Matapos kasi nung swimming pool incident, hindi na
niya itinigil ang panggugulo saakin.
Tuloy ang iniisip ng
parents namin, in good terms kaming dalawa. Iniisip lang nila na nagpapasimuno
lang kami ng kalokohan. Hindi nila alam na nagkakagulo dahil nag-aaway kami.
“Baby A~!”
“Sinasabi ko sayo kapag ako sinimulan mo ulit, matitikman mo
nang hinahanap mo!”
“Naghahanap ako ng ice-cream.” Tapos nginitian
niya ako ng pang-asar. “Matitikman ko ba yun kapag kinulit kita?”
Pinipilosopo niya pa ako
ngayon! Argh!
Konti na lang. Konti na
lang talaga ang natitirang pasensya ko.
“Baby A…” Nung binanggit niya ulit ang pangalan
ko, medyo seryoso na ang tono niya. “Tell me, how can I make it up to you?”
“There’s no way Harrem…”
“Why won’t you forgive me?”
“Forgive you? Yun lang? Okay fine! Sige pinapatawad na kita!”
hinarap ko siya at kinuha ko yung kamay niya at nakipagshake-hands sa kanya.
Pero agad ko rin itong binitawan. “Oh ayan ha! Masaya ka na?”
“This is not what I meant Allison. Alam ko na hindi pa rin tayo
okay.”
“There’s no way we can be the same again!”
“Pero bakit?”
“Because you ruined my trust. You ruined our friendship. Wag
mong ipilit saakin na mangyari ulit yung mga panahon na bata pa tayo.”
Napakurap lang siya sa
sinabi ko. Masakit sa part ko, hindi ko alam sa part niya. Pero sana maramdaman
niya na ganun kasakit yung ipinaramdam niya saakin noon kaya ako nagkakaganito
ngayon.
“Hindi mo na maibabalik yung dati.”
And that was my last words
bago ko siya iniwan.
Hindi na rin niya ako
sinundan nun.
Sa wakas natigil na rin
ang epal sa bakasyon ko.
Mabuti na lang nangyari
yung usapan namin nayun. At least ngayon alam na ni Harrem ang papel niya.
Dumistansya na siya
saakin. Hindi na niya ako kinukulit tulad ng mga ginawa niya saakin nung mga
nakaraang araw.
At masaya ako.
Masayang-masaya. Gaano kasaya?
“Ay… panay ang dikit nina Shamae at Lucia kay Harrem oh!”
Siniko ako ni Gelica habang nakatingin sa direksyon nila Harrem. “Hindi ka ba
nagseselos Baby A?”
“Oh please! Bakit naman ako magseselos?” Saka
ako umirap.
“Dahil alam ko kahit na hindi mo sabihin, namimiss mo ang
kakulitan ni Harrem.”
“Juskopo! Sinusumpa ko na nga yang kaepalan niya eh!”
“Kahit na madalas kang mag-sungit, there’s a certain glow in
your face sa atensyong binibigay niya sayo.”
“Pwede ba Gelica, walang glow! Kung maggo-glow man, dahil yun sa
inis!”
Tinaasan lang ako ng kilay
ni Gelica. Ayaw maniwala! “Aber? At bakit hindi ka makatingin sa kanya ngayon?”
“Tingin lang ba?”
At tinignan ko nga si
Harrem. Tinignan ko siya habang masayang nakikipag-usap kina Shamae at Lucia.
Tinignan ko siya habang galak na galak at nakikipag-harutan pa.
Ilangs andali pa,
nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Hindi ko alam kung bakit, pero masakit.
“Nakakainis! Nakakainis talaga pagmumukha niya! Hay naku hindi
ko kinakaya!!!” At napa-paypay na lang ako.
Natawa naman saakin si
Gelica. “Naiinis
sa pagmumukha niya o naiinis dahil nagseselos ka?”
“Ewan ko sayo!”
Pati tuloy si Gelica
nasusungitan ko.
Nag-walkout na lang ako,
baka kung ano pang masabi ko eh.
But at the back of my
mind, napaisip ako.
All those years that I
didn’t hear any single word from him, those times na nakikita at nababalitaan
kong nail-link siya sa kung kani-kaninong babae, and the fact that he stopped
joining us during summer vacations… that’s enough reason to hate him. Right?
But…
“Is it really enough to stop loving him?”
End of Chapter 4
Ewan ko sa'yo Allison. Itanong mo sa pagong! Suplada!
ReplyDeletehahaha
Deletebitin! next update po.. sungit ni allison!
ReplyDeletewooSsh,,, iNLuV p diN yAn c aLLisOn kei hArreM,,, in deniaL LNg,,,
ReplyDelete